You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN

Baitang 8

I. LAYUNIN

a. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan


ng Luzon.

b. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita tungkol


sa kanilang sariling lugar.

c. Kasanayang Pampagkatuto
 Nailalahad nang mabisa ang mga pangyayari at kaisipan ukol sa paksa.
 Naisasagawa ng iba’t ibang gawain hinggil sa paksang tinalakay.
 Naipakikita ang kawilihan at pagpapahalaga upang makisangkot sa klase.

II. NILALAMAN

a. Paksa
- Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan
(Ang Gintong Habihan, pahina 68-71)

b. Kagamitang Pampagtuturo
Sipi ng akdang “Ang Ambahan ni Ambo”, Kartolina, Pentel Pen at yeso.

c. Estratehiya
 Malayang talakayan
 Pangkatang Gawain
(Multiple Intelligence)

III. PAMAMARAAN

a. Pagsasaayos ng klase

( Panalangin, pagbati, pagpupulot ng kalat, pagsasaayos ng upuan at pagtiyak ng


liban.)

b. Paglalahad ng layunin
(Pagpapabatid sa klase ng layuning dapat matamo sa pagtatapos ng aralin.)
c. Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin
(Ang klase ay aawitin ang kantang “O Kay Liit ng Mundo” na lalapatan ng galaw
sa pangunguna ng guro. Pagkatapos, tatalakayin sa klase ang diwa ng kanta at
kung paanong ang awitin ay may malaking kaugnayan sa papel ng mga tauhan at
daloy ng pangyayari sa kuwento.

d. Talakayan

(Magkakaroon ng dugsungang pagbubuod sa akdang “Ang Ambahan ni Ambo”. Pagkatapos


mailahad ang mga pangyayari ay sasagutan ang mga sumusunod na katanungan.)

1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.


2. Bakit nagtungo sa Pilipinas ang pamilya nila Jack at Anne?
3. Nagtagumpay ba ang layunin ng pamilya sa ginawang pagtungo sa bansa?
4. Paano nakatulong sa pagpapalawak ng kanilang karanasan ang pagpunta nila Jack at
Anne sa Mindoro?
5. Sa inyong palagay, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang suliranin ng mga kapatid
nating Mangyan na inilahad sa kuwento? Magbigay ng patunay.

(Ilalahad ng guro ang dalawang ambahan na makikita sa maikling kuwento. Ipababasa ito sa
mga mag-aaral at magkakaroon ng kaunting talakayan hinggil sa akdang pampanitikang ito. )

e. Paglinang sa kabihasaan
(Papangkatin ng guro sa apat ang mga mag-aaral.)
 Unang Pangkat – Pagsasagawa ng isang tableau mula sa isa sa mga mahahalagang
pangyayari sa kuwento..
 Ikalawang Pangkat – Pagguhit ng tagpuan sa kuwento at maikling paglalarawan dito.
 Ikatlong Pangkat – Pagsasadula ng isang sitwasyon na nagpapakita ng paghahambing sa
pagitan ni Ambo o ng mga Mangyan at ang pamilya nina Jack at Anne.
 Ikaapat na Pangkat – Pagsasagawa ng madulang sabayang pagbasa o kaya naman ay
pagbigkas sa dalawang ambahan na binigkas ni Ambo.

(Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon upang mangasiwa sa pagmamarka ng


presentasyon ng kapwa kamag-aaral sa pamamagitan ng inihandang rubrics ng guro.)

f. Paglalahat ng aralin

Tungkol saan ang maikling kuwentong binasa at paano nito ipinakilala ang bukod tanging
panitikan ng mga Mangyan?

g. Paglalapat

Bilang isang Mindoreño, paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit at paggalang


sa napakayamang kultura ng mga kapatid nating katutubo?

h. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

- Napagdesisyunan ng mag-asawa na umuwi sa Pilipinas at pumuntang Mindoro kasama


ang dalawang anak.
- Dumalo ang mag-asawang Pete at Tet sa Solidarity Congress na idinaos sa San Francisco,
California.
- Isinama ni Ambo sina Jack at Anne sa gubat.
- Nakilala nina Jack at Anne si Ambo.
- Napagdesisyunan ng tatlong bata na bumalik sa kapatagan.
- Nagpaalam na ang mag-anak sa tribo upang muling bumalik sa kabayanan.

IV. KASUNDUAN

Basahin ang maikling kuwentong “Nemo ang Batang Papel” ni Rene O.


Villanueva. (Ang Gintong Habihan, pahina 77-79)

RUBRIKS

5 4 3 2 1
Nilalaman Nasagot nang Nasagot nang Nasagot ang lahat Nasagot ang halos Nasagot ang iilang
mahusay ang mahusay ang halos ng katanungan. lahat ng katanungan. katanungan.
lahat ng mga lahat ng
katanungan katanungan.

Presentasyon Buong husay na Naipaliliwanag ang Naipaliliwanag ang Naipaliliwanag ang Naiipapaliwanag
naipaliliwanag mga kasagutan kasagutan sa klase. halos lahat ng ang iilang
ang kasagutan nang mabuti. kasagutan sa klase. kasagutan sa klase
sa klase.
Pagkakaisa Naipamamalas Naipamamalas ng Naipapamalas ang Naipapamalas ang May pagkakanya-
ng buong halos lahat ng pagkakaisa ng mga pagkakaisa ng iilang kanya ang bawat
miyembro ang miyembro ang miyembro. miyembro. isang miyembro
pagkakaisa. pagkakaisa.

Takdang Natapos ang Natapos ang Natapos ang gawain Natapos ang gawain Hindi natapos ang
Oras gawain nang gawain nang buong sa loob ng ngunit lumampas ng gawain.
buong husay sa husay ngunit itinakdang oras. 5 minuto.
loob ng lumampas ng 2
itinakdang oras. minuto sa
itinakdang oras.

Inihanda ni:

Alexa Mae G. Marchina

IV-A2 Filipino

You might also like