You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 3

Prong 1: Genuine Love for Reading (GLR)


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan na
a. matutukoy ang mga pangyayari sa kwentong binasa
b. maiprepresenta at aktibong makikilahok sa bawat aktibidad na inihanda at;
c. maisasaayos o maiuugnay ang pangngalan gamit ang pangungusap

II. Paksang Aralin


Napiling Kwento: Ang Langgam at si Tipaklong
Sangguniang Aklat: Mga Kwentong Bayan, by Virgilio S. Almario | Goodreads.Jan 1, 1981

III. Kagamitang Pampagtuturo


 Curriculum Guide
 (Kwento)https://www.mgakwentongbayan.com/si-langgam-at-tipaklong/?
fbclid=IwAR25aH12ruZlIAFIttCG7JV5sH3mrvQQAvaWc-ES_PLMDmHCZ0_hnuJTk-8
 https://youtu.be/63czT0YoNok (Kamusta Video)
 Flash card, visual aids, larawan, laptop, speaker, projector

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Pagbati
Magandang hapon mga bata, Magandang hapon din po,

Ako nga pala si teacher kiana at kasama ko ang


aking mga kapwa guro para sa ating talakayin Opo,
ngayong araw, handa na ba kayo mga bata?

Panalangin
Ngayon bago tayo magsimula tayo muna ay (mananalangin) amen.
malanagin maari mob a kaming pangunahan
binibining lucava

Ngayon naman bago kayo magsi upo ay mayroon


kaming ituturo sa inyong kanta at sayaw na Opo
inihanda, handa na ba kayo?

Ngayon ituturo muna ni teacher ng mabagal, at


pagkatapos kong ituro sainyo sabay sabay natin Opo
sasayawin at kakantahin. Naunawaan ba?

‘’Kamusta ka, halina’t magsaya


Ipalakpak ang kamay ituro ang paa
Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa
Umikot ng umikot at humanap ng iba.’’
Ngayon naman sabayan natin ng may tugtog.

Mahuhusay mga bata! Maari na kayong magsi upo

Ngayon naman ating talakayin ang ibat ibang mga salita.


1. Aktibidad Bago Mag-Basa
A. Paghahawan ng Balakid
 Lumukso - tumalon
 Mag impok – pag iipon. Tatawag ang guro ng nais na magbasa at pagkatapos
 Butil – maliit at matigas na buto ng ipapaliwanag ng guro ang kahalagahan nito.
halamang tulad ng mais, palay
 Pinasan – binuhat
 Ginaw na ginaw – nilalamig
 Magkasalo – Magkasabay kumain

Ngayon naman ay may ituturo muli si teacher ito ay ang


galing clap. Ako muli ang magpapasimula at pagkatapos
ay sabay sabay natin muli ito gawin (1,2 ang galing, 1,2
ang galling, 1,2,3 ang galing)

B. Paglalahad ng Layunin
i. Pangkabuuang Tanong:
 Kung ikaw ang tatanungin nais mo bang
Maging masipag po,
maging masipag o tamad na bata?

ii. Motibong Tanong:


Opo, hindi po
 kilala nyo ba si tipaklong at si langgam?
Si langgam po ay maliit, si langgam po ay masipag.
 Ano ano kaya ang mga katangian ng
langgam? Ano naman ang katangian ng Si tipaklong po ay insekto na tumatalon o lumulundag
tipaklong

2. Habang Nagbabasa

Unang babasa ang guro habang inaakto ito Babasahin ang kwento
susundan naman ng tatawaging mag aaral at sa
kahulihan ay babasahin ng lahat

Panuto: Gamit ang kahon na inihanda ibibigay


ito sa mag aaral habang may tugtog kinakailangan
sumayaw ng lahat ng mag aaral habang pinapasa
ito at sa oras na huminto ang tugtog ang mag
aaral na may hawak ng kahon ay pupunta sa
unahan.

Prong 2: Critical Thinking Posibleng mga kasagutan:


1. Aktibidad Matapos Basahin
A. Tanong Bago Makipag-Ugnayan
i. Mga motibong tanong
Ayan matapos natin marinig ang binasang
kwento ni Teacher Kiana,
1. Ano nga ulit ang pamagat ng kuwento na Ang Langgam at si Tipaklong
inyong binasa?

2. Sa iyong palagay anong katangian ang Masipag po.


ipinamalas ni langgam? Mabait po

3. Ano naman ang ipinakitang ugali na mayroon Pagiging tamad po


si tipaklong Paglalaro

4. Sa binasang kwento ano ang iyong paboritong Depende sa mag aaral na nais sumagot
pangyayari?

B. Aktibidad sa Pakikipag-Ugnayan
Para sa inyong aktibidad, maggu-grupo kayo sa
dalawang pangkat

Panuto: Gamit ang pictures puzzle na inihanda ng guro


kinakailangan nilang mabuo ito at maisaayos sa loob ng
tatlong minuto lamang Magprepresenta sa unahan at
isasagawa ang larawan ng kanilang grupo Ang unang
makakagawa ang siyang mananalo.

Prong 3: Grammar and Oral Language Development

A. Pamamaraan
1. Balik- Aral
i. Batay sa ating nakaraang tinalakay, ano nga ulit Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na
ang Pandiwa? nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao,
bagay o hayop.
ii. Batay sa kwentong inyong binasa ni teacher
Kiana, sino-sino ang tauhan sa kwento? Si langgam po at si tipaklong

2. Panimula

Panuto: Hayaang basahin ng mag-aaral ang mga


pangungusap na nakuha sa kwento. At tukuyun
ang pangngalan.
1. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang 1.Tipaklong
kaawa-awang Tipaklong
2. Pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni 2. Tipaklong, Langgam
Langgam
3. Lumipas pa ang maraming araw, dumating na 3. Tag ulan
ang tag-ulan.

3. Paglalahad
i. Tatawag ang guro ng magbibigay ng halimbawa
ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o (Magbibigay ng kani-kanilang gawain)
pangyayare.

Alam niyo ba kung ano ang tawag sa inyong mga Hindi, opo
binanggit?

ii. Ang Pangngalan ay salita o bahagi ng


pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop, at pangyayari

Mga Halimbawa:
 Pulis
 Upuan
 Biik/baboy
 Simbahan
 Pasko

Dapat Tandaan:
 Ang Pangngalan ay salita o bahagi ng
pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop, at pangyayari
 Nagagamit natin ito sa paggawa ng mga maayos
na pangungusap.
 Ginanamit ito upang maintindihan natin ng
maayos ang ating kausap.

Nauunawaan ba ninyo ang ating aralin?


Opo
Mahusay!

Ngayon naman ay may inihandang mga salita ang


guro na syang tutukuyin ng mga bata at ilalagay Opo Ma'am.
sa pisara kung saan nabibilang ang mga salita.

Panuto: Tukuyin kung ang salita ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari (ididikit ng bawat isang mag aaral ang mga salita sa
pisara)
TAO BAGAY LUGAR HAYOP PANG-
YAYARI
Jose Bag Pamilihan Pusa Pasko
Guro Sapatos Simbahan Aso Kaarawa
n
Doktor Walis Ospital Baka Bagong
Taon

Mahusay mga bata!

Bigyan ninyo ng ang galing clap ang inyong mga


sarili

4. Pagsasanay

Panuto: Tukuyin ang mga pangngalan sa mga


pangungusap.

1. Umiiyak ang bata. 1. Bata


2. Bukas ang aking kaarawan. 2. Kaarawan
3. Pumupunta kami sa paaralan araw araw 3. Paaralan
4. Siya ay may alagang aso 4. Aso
5. Ang guro ay masayang nagtuturo. 5. Guro
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na Pangalan
upang mabuo ang mga pangungusap.

Lapis Carmela Tatay Canteen


Palengke

1. Nilinis ni Carmela ang kanyang sapatos


1. Nilinis ni _____ ang kanyang sapatos. 2. Doon kami kumakain sa canteen
2. Doon kami kumain sa _____ 3. Si tatay ay kumakain ng hapunan
3. Si _____ ay kumakain ng hapunan. 4. Lapis ang ginagamit kong panulat
4. ____ ang ginamit kong panulat. 5. Nagpunta kami sa palengke noong isang araw
5. Nagpunta kami sa _____ noong isang araw.

Prong 4: Transfer Stage


A. Pamamaraan
1. Panimula
Pagtatanong ng guro sa mga bata:
 Sa inyong palagay, dapat bang gayahin si Mga inaasahang sagot:
langgam? bakit? Opo, dahil sya po ay nagging masipag

 Kung ikaw si tipaklong, gagayahin mo Hindi po, dahil tamad po siya


din ba ang kanyang ugali?

2. Paglalahad
Para sa ating aktibidad, may larawan si
teacher na inihanda ako ang
magpapasimula ng kwento, at inyo
naman itong susundan ngunit gamit ang
pangngalan na makikita sa larawan.
Handa na ba kayo? Opo

Okey, tayo ay magsimula na


1. Isang araw gumising ng maaga si
mila upang magpacheck up, maari Ang mga mag- aaral ay magsisimulang mag isip ng
mo bang ituloy ang kwento gamit mga salita at pangungusap na iuugnay sa larawan.
ang nakikita mong larawan? (nars)
2. Ngunit biglang umulan ng malakas
ituloy ang kwento (paying)
3. Sa kanyang pag uwi habang siyay
naglalakad may napansin siya sa
puno, ituloy ang kwento (kwago)

3. Pagsasanay
Panuto: Isulat kung ito ay ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari ang salita
1. Paaralan _______
2. Aklat _______  Lugar
3. Aso _______  Bagay
4. Silid _______  Hayop
5. Papel _______  Lugar
 Bagay

V. Takdang - Aralin
Panuto: Gumuhit ng larawan na makikita sa inyong tahanan na tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, lugar at
pangyayari.

Inihanda nina: Isusumite kay:


Calaminos, Zyrish Kiana C. G. Ronilo Adao
Asendido, Jaicel Anne U.
Tapao, Maria Angela G.
Avanzado, Trisha A.

Ang Langgam at si Tipaklong


Ni Virgilio S. Almario
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto
siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya.

Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa
kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

Tipaklong:“Magandang umaga kaibigang Langgam,” bati ni Tipaklong. “Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba
wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

Langgam:“Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon,” sagot ni Langgam.
Tipaklong:Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon, tayo
ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta.”

Langgam: “Ikaw na lang kaibigang Tipaklong,” sagot ni Langgam. “Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda
ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang
panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa
rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na
ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang si
Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso.
Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

“Tok! Tok! Tok!”

Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya

Langgam:"Aba! Ang aking kaibigan,” wika ni Langgam. “Tuloy ka Tipaklong.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at
magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

Tipaklong:“Salamat, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga
palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama nasiya ng
kanyang kaibigang si Langgam.

Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.

You might also like