You are on page 1of 9

Division of City Schools

MANUEL L. QUEZON ELEMENTARY SCHOOL


Caloocan City

MASUSING BANGHAY-ARALIN sa FILIPINO 2


T.P. 2020-2021

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang kakayahan at tatas ng pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin sa mga nabasang teksto

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/ Layunin

1.Kasanayang Pampagkatuto

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng mga
larawan, pamatnubay na tanong at story grammar
(F2PS-lg-6.1; F2PS-Ilg-6.4; F2PS-lIIi-6.3)

2. Pagwawari at Pagpapahalaga

Naipamamalas sa araw-araw at sa anumang gawain / pagkakataon ang pagiging kuntento sa kung


sa buhay / sarili, gayundin ang pagkakaroon ng tatas sa pagsasalaysay

II. Paksa

Muling Naisasalaysay ang Kuwento


Teksto: Ang Pagong at Ang Agila

III. Mga Kagamitan

A. Sanggunian
K-12 MELC Ikalawang Markahan, Ikawalong Linggo
B. Iba pang kagamitan sa pagkatuto
Mga Larawan, maikling kuwento, Powerpoint PresentaTion, Video Presentation
Google Meet, Facebook Messenger Generated Link
C. Integrasyon: MATEMATIKA, ESP, AP
IV.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimula
Ang mga piling mag-aaral ay magpapaligsahan sa
Maglaro Tayo!
pagbuo ng pasel sa tulong ng mga bilang at sa hudyat na
Panuto: Pagsunod-sunurin ang bilang guro.
upang mabuo ang pasel.

4 2

1 3

B. Pagganyak

Inaasahang sagot:
Tanong:
Sa nabuong pasel, ano ang * Pagong at Agila ang nakalarawan sa nabuong pasel.
nakalarawan?

May kaugnayan dito ang tekstong


babasahin / pakikinggan sa araw na
ito.

Ngunit bago tayo magpatuloy ay


bigyan muna natin ng kahulugan ang
ilang salita mula sa teksto.

TALASALITAAN Inaasahang sagot:

Panuto: Piliin sa loob ng pangungusap ang


kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa
bawat bilang.
1.Tulala siya ngunit ang saglit na *Tulala - saglit na pagkamangha
pagkamangha niya ay nawala nang makita
ako.

2.Nais niyang lumipad sa himpapawid


upang makita mula sa kalangitan ang *himpapawid - kalangitan
kabundukan.
3.Hindi siya makuntento, wala siyang
kasiyahan ng loob kung anong meron siya. *makuntento – wala siyang kasiyahan

Mahusay!

Narito ang tanong na sasagutin ninyo


pagkatapos mabasa/ mapakinggan ang
pabula.

Pagganyak na tanong:
Ano-ano ang pangyayari sa binasa / Babasahin ng mag-aaral ang pagganyak na tanong.
napakinggang teksto?

Ngayon, sa ating pagpapatuloy, ano - ano Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng ilang
ang pamantayan sa mabuting pagbasa, pamantayang dapat nilang isagawa kaugnay ng gawain.
pakikinig at pagsasalita na dapat isagawa ng
lahat? *Basahin o bigkasin ang mga salita sa pangungusap nang
wasto at may katamtamang lakas.
*Makinig nang mabuti upang maunawaang lubos ang
binabasa.
*Magsalita nang maayos at malinaw upang maintindihan ng
mga nakikinig.

C. Paglalahad ng Aralin
Ang mga mag-aaral ay matamang makikinig sa
Pagkukuwento ng guro sa tulong ng mga
pagkukuwento ng kanilang guro.
larawan.

Estratehiya: Framing Activity

Si Pagong at ang Agila


D. Pagtalakay ng Aralin / Binasa 6
Estratehiya: Story Worm

3 Sa bahaging ito, pupunan ng mga mag-aaral ang bawat


bahagi ng Story Worm sa tulong ng mga pamatnubay na
2 tanong.

1 Inaasahang sagot ng mga mag-aaral:

1. Ano ang pamagat ng kuwento? *Ang Pagong at Ang Agila, ang pamagat ng kuwento.

2. Sino - sino ang tauhan sa kuwento? *Sina Pagong at Agila ang mga tauhan sa kuwento.

3.Saan naganap ang mga *Naganap ang pangyayari sa himpapawid.


pangyayari?

4. Ano ang unang pangyayari sa *Nakita ni Agila si Pagong na tulala at nakatingin sa


kuwento? himpapawid.

*Hiniling ni Pagong na ilipad siya ni Agila dahil nais niyang


5. Ano ang sumunod na pangyayari?
maging katulad nitong nakalilipad sa kalangitan.

*Inilipad ni Agila si Pagong gamit ang kanyang mga paa


ngunit binitiwan ni Agila si Pagong nang marating ang
himpapawid.

*Si Pagong ay bumagsak at napag-isip-isip niyang dapat ay


6. Paano nagwakas ang kuwento?
nakuntento na lamang ito sa kung anong kakayahan
mayroon siya at hindi dapat naiinggit sa iba,

Ngayon, isalaysay muli ang kuwento ayon sa


Isasalaysay na muli ng mag-aaral ang tekstong binasa/
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari rito.
napakinggan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
Tandaan:
Ang Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa binasa/ napakinggang teksto /
kuwento ay isang paraan ng Pagbubuod.
Lubos na makatutulong ito upang ang
mahahalagang detalye o impormasyon sa
teksto ay maunawaan nang mabuti.
Sa pagsasalaysay na muli ng teksto o
kuwento, kailangang isaalang-alang ang mga
sumusunod:
Simula, Gitna, Wakas

Sa simulang bahagi, ipakilala ang mga


tauhan at tagpuan sa kuwento. Sa gitnang
bahagi isalaysay ang suliraning
kinakaharap ng tauhan. Kailangang
masagot ang mga tanong na: ano ang
kapanapanabik na bahagi ng kuwento?
Sa wakas na bahagi ay banggitin kung
paano nalutas ang problema o suliranin sa
kuwento.

Tagpuan
Tauhan
Alamin kung
Kilalanin kung sino-
saan at
sino ang
kalian
pangunahing
naganap
tauhang gumanap
ang kuwento
sa kuwento

Maisasagawa ang maayos na


pagsasalaysay muli ng mga pangyayari batay
sa tekstong binasa/ napakinggan sa tulong ng
mga larawan,mga pamatnubay na tanong, at
mga story grammar.

E.Paglalapat Inaasahang sagot ng mga mag-aaral:


Gawain 1: Sa Aking Pagsagot ng Modyul ( Tanggapin ang iba pang sagot ng mga mag-aaral na
Panuto: Sagutin ang mga pamatnubay na malapit sa pamatnubay na tanong.)
tanong sa ibaba kaugnay ng pagsagot mo sa
iyong modyul.
Isalaysay na muli nang may wastong
pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari. Isasalaysay na muli ng mag-aaral ang mga pangyayari
Gawing gabay ang mga pamatnubay na batay sa pagsagot ng modyul.
tanong.

1.Ano ang una mong ginagawa bago *Una kong ginagawa ay inihahanda ko ang aking sarili bago
ka sumagot ng modyul? isagawa ang pagsagot sa modyul.

2.Ano-ano ang sumunodmongginawa? *Sumunod, ihahanda ko ang modyul na aking sasagutan.

*Pupunta ako sa lugar na maayos kong maisasagawa ang


aking pag-aaral/ pagsagot sa modyul.

*Babasahin kong mabuti ang mga teksto, panuto at mga


gawain sa modyul.
3.Paano mo tinatapos ang pagsagot sa iyong *Tinatapos ko ang pagsagot ng aking modyul sa
modyul? pamamagitan ng pag-intindi sa aralin nang mabuti at
paghingi ng tulong sa magulang kung may hindi
nauunawaan sa araling nasa modyul.

4.Ano ang panghuli mong ginagawa? *Ang huli kong ginagawa ay ililigpit ko ang modyul na
natapos kong sagutan at ihahanda ito sa oras at araw ng
Mahusay! pasahan.

Gawain 2: Ang Lobo at ang Puno ng Ubas


PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari sa ibaba batay sa mga
nakalarawan. Lagyan ng titik A-E ang patlang.
Pagtpos ay muliitongisalaysay.

Inaasahang sagot ng mga bata:

__1.Napagod at sumuko ang lobo at __E__1.Napgod at sumuko ang lobo at malungkot na lumayo
malungkot na lumayo sa puno. sa puno.
__2. Inabot ng gutom sa kagubatan ang lobo. _A__2. Inabot ng gutom sa kagubatan ang lobo.
__3.Lumundag ang lobo upang sakmalin ang _C__3.Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang
isang bungkos ng hinog na ubas. bungkos ng hinog na ubas.
__4. Nakakita ang lobo ng isang puno ng ubas __B__4.Nakakita ang lobo ng isang punong ubas na hitik sa
na hitik sa bunga. bunga.
__5.Paulit-ulit na lumundag ang lobo upang __D__5.Paulit-ulit nalumundag ang lobo upangmaabot ang
maabot ang ubas. ubas.

Ngayon,sa tulong ng mga larawan, isalaysay Sa pamamagitan ng mga larawan ay muling isasalaysay
ngang muli ang mga pangyayari sa kuwento? ng mag-aaral ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod nito.

Inaasahang sagot:
F. Paglalagom
Paano maisasalaysay muli nang sunod- *Maisasalaysay muli ang mga pangyayari nang may
sunod ang mga pangyayari sa tekstong binasa wastong pagkakasunod-sunod mula sa binasa o
o napakinggan? napakinggangteksto sa tulong ng mga larawan, mga
pamatnubay na tanong, paggamit ng story grammar.
G. Pagtataya
Panuto: Basahin ang teksto at isalaysay na
muli ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari nito. Gawing gabay ang Bone
story sa ibaba.

Teksto:
Ang Sakim na Aso

Isang araw sa pamamasyal ng asong si Max


ay nakakita siya ng buto at agad niya itong
kinuha. Dahil sa kasakiman ay naghanap siya
ng lugar kung saan niya kakainin ang buto
nang walang makaaagaw nito. Napadaan
siya sa tulay na kahoy at napatingin siya sa
tubig ng ilog. Nakita niya ang kanyang sarili.
Inakala ni Max na ang asong repleksyon niya
ay ibang asong may buto rin sa bibig. Dahil sa
kasakiman at gusto niyang makuha ang buto
sa asong kanyang nakita ay tinahulan niya ito.
Sa pagbuka ng kanyang bibig ay nahulog sa
ilog ang butong kagat-kagat nito. Galit na
galit si Max nang mawala ang kanyang buto.
Sa pagnanais na makuha ang hindi sa kanya
ang sakim na aso ay nawalan kung anong
meron siya. Inaasahang sagot:

*Ang Sakim na Aso (pamagat)

*Nakakitasi Max ng buto. (simula)

tauhan tagpuan
Pamagat *Kinuha ni Max ang buto at nakarating siya sa tulay at doon
ay nakita niya ang kaniyang sarili o repleksyon. (gitna)

*Sa kagustuhan niyang makuha ang buto sa nakitang aso,


simula tinahulan niya ito ngunit nahulog ang dala-dala niyang buto.
(wakas)

gitna

Hayaang isalaysay na muli ng bata ang mga pangyayari sa


kuwento sa pamamagitan ng Bone Story.
wakas
Magaling!

H.Karagdagang Gawain at/o


Pagpapahusay
Panuto: Sagutan ang Ladder organizer
hinggil sa mga naging pangulo ng Pilipinas.
Gawing batayan ang gabay na tanong sa
ibaba at humandang isalaysay ito nang
sunod-sunod ayon sa kanilang pamilang.

Pamatnubay na Tanong: Inaasahang sagot ng bata:


Sino ang naging ____ ng Pilipinas?

Ang unang naging pangulo ng Pilipinas ay si Emilio


Ikalabing –anim na
Aguinaldo. Si Jose P. Laurel naman ang naging ikatlong
Pangulo
pangulo ng bansa. Ang naging ikalimang pangulo ng
Pilipinas ay si Manuel A. Roxas. Si Ferdinand E. Marcos naman
Ikasampung Pangulo ang ikasampung naging pangulo ng ating bansa. Ang
ikalabing-anim na pangulo naman ng ating bayan ay si
Rodrigo Roa Duterte.
Ikalimang Pangulo

Ikatlong Pangulo

Unang Pangulo
Inihanda ni:

RITCHEL Y. MASIGLAT
Guro sa Filipino 2

Binigyang-pansin nina:

MARIE FE B. MARCELINO
MT-1/ Pampaaralang Tagapag-ugnay sa FILIPINO

FLORDELIZA M. BOLANIO
Dalubguro sa Asignaturang FILIPINO

Pinagtibay nina:

MOISES R. TAMONDONG
Punongguro IV

Dr. CYNTHIA THEA C. ARELLANO


CND III PSDS

You might also like