You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
School division of Tarlac Province
Gerona North District
Magaspac Elementary School
S.Y 2023-2024

I. Layunin: :
Sa pagtatapos ng aralin. Ang mga mag-aaral ay Inaasahang:

a. Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap (CG CODE: FSWG-Ili-j-8)

II. Paksang-Aralin:

Paksa: Pagsasabi ng Simuno at Panag-uri sa Pangungusap

Sanggunian:
MELC 2020, Kagawaran ng Edukasyon. Binagong Ortograpiya sa Wikang Filipino,
Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyon 2013, Manila. Agarrado, Patricia Jo C., et al,
Alab Flipino 5 Batayang Aklat, Quezon City, Vibal Group, Inc., 2016. Pp. 160-164
ALAB FILIPINO 5, Batayang Aklat.

Kagamitan:
Visual Aids

Pagpapahalaga:
Kahalagahan ng wastong paggamit ng simuno at panag-uri

III.Pamamaraan:
Gawaing guro Gawaing mag-aaral

A. Panimulang Gawain

➤ Magandang Buhay Mabuting tao.. Magandang buhay mabuting tao!


Teacher Joe mar!

Kumusta na araw ninyo ngayon? Mabuti naman po.

➤ Handa na ba kayo para sa ating aralin sa Opo, handa na po kami.


araw na ito?
1. Panalangin.

Pero bago tayo magpatuloy sa ating aralin, (mananalangin ang mga bata)
tayo muna ay manalangin.

Mga bata umupo kayo ng maayos at


makinig mabuti.

2. Pagtala ng lumiban at di lumiban sa


klase

➤ Mga bata sino-sino ang lumiban ngayon wala po lumiban sa ating klase.
sa ating klase?

➤ Magaling!

3. Balik-aral

➤ Bago tayo magtungo sa ating bagong


aralin, tayo muna ay maglaro ng
jumbled letter

Nakikita ba ninyo ang mga salita.


Isaayos ang mga letra upang makabuo
ng isang salitang pang-uri.

1.ADNAGAM MAGANDA

2.OGNABAM MABANGO

3.IKALAM IKALAM

4.AGTILGANA NAGAGALIT

5. YAINMAIII MAHIYAIN

4. Pagganyak

Magaling mga bata, nabuo ninyo ang


mga salitang pang-uri.

Ngayon naman ay gagamitin naman (Gagamitin ng mga bata ang mga salita sa
natin ito sa pangungsap. pangungusap )

➤ Magaling mga bata!


B. Paglalahad:
Pagsasabi ng Simuno at Panaguri sa
Pangungusap.

C. Pagtalakay sa Aralin

Ngayon naman mga bata para sa ating


bagong aralin nagyon ay tungkol sa
Simuno at Panaguri.

Ano ang Simuno?


Ang simuno ay tumutukoy sa tao, hayop, bagay,
o konsepto na gumagawa ng aksyon o
nagtataglay ng katangian na inilalarawan ng
panag-uri sa pangungusap.
Mahusay! Ito ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.

At ano naman ang Panaguri?


Ang panaguri naman ay nagsasaad ng aksyon,
katayuan, o katangian ng simuno. Ito ay
maaaring maging isang pandiwa na nagsasaad ng
aksyon, o isang pang-uri o pang-abay na
nagsasaad ng katangian o katayuan ng simuno.

Magaling! Ito naman ang naglalarawan o


nagbibigay impormasyon sa Simuno.

Ngayon naman ay tumingin tayo sa pisara,


basahin ng sabay-sabay at alamin kung ang
bahaging may salungguhit ay simuno o
panaguri.

1. Malaking tulong ang mga modules sa mga


mag-aaral.

2. Ang ASF ay isang krisis sa mga alagang Sabay-sabay na magbabasa ang mga bata at
baboy. tutukuyin ang simuno at panaguri.

3. Nagkakaisa ang mga magulang, mga guro,


at mga pamahalaan pra maitaguyod ang
edukasyon sa bansa.

4. Ang cellphone ay isang uri ng teknolohiya


na mahalaga sa mga mag-aaral sa
kasalukuyang panahon.

5. Ang pagiging positibo ay mahalaga


anuman ang hamon sa buhay.

D. Paglalapat ng Aralin:

Mahusay mga bata! Tatawag ako ng isang


mag-aaral at babasahin nya at aalamin kung
ano ang simuno at panaguri sa pangungusap.

1. Nagluluto si Pedro ng hapunan. maaari


mo bang alamin ang simuno at panaguri?
_________,maaari mo bang alamin ang simuno
at panaguri? Si Pedro po ang simuno at Nagluluto ng
hapunan po naman ang panaguri.
Mahusay!

2. Nag-aaral ang mga estudyante para sa


pagsusulit.
_________,maaari mo bang alamin ang simuno
at panaguri? Ang mga estudyante po ang simuno at Nag-aaral
para sa pagsusulit po naman ang panaguri.

3. Lumalago ang halaman sa ilalim ng araw.


maaari mo bang alamin ang simuno at
panaguri
_________ maaari mo bang alamin ang
simuno at panaguri? Ang halaman po ang simuno at Lumalago sa
ilalim ng araw po naman ang panaguri.

4. Tumatalon ang unggoy mula sa isang


puno patungo sa isa pa.
_________maaari mo bang alamin ang
simuno at panaguri? Ang unggoy po ang simuno at Tumatalon mula
sa isang puno patungo sa isa pa po naman ang
5. Umuunlad ang teknolohiya. panaguri.
_________,maaari mo bang alamin ang
simuno at panaguri? Ang teknolohiya po ang simuno at Umuunlad po
naman ang panaguri.
Magaling mga bata!

E. Paglalahat

(tatawag ng bata para sumagot)

Ano nga ulit ang Simuno?

Ang simuno (subject) ay tumutukoy sa tao,


hayop, bagay, o konsepto na gumagawa ng
aksyon o nagtataglay ng katangian na
inilalarawan ng panag-uri sa pangungusap.
Magaling! Ngayon naman ay ano naman ang
panaguri?

Ang panaguri naman ay nagsasaad ng aksyon,


katayuan, o katangian ng simuno. Ito ay
maaaring maging isang pandiwa (verb) na
nagsasaad ng aksyon, o isang pang-uri (adjective)
o pang-abay (adverb) na nagsasaad ng katangian
o katayuan ng simuno.
Mahusay! Nauunawaan na ba kung ano ang
Simuno at Panaguri? Nauunawaan po Teacher!

Mahusay mga bata! dahil naiintidihan niyo


ang ating aralin Bigyan niyo ng isang malakas
na palakpak ang inyong mga sarili.
➤ Sabay sabay papalakpak ang mga bata.
F. Pagtataya

Dahil nauunawaan na ang ating leksyon,


ngayon naman mga bata, kumuha ng isa
buong papel at sa inyong papel ay tukuyin.
kung saan nabibilang ang mga
sinanglungguhitang salita sa pangungusap.
Isulat ito sa tamang hanay.

1. Maagang gumising tuwing Biyernes si


xyron

2. Linggo-linggong namamahagi ng mga


modyul ang mga guro.

3. Laging handing umalalay ang mga guro sa


mga mag-aaral.

4. Si Aling Celia ay tumutulong sa anak para


maunawaan ang aralin.

5. Kumpleto at maayos ang mga gawain na


ipinasa ni Bea sa kanyang guro.

SIMUNO PANAGURI
Okay mga bata tapos na ba kayo sagutan.
ang ating pagsasanay? Kung tapos na ay
maaring nyu nang ipasa sa harap ang inyong
papel. ➤ Opo

G. Takdang Aralin:

➤ Magbigay ng limang pangungusap,


tukuyin ang simuno at panaguri at isulat sa
tamang hanay.

Simuno Panaguri

Dito na magtatapos ang ating aralin mga


bata, sana marami kayong natutunan sa araw
na ito.

Muli ako si Titser Joe mar, Paalam mabuting


Tao. Hanggang sa muli nating pagkikita!

Paalam po Teacher Joe mar!

Prepared by:

JOE MAR F. SALUDEZ


Student – Teacher

Noted:

EMILY P. GUIMBA
Cooperating Teacher

Approved by:

RICHARD R. MELCHOR Ed.D


School Principal

You might also like