You are on page 1of 4

III-

SAN PASCUAL INTEGRATED


School Grade/Section TANGLA
SCHOOL
D
DAILY LESSON LOG Teacher MARIE GRACE N. PALAFOX Araw MARTES
3rd
Date MARCH 28,2023 Quarter Quarter
LOURDES D.FRAILE FILIPINO
Observer Assignatura
3

I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy ang mga salitang naglalarawan ng katangian ng tao,bagay,hayop,lugar o
pangyayari.

B. Pamantayang Pagganap Nakagagamit sa pangugusap ng mga Pang-uri.

C .Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapaglalarawan ng Tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari.


Isulat ang code ng bawat kasanayan
F1WG-IIIc-d-4

II. NILALAMAN Mga Salitang Naglalarawan / Pang-uri

III.KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Filipino LM,pahina 192

2. Mga Pahina Sa Kagamitang Filipino TG,pahina 100


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina Sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Mula Sa Filipino 3 Curriculum Guide,pahina 54


Portal Ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation,video,tsart, mga larawan at tunay na bagay
INTEGRATION: Health
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at Panalangin.


pagsisimula sa bagong aralin Magandang hapon mga bata.
Bago tayo magpatuloy sa ating aralin,lahat kayo ay iaanyayahan kong tumayo
upang kantahin ang isang pampasiglang awitin.
(Pag-awit ng guro at mga bata)
Maaari na kayong maupo.
Sino-sino sa inyo ang mahilig kumain ng saging?
Sino naman ang mahilig kumain ng manga?
Sino naman ang mahilig sa papaya?
Bukod sa mga prutas na nabanggit sa inawit natin kanina,ano pa ang paborito
ninyong prutas?
(ubas,mansanas,bayabas,pinya,dalandan at iba pa…)
Magaling,mga bata.
Alam ba ninyo na bukod sa masarap ang mga prutas,ang pagkain nito ay
mahalaga dahil ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang bitamina at mineral na
siyang kailangan ng ating katawan?
Ang pagkain ng sariwang prutas,lalo na kung sasamahan pa ng gulay ay
nakatutulong sa pag-iwas sa maraming uri ng sakit kaya dapat ugaliin natin ng
pagkain ng prutas at gulay araw-araw.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ngayon ay dumako naman tayo sa ating aralin.


Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay Pang-uri o salitang naglalarawan.
Ano ba ang Pang-uri?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari.
sa layunin ng bagong aralin Ito ay maaaring hitsura,kulay,bilang o dami,laki,amoy,panlasa at hugis ng
Pangngalan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Natatandaan Ninyo pa ba ang Pangngalan?


at paglalahad ng bagong kasanayan Ano na nga ang Pangngalan?
#1 Ang Pangngalan ay ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar,pagkain o pangyayari.
Narito ang isang “Mahiwagang Paper Bag”.Bubunot kayo ng isang larawan mula
dito at tukuyin kung saang Pangngalan siya nararapat ipaskil.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng ngalan ng
at paglalahad ng bagong kasanayan Tao – Gillyn , mag-aaral , bata
#2 Bagay – lapis , unan , papel
Hayop – pusa ,unggoy , tigre
Lugar – bayan , tahanan , Talavera
Pagkain – mais , ulam , halo-halo
Pangyayari – bagong taon ,mahal na araw , araw ng kalayaan

Nauunawaan Ninyo na ba ang gamit ng Pangngalan?

F. Paglinang sa Kabihasaan Ngayon ay maaari na tayong dumako sa ating susunod na aralin.


(Tungo sa Formative Test) Mayroon tayong “Pulang Bag”.Bubunot kayo ng isang bagay mula dito at
ilalarawan sa harap ng klase kung ano ang nabunot Ninyo.

Ano nga ba ang Pang-uri?

Magbigay ng mga halimbawa ng salitang naglalarawan ng mga sumusunod :


Hitsura Amoy
Kulay Panlasa
Bilang o Dami Hugis
Laki

G. Paglalapat ng aralin sa pang- ISAHANG GAWAIN :


araw-araw na buhay Pag-aralan natin ang mga halimbawang
pangungusap na may Pang-uri :
1.Ang suot niyang face mask ay malinis.

2.Kulay rosas ang dala niyang bag.

3. Ang puno sa aming paaaralan ay mataas.

4.Si Queen ay mabait.

5.Si Charles ay matangkad.

PANGKATANG GAWAIN :
Hatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral.Ang bawat grupo ay makatatanggap
ng tsart kung saan pagtatapatin nila ang salitang naglalarawan na nasa Hanay A
sa larawan na nasa Hanay B.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ba ang tawag sa mga salitang tinalakay natin?
Paano natin malalaman kung ang isang salita ay Pang-uri?
Muli nating tandaan na ang Pang-uri ay salitang naglalarawan ng
tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari.
Ito ay maaaring hitsura,kulay,bilang o dami,laki,amoy,panlasa at hugis ng
Pangngalan.

I. Pagtataya ng Aralin Ngayon ay dumako naman tayo sa ating Pagsasanay.


Handa na ba kayo mga bata?

PANUTO : Piliin ang angkop na Pang-uri upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1.Nagkalat ang __________ na basura sa gilid ng kalsada.
a. malinis b. maayos c. mabaho
2.Kailangan nating kumain ng mga __________ na prutas.
a. masustansiya b. mamahalin c. marumi
3.Siya ay binigyan ni Tatay ng ___________ na lobo.
a. matitibay b. makukulay c. mababango
4.Ang kanyang buhok ay ___________.
a. maikli b. kulot c. mahaba
5. __________ bata ang nais matutong magbasa.
a. dalawa b. marami c. anim

J. Karagdagang gawain para sa Para sa ating Takdang-aralin.


takdang-aralin at remediation PANUTO : Tukuyin ang Pang-uri sa bawat
pangungusap.
1.Ang unan na gamit niya sa pagtulog ay
malambot.

2.Magandang pagmasdan ang bughaw na


kalangitan.

3.Siya ay umiinom ng mainit na gatas araw-


araw.

4. Nilakad niya ang maputik na daan patungong


paaralan.

5. Maasim ang mangga na nakuha namin kanina.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking naidibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni :

MARIE GRACE N. PALAFOX


Grade- III Teacher
Pinuna ni :

LOURDES D. FRAILE
School Principal IV

You might also like