You are on page 1of 2

DETALYADONG Paaralan Isabang Elementary School Baiting Ikaapat

BANGHAY Guro Melanie P. Orbe Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras August 29, 2023 Markahan Una

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Nakabibigkas ng tula at iba’t-ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at
Pagganap intonasyon.
C. Mga kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao
Pagkatuto. Isulat ang sa paligid (4WG-Ia-e-2)
code ng bawat kasanayan
II. Nilalaman Ang Pangngalan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina saTeksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang tarpapel, PowerPoint presentation
Panturo
III. Pamamaraan
Balik-Aral (Review)
Ano ang pangngalan?

Ang pangngalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop
A. Panimulang Gawain
at pook
(Preparatory Activities)
Pagganyak (Motivation)
Bilang pagganyak ipapakita at ipapabigkas ng guro ang Panatang Makabayan sa mga
bata estudyante para makatukoy ng mga pangngalan.
Sa gabay ng guro, ipapatukoy ang mga pangngalan na nakapaloob sa PANATANG
MAKABAYAN.

Mga Pangngalan: Pilipinas, tahanan, magulang, paaralan,


B. Pagsasagawa ng
itinakdang gawain Value Integration: Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang
(Introduction) mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa
bayan dahil kung wala tayo nito ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad
ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Maraming paraan para maipakita natin ang ating
pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa sariling wika, pagtangkilik at pagbili ng
produktong gawa sa ating bansa
C. Paglalahad at Ang pangngalan ay isang salita o lipon ng mga salita na tumutukoy sa ngalan ng tao,
Pagtalakay/Pagmomodelo pook, bagay, hayop, at pangyayari.
(Teaching/Modeling)
Pangngalang Pambalana
 Tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o
pangyayari
 Nagsisimula sa maliit na titik
 Halimbawa: aso, parke, kaarawan, nars, pisara

Pangngalang Pantangi
 Tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari
 Nagsisimula sa malaking titik
 Halimbawa: Juan, Luneta Park, Pasko, Gng. Marquez, Samsung

Paglalahat (Generalization)
Isagawa ang Spin Challenge
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga nakahandang tanong ng guro tungkol sa aralin
na tinalakay. Ang sasagot na mag-aaral ay base sa resulta ng spinner.

Mga tanong:
1. Ano ang pangngalan?
2. Ano ang mga uri ng pangngalan?
3. Magbigay ng halimbawa ng pantangi
4. Magbigay ng halimbawa ng pambalana.
5. Ano ang kahalagahan ng pangngalan para sa iyo?
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mga pangngalan. Ipangkat ayon sa uri nito.
isda Pacific Mall guro Mongol pencil
SM Isabang Elementary School paaralan
Muning simbahan parke

Pantangi Pambalana
D. Ginabayang Pagsasanay
(Guided Practice)

Panuto: Tukuyin ang katumbas na pangngalang pantangi para sa sumusunod na


pangngalang pambalana. Gumuhit ng linya upang maiugnay ang dalawang pangngalan.

E. Malayang Pagsasanay 1. tao Family Day


(Independent Practice) 2. isla Pilipinas
3. bansa Gng. Juana Dela Cruz
4. paaralan Sacred Heart College, Inc.
5. pagdiriwang Boracay Island
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan.
1. Isabang Elementary School
2. kwaderno
F. Pagtataya (Evaluation)
3. guro
4. ibon
5. pandemya
Panuto: Basahin ang pangungusap at hanapin ang pangngalan na ginamit.
1. Si Mara ay mahusay gumuhit. Madalas siyang magwagi sa paligsahan.
G. Takdang Aralin 2. Sina Mandy, Zoren at Liza ay magkakapatid.
(Assignment) 3. Si Nelda ay masipag magwalis ng kanilang bakuran.
4. Naglaro ng patintero sina Aldrin at Ariel sa likod-bahay.
5. Si Belen, Linda, Mila ay nasa Ikalimang Baitang. Mahilig silang umawit.
REMARKS
IV. REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano Ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang
solusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong Kagamitang Panturo ang Aking
Nadibuhong Nais Kong Ibahagi sa mga
Kapwa Ko Guro?

You might also like