You are on page 1of 27

LUCENA EAST III

Paaralan Baitang/Antas  IKALIMA


ELEMENTARY SCHOOL
Guro MERCEDITA F. SANCHEZ Asignatura MUSIC
DETALYADON
G BANGHAY Petsa
ARALIN
NOV. 14- 15, 2022 Markahan  IKALAWA
/Oras

Describes the use of the symbols: sharp (#), flat (♭), and natural (♮)
MU5ME-IIb-3
I. LAYUNIN

 II. PAKSA Mga Simbolong Sharp, Flat at Natural


a. Sanggunian: K TO 12 TG pp. 255
b. Kagamitan: K TO 12 LM pp.12-15, PPT
c. Pagpapahalaga:
 
III. GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral
Isulat sa mga bilog ang mga pitch names na makikita sa guhit at puwang
sa staff ng F-Clef.

2. Pagganyak ” Magpakita ng iskala ng awiting “Bayan Ko” at ipaawit ito.


B. Panlinang Gawain

1. Paglalahad
Nagustuhan mo ba ang iyong inawit?

Masdan muli ang awiting “Bayan Ko”. May napansin ka bang ganitong
mga simbolo
(# ), (♭), at (♮) sa awitin?

2. Pagtatalakayan
Ang mga Accidentals ay mga simbolo na maaring gamitin upang maitaas
o maibaba ang pitch ng isang nota.

Ang simbolong flat (♭) ay isang simbolo ng musika na maaring


ibaba ang tono ng
half-step o semitone. Kapag ang nota ay may flat sa unahan nito
nangangahulugang aawitin o tutugtugin ito ng kalahating hakbang pababa.

Subukang kantahin ang kantang may flat na nasa ibaba.

Ang simbolong sharp ( # ) ay


isang simbolo na naghuhudyat na ang tono ng isang nota ay dapat
tugtugin o awitin nang half step o semitone pataas. Ito ay inilalagay sa
unahan ng nota.
Subukang kantahin ang kantang may sharp na nasa ibaba.
Kung nais mong ibalik sa orihinal na tono ang iyong
kantang matapos mong awitin ang flat o sharp, Natural Sign ang iyong
dapat malaman.

Ang simbolong natural (♮) ay nagpapabalik sa normal na tono ng notang


pinababa o pinataas

Masdan ang nasa ibaba. Ito ay nakahati sa apat. Ang orihinal na tono ay
nasa tonohang so-. Sa tonohang may flat sign, ibaba mo ng kalahati ang
iyong tono. Samantalang sa tonong may sharp, ay itaas mo ng kalahati
ang iyong tono, at sa tonohang may natural sign ay ibalik mo sa orihinal na
tonong “so” ang iyong tono. Subukan mong awitin ang pinagsamang mga
simbolo sa tulong ng iyong magulang o kaibigan.

Original Pitch with Pitch with Pitch with


pitch flat sign sharp sign natural sign
Ikalawang Araw

1. Pinatnubayang Tukuyin at pangalanan ang mga simbolong musika na nasa ibaba. Isulat
Pagsasanay ang iyong sagot sa patlang.

1. # 2. ♭ 3. ♮
____ ____ ____

Ipangkat ang klase sa lima (5)

2. Malayang
Muling awitin ang awiting “Bayan Ko” at bigyang diin ang mga lirikong may
Pagsasanay flat, sharp at natural sign.
Awitin ito ng buong puso upang higit na maunawaan ang nais na iparating
na mensahe ng awitin.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat Ano-ano ang mga simbolong musika na makikita sa kanta?


Paano mo malalaman na ang nota ng kanta ay nasa tonohang/simbolong
flat? Sharp? At natural?

Bakit mahalaga ang mga simbolong musika sa kanta?

2. Paglalapat Iguhit ang mga hinihinging simbolo sa unahan ng mga nota.

IV. Pagtataya Panuto: Iguhit ang mga sumusunod:( 5 pts each)


1. Flat symbol
2. sharp symbol
3. natural symbol

V.Takdang Aralin Ilarawan ang mga simbolong sharp (#), flat (♭), at natural (♮) sa
pamamagitan ng pagguhit ng mga sumusunod sa musical staff sa ibaba.
Gamitin sa pagguhit ang whole note (o) para maipapakita ang tamang
kinalalagyan nito. Ilagay ang sagot sa inyong kwaderno.

1. G sharp 2. F Sharp 3. D Sharp 4. B Flat 5. A Sharp


Prepared by: Checked by:
MERCEDITA F. SANCHEZ PAULINA P. LABITIGAN
TEACHER I PRINCIPAL II
LUCENA EAST III
Paaralan Baitang/Antas  IKALIMA
ELEMENTARY SCHOOL
Guro MERCEDITA F. SANCHEZ Asignatura ARTS
DETALYADON
G BANGHAY Petsa
ARALIN
NOV. 16, 2022 Markahan  IKALAWA
/Oras

Explains that artists have different art styles in painting landscapes or


significant places in their respective provinces.

I. LAYUNIN A5EL-IIc

 II. PAKSA Mga Istilo sa Pagpinta


d. Sanggunian: K TO 12 TG pp. 287
e. Kagamitan: K TO 12 LM pp.9-13, PPT
f. Pagpapahalaga:
 
III. GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain

3. Balik-Aral
Balikan
Tukuyin ang sumusunod na magagandang tanawin na makikita sa ating
bansa sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga titik ng salitang
sinalungguhitan.
Isulat ang sagot sa patlang.

1.
BULKANG Y A M O N
2.
HAGDAN-HAGDAN
LAPAYAN
____________

3.
MGA AWINTAN SA
BATANES
___________

4.
BASIMHAN NG PAOAY
____________

5.
CALLAO EVAC IN CAGAYAN
_______

4. Pagganyak
Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan
Ang Pintor
Jerry Gracio
Gumuhit siya ng ibon
Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda
Lumangoy ito sa hangin
Gumuhit siya ng bulaklak
Nagkalat ang halimuyak sa dilim
Iginuhit niya ang sarili
At inangkin siya ng kambas

B. Panlinang Gawain

1. Paglalahad 1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Sino ang may akda ng tula?
3. Kilala mo ba ang mga tanyag na Pintor sa Pilipinas?
4. Gusto mo bang malaman ang mga istilo nila sa pagpinta? Ipaliwanag
ang
sagot.

2. Pagtatalakay Pag-unawa sa Istilo ng Pagpipinta


1.Fernando Armosolo

“Rice Planting”
Ang “backlighting technique” ang istilong ginamit
ni Botong Francisco upang ipakita ang natural na liwanag
sa
kanyang mga pinta. Ang karaniwang ipinipinta niya ay mga
tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

2. Carlos “Botong” Francisco


“The Invasion of Limahang”
Kilala si Carlos “Botong” Francisco sa pagpinta
ng mga larawang nagpapakita ng mga makasaysayang
kaganapan sa ating bansa.
3. Vicente Manansala

“Madonna of Slums”

Nakilala naman si Vicente Manasala sa kanyang


istilo ng pagpipinta gamit ang kubismong naaninag (transparent
cubism) na nagpapakita ng katutubong pamumuhay sa
nagbabagong kalungsuran.

4. Victorio C. Edades

“The Sketch”
Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kanyang
istilo sa pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng
madilim
at makulimlim na kulay sa kanyang mga obra.

1. Pinatnubayang Pagguhit at Pagpinta ng larawan na inyong makikita sa inyong lugar.


Pagsasanay Kagamitan: lapis, papel, water container, water color at brush
1. Umisip ng disensyo na nais ipinta. Gamitin ang iyong
imahinasyon. Maaaring gawing inspirasyon ang paboritong
bagay-bagay, tao, hayop, pangyayari o lugar na matatagpuan
sa iyong kapaligiran.
2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.
3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa
mesang paggagawaan
4. Isawsaw ang brush sa water color at ipang-kulay. Maaaring
gumamit ng iba’t ibang istilo sa pagpipinta. Gawing gabay din
ang mga istilo inyong natutuhan.
5. Patuyuin
6. Iligpit ang mga gamit.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng Gawain

Maghanap ng kapares ang bawat mag-aaral.

2. Malayang
Pagsasanay Gumuhit ng isang obra o larawan gamit ang isa sa mga istilo ng mga
tanyag na
Pilipinong pintor. Bibigyan ko ng kaukulang puntos ang antas ng iyong
naisagawa batay sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.

C. Pangwakas na Gawain

3. Paglalahat Ang bawat pintor ay may kani-kaniya at iba’t ibang istilo sa pagpipinta
upang maipakita ang kani-kanilang pagkakilanlan sa larangan ng
pagpipinta.
Ito rin ang nabibigyan sa buhay sa kanilang mga ipinintang mga larawan
upang
maging isang katangi-tanging obra.

4. Paglalapat Sa larawan na makikita mo sa kaliwa, magbigay ng iyong sariling pananaw


bakit mahalaga ang mga obrang kagaya nito sa pagpapamalas ng talento
ng gumawa at Kultura ng Pilipinas na ipinapakita. Ilagay ang sagot sa
kahon sa kanan.

IV. Pagtataya Kilalanin ang mga larawan ng bantog na pintor na nasa ibaba at talakayin
ang kanilang iba’t ibang istilo sa pagpinta ng mga larawan.

1.
______________________________________________

2.

3.
____________________________________________

4.

V.Takdang Aralin Magtala ng iba pang kilalang Pilipinong pintor at ang obrang
nagawa nila.

PL:

Prepared by: Checked by:


MERCEDITA F. SANCHEZ PAULINA P. LABITIGAN
TEACHER I PRINCIPAL II
LUCENA EAST III
Paaralan Baitang/Antas  IKALIMA
ELEMENTARY SCHOOL
Guro MERCEDITA F. SANCHEZ Asignatura HEALTH
DETALYADONG
BANGHAY Petsa
ARALIN NOV. 17, 2022 Markahan  IKALAWA
/Oras

Kinikilala ang mga pagbabago sa panahon ng Puberty bilang isang normal


na bahagi ng paglaki
- Physical Change
- Emotional Change
- Social Change
I. LAYUNIN H5GD-Iab-1
H5GD-Iab-2

Emotional Change
Social Change

 II. PAKSA Pagbabagong Pisikal, Sosyal at


Emosyonal
g. Sanggunian: K TO 12 TG pp. 350
h. Kagamitan: K TO 12 LM pp.4-10, PPT
i. Pagpapahalaga:
 
III. GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain

5. Balik-Aral
Balikan:
Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang
ipinapahayag ng pangunguap at ekis
(X) naman kung hindi.
_____ 1. Ang puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan ng isang
batang lalaki at babae.
______2. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na
precocious puberty.
______3. Ang pagbabago sa sukat ng katawan ay kabilang sa
pagbabagong pisikal sa isang
nagdadalaga.
______4. Kabilang sa pagbabago sa pagbibinata ay ang pagtubo ng
bigote at balbas.
______5. Ang menarche ay ang panimulang regla.

6. Pagganyak Tingnan ang bawat larawan. Ano-ano ang kahulugan ng mga ito?

Malungkot

Umiiyak

Masaya

Nahihiya

Hindi inaasahang pagbubuntis

B. Panlinang Gawain

1. Paglalahad Ano-ano ang napapansin mo sa mga larawang naipakita?


2. Pagtatalakayan
Pagbabagong Sosyal at Emosyonal
Malaki rin ang pagbabago sa kaisipan ng bawat isa sa panahong ito na
maiuugnay din sa pagbabago sa lebel ng hormones sa katawan. Dahil
dito, maaaring magbago ang kakayanan ng isang tao sa pagdedesisyon,
pagpaplano sa buhay, emosyon sa bawat kaganapan sa buhay, at mga
bagay na ikaliligaya. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng mga
pagbabago sa personalidad ng isang tao sa panahong ito.
Ang pagbabago sa lebel ng hormones at mentalidad ng isang tao ay
maaaring
makaapekto rin sa mga pagbabago sa pakikisalamuha at paraan ng pag-
iisip ng isang tao. Nagbabago ang kakayanan ng isang tao na matuto ng
mga bagong kaalaman at kakayanan,
gayundin ang pagbibigay ng rason, lohika, at maging pananaw sa buhay.
Ang impluwensya ng kultura at lipunan ay mahalagang salik din sa
pagbabagong ito.
Ang mga pagbabagong ito ay tulad ng mga sumusunod:
1. Nagkakaroon ng “crush” o paghanga.
2. Naglalahad ng problema o opinion sa kaibigan.
3. Nagkakaroon ng mga grupo o kaibigan.
4. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili.
5. Nagiging responsible sa mga bagay-bagay tulad ng sa
pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan at gawaing bahay.
6. Nakakapagpasya.
7. Nagiging matured ang ugali at angkop ang kilos sa
edad.
Sa Pag-uugali:
Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang
palaging
nagsasalamin upang pansinin ang sarili o nagiging self-conscious.
Nagiging palaayos
din siya sa katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon ng
iniidolo at ginagawang modelo. Ang nagbibinata naman ay nagiging
mapusok at nagpapapansin sa mga
hinahangaan. Nagiging mapaghanap din siya ng pagkilala at pagtanggap.
Ang ibang nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na
kung naguguluhan sila at hindi nila naiintindihan ang mga pagbabagong
nagaganap sa sarili. Ang kilos at ugali
nila ay nagiging palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na
pamamatnubay at pag-unawa ng mga magulang at nakatatanda upang
maintindihan nila ang kanilang sarili.
.

Lagyan ng masayang mukha kung nagpapakita ng wastong paraan


1. Pinatnubayang
ng pag-iwas sa maaga at di-inaasahang pagbubuntis at malungkot na
Pagsasanay
mukha kung hindi.
________1. Iwasang magpaabot ng dilim sa daan.
________2. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa gimmick.
________3. Makinig sa payo ng magulang.
________4. Magboyfriend lamang pag nasa wastong gulang na.
________5. Iwasang sumama sa boyfriend kung saan-saan.
________6. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang lalaki.
________7. Iwasang maglakad sa madidilim na kalsada at lugar.
________8. Ipaalam sa magulang ang mga pupuntahan.
________9. Iwasan ang pakikipagtalik.
________10. Piliin ang iyong sinasamahang mga kaibigan

Ipangkat ang klase sa lima (5)

2. Malayang
Gumawa ng isang graphic organizer. Isulat ang mga pagbabagong
Pagsasanay
emosyonal
na nagaganap sa nagbibinata at nagdadalaga. Isulat din ang mga
negatibong resulta nito sa isang tao.

Ipresenta ng bawat grupo ang kanilang nagawa

C. Pangwakas na Gawain

5. Paglalahat
Ano-ano ang mga epekto ng pagbabago sa nagdadalaga at nagbibinata sa
Kanilang pag-uugali?

6. Paglalapat Lagyan ng Tsek (/) kung pagbabagong emosyonal at ekis(x) kung


pagbabagong sosyal.
___1. Pagiging mapili ng kagamitan.
___2. Paghahanap ng pansin mula sa kapwa ang magulang.
___3. Pagtanggap ng responsibilidad mula sa iba.
___4. Maigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali sa iba.
___5. Pagiging maitin ang ulo sa ilang mga sitwasyon.

IV. Pagtataya Kilalanin ang mga sumusunod na mga larawan na nasa loob ng kahon
na nagpapakita ng emosyonal na pagbabago sa pagdadalaga at
pagbibinata.
Lagyan ng tsek (/) ang larawan kung ito ay nagpapakita ng emosyonal na
pagbabago at ekis (x) kung hindi.

1.

2.

3.
4.

5.

6.

7.

8.

V.Takdang Aralin Magsuot ng PE uniform o ng t-shirt at jogging pants

PL:

Prepared by: Checked by:


MERCEDITA F. SANCHEZ PAULINA P. LABITIGAN
TEACHER I PRINCIPAL II

LUCENA EAST III


Paaralan Baitang/Antas  IKALIMA
ELEMENTARY SCHOOL
Guro MERCEDITA F. SANCHEZ Asignatura Physical Education
DETALYADON
G BANGHAY Petsa
ARALIN
NOV. 18, 2022 Markahan  IKALAWA
/Oras

Naisasagawa ang iba't ibang kasanayang kasangkot sa laro


PE5GS-IIc-h-4
Nasusuri ang regular na pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad batay sa
Piramid ng pisikal na aktibidad ng Pilipinas
PE5PF-IIb-h-18

I. LAYUNIN Sinusunod ang mga pag-iingat sa kaligtasan


PE5GS-IIb-h-3
Nagpapakita ng kagalakan ng pagsisikap, paggalang sa iba at patas na
laro sa panahon ng pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad
PE5PF-IIb-h-20

 II. PAKSA Lawin at Sisiw: ‘Wag Bibitiw!

j. Sanggunian: K TO 12 TG pp. 325


k. Kagamitan: K TO 12 LM pp.4-10, PPT
l. Pagpapahalaga:
 
III. GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain

7. Balik-Aral
Balikan:
Tukuyin kung ang mga gawain sa ibaba ay nakatutulong upang maging
aktibo, alerto at
malusog ang isang tao. Lagyan ng (/) ang patlang kung OO at (x) kung
HINDI.
___________1. panonood ng telebisyon
___________2. pagbibisikleta
___________3. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan
___________4. pagkain ng junk foods
___________5. paglalakad
___________6. pagkain ng gulay at prutas
___________7. paglalaro ng video games
___________8. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports
___________9. pagsasayaw
___________10. pag-eehersisyo

8. Pagganyak
Tingnan ang larawan sa ibaba.

B. Panlinang Gawain

1. Paglalahad Pamilyar ka ba sa larong ito? Naranasan mo


na bang makapaglaro nito? Upang magawa ang mga ito, anong
kakayahang pisikal
at kasanayang taglay ang kailangan mong sanayin?

2. Pagtatalakay
Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o
pasukin ng kalaban ang iyong teirtoryo. Ang larong Lawin at Sisiw ay isang
uri ng invasion game na tumutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagiging mabilis at maliksi.Nagagamit din dito ang lakas at tatag ng
kalamnan. Ang pangunahing kagamitan sa larong ito ay ang panyo.
Tinatawag din ang larong ito na “Touch the Dragon’s Tail”,’
Hablutin mo ang Buntot Ko’ at iba pa. Sa paglalaro nito, kailangang maging
listo at maliksi upang maagaw ang panyo.
May iba’t-ibang kagamitan at pamamaraan na dapat sundin sa paglalaro
ng Agawang Panyo. Ito ay ang mga sumusunod:

Mga Alituntunin sa Paglaro ng Lawin at Sisiw

❖ Bumuo ng apat na pangkat na may sampung miyembro o higit pa.


Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa mga pangkat.

❖ Ikabit ang dalawang kamay sa baywang ng kasunod na manlalaro at


kailangan higpitan ang pagkakahawak nito.

❖ Lagyan ng panyo sa likod malapit sa baywang ang huling manlalaro ng


bawat pangkat.

❖ Kailangan nakahanay nang maayos ang bawat pangkat bago


umpisahan ang paglalaro.

❖ Sa paghudyat ng guro, magsimulang iikot ang bawat pangkat at


sikaping maagaw ng lider ang panyo na nasa likod ng huling manlalaro sa
pangkat ng kalaban. Kapag naagaw ng kalaban ang panyo, bigyan sila ng
puntos.

❖ Ang makakuha ng mataas na puntos ay siyang panalo.

Ang paglalaro rin ng Lawin at Sisiw ay nagpapaunlad ng sumusunod na


katangian:
• Pagiging isports
• Sariling disiplina
• Pagiging patas
Laging tandaan na sa paglalaro kailangan nating mag ingat para
maiwasan
ang sakuna at sakit ng katawan. Narito ang mga gawaing pangkaligtasan
sapaglalaro ng lawin at sisiw.
1. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.
2. Mag (warm-up) at pampalamig (cooling down) bago at pagkatapos ng
laro.
3. Sundin ang mga patakaran o regulasyon ng laro.
4. Pumili ng ligtas na lugar kung saan kayo maglalaro.
5. Iwasang maglaro kung may sakit o karamdaman.
6. Maging isports sa paglalaro upang maiwasan ang pag-aaway away.

2. Pinatnubayang Pampasiglang gawain bago laruin ang lawin at sisiw, sundin ang mga
Pagsasanay sumusunod:
1. pag-jogging ng dalawang ikot
2. Gawin ang Side Neck Stretch ng walong bilang sa kanan at kaliwa.

3. Isagawa ang Shoulder stretch. Iunat ang kanan at kaliwang kamay ng


limang
beses.

4. Gawin ang Dynamic Back, tumayo ng tuwid at iunat ang dalawang


kamay sa
taas at iunat paharap at patalikod ng apat na beses.

5. Isunod ang Hip Circles na kung saan nakalagay ang dalawang kamay
sa
baywang at dahang-dahang ipaikot ang baywang ng walong bilang
pakaliwa
at pakanan.
6. Isagawa ang Squat Jump ng walong beses.

Bumuo ng apat na pangkat na may bilang na sampo higit pa.

2. Malayang
Pagsasanay Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa ,mga pangkat.

Laruin ang “Lawin at Sisiw”


Pagkatapos ng laro ay gawin ang ehersisyong pampalamig (Cool Down
Exercises).
1. Mahinang paglakad pabalik sa bahay
2. Pag-unat ng braso sa itaas ng ulo
3. Pag-unat ng kamay at binti
4. Pag-unat ng balakang at buong katawan
5. Pag-inhale at exhale

C. Pangwakas na Gawain

7. Paglalahat Ang speed o bilis ay ang kakayahang mabilis na paggalaw ng katawan o


ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis na pagtakbo o
pag-iwas na mahuli o mataya. Maraming laro ang nangangailangan ng bilis
kung kaya’t mainam na sanayin ito ng bawat isa. Ang agility o liksi naman
ay isang kasanayan na nagpapakita ng maliksing kakayahan na
magpapalit-palit o mag-iiba-iba ng direksiyon.
Sa larong lawin at sisiw napapaunlad nito ang kakayahan sa pag-agaw ng
panyo, mabilis na pagtakbo, pakikinig, pagdampot sa panyo at pag-ilag
upang hindi mataya. Dapat rin maging maliksi at mabilis ang iyong mga
paa at kamay. Kailanganding masanay ang iyong katawan sa wastong
panimbang habang nagbabago-bago ang direksiyon at bilis ng pagkilos.
Ang madalas na pakikilahok sa ganitong uri ng laro ay mainam na paraan
upang mapaunlad ang lakat bilis ng katawan.
Ang paglalaro rin ng Lawin at Sisiw ay nagpapaunlad ng sumusunod na
katangian:
• Pagiging isports
• Sariling disiplina
• Pagiging patas
Laging tandaan na sa paglalaro kailangan nating mag ingat para
maiwasan ang sakuna at sakit ng katawan. Narito ang mga gawaing
pangkaligtasan sa paglalaro ng lawin at sisiw.
1. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.
2. Mag (warm-up) at pampalamig (cooling down) bago at pagkatapos ng
laro.
3. Sundin ang mga patakaran o regulasyon ng laro.
4. Pumili ng ligtas na lugar kung saan kayo maglalaro.
5. Iwasang maglaro kung may sakit o karamdaman.
6. Maging isports sa paglalaro upang maiwasan ang pag-aaway away.

8. Paglalapat Nanalo ba kayo sa inyong laro? Anong kakayahan ang kailangan upang
maagaw ang panyo? Ano ang katangian ng taong may bilis at liksi? Ano
ang maaring gawin upang maging mabilis? Paano ito gagawin?

IV. Pagtataya Lagyan ng star ☆


ang box kung naisagawa ng mahusay.

V.Takdang Aralin Pagyabungin pa natin ang kasanayan sa lawin at sisiw. Isagawa ang
sumusunod na mga gawain.
1. Pakikinig sa mga salita ng iyong kapatid
2. Pagtakbo sa bakuran
3. Maliksing pag-iwas na hindi mataya
4. Pagdampot sa papel
5. Pag-agaw ng panyo
PL:
Prepared by: Checked by:
MERCEDITA F. SANCHEZ PAULINA P. LABITIGAN
TEACHER I PRINCIPAL II
Paaralan Baitang/Antas  
Guro Asignatura
DETALYADONG
BANGHAY Petsa/ oras   Markahan  
ARALIN


I. Layunin 

   
II. SUBJECT MATTER

a. Reference:
b. Materials:
c. Values:
III.LEARNING  
ACTIVITIES:
A. Preparatory Activity

1. Review
2. Motivation

B. Developmental
Activities
1. Presentation

2. Discussion

3. Guided Practice
4. Independent
Practice
C. Post-Activities

1. Generalization

2. Application
IV. Evaluation

V. Assignment

You might also like