You are on page 1of 13

Paaralan: Pita Elementary School Antas: VI

Masusing Guro: Riza Manuel Lerma Asignatura: Filipino


Banghay
Aralin
Petsa: August _____, 2022 Markahan: Unang Markahan

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman  Sa pagtatapos ng klase, inaasahang 80% ng 100% ng


klase ay matututunan ang pangngalan.

B. Pamantayan sa Pagganap  Natutukoy ang pangngalan at uri ng pangngalan na


ginagamit sa pangungusap.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto  Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop,
pangyayari, at lugar.
 Nagagamit sa pangungusap ang pangngalan
II. Paksa  Pangngalan
III. Kagamitang Panturo  K -12 curriculum
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa pang Gabay  Gabay ng guro Pahina pp. 3-7
ng Guro
2. Mga Kagamitang Pang  Alab Filipino
Mag-aaral
3. Mga pahina sa textsbuk  Pahina pp.
4. Karagdagang kagamitan • mga larawan, musika, speaker, cartolina, powerpoint,
projector, chalk at pisara
IV. Pagpapahalaga  Kahalagahan ng Pamilya sa buhay.

Gawain ng Guro Gawain ng Bata


V. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain Mga bata, tumayo muna tayong
1. Panalangin lahat at manalangin bago mag-
patuloy sa ating aralin ngayong Tatayo ang mga bata at
umaga.! maghahanda para sa pagdarasal.

_______, maaari mo bang


pangunahan ating panalangin at (Tatayo sa harap si ______ at
pang-umagang gawain? pangungunahan ang pagdarasal)
2. Pagbati
______, maraming salamat sa
pangunguna sa ating klase.

Magandang, magandang,
magandang, maganda ang inyong
guro at ang umaga mga bata, dahil
muli na naman tayong
magkakasama sa isang masayang
talakayan sa Filipino!
Masayang babati ang mga bata
3. Pagtatala ng sa kanilang guro.
Lumiban Atin namang itala kung sino ang
mga lumiban sa klase ngayong
araw. (Ang lider ng bawat grupo ay
tatayo at mag-uulat)
Magandang araw po titser Riza
at sa aking mga kaklase, ngayon
ay Mayo 6, Biyernes,
ikinagagalak ko pong sabihin na
walang lumiban sa Banana group
ngayong araw.

Ikinagagalak kong makita kayong


muli ngayong araw mga bata!

B. Pagganyak Ngayon mga bata, makakasama


natin si “BonBon, ang
mahiwagang kahon”, na
naglalaman ng iba’t ibang mga
bagay.
(Magbibihis ang guro ng
MAGICIAN OUTFIT, habang
nakapikit ang mga bata)

Tatawag ako ng isang bata na Opo!


pupunta dito sa harapan upang
kumuha ng isang bagay mula sa
loob ng kahon. Gagawin ninyo ang
pagpili sa kahon habang naka takip
ang inyong mga mata. Pagkakuha
ng bagay, aalisin na ang takip sa
mata at susubukan ninyong (Babasahin ng mga bata)
ilarawan o kung ano ang masasabi
ninyo sa bagay na nakuha sa loob
ng ating magic box. Naunawaan ba
ang kailangang gawin?

Upang maging maayos ang ating


klase sabi ni BomBom, dapat sa
klase ni Titser Riza, lahat ay
MASAYA.

Sige nga mga bata basahin natin


ang mga dapat maging gawi sa
ating klase.

Sino ang nais bumunot sa ating


mahiwagang kahon?
(Tatawag ng bata at papupuntahin
sa harapan, pipiringan ito at
hahayaang bumunot ng bagay sa
magic box)

(Bubunot ang bata ng bola, larawan


ng guro, lugar, hayop at
pangyayari) Bubunot ang mga bata at isusulat
ang mga sagot sa pisara

Magaling, mga bata!. Bigyan nga


natin ng amazing clap ang inyong
mga sarili.

1. guro
2. cellphone
3. tuta
C.Paglalahad 4. graduation
Ang mga salita na nasa pisara ay 5. simbahan
tinatawag natin na pangngalan.

Ang pangngalan ay bahagi ng
pananalita na ginagamit bilang
pantawag sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook at pangyayari.

Babasahin ng mga bata ang


kahulugan.
Narito ang ilan pang halimbawa ng
pangngalan, sagutan natin sa pisara.

Tatawag ng mga batang sasagot)


(Sasagot ang mga tinawag na
bata sa pisara)
(Iwawasto ng guro ang mga
kasagutan.)
Mahusay, palakpakan ang mga
sarili!
Papalakpak ang mga bata!

Ngayon naman, magbibigay pa ng


mga halimabawa ang guro ng
pangungusap at isusulat ang mga ito
sa pisara.

Basahin nga natin at bilugan ninyo


ang mga pangngalan na ginamit sa
bawat pangungusap.

1. Naiwan ang pitaka ni nanay (Magbabasa ang mga bata)


sa mesa.
2. Ang pulis ay matapat sa
kanyang tungkulin.
3. Masayang ipinagdidiwang
ang Pasko tuwing ika-25 ng
Disyembre.
4. Nawawala ang alagang bibe
ni Ma’am Joan.
5. Namasyal kami sa Mall of
Asia kahapon.

Sasagot ang mga bata.


1. pitaka, nanay, mesa
2. pulis
3. Pasko
4. bibe, Ma’am Joan
5. Mall of Asia

Magaling mga bata. Ngayon naman


ay pag-aaralin natin ang dalawang
uri ng Pangngalan.

Uri ng Pangngalan
 Pangngalang Pantangi
- tumutukoy sa isang tanging
ngalan o partikular na tao,
bagay, hayop, pook,
pangyayari, atbp.
Halimbawa:
1. Tanging ngalan ng Tao
- Juan Dela Cru
- Rolando
2. Tanging ngalan ng Bagay
- Honda
- BIC
3. Tanging ngalan ng Hayop
- Blackie
- Brownie
4. Tanging ngalan ng Pook
- La Salle
- San Beda
5. Tanging ngalan ng
Pangyayari
- Araw ng Paggawa
- Pasko

Magbigay ng iba pang


halimbawa ng
Pangngalang Pantangi.
(Ang mga mag-aaral ay
magbibigay ng
halimbawa)

Baguio Luis
Butanding Mario
Santakrusan
Pangngalang Pambalana
- tumutukoy sa pangkalahatang
diwa.
Halimbawa:
1. Pambalanang ngalan ng Tao
- abugado
- nars
- guro
2. Pambalanang ngalan ng
Bagay
- magasin

- libro
- aklat
3. Pambalanang ngalan ng
Pook
- paaralan
- kalye
- simbahan

4. Pambalanang ngalan ng
Hayop
- pusa
- agila
- kalapati
5. Pambalanang ngalan ng
Pangyayari
- binyag
- kasalan
- pulong

Magbigay ng iba pang


halimbawa ng
Pangngalang Pambalana.

(Ang mga mag-aaral ay


magbibigay ng
Pangngalng Pambalana).

Magkakaroon tayo ng gawain, guro bahay


ano anng pista lapis aso
ginagawa ng mga mabubuting kaarawan
bata
D. Pagtatakda ng kapag magkakaroon ng
Pamantayan gawain?

Tutulong at makikilahok sa
aming mga
gawain, at higit sa lahat ay
hindi lilikha ng ingay na
Ano pa? walang kinalaman
sa gawain.

(Ang guro ay magpapalaro ng


“Relay
Game”, kung saan bibigyan ng
pangalan ang bawat grupo at
tutukuyin nila kung ito ba ay
E. Gawain tao, bagy, hayop o lugar at
paunahan silang ikabit ang
pangalan sa pisara. Pero bago
nila gawin iyon ay
kailangan nilang isuot isa-isa
ang garter mula sa unahang
miyembro hanggang sa
mismong magkakabit. Ang (Ang mga mag-aaral ay
grupong makapagdikit sa maglalaro ng
pisara at tama ang sagot ay “Relay Game”).
siyang panalo).

F. Pagpapalawak ng
Kaalaman

(Sasagot ang mga bata sa


kanilang papel)

G. Paglalahat

Ano nga ulit ang dalawang uri


ng Pangngalan?
Ang dalawang uri ng
Pangngalan ay
pangngalang pantangi at
Ano ang pagkakaiba ng pangngalang pambalana.
pantangi at pambalana?

Ang Pangngalang Pantangi


ay tumutukoy sa ngalan ng
tiyak o partikular na ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar
o pangyayari.

Samantalang ang
pangngalan pambalana ay
tumutukoy sa
pangkalahatang
diwa ng tao, bagay, hayop,
lugar o
pangyayari.
Mahusay!

H. Values: Pagpapahalaga sa
Pamilya
Ano ang pinakaimportanteng
bagay na meron kayo sa buhay
niyo ngayon? At bakit? Pamilya po.

Magaling tama ka ang pamilya ay


dapat pahalagaan sapagkat sila
ang iyong kakapitan sa lahat ng
problemang kakaharapin mo.

Klase, ano ang nabanggit na


pangngalan sa pangunguap?
Pamilya po.

I. Paglalapat
Kumuha ng papel at sagutan ang
gawainng tahimik.
Tukuyin ang mga pangalan
kung ito ba ay pantangi o
pambalana.
1. guro ________
2. Png. BongBong Marcos
________
3. doktor ________
4. Dr. Jose Rizal _________
5. MONGOL _________
6. Brownie_________
7. pangulo _________
8. sasakyan _________
9. pinsan _________
10. Manila Cathedral
__________
(Sasagot ang mga bata sa papel)

(Ipapasagot ng guro sa pisara


ang gawain)
(Iwawasto ng mga bata)
E. Ebalwasyon
A. Tukuyin ang bawat
pangalan sa pangungusap at
sabihin kung pambalana o
pantangi.
1. Si Nena ay naglalaba.
2. Ang pangulo ng bansa ay
bumiyahe
patungong ibang bansa.
3. Masarap kumain sa Jollibee
lalo na kapag libre.

4. Maganda ang Bulkang


Mayon sa Albay.

5. Ang pusa ay tumalon sa


bubong. Sasagot ang mga bata sa papel)

(Iwawasto ng mga bata)


F. Pagtataya Ngayon naman para sa huling
gawain, kumuha ng papel at lapis.
(Kukuha ng papel at lapis)
(Ipapabasa ng guro ang panuto sa
mga bata.)

(Babasahin ng mga bata ang


Kopyahin at sagutan: panuto)
Bilugan ang bawat pang-uri o
salitang naglalarawan sa bawat
pangungusap.

(Tatawag ng bata ang guro sa


harapan upang sumagot sa pisara)

(Sasagot ang mga bata)


(Aalamin ng guro ang marka ng
mga bata)
(Magtataas ng kamay ang mga
bata.
G. Takdang-aralin Ngayon mga bata kunin ninyo ang
inyong kwaderno at kopyahin ito
para sa inyong takdang aralin.
(Kokopyahin ng mga bata)

Maraming salamat sa inyong


matiyagang pakikinig sa ating
aralin mga bata! Ano ang inyong
isisigaw?
Sa klase ni titser Riza, lahat ay
MASAYA!
Magkita-kita muli tayo sa isang
masayang aralin bukas. Paalam mga
bata!
Paalam po titser ganda!

Inihanda ni:

Riza M. Lerma

You might also like