You are on page 1of 8

2

FILIPINO
KUWARTER 3 – MODYUL 2

Paggamit ng mga Salitang Pamalit sa


Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, Siya, Tayo,
Kayo, Sila)
1. Nagagamit nang wasto ang mga salitang pamalit sa
ngalan ng tao (ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila)

2. Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao


(ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila) nang tama sa pangungusap

MELC: K to 12 BEC CG: F2WG-Ig-3


K to 12 BEC CG: F2WG-Ii-3

1
UNANG BAHAGI - PANIMULANG GAWAIN

Magandang araw! Kumusta ka? Maligayang pagsasamang


muli sa modyul na ito.
Ang pag-aaral ng Filipino ay makatutulong sa iyo upang
maintindihan mo ang mga ideya at mga konsepto. Pero bago mo
matutunan ang lahat ng iyon, nararapat mong matutunan ang
mga pangunahing aralin.

Sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga


salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako,
ikaw, siya, tayo, kayo, sila)

PANGHALIP - mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw,


siya, tayo, kayo, sila)

• Ang ako, ikaw, siya, akin, mo, ko, kaniya, niya, at kita ay
mga panghalip panao. Ito ay mga salitang panghalili sa
ngalan ng tao. Ang ako, akin at ko ay tumutukoy sa
nagsasalita.
• Ang ikaw, mo, at kita ay tumutukoy naman sa kinakausap
at ang siya, niya at kaniya ay tumutukoy sa pinag-
uusapan.
• Ang kami, kayo, sila at tayo ay mga panghalip panao.
Ginagamit ang kami at tayo kung tumutukoy sa taong
nagsasalita at kaniyang mga kasama. Kayo naman ang
ginagamit sa mga taong kausap ng nagsasalita at sila sa
mga taong pinag-uusapan.
IKALAWANG BAHAGI - PANLINANG NA GAWAIN

2
GAWAIN 1

A. Piliin ang tamang panghalip panaosa loob ng panaklong at


isulat sa patlang.

1. Ang guro ay pipili ng magiging kalahok sa paligsahan.


(Ako, Siya, Ikaw)
2. “Ilang taon ka na Bel?” tanong ng guro. “_______ ay
pitong gulang.” (Ako, Siya, ikaw)
3. Sinabi ng guro kay Bel, “__________, ay sasali sa
paligsahan.” (Ikaw, Ako, Siya)
4. “Hindi ____ po tatanggihan ang nais ninyo.” (ko, mo, ka)
5. “Salamat at hindi _____tinanggihan ang alok ko.
(ko, mo, ka)

B. Lagyan ng wastong panghalip panao ang patlang.

________ si ________ ba ang ________ kaya


Lorena, pitong bago naming ang bagong
taong gulang kapitbahay ? guro natin ?

3
GAWAIN 2
A. Guhitan ang angkop na panghalip panao sa pangungusap.
1. (Siya, Ka, Mo) ang aking guro sa Filipino.
2. Tulungan (ko, mo, siya) ang nangangailangan.
3. (Ko, Niya, Ako) ay nasa ikalawang baitang.
4. Hawakan (siya, ako, mo) ang malamig na yelo.
5. Hindi (siya, ako, ko) nabasa ang aklat.

B. Punan ng angkop na panghalip panao ang mga


pangungusap.

1. Sina Danica at Lea ay magsisimba.


________________ ay magsisimba.

2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng bahay.


________________ ay maglilinis ng bahay.

3. Ikaw at ako ay magluluto.


________________ ay magluluto.

4. Si Beth at ako ay maghuhugas ng plato.


________________ ay maghuhuhgas ng plato.

5. Sina Tina at Bela ay mamimili sa palengke.


________________ ay mamimili sa palengke.

4
GAWAIN 3
A. Bilugan ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.

1. Naglalaro kami ng basketbol.


2. Sila naman ay maghahanda ng pagkain.
3. Tayo ang mag-aayos ng mga plato, kutsara, tinidor at baso.
4. Kayo naman ang magliligpit ng pinagkainan.
5.Sabay-sabay tayong aalis papuntang parke.

B. Palitan ng wastong panghalip ang mga salitang


nasalungguhitan.

Ako siya sila kayo kami


____________ 1. Si Shaun ay isang mabait na bata.
____________ 2. Ang pangalan ko ay Gab.
____________ 3. Sina Anton at Basti ay magkapatid.
____________ 4. Ako at si Yuan ay kakain ng mais.
____________ 5. Ikaw at si Wyn ay pupunta sa palengke.

5
SUSI SA PAGWAWASTO
IKALAWANG BAHAGI - PANLINANG NA GAWAIN

Gawain 1 Gawain 2

A. 1. Siya A. 1. Siya B. 1. sila

2. Ako 2. mo 2. kayo

3. Ikaw 3. ako 3. tayo

4. ko 4. mo 4. kami

5. mo 5. ko 5. sila

B. ako, siya, siya

Gawain 3

A.1. kami B. 1. siya

2. sila 2. ako

3. tayo 3. sila

4. kayo 4. kami

5. tayo 5. kayo

6
IKATLONG BAHAGI – PANAPOS NA GAWAIN
A. Palitan ng panghalip panao ang mga salitang may
salungguhit. Piliin at guhitan ang tamang sagot.
1. Ako at si Ruben ay sasakay ng eroplano.
( Ako, Kami, Siya)
2. Ang mga bata ay hindi pa papasok sa paaralan
hangga’t walang bakuna.
( Sila, Ikaw, Kayo)
3. Ikaw at ang mga bisita ay maiiwan sa Luneta.
( Siya, Ako, Kayo)
4. Si Rommel at si Ramil ay nasa ikalawang baitang.
( Sila, kami, Tayo)
5. Ang mga sundalo ay mga frontliners.
( Ako, Sila, Tayo)
6. Malusog si Rose.
( Tayo, Kami, Siya)
7. Si Mara ay maganda.
(Kami, Sila, Siya)
8. Malulusog ang mga anak ni Aling Fiona.
(Sila, Ako, Kami)
9. Ako at ang aking kaibigan ay magbibisikleta
mamayang hapon.
(Kami, Sila, Siya)

10. Sasabihin ni Randy kung saan siya


nakatira. ”______nakatira sa Rosales.”
(Ako, Tayo, Sila)

7
B. Isulat mong muli ang mga pangungusap. Palitan ng
panghalip panao ang mga salitang may salungguhit.

1. Ikaw at ako ay sasali sa paligsahan.


_______________________________________________
2. Si Joy, Bing at ako ay maliligo sa batis.
_______________________________________________
3. Si Jenna ay malusog.
_______________________________________________
4. .Minda B. Sanchez ang aking pangalan.

_____________________________________________

5. Siya at ako ay maglalaro ng sipa.

____________________________________________

C. Gumawa ng pangungusap gamit ang panghalip panao na

Ako at Siya .

1.

2.
SANGGUNIAN:

Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang


Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-66-6
Pahina 152-156

MELC 2020 pahina 202

https://files.liveworksheets.com/def_files/2020/7/6/706164235366279/706164235366279001.jpg

You might also like