You are on page 1of 10

2

FILIPINO
KUWARTER 3 – MODYUL 1
Paggamit nang Wasto ng Pangngalan
sa Pangungusap at sa Pagbibigay ng
Pangalan ng Tao, Lugar, Hayop,
Bagay at Pangyayari

1. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa


pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop , bagay
at pangyayari

2. Nagagamit ang pangngalan nang tama sa


pangungusap

MELC: K to 12 BEC CG: F2WG - lc - e - 2

1
UNANG BAHAGI - PANIMULANG GAWAIN

Magandang araw! Kumusta ka? Maligayang pagsasamang


muli sa modyul na ito.
Ang pag-aaral ng Filipino ay makatutulong sa iyo upang
maintindihan mo ang mga ideya at mga konsepto. Pero bago mo
matutunan ang lahat ng iyon, nararapat mong matutunan ang
mga pangunahing aralin.

Sa modyul na ito, matutukoy mo ang


mga pangngalan. Magagamit mo rin
ang mga pangngalan sa
pangungusap.

Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar at pangyayari.

Tao- bata Ang mga bata ay papasok sa


paaralan.
Bagay - aklat Ang aklat ay ginagamit upang
matuto sa pagbabasa.
Hayop - paru-paro Makulay ang paru-paro na
dumapo sa hardin.
Lugar - Baguio City Malamig ang klima sa Baguio
City.
Pangyayari - Pasko Ang pasko ay sinasabing araw
ng pagsilang kay Hesus.
Google Shutterstock.com
2
IKALAWANG BAHAGI - PANLINANG NA GAWAIN

GAWAIN 1

Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan


sa bawat bilang. Isulat ang A kung tao, B kung hayop, C kung
bagay, D kung lugar at E kung pangyayari.

______1. simbahan bukid Rosales

______2. Araw ng Paggawa Araw ng Kalayaan Bagong Taon

______3. guro nanay bunso

______4. unggoy kabayo ahas

______5. mesa lapis eroplano

3
GAWAIN 2

Pagtambalin ang larawan ng pangngalan sa hanay A


mula sa kategoraya sa hanay B. Isulat ang letra sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____1. ibon a. tao

_____2. paaralan b. bagay

_____3. Araw ng mga Puso c. lugar

_____4. kotse d. hayop

_____5. Minda e. pangyayari

4
GAWAIN 3

Hanapin ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng


tanging ngalan na nasa kahon. Guhitan ang tamang sagot.

Tao

1. Masarap ang bibingka na ginawa ni Aling Vilma.

2. Si Randy ay mabait at mapagmahal sa magulang.

Bagay

3. Ang lapis ay ginagamit sa pagsusulat.

4. Maganda ang sapatos na natanggap niyang regalo noong

nakaraang pasko.

Hayop

5. Napakaamo ang alaga ni Milo na pusa.

6. Nanghuli ng tutubi ang mga bata kahapon.

5
Lugar

7. Si Vilma ay bumili ng regalo niyang damit sa SM City Rosales.

8. Namasyal at nagpiknik ang magkakaibigan sa bundok.

Panahon

9. Malamig ang simoy ng hangin tuwing buwan ng Disyembre.

10. Ang Lunes ay ang unang araw na pagpasok sa paaralan.

6
SUSI SA PAGWAWASTO

IKALAWANG BAHAGI - PANLINANG NA GAWAIN

GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. D 1. d
2. E 2. c
3. A 3. e
4. B 4. b

5. C 5. a

GAWAIN 3
1. Masarap ang bibingka na ginawa ni Aling Vilma.

2. Si Randy ay mabait at mapagmahal sa magulang.

3. Ang lapis ay ginagamit sa pagsusulat.

4. Maganda ang sapatos na natanggap niyang regalo noong

nakaraang pasko.

5. Napakaamo ang alaga ni Milo na pusa.

6. Nanghuli ng tutubi ang mga bata kahapon.

7. Si Vilma ay bumili ng regalo niyang damit sa SM City Rosales.

8. Namasyal at nagpiknik ang magkakaibigan sa bundok.

9. Malamig ang simoy ng hangin sa buwan ng Disyembre.

10. Ang Lunes ay ang unang araw na pagpasok sa paaralan.


IKATLONG BAHAGI - PANAPOS NA GAWAIN
7
A. Hanapin ang mga tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar
at pangyayari na nakatala sa kahon sa hiwa-hiwalay na letra sa
ibaba at guhitan ito.

1. tsinelas 2. palengke 3. kalapati

4. bumbero 5. Agosto 6. tindera 7. gatas

8. butiki 9. Miyerkules 10. plasa

G A T A S M O L V S
K P A L E N G K E A
A X E Q Y A O L P L
L A N C Z R U I L E
A B U T I K I F A N
P K J U R O C K S I
A D Z E J H U W A S
T F Y A R E D N I T
I I A G O S T O S C
M B U M B E R O M U

8
B. Ilagay sa tamang kategorya ang mga pangngalang nasa

kahon.

medyas parke daga kusina Mahal na Araw

Pebrero pari Linggo tatay ahas

singsing kambing relo doktor Zamora St.

Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari


1. 2. 3. 4. 5.

C. Gamitin ang mga sumusunod na salita sa pangungusap.

1. Tahanan

_________________________________________________________

2. Magulang

9
SANGGUNIAN:

Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang


Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-66-6
Pahina 27-30
MELC 2020 pahina 201
Google Shutterstock.com

10

You might also like