You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT

FILIPINO
2
PAMAGAT NG ARALIN: Salitang tumutukoy sa pangalan ng tao,
bagay, hayop, pook o lugar at pangyayari.

KUWARTER : 3 MELC No.: 1


MELC : Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop,bagay at pangyayari. ( F2wg – IC-E-2 )

Pangalan ng Guro: Josie R. Omanito


Paaralan: Lantag Elementary School
Distrito : Sta. Cruz

KUWARTER 3
GABAY NG MAG-AARAL 1
SA PAGKATUTO BILANG

1
(MELC) #

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Magandang araw minamahal kong mag-aaral! Ang Gabay ng


Mag-aaral sa Pagkatuto ay isang pansariling linangan ng mag-aaral sa
kasalukuyang panahong tinatawag na “ New Normal”. Ito ay sadyang
inihanda para sa iyo upang gabayan ka sa aralin . Unawaing mabuti
ang iyong binabasa. Kung mayroon kang hindi maintindihan, maari
mong balikan ang iyong binasa. Sundin ang mga panuto sa pagsagot
ng mga pagsasanay. Gumamit ng sagutang papel. Huwag sulatan
upang mapanatiling malinis ang kagamitang ito.
Handa ka na bang matuto?

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay


inaasahang:
1.Nagagamit nang wasto ang pangngalan
sa pagbibigay ng pangalan ng tao, hayop,
bagay at pangyayari.
2. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga
sa pamamagitan ng maayos na pagsagot.
3. Nakasusunod nang tama at maayos sa
mga panuto ng pagsasanay.

PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL
2
Pagbalik-aralan ang mga salitang may
wastong baybay.

PANUTO:
Piliin at isulat sa sagutang papel ang salitang may tamang
baybay sa bawat bilang.

1. kambeng kambing kembeng


2. guro goro goru
3. Loneta Lunita Luneta
4. singsing sengsing sengseng
5. binyag benyag benyeg

MAIKLING PAGTALAKAY

Narito ang mga salita na may tamang


baybay.

kambing 3
 ito ay pangalan ng isang hayop
guro
Tingnan ang mga sumusunod na larawan:

4
1. 2. 3.

4. 5.

MGA HALIMBAWA

Nakikita mo ang mga larawan ng


pangngalan:

1. doktor – tumutukoy sa tao.


2. pamilihan – tumutukoy sa isang lugar
3. pusa – tumutukoy sa isang hayop
4. kaarawan – tumutukoy sa isang
pangyayari
5. tsinelas – tumutukoy sa isang bagay

PAGSASANAY
5
Tingnan natin kung may natutunan kayo sa
ating aralin.
Gawin ang mga sumusunod na pagsasanay.

Gawain I
Sabihin kung ang mga pangalan sa ibaba ay para sa tao,
bagay, hayop, pook o pangyayari. Isulat ito sa sagutang papel.

1. telebisyon
2. Bagong Taon

3. aso
4. Candon
5. Jed

Gawain 2
Itambal ang Hanay A sa Hanay B sa pagsulat ng titik nang
tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

6
Hanay A Hanay B
1.Tao a. Araw ng mga Puso
2. bagay b. Manila
3. hayop c. baka
4. lugar d. bola
5. pangyayari e. pulis

Gawain 3
Tukuyin ang pangngalan sa bawat pangungusap at isulat
sa sagutang papel kung ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o
lugar at pangyayari.

1. Namasyal kami sa Candon City. ______________


2. Ang guro namin ay si Bb. Reyes. _______________
3. Nagluto si nanay ng pansit noong kaarawan ko. ________
4. Pinapakain ko ang aso namin araw- araw. __________
5. Nasira ang bago naming telebisyon. ____________

PAGLALAGOM

7
Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at
pangyayari.

APLIKASYON

Punan ang puwang ng angkop na


pangngalan mula sa kahon upang mabuo
ang impormasyon.
Isulat ito sa sagutang papel.

kambing paaralan Araw ng mga Puso

libro Maria Pineda

Ako ay si (1)____________________________ , na nasa


Ikalawang Baitang. Dinadala ko ang aking mga (2)_____________
araw- araw. May nadadaanan kaming (3)________________ kapag
pumapasok kami sa (4)__________________. Tuwing (5 )
______________________, kami ay gumagawa ng mga puso.

PAGTATAYA

8
A. Kopyahin ang tsart sa sagutang papel . Isulat ang bawat
pangngalan sa kahon / angkop na hanay.

kalabaw pulis suklay Pasko sabon


guro paaralan kambing Bagong Taon
ospital baboy nars
binyag kutsara simbahan bumbero

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

B. Basahin ang maikling kuwento. Piliin at isulat sa sagutang


papel ang mga pangngalang nakapaloob dito.

9
Ang mag- anak na Garcia ay masayang namasyal sa Baluarte
Zoo na matatagpuan sa Vigan City, Ilocos Sur, noong Araw ng
Kalayaan . Naroon ang tatay at nanay kasama ang dalawa nilang anak
na sina Rudy at Maria. Nagbaon sila ng masasarap na meryenda tulad
ng pansit, puto, tinapay at inumin. Dito , nakakita sila ng ibat- ibang
uri ng hayop, katulad ng tigre, ahas, pabo, at kabayo. Pagkatapos
nilang malibot ang lugar, napagpasiyahan na nilang umuwi gamit ang
kanilang kotse.

C. Sa sagutang papel, sumulat ng isang maikling talata tungkol sa


pagdaraos ng kapistahan sa inyong barangay. Ang mga
sumusunod ay gabay sa pagsulat nito.

1.Ano ang ipinagdiriwang?


2. Saan iti idinaraos?
3.Kailan ito idinaraos?

10
4.Bakit ito ipinagdiriwang?
6. Ano ang mga nagaganap tuwing kapistahan?
7. Ano ang mga nakikita tuwing kapistahan?

SANGGUNIAN

 Ang Bagong Batang Pinoy Kagamitan ng


Mag-aaral pp. 27-30
 Most Essential Learning Competency
(Linggo 1, FIL 2-F2WG-Ic-e-2 )

MGA SAGOT:

A. BALIK-ARAL
1. kambing
2. guro
3. Luneta
11
4. singsing
5. binyag
PAGSASANAY 3
1. Candon City - lugar
2. Bb. Reyes - tao
3. kaarawan - pangyayari
4.aso – hayop
5. telebisyon – bagay
12

APLIKASYON
1. Maria Pineda

B.
1. Baluarte Zoo
2. Vigan, City, Ilocos Sur
3. Araw ng Kalayaan
4. tatay, nanay
5. tigre,ahas,pabo,kabayo 13

C.

You might also like