You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Batangas City West District
WAWA ELEMENTARY SCHOOL
Wawa, Batangas City

BANGHAY ARALIN
FILIPINO I
Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
1. Nagagamit ang wastong pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
2. Natutukoy ang kailangan ng pangngalan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pangngalan
Kailanan ng Pangngalan

Sanggunian: K to 12 Curriculum, Gabay ng Guro sa Filipino, F1WG-IIc-f -2,


youtube, Pivot 4A BOW with MELCS.
Kagamitan: internet, laptop, mga larawan, video clip, slide decks, Slido

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa mga Hayop

III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak
Kilalanin ang ngalan ng bawat larawan

B. Paglalahad
1. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pakikinig/Pagbabasa ng Kwento
2. Pagbasa ng Kuwento sa pamamagitan ng video clip.
3. Sagutin ang mga Gabay na Tanong:
a. Sino ang may alaga?
b. Ano ang alaga ni Ana?
c. Ano ang paboritong kainin ni Ana araw araw?

C. Pagpapahalaga
Katulad nating mga tao, ang mga hayop ay may buhay din. Ang mga
hayop ay likha ng Diyos kaya dapat natin silang alagaan at mahalin.

D. Pagtalakay sa Paksa
Balikan ang mga salitang nabanggit sa kuwento at ipabasa ito.

Ana itlog

manok bahay

nangingitlog ang inahing manok

Ang mga salitang ito ay tinatawag na pangngalan.


Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.

Ang pangngalan ay may dami o bílang. Kailanan ang tawag sa dami o


bílang ng pangngalan. May tatlong uri ng kailanan ang pangngalan. Ito ay
isahan, dalawahan, at maramihan.
E. Paglalapat
A. Panuto: Kilalanin kung ang larawan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

walis tigre simbahan

magulang Araw ng Pagtatapos

B. Panuto: Tukuyin ang kailanan ng pangngalan.

Sina Aling Rosa at ang magkakaklase ang saranggola


Karen
F. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
Ano ang tatlong uri ng kailanan ng pangangalan?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin ang tawag sa


pangngalang may salungguhit at ang kailanan nito. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Pangungusap Ngalan Kailanan

1. Nasa kuwarto si Pepe. lugar isahan

2. Naglakad sa hardin si Kimmy.

3. Nawawala ang dalawang lapis


ni Ruben.

4. Ang bahay nina ate at kuya ay


malayo.

5. Ang daming mga ibon dito.

V. TAKDA
Panuto: Sa isang malinis na papel, gumuhit ng mga kagamitan na madalas
mong gamitin araw araw.

Inihanda ni:

JOCELLE FALLARCUNA
Teacher I

You might also like