You are on page 1of 18

Romel Costales

DepEd Region 02 CLMD


Lesson Plans for Multigrade Classes
Grades1 and 2
Learning Area: FILIPINO Quarter: 2 Week: 3
Grade Level Grade 1 Grade 2
Pamantayang Pangnilalaman
Pag-unawa sa Napakinggan Pag-unawa sa Napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pag-unawa sa napakinggan pag- unawa sa napakinggan
Gramatika Gramatika
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin damdamin
Pagsasalita Pag-unlad ng Talasalitaan
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at teksto at napapalalawak ang talasalitaan
mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita Estratehiya sa Pag-aaral
Kaalaman sa Aklat at Limbag Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at maunawaan ang iba’t ibang teksto
kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika Komposisyon
Pag-unlad ng Talasalitaan Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang ng sulatin
talasalitaan Panonood
Pagsulat at Pagbaybay Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng
Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos iba’t ibang uri ng media
na pagsulat Pagpapahalaga sa Wika, at Panitikan
Estratehiya sa Pag-aaral Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t
mauunawaan ang iba’t ibang teksto ibang uri ng panitikan
Komposisyon
Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat
Pagpapahalaga sa Wika, at Panitikan
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit
Grade Level Grade 1 Grade 2
ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng
panitikan
Pamantayan sa Pagganap
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakasusunod sa napakinggang hakbang
Wikang Binibigkas
Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng
mga tauhan sa napakinggang kuwento
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakabubuo ng timeline batay sa binasang talambuhay,
kasaysayan
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakagagawa ng mapa ng konsepto upang maipakita ang
nakalap na impormasyon o datos
Komposisyon
Nakasusulat ng sariling kuwento o tula
Panonood
Nakaguguhit at nakasusulat ng tula o talata batay sa
pinanood
Pagpapahalaga sa Wika, at Panitikan
Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng
pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan,
pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
Kompitensi
PAKIKINIG PAKIKINIG
Pag-unawa sa Napakinggan Pag-unawa sa Napakinggan
Naiguguhit ang naibigang bahagi ng napakinggang kuwento Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang
(batay sa tunay na buhay)F1PN-IIc-6 kuwento F2PN-llc-3.1.1-18-26
PAGSASALITA GRAMATIKA
Wikang Binibigkas Kayarian ng Wika
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao,pangyayari at
pangyayari sa paaralan F1PS- llC-3 lugar F2WG-llc-d-4
Grade Level Grade 1 Grade 2
GRAMATIKA PAGBASA
Kayarian ng Wika Kamalayang Ponolohiya
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng Napapantig ang mga mas mahahabang salita F2KP-llc-3
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari F1WG- Pag-unawa sa Binasa
llc-f-2 Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 2-3
PAGBASA hakbang F2PB-llc-2.2
Kamalayang Ponolohiya PAGSULAT
Nabibilang ang salita sa isang pangungusap F1KP-llc-2 Pagsulat at Pagbaybay
PAGSULAT Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may
Pagsulat at Pagbaybay tamang laki at layo sa isa’t isa malaki at maliit na letra,
Nakasusulat ng may tamang laki at maliliit na letra F1PU- mga salita F2PU-llc-3.2
llc-1.1-c-1.2;1.2a Komposisyon
Pagpapahalaga saWika at Panitikan Nakasisipi nang wasto at malinaw ang parirala,
Napahahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pangungusap F2KM-llb-f-1.2
pamamgitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
pampanitikan F1PL-Oa-j-4 Naipapakita ang aktibong pakikilahok sa usapan at
gawaing pampanitikan F2PL-Oa-j-4

Unang Araw
Layunin ng Aralin PAKIKINIG PAKIKINIG
Naiguguhit ang naibigang bahagi ng napakinggang kuwento Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang
(batay sa tunay na buhay) kuwento

Paksang Aralin Pagguhit sa naibigang bahagi ng napakinggang kuwento Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
(batay sa tunay na buhay)
Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, (others) Kuwento:May Sakit si Ina TM, TG, BOW, (others) Kuwento: May Sakit si Ina
Pamamaraan Grouping Structures (tick boxes):
 Whole Class
Grade Level Grade 1 Grade 2
Use these letter icons to show Describe the parts of the lesson (for example the  Ability Groups
methodology and assessment introduction), where you may address all grade levels as  Friendship Groups
activities. one group.  Other (specify)
 Mixed Ability Groups  Combination of Structures
Direct Teaching  Grade Groups
Teaching, Learning and Assessment Activities
DT
A. Babasahin ng guro ang kuwentong pinamagatang” May Sakit si Ina” (Apendiks 1 Araw 1 Baitang 1 at 2)
Talakayan ang seleksiyon:
Itanong:
 Naranasan nyo na ba na magkasakit ang iyong ina?
 Bakit kilangang alagaan ang iyong ina kapag siya ay may sakit?
 Paano mo ipapakita ang pagmamahal mo sa kanya kung may masamang karamdaman ang iyong ina?
IL DT
Gawain: Sabihin:
a. Iguhit ang naibigang bahagi ng kuwento. a. Sagutin ang mga tanong ayon sa narinig na
b. Maghanda ng sasabihin kung bakit ito ang kuwento.
nagustuhan mong bahagi. 1. Anong uri ng bata si Trina?
2. Ano ang nangyari sa kanyang ina?
3. Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa
kaniyang ina?
4. Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang
panuto na ibinigay ng kaniyang ina?
5. Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina
sa ipinakita nitong pagmamalasakit sa
kaniya?
6. Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal
mo sa iyong ina?
DT
Pakikinig sa mga sasabihin ng mga bata tungkol sa iginuhit.
Grade Level Grade 1 Grade 2

Paglalagom: Bilang isang anak, ano ang dapat gawin kung may sakit ang iyong ina?
Mga Tala
Pagninilay
Ikalawang Araw
Layunin ng Aralin PAGSASALITA GRAMATIKA
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao,pangyayari at lugar
paaralan
GRAMATIKA
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari

Paksang Aralin Pag-uulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari Paglalarawan ng mga bagay, tao,pangyayari at lugar
sa paaralan
Paggamit nang wasto ang pangngalan sa pabibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari

Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, mga tunay na tao, lugar, hayop, bagay, at TM, TG, BOW; kahon na may mga larawan ng bagay,
pangyayari tao, pangyayari at lugar
Kuwento: May Sakit si Ina Kuwento: May Sakit si Ina
DT
a. Balik-aralan ang binasang kuwento: “May Sakit si Ina”

Itanong:
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan si Trina. Ilarawan ang ina
Pamamaraan
Ano –ano ang mga bagay sa kuwento? Ilarawan ang mga ito.
Saan nangyari ang kuwento? Ilarawan ito.
Magbigay ng isang napakahalagang pangyayari sa kuwento at ilarawan ito.

DT GW
Grade Level Grade 1 Grade 2
Gawain: a. Bumuo ng dalawang pangkat.
1.Palalabasin ang mga bata kasama ang guro. b. Bigyan ng bawat pangkat ang tig-iisang kahon na
Sabihin: may mga larawan ng bagay, tao, pangyayari, at
“Lalabas tayo. Iikutin natin ang paaralan. Maglista ng lugar. (Apendiks2, Araw2,Baitang2)
pangalan ng tao,lugar, hayop, bagay, at pangyayari na c. Magbigay ng isang salita na naglalarawan sa bawat
makikita.” larawan.
2. Sa loob ng silid-aralan,tawagin ng isa-isa ang mga bata DT
para mag-ulat tungkol sa mga nakita at naobserbahang Pagwawasto sa ginawa ng bawat pangkat.
pangyayari sa paaralan at sasabihin din nila kung ito ay
tao,lugar, hayop, bagay, at pangyayari.
IL
Sabihin:
Isulat sa patlang kung ito ay ngalan ng tao, lugar, hayop,
bagay,at pangyayari.
1. Tasa_______________________
2. Pagong_____________________
3. Kusina_____________________
4. Nanay_____________________
5. Pista_______________________

IL
Panuto:
Magbigay ng salitang naglalarawan sa sumusunod;
1. Sapatos
2. Guro
3. Bata
4. Bukid
5. Pag-akyat sa bundok
Itala ang iskor sa indibidwal na gawain. Irerekord ito ng
guro.
Grade Level Grade 1 Grade 2
Mga Tala
Pagninilay
Ikatlong Araw
Layunin ng Aralin PAGBASA PAGBASA
Nabibilang ang salita sa isang pangungusap Napapantig ang mga mas mahahabang salita
Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 2-3 hakbang
Paksang Aralin Pagbilang ng salita sa isang pangungusap Pagpapantig ng mga mas mahahabang salita
Pagsunod sa nakasulat na panutong may 2-3 hakbang
Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, Kuwento:May Sakit si Ina TM, TG, BOW, Kuwento: May Sakit si Ina
Manila paper na may mga pangungusap na nakasulat Mga panutong nakasulat sa manila paper
Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activites
DT
 Balikan ang kuwentong “May Sakit si Ina”
Itanong:
1. Ano-ano ang ngalan ng tao,lugar,bagay,at pangyayari na nabanggit sa kuwento?
2. Ilarawan ang bawat isa.

 Muling iparinig ang kuwento. Magbigay ng mga pangungusap o panuto sa kwento.Itala ng guro sa pisara ang mga
pangungusap na ibibigay ng mga bata gaya ng mga sumusunod:
1. Una, maglagay ka ng kalahating takal ng bigas sa kaldero.
2. Sunod naman ay hugasan mo ang bigas.
3. Pagkatapos ay lagyan mo ito ng tatlong basong tubig para sa sabaw.
4. Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo.
5. Hayaan mong kumulo ng sampung minuto.
6. Panghuli, timplahan mo ng asin kapag luto na.
Itanong:
1. Ilang salita ang bumubuo sa unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo?pang-apat?
Panlima? Pang-anim?
2. Nasunod ba ni Trina ang mga panutong ito?
3. Ilang pantig mayroon ang salitang pagkatapos?
Grade Level Grade 1 Grade 2
 Magbibigay pa ng guro ng iba pang salita at tatanungin kung ilang pantig ang bawat salita.

GW DT
a. Bumuo ng dalawang pangkat. a. Bumuo ng apat na grupo.
b. Pipili ng bawat pangkat ang kanilang lider. b. Bibigyan ng bawat grupo ng manila paper na may
c. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng manila paper mga panutong nakasulat. Hintayin ang hudyat ng
na may mga nakasulat na pangungusap. guro sa paggawa.(Apendiks 4, araw 3, Baitang 2)
d. Bibilangin nila ang mga salita na bumubuo sa bawat c. Pagsasagawa ng bawat pangkat.
pangungusap at isusulat nila ito sa patlang. (Apendiks IL
3, araw 3, Grado 1) Isulat ng papantig ang mga salita.
DT 1.direksiyon___________________________
 Pagwawasto sa ginawa ng mga bata. 2. nagpasalamat_______________________
3.pakakapanalo________________________
4.pangunahin___________________________
5. pinag-uusapan_______________________
DT
 Pagwawasto sa ginawa ng mga bata
.
Paglalagom: Bakit mahalaga na dapat sundin ang mga panuto?
Mga Tala
Pagninilay

Layunin ng Aralin PAGSULAT PAGSULAT


Nakasusulat nang may tamang laki at maliliit na letra Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at
layo sa isa’t isa malaki at maliit na letra, mga salita
Nakasisipi nang wasto at malinaw ang parirala,
pangungusap
Paksang Aralin PAGSULAT PAGSULAT
Grade Level Grade 1 Grade 2
Pagsulat nang may tamang laki at maliliit na letra Pagsulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at
layo sa isa’t isa malaki at maliit na letra, mga salita
Pagsipi nang wasto at malinaw ang parirala, pangungusap
Kagamitang Panturo TM, TG, BOW,papel at lapis TM, TG, BOW, aklat sa Filipino, papel at lapis

Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activites


DT
Pagbabalik aral:
Itanong:
1. Ilang salita ang bumubuo sa pangungusap na ito?
Si Ana ay masipag na bata.
2. Pantigin ang salitang ito.
Maglalaro
3. Isagawa ang mga sumusunod na panuto.
a.Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng puno ang pangalan ng bawat miyembro ng iyong pamilya.

IL DT
a. Isulat sa pisara ang mga titik ng alpabeto. a. Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang mga
b. Ipakopya ito sa papel. letra sa paraang kabit-kabit na may tamang laki
DT at layo sa isa’t isa malaki at maliit na letra.
a. Pagwawasto sa ginawa ng mga bata. b. Bilangin habang ginagawa ito upang mas
b. Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang mga letra masundan ng mga bata.
na may tamang laki at layo sa isa’t isa malaki at c. Ipasulat ito sa hangin/sapalad/sa likod ng
maliit na letra. kaklase.
c. Bilangin habang ginagawa ito upang mas masundan d. Ipabakat ito sa pisara.
ng mga bata. IL
d. Ipasulat ito sa hangin/sapalad/sa likod ng kaklase. a. Ipasulat ang mga titik sa kanilang papel.
e. Ipabakat ito sa pisara.
IL DT
Grade Level Grade 1 Grade 2
Sipiin ang mga titik ng alpabeto  Pagwawasto sa ginawa ng mga bata
IL
DT Sabihin:
Pagwawasto sa ginawa ng mga bata. Sipiin nang pakabit- kabit ang mga sumusunod:
1. Mahilig maglaro
2. Laging magkasama
3. Sabay-sabay kumain
4. Namasyal sila sa bukid.
5. Malaki ang pabuya na makukuha ang mananalo sa
paligsahan.
DT
Pagwawasto sa ginawa ng mga bata
Mga Tala
Pagninilay
Ikalimang Araw
Layunin ng Aralin Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Napahahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa Naipapakita ang aktibong pakikilahok sa usapan at
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing gawaing pampanitikan
pampanitikan

Paksang Aralin Pagpapahalagasa mga tekstong pampanitikan sa Pagpapakita ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing pampanitikan
pampanitikan

Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, (others) Kuwento: Masayang Bakasyon TM, TG, BOW, (others) Kuwento: Masayang Bakasyon

Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activites

DT
 Balikan ang wastong paraan ng pagsulat ng mga titik sa hindi kabit-kabit at kabit-kabit na paraan.
 Balikan din kung paano ang wastong paraan ng pasipi ng mga parirala at pangungusap.
Grade Level Grade 1 Grade 2
Itanong:
 Naranasan nyo na bang pumunta sa ibang lugar o nagbakasyon kung matagal na walang pasok sa paaralan?
 Saan naman kayo nagbakasyon?
 Ngayon, kayo ay makikinig sa isang kuwento tungkol sa masayang bakasyon(Apendiks 5 Araw 5 Baitang 1 at 2)
 Ibigay ang mga pamantayan sa wastong pakikinig ng kuwento.

Pagsagot sa pamatnubay na mga tanong.


1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Bakit sila nagpunta sa baryo?
3. Ano-ano ang nakita nila Bella sa pagpunta sa baryo?
4. Bakit nagustuhan ni Bella ang baryo ng kanilang lola?
5. Kung ikaw si Bella , gusto mo bang manirahan sa baryo? Bakit? Bakit hindi?

DT
Ipagawa ang mga sumusunod sa bawat pangkat: Dalawang pangkat sa bawat baitang
(Pagguhit) Pangkat 1-Gumuhit ng isang magandang lugar na maaring pagbakasyunan
( Pagsasakilos)Pangkat 2- Isasakilos kung paano pangalagaan ang inyong kapaligiran
(Patatalakayan)Pangkat 3-Pag-usapan ang isang karanasan tungkol sa sariling pagbabakasyon.() (Pagbabalita)Pangkat
4- magkunwaring newskaster na nagbabalita tungkol sa magandang pook bakasyunan.

Tayahin ang Rubrics sa Paggawa: Apendiks 6 Araw 5 Baitang1 at 2


Mga Tala
Pagninilay
APENDIKS 1 ARAW 1 BAITANG 1 AT 2

May Sakit si Ina

Mabait at masipag na bat si Trina. Lagi siyang tumutulong sa mga gawaing bahay.

Isang araw, nagising si Trina na may sakit ang kaniyang ina. Maaga pa ng pumunta sa
trabaho ang kaniyang ama. Inutusan sya ng kaniyang ina na bumili ng gamot. Dali-dali
naman siyang sumunod. Alalang-alala si Trina. Naisip niyang ipagluto ang kaniyang ina
ngunit hindi siya marunong.

“Inay,Ipagluluto po kayo ng lugaw.Ituro po ninyo sa akin kung paano” pakiusap ni


Trina.

“Naku, maraming salamat,anak”sabi ng kaniyang ina.

“Makinig kang mabuti. Una, maglagay ka ng kalahating takal ng bigas sa kaldero.


Sunod naman ay hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay lagyan mo ito ng tatlong baso ng
tubig para sa sabaw. Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo. Hayaan mong kumulo ng
sampung minuto. Panghuli, timplahan mo ng asin kapag luto na,” sabi ng ina.

“Madali lang pala. Hayaan po ninyo, susundin ko ng maayos ang inyong sinabi,”
masayang sabi ni Trina. Masayang pinanood ng nanay si Trina habang abala sa
pagluluto.

“Maasahan talaga si Trina,” bulong ng ina

APENDIKS 2, ARAW 2 BAITANG 2

Laman ng unang kahon Laman ng pangalawang kahon

Panuto: Panuto:
Ilarawan ang mga sumusunod: Ilarawan ang mga sumusunod:

1. __________ 1.

2. ________________2. __________________

3. ____________3. ____________________

4. ______________ 4. __________________

5. _____________ 5.

APENDIKS 3 ARAW 3 BAITANG 1

Bilangin ang mga salita sa bawat pangungusap at isulat ito sa patlang.

1. Sina Mang Cardo at Aling Carla ay mga ulirang magulang.____


2. Ang mga anak nila na sina Fe at Amado ay tulad din nilang mga uliran._____
3. Si Fe ay tumutulong sa mga gawain sa bahay._____
4. Si Amado naman ay nagpapakain ng mga alaga nilang hayop._____
5. Sina Lolo Danilo at Lola Marisa ay nakatira sa kanila._______

APENDIKS 4ARAW 3 BAITANG 2

Unang pangkat- Gumuhit ng isang malaking araw. Sa bawat dulo ng sinag


ng araw, isulat ang pangalan ng bawat miyembro ng pangkat.

Ikalawang pangkat - Gumuhit ng pitong malalaking linyang pakurba. Kulayan ito ng


pula, kahel, dilaw,asul, indigo, at lila upang makabuo ng bahaghari. Lagyan ng ulap ang
magkabilang dulo ng bahaghari.
Ikatlong pangkat- Gumawa ng isang tuwid na pila mula sa pinakamaliit na miyembro
hanggang sa pinakamalaki. Ipatong ang kamay sa balikat ng kaklaseng nauuna sa iyo.

Ikaapat na pangkat- Maghawak-kamay at bumuo ng pabilog na posisyon. “Awitin ang


“Bahay Kubo” sa saliw ng palakpak.

APENDIKS 5 ARAW 5 BAITANG 1 at 2

Masayang Bakasyon

Noong nakaraang bakasyon,ang magkapatid na Bella at Vico ay dinala ng kanilang ama


sa isang maliit na baryo sa Bikol upang dalawin ang matanda nilang lola .Habang nasa
biyahe ay masayang –masaya ang dalawang bata .Pinagmamasdan nila ang kanilang
dinadaanang malalawak at sementadong kalye gayundin ang mga bukid na may tanim na
matataas at iba’t ibang uri ng punongkahoy.

Pagdating sa bahay ay agad silang humalik sa kamay ng lola.”Ang ganda po ng lugar


ninyo ,Lola “ang sabi ni Bella.

“Ang mga nakikita ninyo ay bunga ng pagtutulungan ng mga tao rito sa aming baryo
.Hindi sila nagpuputol ng mga punongkahoy.Ang batis at dagat ay pinangangalagaan at
pinanatiling malinis ,”ang sagot ng Lola .

Madaling nagustuhan ni Bella ang baryo ng kanilang Lola.Marami siyang naging


kaibigan .Naglalaro sila sa malawak na bukid na maraming punongkahoy na hitik sa
bunga .Naliligo sila sa malinaw na tubig ng batis.Sariwa at masarap ang gulay at mga
isda.

“Maraming salamat po,Lola.Sana po ay makabalik ulit kami sa susunod na


bakasyon,”ang sabi ni Bella sa

APENDIX 6 ARAW 5 GRADO 1 AT 2

Panuto: Lagyan ng tsek (x) ang angtas na inyong naabot sa bawat pamantayan
3=Napakahusay
2=Katamtamang husay
1=May pagkukulang

Antas ng Pamantayan
Pamantayan
3 2 1
1. Naisagawa nang
maayos, kasiya-siya,
at tumugon sa layunin
ang ipinakita.

2. Naging kooperatibo
ang bawat kaspi ng
pangkat.

3. Nagpakita ng
pagkamalikhain ang
ipinakitang palabas o
gawain ng pangkat.

Kabuuang Iskor
Lesson Plans for Multigrade Classes

Grades 1 and 2

Learning Area: Filipino

Quarter: 2

Week: 3

SUBMITTED BY:

ROWENA P. EUGENIO

BALLACONG ELEMENTARY SCHOOL

You might also like