You are on page 1of 8

Rei Madelene M.

Espiritu Oktubre 16, 2023


2A1-1 G. Pio B. Bohol

MASUSING BANGHAY- ARALIN BAITANG DALAWA


I. Layunin

A. Nagagamit ang pangngalan nang tama sa pangungusap. Natutukoy ng mga mag-aaral


ang iba’t ibang uri ng pangngalan ng bawat tao, bagay, lugar hayop, at pangyayari.
B. Nabibigyang halaga ang tamang paggamit ng pangngalan sa pangungusap
C. Nagagamit ang pangngalan sa pang araw-araw na pamumuhay.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Uri ng Pangngalan


1. Pantangi
2. Pambalana
B. Sanggunian: Internet ( Ano ang Pangngalan? Uri at Nga Halimbawa
(filipino.net.ph) )
C. Kagamitan: Laptop, HDMI, Telebisyon, Intraksyunal na materyales, pisara, tsalk at mga
larawan.

III. Pamamaraan
Gawaing Pang-Guro Gawaing Pang-Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1) Pambungad na Panalangin

- “Bago tayo magsimula tumayo muna  “Opo Ma’am, Yumuko ang lahat at damhin
tayong lahat para sa panalangin. ang presensya ng Panginoon. Ama, Salamat
__________ maari mo bang pangunahan sa araw na ito………..
ang panalangin.”

2) Pagbati ng guro at mag-aaral

- Magandang araw sa inyong lahat!”  “Magandang araw din po Ginang Espiritu”

3) Pagsasaayos ng silid-aralan

- “Mangyari lamang na pakipulot niyo ang ( Ang mga mag-aaral ay tatayo upang pulutin ang mga
mga kalat na makikita ninyo sa inyong kalat at itatapon ito sa tamang basurahan. Aayusin ang
kapaligiran, iayos ang pagkakalinya ng pagkakalinya ng kanilang upuan at aayusin ang kanilang
inyong mga upuan at umayos ng pagkakaupo. )
pagkakaupo.”

4) Pagtala ng lumiban sa klase

( Tatanungin ng guro ang estudyante na nagtatala


ng liban kung may wala sa klase )

______ meron bang lumiban ngayon sa klase?  Ikanalulugod ko pong ibalita sa inyo na walang
lumiban ngayon sa ating klase/Ikinalulungkot
ko pong ibalita sa inyo na mayroon pong
lumiban sa ating klase. Sya ay si
__________/Sila ay sina __________.
B. PAGGANYAK (AKTIBITI)

a. Ang guro ay magsasalaysay ng isang


maikling kwento.

Ang alaga ni Biboy

Si Biboy ay may alagang baboy. Ang


pangalan nito ay Buboy. Madalas niya
itong paliguan. Ang pagkain nito ay darak
at nilagang gulay. Mahal ni Biboy ang
alaga niyang baboy. Gumawa ang tatay ni
Biboy ng maayos na kulungan. “Salamat po
Tatay”, wika ni Biboy.

b. Pagkatapos marinig ang kwento ay


sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
tanong na inihanda ng guro

1. Sino ang may alaga ?  “Si Biboy”


2. Ano ang alaga ni Biboy ?  “Ang alaga nya ay Baboy”
3. Ano ang pangalan ng alaga niya ?  “Ang pangalan nito ay Buboy”
4. Sino ang gumawa ng maayos na  “Tatay ni Boboy”
kulungan para sa alagang baboy ni
Biboy ?

- “Ano ang napansin nyo sa isinalaysay kong  “Mayroon pong mga pangalan”
kwento ?”
- “Ngayon ano sa tingin nyo ang tatalakayin  “Pangngalan po Ginang”
natin ngayong araw ?”
- Magaling! Palakpakan nyo ang inyong ( Sabay-sabay na magpapalakpakan ang mga mag-
sarili. aaral. )
- PAGLALAHAD NG PAKSA

- “Ngayong araw ay tatalakayin natin ang


pangngalan at aalaminnatin kung ano-ano
ang uri nito.”
 “Opo”
- “Handa na ba kayong makinig ?”

POKUS NA TANONG (ANALISIS)

 “Bakit mahalaga ang paggamit nang wasto


sa mga pangngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar at pangyayari?”

( Sisimulan na ng guro ang talakayan )

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
(ABSTRAKSYON)

- “Ang ating tatalakayin ay pangngalan”

PANGNGALAN – ay ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar at pangyayari.

URI NG PANGNGALAN
1. PANTANGI – ito ay tumutukoy sa
isang tanging tao, hayop, bagay. Pook
o pangyayari. Nagsisimula ito sa
malalaking titik

HALIMBAWA:

Andres Bonifacio – tao


Samsung – bagay
Blackie – hayop
Palawan – lugar
Pasko – pangyayari

2. PAMBALANA – tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop at lunan. Ito’y nagsisimula sa
maliliit na titik.

HALIMBAWA:

doktor – tao
aso – hayop
palengke – lugar
telebisyon – bagay

D. PANGKATANG GAWAIN
(APLIKASYON)

Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na


pangkat kung saan pipili ang mga ito ng kanilang
itatalagang lider. Ang bawat lider ay bubunot ng
dalawang larawan kung saan nakapaloob ang
Jumbled letters na kanilang bubuuin ayon sa
larawang nabunot. Ang bawat pangkat ay bibigyan
lamang ng limang minuto upang buuin ang salita.

PANGKAT 1 : ESTES

BMSHIANA
OCCO NARIMT

PANGKAT 2 : MIYA

NANA UCTRSI

LATIPSOH
PANGKAT 3 : ZILONG

NOKMA

DR. O E J S LIRAZ

PANGKAT 4 : NANA

SALE
USPA

- “Tapos na ang oras! Idikit na ang mga


lawaran at ang inyong nabuo sa pisara.”

E. FIDBAK NG MGA MAG-AARAL

“Mahuhusay kayong lahat! Palakpakan ang


inyong mga sarili at nasagutan ninyo ng
tama ang ating pangkatang Gawain.”

F. INPUT NG GURO

“Klase, tandaan ninyo ang dalawang (2) uri


ng pangngalan. Ang Pantangi na nagsasaad
ng tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari at pambalana na
nagsasaad ng kabuuang ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari. Sa
paggamit ng pangngalan mas malalaman
natin ang tiyak ng ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari na ating
tinutukoy.”

G. PAGLALAHAT

“Matapos ang pangkatang gawain, nais ko


kayong tanungin tungkol sa paksang ating
tinalakay.”

- Bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t


ibang uri ng pangngalan.
( Magbibigay ng palagay ang mga mag-aaral )
- Mahusay!

INTERPRETASYON

a. Pagsagot sa pokus na tanong

“Bakit mahalaga ang paggamit nang wasto sa mga


pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at
pangyayari?”
IV. PAGTATAYA
Panuto: Pagkatapos buuin ng mga mag-aaral ang Jumbled Words na kanilang nabunot ay ididikit ito ng
guro sa pisara. Hango sa larong “Hep Hep, Hooray” ang mga mag-aaral ay papalakpak ng dalawang beses
kung ang pangngalang binanggit ng guro ay PANGNGALANG PANTANGI at itataas ang dalawang
kamay kung ang binanggit na pangngalan ay PANGNGALANG PAMBALANA . Ang mahuhuling
magkamali ay maaari ng maupo.

PANTANGI:

ANNE CURTIS COCO MARTIN

DR. JOSE RIZAL ELSA


PAMBALANA:

SIMBAHAN HOSPITAL

MANOK PUSA

V. KASUNDUAN

Gumupit ng 5 larawan ng tao, bagay, hayop, o lugar at idikit ito sa kuwaderno. Isulat ang pangngalang
tumutukoy sa larawan.

You might also like