You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang kaibahan ng dalawang uri ng pangngalan;
b. nakapagpapakita ng kawilian sa paglahok sa mga aktibidad tungkol sa dalawang uri
ng pangngalan; at
c. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pantangi at pambalanang pangngalan.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Dalawang Uri ng Pangngalan
Sanggunian:https://depedtambayan.net/filipino-3-unang-markahan-modyul-1-paggamit-
ng-pangngalan-sa-pagsasalaysay/uri-ng-pangngalan
Kagamitan: tsart, powerpoint presentation, papel ng aktibidad, mga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Lahat tayo ay tumayo at
manalangin. (Tumayo ang mga mag-aaral)

Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng


espiritu santo…
Panginoon, gabayan mo po kami sa
araw na ito. Sana ay maging
masaya at marami pong matutunan
ang aking mga mag-aaral. Bigyan
niyo din po ako ng lakas at gabay
sa aking pagtuturo. Maraming
salamat po Panginoon.
Amen. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po sa iyo guro.

3. Pagtala ng Liban
Sino ang wala sa ating klase
ngayon? Wala po ma’am.
Maganda kung ganoon at kompleto
kayo lahat.

4. Balik-aral
Ano ang pinag-aralan natin
kahapon? Tungkol po sa pangngalan guro.

Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay ang tawag sa salitang


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari.
Mahusay!

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating aralin
ngayong araw, magkaroon muna
tayo ng aktibidad.
Mayroong mga larawan dito sa loob
ng kahon, piliin niyo ang tamang
kapareha ng mga salitang nasa
tsart. Idikit niyo ang mga larawan sa
tabi ng mga ito.
 paaralan
 lapis
 sapatos
 ospital
 pabango
 tsokolate
 aklat
 gatas
 sabon
 aktres Ang mga larawan ay mga bagay na tiyak o
partikular na ngalan.

2. Paglalahad ng Paksa Ang mga salita na nasa tsart ay mga


Base sa ating aktibidad, ano ang pangkalahatang ngalan.
napansin ninyo?

Tama!
Ano naman ang mga salita na nasa
tsart?

Mahusay!
Iyan ang dalawang uri ng
pangngalan at ito ang ating aralin
ngayon.

3. Pagtatalakay Ang pantangi ay tawag sa pangngalang


Ang pangngalan ay may dalawang tumutukoy sa tiyak o partikular na ngalan
uri at ito ang pantangi at ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
pambalana.

Ano ang pantangi?

Tama!
Ang pantangi ay nagsisimula sa
malaking titik.
Halimbawa: Dr. Shirley Palma
 Rolito Jansport
 Bagong Taon Pig
Ilocos Sur
Magbigay nga kayo ng mga Encantadia
halimbawa.
Ang pambalana ay tawag sa
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangayayari.

Magaling!
Ano naman ang pambalana?

Tama!
Ang pambalana ay nagsisimula sa
maliit na titik.
Halimbawa: guro
 kamag-aral bag
 pista baboy
probinsya
Magbigay nga rin kayo ng pelikula
halimbawa.

Ang mga salitang nakasulat sa tsart ay


Mahusay! mga pangngalang pambalana ma’am.
Kung inyong titignan ang ating Ang mga larawan naman ay mga
aktibidad kanina, maaari niyo bang pangngalang pantangi ma’am.
sabihin kung alin diyan ang
pantangi at pambalana?

Magaling!

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at
kayo ay magkakaroon ng gawain.

Unang grupo:
Pagtambalin ang pangngalang
pambalana na nasa Hanay A sa
pangngalang pantangi na nasa
Hanay B.

A B
ina • • Adidas Shoe
kainan • • Pilipinas
bansa • • Jollibee
sapatos • • Aling Trisha
simbahan • • Nescafe
probinsya • • Enero
shampoo • • Tanduay
alak • • Paoay Church
kape • • Sunsilk
buwan • • Ilocos Norte

Pangalawang Grupo:
Iguhit ang bilog ( O ) sa patlang
kung ang pangngalang tinutukoy ay
pambalana at bituin ( ) naman
kung ito ay pantangi.

bunso
Jessa Mae
palengke
bigas
Engr. Lazo
Mansanas
Dingdong Dantes
kaibigan
bolpen
kaarawan

Pangatlong Grupo:
Magbigay ng pantangi at
pambalanang pangngalan ng mga
sumusunod na salita.

 kuya
 Tabacco Festival
 Frutos
 bulkan
 Palmolive
 Lunes
 Argentina Corned Beef
 aso
 kotse
Pantangi at Pambalana.
 Lenovo

2. Paglalahat
Ano ang dalawang uri ng Ang pantangi ay tawag sa pangngalang
pangngalan? tumutukoy sa tiyak o partikular na ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
Ano ang pagkakaiba ng pantanging Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
pangngalan at pambalanang Samantalang ang pambalana ay tawag sa
pangngalan? pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangayayari. Ito naman ay
nagsisimula sa maliit na titik.

Magaling!

IV. PAGTATAYA
A. Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap.
1. Ang ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari.
2. Ang dalawang uri ng pangngalan ay at .
3. Ang tawag sa tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari
ay .
4. Ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangayayari ay
.
5. Ang pambalana ay nagsisimula sa na titik at ang pantangi ay nagsisimula
sa na titik.

B. Tukuyin ang mga salita kung ito ba ay pantangi o pambalana.


1. Aling Rosa
2. Guadalupe
3. paligsahan
4. kasintahan
5. Manuel
6. Luzon
7. kapatid
8. dalaga
9. hari
10. Sinulog Festival

V. TAKDANG ARALIN
Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin kung ito ay pangngalang
pantangi o pambalana. Isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT
naman kung ito ay pantangi.

1. Mahilig kumain ng pansit at siopao si Juanita.


2. Ang probinsya namin ay nasa timog ng Luzon.
3. Mamamasyal sina Jun at Eva sa Luneta sa Linggo.
4. May nakita kaming tigre at ahas sa Avilon Zoo.
5. Si Binibining Maria Gomez ang guro namin sa Sibika at Kultura.
6. Ang SM Mall of Asia ay ang pinakamalaking mall sa bansa.
7. Humiram ka ba ng aklat mula sa silid-aklatan?
8. Si Ginang Corazon Aquino ang dating pangulo ng Pilipinas.
9. Ang fiesta sa lungsod ng Cebu ay ipinagdiriwang tuwing Enero.
10. Nasa St. John Hospital si Mark dahil tumaas ang kanyang lagnat.

You might also like