You are on page 1of 3

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. MGA LAYUNIN:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Unang Baitang
1. malaman ang kahulugan ng salitang pangalan
2. matukoy ang iba’t-ibang pangalan ng bawat bagay o tao, at
3. mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan
Pangalawang Baitang
1. magbalik-tanaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop, at pook
2. matukoy ang dalawang uri ng pangngalan, at
3. maintindihan ang gamit ng pangngalan
I. PAKSANG ARALIN:
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o bagay
MGA KAGAMITAN:
Plaskard ng mga salita
Materyales para sa pangkatang gawain
Mga tunay o larawan ng tao o bagay
II. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Checking of
Attendance

A. Motibasyon: Hello Song

B. Paghahanda

Isipin niyo kayo ay napadpad sa isang


lugar na walang nakakakilala sa inyo.
Yung walang pumapansin sayo kahit
anong gawin o sabihin mo. Anong
mararamdaman mo?

C. Paglinang sa Aralin

Pangngalan ang tawag sa ngalan ng


tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at
gawa. May dalawang pangunahing uri
ng pangngalan.

Pagkahati-hati ng pangngalan

Nauukol ang pangngalan ayon sa


kaurian sa pagpapangalan sa tao,
bagay, o pangyayari. Maari itong
pambalana o pantangi.

• Pantangi- mga pangngalang nagsisimula


sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o
tiyak na ngalan ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari
na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng
pangngalang pantangi na hindi
maipagkamali ang tinutukoy sa iba.
Halimbawa: Emardy Barbecho, Carmen,
Bongbong Marcos, Bathala

• Pambalana- mga pangngalang


nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy
sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, pangyayari, at iba pa. Kasama rin
ang kabuuan ng mga basal na salita.
Halimbawa: bayani, aso, pagdiriwang
III. PAGBUBUOD

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng


papnanalita na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
Maari din na ipakilala ng pangngalan
ang isang kaisipan o konsepto. May
dalawang pangunahing uri ng
pangngalan, ito ang pangngalang
pantangi na tumutukoy sa tiyak na
pangngalan ng tao, bagay, hayop, at
pook. Samantala ang pangngalang
pambalana ay tumutukoy sa di tiyak na
pangngalan ng tao, bagay, hayop, at
pook.

IV. APLIKASYON

Unang Baitang Pangalawang Baitang

May ipapakita na imahe, kailangan Masasabi kong sa hanay ng pangngalan


malaman kong ito ba ay pangalan ng tao, ay pantangi o pambalana.
bagay, hayop, at pook.

V. EBALWASYON
Isulat sa ibaba kong saang pangkat
kabilang ang bawat salita. Salungguhitan ang mga
pangngalang ginamit sa pangungusap.
Emardy Barbecho Aklat Panginoon
1. Sina Aubrey at Jessa ay dumalaw
Kalabaw Salamin Anna Lapis dito.
Carmen 2. Sadyang matalino at matapang si
Dr. Jose Rizal.
Abril Bahay Vice Ganda 3. Malaki ang aso nila.
Skwelahan 4. Bayani ang tawag sa nagbubuwis
buhay para sa bansa.
Tuta Kwaderno Suklay Opisina 5. Margelie Bejoc ang aking pangalan.
Jessa

Palaka Loro Kuting Pambura

Pangala Bagay Hayop Pook


n

VI. TAKDANG ARALIN

Unang Baitang

Gumuhit/mag print o gumupit ng


larawan ng tao o bagay na mayroong Pangalawang Baitang
pangalan at idikit ito sa iyong
kwaderno. Magbigay ng sampung halimbawa
ng pangngalang pantangi at pambalana.
Isulat ito sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:

Anna Mae D. Prieto


BEEd-3B

You might also like