You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa Filipino

Guro : Jay Ann May S. Asis


Paaralan : West Prime Horizon Institute, Inc.

Paksa : Pangngalan
Sanggunian : https://www.slideshare.net/JeffreyIlustrisimo/pangngalan-77526393
Kagamitan : Laptop, Marker, Cartolina,

Layunin :
Sa pamamagitan ng pagtalakay sa pangngalan, ang mga sumusunod ay inaasahan
ng mga mag-aaral:
a. Nalalaman ang kahalagahan ng pangngalan at ang mga uri nito;
b. Mabigyan ng pagpapahalaga ang mga pangngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay at pangyayari;
c. Nagagamit ng tama ang mga pangnglan sa iba’t ibang aspeto.

I. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala sa mga Lumiban
 Balik-aral
 Pagganyak

II. Paglalahad

A. Pagtatalakay
Matapos makapagbigay ng pagganyak ang guro ay magtatanong kung ano ang
kanilang dating kaalaman sa pangngalan at sa mga uri nito. Ipliwanag kung ano ang
kahalagahan ng pagbibigay ng pangngalan sa bawat tao, hayop, bagay, lugar ay
pangyayari.

B. Paglalahat
Ang pangngalan ay maaring tumukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay o
pangyayari. Ito ay may dalawang uri ang pangngalang pambalana at pangngalang
pantangi.

C. Paglalapat
Magbigay ng pangungusap na halimbawa ng pantangi at tatlong uri ng pambalana
ang tahas o kongreto, basal o di-kongkreto at lansakan.
III. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang sumusunod. Kung ito ba ay pantangi,
pambalana, basal, tahas o lansakan.
1. Guro
2. Pisara
3. Jose Rizal
4. Jansport
5. Karangalan
6. Pangkat
7. Asin
8. Kaligayahan
9. Karangyaan
10. G. Edgardo Cruz

IV. Takdang Aralin


Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa kalahating papel ang iyong sagot.
1. Paano natin malalaman kung ang isang salita ay pangnglan o hindi?
2. Ano ba ang kahalagahan ng panggalan bilang bahagi ng pananalita?

You might also like