You are on page 1of 6

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

Baitang 2 – Filipino

I. LAYUNIN
Sa loob ng 50 minuto, ang mag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang wastong pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar,
at mga bagay;
• Nabibigkas nang wasto ang tunog na kambal katinig (kl, ts, gl, pr, pl, gr); at
• Nakapagbibigay ng sagot sa mga tanong na sino, ano, saan, at bakit.

II. PAKSA NG PAGKATUTO


Ang Pangngalan, Mga Salitang Ginagamit sa Pagtatanong, at Ang Klaster o Kambal
katinig

III. MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Kagamitan: larawan, kahon, visual aids, at laptop

Sanggunian: Karunungan 2, Serye ng Filipino para sa elementarya pinagsanib na


Wika at Pagbasa, Gloria Tolentino, po. 79-82, pp. 103-106, pp. 147-150 (F2WG-Ic-e-2, F2PN-
Id-1.3.1, F2KP-IV-b-1.2)

Kahalagahan: Pagpapahalaga sa pagtuklas

IV. PROSESO NG PAGKATUTO (7E’s)

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan
4. Pagtala ng mga lumiban sa klase
5. Paglalahad ng mga tuntunin sa silid-aralan

B. Paglalahad ng Aralin

1. Paglahok (Elicit)
• Magpapakita ang guro ng mga larawan at tutukuyin ng mag-aaral kung
ano ang tawag sa mga ito.
• Pagkatapos tutukuyin kung saan itong hanay nakabilang.
Tao Bagay Lugar

2. Pagpukaw ng Interes (Engage)


• Ang guro ay mayroong ipapabasang maikling kwento.
• Pagtatanong:
Sino ang namuno sa pagpupulong?
Ano ang mga gagawin nila sa Barangay San Roque?
Saan sila nagtatapon ng basura?
Bakit nagpatawag ng pulong ang kapitan?
3. Paggalugad (Explore)
• Ang guro ay may ipapakilalang bisita. Mayroon itong dalang kahon.
• Mayroong sasabihin ang guro na senaryo.
• Isa-isang ilalabas sa kahon ang mga bagay na tumutukoy sa kambal
katinig.
• Magtatanong ukol sa makukuhang larawan mula sa kahon.

4. Pagpapaliwanag (Explain)

Ang Pangngalan

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, lugar, at bagay.

Ang Mga Salitang Ginagamit sa Pagtatanong

Ang Sino ay ginagamit kung ang itinatanong ay tao.


Ang Ano ay kung ang itinatanong ay bagay.
Ang Saan ay kung ang itinatanong ay lugar.
Ang Bakit ay kung ang itinatanong ay dahilan.

• Magbibigay ng mga halimbawa.

Ang Klaster o Kambal katinig

Ang klaster o kambal katinig ay tunog ng magkasundo na katinig sa


iisang pantig. Karaniwang ito ay nasa unahan ng salita.

Halimbawa:
tren krudo truno grado
pluma tsuper klima grupo
prutas krema dyip globo

5. Pagpapalawak (Elaborate)
• Mayroong ipapabasang maikling kwento.
• Pagkatapos basahin sasagutin ang mga katanungan na nakapasok sa
sino, ano, saan, at bakit.
• Tutukuyin ang mga salitang kambal katinig at ipapabigkas ito
sakanila.
6. Pagtataya (Evaluate)

Panuto: Basahin ang mga salita, Isulat ang tamang klaster o kambal katinig na
bubuo sa salita at ilagay ito sa patlang.

gr ts gl

kl pr pl
1. Ang aysikel ay uri ng sasakyan.

2. Hugasan natin ang mga ato at baso.

3. Pabago-bago ang ima.

4. Hugis bilog ang obo.

5. Isara mo ang ipo pagkatapos mong gamitin.

6. Binilhan ako ng bagong inelas.

7. Mahilig akong kumain ng gulay at utas kaya ako ay malusog.

8. Mataas ang nakuha kong ado sa aming pagsusulit.


9. Paborito kong manood ng ograma tuwing gabi.

10. Mahilig akong uminom ng okolate tuwing umaga.

7. Pagpapalawig (Extend)
Basahin ang kwento at sagutan ang mga tanong. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.

Mga tanong:

1. Sino ang malusog na bata?


2. Ano ang mga kinakain upang maging malusog si Cindy?
3. Saan kumakain si Cindy?
4. Bakit mahalaga na maging malusog tayo?

Inihanda ni: Nabatid ni:


MIKAILA B. CABANAYAN SIR MARC ARVI V. QUIROZ
BEED 2C Guro

You might also like