You are on page 1of 11

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg. 28 Asignatura: Filipino Baitang: 6 Markahan: Ikatlo Oras: 50 Minuto


Mga Kasanayan:  Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga F6PN - IIIj – 12
Hango sa Gabay pangyayari sa alamat na napakinggan. F6PB – IIIj - 19
Pangkurikulum  Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
Susi ng Pag-unawa Ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling saloobin, iniisip, paniniwala, at pagpapakahulugan.
na Lilinangin Ang katotohanan ay pahayag na nababatay sa totoong pangyayari.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Naipahayag ang hinuha sa kinalabasan ng mga pangyayari sa alamat na napakinggan.
Kasanayan Natutukoy kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
Kaasalan Naipakikita ang pagtutulungan sa gawaing pangkatan.
Kahalagahan Nabibigyang halaga ang hinuha ng bawat pangkat.
2. Nilalaman Pagbibigay ng Hinuho sa Alamat na Napakinggan
Pagsusuri Kung Ang Pahayag ay Katotohanan o Opinyon
3. Mga Kagamitang Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa 6 pahina 227,239,242
Pampagtuturo Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa Manual ng Guro pahina 112,114
Landas sa Pagbasa, Pahina 24,120,121
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Ipabasa sa mga bata ang alamat.
Gawain
( 5minuto)

4.2. Mga Gawain/ Hatiin ang klase sa apat na grupo.


Estratehiya Ipasagot sa mga bata ang mga katanungan at pagkatapos ipasulat sa manila paper.
Tumawag ng isang bata para basahin ang kanilang sagot.
( 25 minuto) Magbigay ng hinuha batay sa sumusunod na mga tanong ayon sa nabasang alamat.
1. Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong palitan ang katangian ng pangunahing tauhan sa alamat
na inyong napakinggan, anong katangian niya nag papalitan mo? Tukuyin kung sino ang tauhan at
ang kanyang pangunahing katangian sa alamat.
2. Kung papalitan ang pamagat ng alamat, ano ang ipapalit ninyo?
3. Sa palagay ninyo ano ang maaring mangyayari sa buto ng kasoy ng nasa labas na siya?

4.3. Pagsususuri Makatotohanan ba ang nabasang alamat? Bakit?


(3 minuto)
Basahin ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung katotohanan ba o opinyon?
1. Maraming paniniwala ang mga tao sa nayon tungkol sa mga nuno sa punso, duwende, at
engkantada. (Katotohanan)
2. May mga nuno sa punso, duwende, at engkantada sa mga nayon o probinsiya. ( opinyon )

4.4. Pagtatalakay Paano matutukoy ang kaibahan ng katotohanan at opinyon?

(5 minuto) Katotohanan ay mga pahayag na nakabatay sa totoong pangyayari.


Opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling saloobin, iniisip, paniniwala, at pagpapakahulugan.

4.5. Paglalapat Basahin at uriin ang mga pahayag. Ibigay kung ito ba ay katotohanan o opinyon.

( 3 minuto) 1. Hindi na dapat magpista pagkat lubha itong magastos.


2. Ang pagdiriwang ng pista ay bahagi ng kulturang Pilipino.
3. Mas masaya ang pagdaraos ng pistang-bayan kung may marangyang handaan.
4. Ang Ati-atihan sa Aklan ay nagsimula bilang paggunita sa magandang pagkakaibigan ng mga Ati
At ng mga dumating mula sa Borneo.
5. Ang bayan ng alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng sandaang maliliit na mga pulo (Hundred
Islands) sa kanyang karagatan.

5. Pagtataya Isulat sa patlang kung ang sumusunod na pahayag ay Katotohanan o Opinyon.


( 5 Minuto )
____1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t-isa.
____2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
____3. Sa Baguio raw dapat magtayo ng bahay bakasyunan.
____4. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin ang sunog.
____5. Ang bangko ay lugar kung saan ipinatatago ng isang tao ang kanyang pera gaya ni Rita.
____6. Mas masarap na kapatid ang babae kaysa lalaki.
____7. Hindi magandang ugali ang mainggit sa kapwa.
____8. Maraming biyaya ang ibinibigay ng karagatan sa pamumuhay ng tao.

Mga sagot:
1. Opinyon 2. Opinyon 3. Opinyon 4. Opinyon

5. Katotohanan 6. Opinyon 7. Opinyon 8. Katotohanan

6. Takdang-Aralin Magbigay ng tatlong pahayag na nagpapahayag ng katotohanan at tatlo naman na nagpapahayag ng


( 2Minuto) opinyon. Isulat sa assignment notebook.

7. Paglalagom/
Panapos na
Gawain
( 2 Minuto)

Prepared by:
Name: Melissa M. Cajucom School: Sabang Elementary School
Position / Designation: Master Teacher I Division: Division of Danao city
Contact Number: 09064450605 Email address: melissamata466@gmail.com
DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg. 29 Asignatura: Filipino Baitang: 6 Markahan: Ikatlo Oras: 50 Minuto


Mga Kasanayan:
Hango sa Gabay  Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig. F6WG - IIIj – 12
Pangkurikulum  Analyze natural hazards and its past occurences.
Susi ng Pag- Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay ng dalawang salita, parirala , o sugnay na
unawa na pinagsusunod-sunod sa mga pangungusap.
Lilinangin Mga dibisyon ng pangatnig
A. Pangatnig na pamukod – o, at ni , maging
B. Pangatnig na panalungat – ngunit , subalit, datapwat, habang , bagamat
C. Pangatnig na Panubali – kung, kapag , o pag
D. Pangatnig na Pananhi – dahil sa, sapagkat, palibhasa
E. Pangatnig na Panlinaw – kaya, kung gayon, sana
Pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinutiringan. May tatlong anyo ang
pang-angkop, ang na, ng, at g.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Natutukoy ang pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap.
Kasanayan Nagagamit ang wastong pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap.
Kaasalan Nasasabi ang mga halimbawa ng natural hazards naganap.
Nabibigyang halaga ang mga nalalaman tungkol sa mga natural hazards.
Kahalagahan
2. Nilalaman Pang – Angkop at Pangatnig
Integration: Natural Hazards and Its Mechanism
3. Mga Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa 6 pahina 218, 226, 227
Kagamitang Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa Manual ng Guro pahina 103 ,109
Pampagtuturo Landas sa Wika, Pahina 187,198
DRR Program 1
4. Pamamaraan
4.1. Ipakita ang larawan sa mga bata.
Panimulang
Gawain
( 5minuto)
4.2. Mga Itanong:
Gawain/ Ano ang napapansin ninyo sa larawan? Ano ang pangyayaring nagaganap? Ano ang kalamidad?
Estratehiya Ipabasa sa mga bata.

( 10 minuto)

Ano kaya nag dapat gawin kapag may baha? (See attach page)
4.3. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Pagsususuri Itanong:Nakikita niyo ba ang mga salitang italisado? Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito? (Pang-
(5 minuto) ugnay) Naalala ba ninyo ang mga uri ng pang-ugnay? Anu – ano ang mga ito? ( Pangatnig ,
Pang-angkop at Pnag-ukol? Anong uring pang-ugnay ang unang bilang?
1. Naluha si Rina kapag naalala ang nangyaring baha kamakailan lang. (Pangatnig)
2. Nagpasya nang bumalik sa kanilang bahay ang mga taong nagsilikas dahil sa bagyo. (Pangatnig)
3. Ang maruming kapaligiran ay isang dahilan sa pagkakasakit ng mga tao. (Pang-angkop)
4.4. Ano ang pangatnig? Pang-angkop?
Pagtatalakay Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay ng dalawang salita, parirala , o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa mga pangungusap.
(10 minuto) Mga dibisyon ng pangatnig
A. Pangatnig na pamukod – o, at ni , maging
B. Pangatnig na panalungat – ngunit , subalit, datapwat, habang , bagamat
C. Pangatnig na Panubali – kung, kapag , o pag
D. Pangatnig na Pananhi – dahil sa, sapagkat, palibhasa
E. Pangatnig na Panlinaw – kaya, kung gayon, sana
Pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinutiringan. May tatlong anyo ang
pang-angkop, ang na, ng, at g.
4.5. Paglalapat Gamitin sa sariling pangungusap ang mga sumusunod na pang-angkop.
1. na 2. ng 3. G
( 5 minuto) Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangatnig
1. subalit 2. Sapagkat 3. Kung 4. sana.
5. Pagtataya Punan ng tamang pang-angkop o pangatnig ang bawat pangungusap’
( 10 Minuto ) 1. Masama sa may diabetes ang matatamis ____ pagkain.
2. Walang magugutom _____ masipag lamang ang isang tao.
3. Ang maganda___ talon sa Pagsanjan ay hinahangaan ng lahat.
4. Malusog ___ malakas ang katawan ni Bryan.
5. Naisip niya na ____ ay kapiling pa niya ang kanyang mga magulang.
6. ___ pagyayamanin ang lahat ng lupa, magbibigay ito ng maraming biyaya.
7. Anumang pagsubok ____ buhay ay kayang lutasin kung magiging matatag ang kalooban.
Mga sagot: 1. na 2. kung 3. ng 4. at 5. sana 6. Kung 7. at
6. Takdang- Salungguhitan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.
Aralin 1. Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang pulitiko, palibhasa malapit na naman ang eleksiyon.
( 3 Minuto) 2. Hindi natuloy ang lakbay-aral ng mga estudyante dahil sa malakas na ulan.
3. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
7. Paglalagom/
Panapos na
Gawain
( 2 Minuto)

Prepared by:
Name: Melissa M. Cajucom School: Sabang Elementary School
Position / Designation: Master Teacher I Division: Division of Danao city
Contact Number: 09064450605 Email address: melissamata466@gmail.com
DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg. 30 Asignatura: Filipino Baitang: 6 Markahan: Ikatlo Oras: 50 Minuto


Mga Kasanayan:  Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at F6PT - IIIj – 15
Hango sa Gabay salitang-ugat.
Pangkurikulum
Susi ng Pag-unawa
na Lilinangin Ang isa sa mga paraan upang mapayaman ang talasalitaan ay ang pagbubuo ng mga salita sa tulong
panlapi. Ang panlapi ay titik o mga titik na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Natutukoy ang bagong salita na ginagamitan ng panlapi at salitang-ugat.
Kasanayan Napaguugnay ng tama ang panlapi at salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Kaasalan Naipakikita ang pagtutulungan sa gawaing pangkatan.
Kahalagahan Nabibigyang halaga ang mga bagong salita sa pamamagitan ng paggamit nito sa pakikipagtalastasan.
2. Nilalaman Pagbuo ng Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-Ugat
3. Mga Kagamitang Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa 6 pahina 241
Pampagtuturo Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa Manual ng Guro pahina 113
Landas sa Pagbasa, Pahina 181
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Kantahin at sayawin ang awit sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa response card ang mga salitang may
Gawain panlapi.
( 5 minuto)

Pag-aralan ang sagot ng mga bata kung tama ba.

4.2. Mga Gawain/ Hatiin ang klase sa apat na grupo.


Estratehiya Ipagawa ang Gawain na nasa loob ng envelop. Isulat sa manila paper ang sagot.
Iulat ang sagot ng bawat pangkat sa harap ng klase.
( 15 minuto)
4.3. Pagsususuri Tama ba ang nabubuo ninyong bagong salita?
(5 minuto) Paano ninyo nabubuo ang mga bagong salita?
Ang salitang –ugat na usbong kapag dinagdagan ng panlapi um nabubuo ang anong salita? Ano ang
kahulugan ng umusbong?
4.4. Pagtatalakay Paano tayo makakabuo ng bagong salita?
1. Pag-uunlapi – ang panlapi ay inilagay sa unahan ng salitang-ugat.
(8 minuto) Hal. Nag+dalamhati =nagdalamhati
2. Pag-gigitlapi – ang panlapi ay inilagay sa gitna ng salitang-ugat.
Hal. B + um + asa = bumasa
3. Pag-huhunlapi – ang panlapi ay inilagay sa hulihan ng salitang-ugat.
Hal. Aklat + an = aklatan
4. Pag-uunlapi at pag-huhunlapi – ang panlapi ay inilagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Hal. Nag + gusto + han = nagustuhan
5. Pag-uunlapi at pag-gigitlapi – ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-ugat.
6. Pag-gigitlapi at pag-huhunlapi – ang palapi sa inilagay sa gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Hal. In + titig + an = tinitigan
7. Laguhan – ang salitang-ugat ay may panlapi sa unahan, gitna at hulihan.
Hal. Mag + in + dugo + an - magdinuguan
4.5. Paglalapat Suriin ang salitang-ugat at ang panlaping ginamit sa bawat salita.

( 5 minuto)

5. Pagtataya Bumuo ng tatlong salita gamit ang iba’t-ibang panlapi


( 10 Minuto ) Halimbawa:
Salitang-ugat
Baba bumababa bumaba babain binababa
1. pukaw
2. gulat
3. sigla
4. kilos
5. tulong
6. Takdang-Aralin Bumuo ng dalawang bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat. Salungguhitan ang panlapi at
( 3Minuto) bilugan ang salitang-ugat. Gamitin sa sariling pangungusap.
7. Paglalagom/
Panapos na
Gawain
( 2 Minuto)

Prepared by:
Name: Melissa M. Cajucom School: Sabang Elementary School
Position / Designation: Master Teacher I Division: Division of Danao city
Contact Number: 09064450605 Email address: melissamata466@gmail.com

You might also like