You are on page 1of 21

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Ang Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Department of Education – Division of Cebu Province Division


Superintendent: Marilyn S. Andales

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Marissa M. Oraca, Ramie Q. Gelig
Tagaguhit :Ramie Q. Gelig
Editor : Reymund P. Pepito, Amalia C. Manatad
Tagasuri : Ma. Elizabeth Q. Armamento
Tagapamahala
Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales
Assist. Schools Div, Supt. : Leah B. Apao
:Ester A. Futalan
:Cartesa M. Perico
CID Chief :May Ann P. Flores
EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas
EPSVR – AP :Rosemary N. Oliverio

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Cebu Province
Office Address: Sudlon , lahug , Cebu City
Telefax. : (032)255-6405
E-mail Addres : cebu.province@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag- aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa
gawain sa modyul.
Pagwawasto
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

ii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Panimula

May sariling sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Pilipino bago pa man
sila nasakop ng mga dayuhan. Sila ay naniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng
kalikasan.

Nang dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas, isang mahalagang


impluwensiya ang umaambag sa mayamang kultura ng mga Filipino, ang Islam.Paano
kaya lumaganap sa ibang bahagi ng bansa ang relihiyong Islam? Sino-sino kaya
ang nagpalaganap ng relihiyong ito sa Pilipinas at saan-saan kaya sila
nanggaling? Kailan naman sila dumating sa Pilipinas?

Sa pamamagitan ng modyul na ito, ay iyong malalaman ang mga kasagutan


sa mga katanungan.

Ang araling ito ay naglalayong ang mga mag-aaral ay:

1. nahihinuha kung paano lumaganap sa ibang bahagi ng bansa ang relihiyong


Islam.

2. natatalunton sa mapa ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas

3. nailalarawan ang mga kaganapan sa bawat taon sa paglaganap ng Islam sa


Pilipinas.

4. napapahalagahan ang mga kaugalian ng isang Muslim.

1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang tawag sa relihiyon ng mga Arabong Muslim?
a. Kristiyanismo b. Islam c. Budhismo d. Animismo
2. Ang diyos ng mga Muslim ay tinatawag na ______.
a. Kristo b. Anito c. Allah d. Bathala
3. Ano ang tawag sa banal na Aklat ng Islam?
a. Koran b. Bibliya c. diksyunaryo d. mapa
4. Anong taon dumating ang mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng
kapuluan?
a. 1450 b 1380 c. 1280 d. 1210
5. Sa aling bahagi ng bansa unang lumaganap ang relihiyong Islam?
a. Luzon b. Visayas c. Sulu d. Maguindanao
6. ________ ang tawag sa simbahan ng mga Muslim.
a. Palasyo b. Moske c. Punong kahoy d. kweba

Ang Paglaganap at Katuruan


Aralin
ng Islam sa Pilipinas

Ang mga Pilipino noong unang panahon ay may mga paniniwala sa mga
bagay-bagay na matatagpuan sa kapaligiran. Sila ay naniniwala sa mga Espiritu at
Diyos ng kalikasan.

Bago pa dumating ang mga dayuhan sa kapuluan may sistema na ang bawat
balangay na pinamumunuan ng isang datu. Kabilang sa mga responsibilidad ng mga
mamamayan ay ang pagsunod sa alituntunin o batas ng balangay at ang pagsamba
sa mga sinaunang diyos ay kasama dito.

Ating alamin kung paano naimpluwensiya ng mga dayuhan ang paniniwala at


gawi ng mga sinaunang Pilipino ng dumating ang mga Arabo dala-dala ang
pananampalatayang Islam.

2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong papel.
1. Ano ang tawag sa paniniwala na ang lahat ng bagay sa kalikasan ay may
espiritu?
A. Budhismo C. Katolisismo
B. Animismo D. Kristiyanismo
2. Ano ang tawag sa espiritung naninirahan sa kalikasan.
A. Zeus C. anito o diwata
B. Bathala D. umalohokan
3. Ano ang tagapamagitan ng mundo ng taoat ng mundo ng diyos at yumao?
A. diwata C. katalonan
B. pintados D. umalohokan
4. Ang pagsamba sa maraming diyos ay tinatawag na _____________?
A. paganismo C. anito
B. pintados D. umalohokan
5. Anong palamuti sa katawan ang isang uri ng gintong pulseras na isinuot sa
braso at binti?
A. ganbanes C. pusad
B. pomaras D. tato
6. Ano ang paraan ng pagsamba ng mga sinaunang Pilipino noon?
A. sa pagmimisa C. sa pagdarasal araw- araw
B. sa pagsamba kay Allah D. sa isang rituwal o seremonya

Tingnan ang mapa sa kabila. Makikita rito


ang mga rutang pangkalakalang tinahak ng mga
Arabong Muslim sa Timog-Silangang Asya.
Sapamamagitan ng mga rutang ito ay
nakarating sa Pilipinas hindi lamang ang mga
dayuhang kalakal kung hindi maging ang
impluwensiyang Muslim
Mula sa Sulu at Mindanao ay mabilis
na lumaganap ang relihiyong Islam sa Luzon at
Visayas. Gayunpaman, mabilis ding
natuldukan ang paglaganap na ito sa
pagdating ng mga Espanyol noong ika- 16 na
siglo. Nagtungo ang mga Pilipinong Muslim sa

3
katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang pagsasarili mula sa
mga Espanyol. Sa Kabila ng hangarin ng mga Espanyol na binyagan ang mga Muslim
sa Kristiyanismo patuloy pa ring pangunahing paniniwala ang Islam sa rehiyon.

Ang Pagdating at Paglaganap ng Islam sa Pilipinas

Ang Islam ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si Allah. Itinatag ito
ng propetang si Muhammad bandang 600 C.E. Qur’an (Koran) ang tawag sa banal na
aklat ng mga Islam.

Ang relihiyong Islam ay dumating sa Pilipinas bunga ng pakikipag-ugnayan ng


mga ninuno sa mga Arabe. Gayunpaman, ang relihiyong Islam na ipinakilala sa
Pilipinas ay mula sa Malaysia at hindi sa Saudi Arabia.

Sinasabing si Tuan Mash’ika ang marahil isa sa mga kauna-unahang Muslim


na nagpapakilala ng Islam sa Pilipinas nang dumating siya sa Sulu noong 1280.
Pinakasalan niya ang anak na babae ni Raja Sipad na kabilang sa makapangyarihang
angkan ng Sulu. Nakapagtatag siya ng pamilyang Muslim dahil dito.

Sumunod na dumating sa Sulu noong 1380 si Karim ul-Makhdum galing


sa Malacca, Malaysia. Kalaunan ay tinawag siyang Tuan Sharif Aulia.
Nagtayo siya ng moske sa Jolo (noon ay tinatawag na Buansa). Nang
tumungo siya sa Simunul, Tawi-Tawi ay muli siyang nagtayo roon ng
moske.pinalaganap niya at hinikayat ang mga katutubo roon na manampalataya sa
Islam.

Taong 1390 ay sunod na dumating sa Sulu si Raja Baguinda mula sa


Sumatra, Indonesia. Tinungo niya ang Zamboanga at Basilan. Napakasalan niya
ang isang prinsesa sa Buansa. Pinagtibay niya ang relihiyong Islam sa
Sulu at pinalaganap pa sa ilang panig nito.

4
Timeline sa paglaganap ng Relihiyong Islam

Lalo pang lumaganap ang


Islam noong 1450 nang itatag ang
unang sultanato sa Pilipinas.
Napangasawa ni Abu Bakr ang
anak ni Raja Baguinda na si
Paramisuli. Sa pagkamatay ni
Baguinda noong 1450 ay hinirang
ni Abu Bakr ang sarili bilang sultan
at itinatag ang pamahalaang
Sultanato. Simula noon ay
naipakalat pa ang relihiyong Islam
sa iba pang panig ng Sulu.

Noong 1515 ay dumating sa Maguindanao sa Malabang naman ang maharlikang


si Muhammad Kabungsawan na tumakas mula sa Indonesia dahil nasakop ito ng
mga Portuges noong 1511. Nagpakasal siya sa ilang mga babaeng anak ng datu sa
Gitnang Mindanao. Siya ang nagpakalat ng relihiyong Islam at ng pamahalaang
sultanato sa Maguindanao nang mapakasalan niya ang prinsesa ng Cotabato.

5
Gawain A
Panuto: Tingnan mong mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

“Ninrie”, Photo by Ramie Gelig, Consolacion, Cebu 2020 “CASSEY”, Photo by Ramie Gelig, Consolacion, Cebu 2020

1. Ano ang relihiyon ng mga bata na nasa larawan?


2. Ano ang tawag sa mga tao na ang relihiyon ay Islam?
3. Ano ang tawag sa banal na aklat ng Islam?
4. Sino ang kanilang sinasamba?
5. Sino ang propeta ang nagtatag ng relihiyong Islam?

6
Gawain B

Panuto: Tingnang mabuti ang larawan . Ano ang ginawa ng mga Arabong Muslim?
Isulat sa patlang ang inyong mga napansin sa larawan.

(“Kalakalan”, Digitized Photo by Ramie Gelig, Consolacion, Cebu 2020)

1. ________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

7
Gawain C.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa timeline na iyong nabasa sa
paglaganap ng Islam sa Pilipinas.
1. Sino ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?_____________
2. Kailan dumating ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas?_________
3. Ano ang ginawa ni Abu Bakar sa Sulu ?____________________________
4. Saan galing si Abu Bakar pagdating niya sa Sulu?____________________
5. Paano lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?____________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Punan ng mga salita na naaangkop
sa patlang. Gawing batayan ang mga salita sa kahon.

Islam Allah Qur’an Tuan Mash’ika Katimugang Rajah Baginda


Abu Bakr Malaysia Muhammad Kabungsawan Espanyol

1. Dahil sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa Arabong Muslim nakarating


sa Pilipinas ang mahalagang impluwensiyang umaambag sa kultura ng mga
Filipino ang _________________.

2. Ang Islam ay relihiyong naniniwala sa diyos na si ________________.

3. ________________ ang tawag sa banal na aklat ng Islam.

4. Si ___________________ ang isa sa mga kauna-unahang Muslim na nagpapakilala


ng Islam sa Pilipinas nang dumating siya sa Sulu at pinakasalan niya ang anak na
babae ni Raja Sipad.

5. Ang Islam ay lumaganap sa bansa lalo na sa ____________ bahagi ng Pilipinas.

6. Si ________________ ang naghikayat sa mga katutubo sa Sulu na lumipat sa


relihiyong Muslim.

7. Si _________________ ang kauna-unahang sultan nang itinatag niya ang


pamahalaang batay sa Sultanato ng Arabia.

8
8. Ang relihiyong Islam na ipinakilala sa Pilipinas ay mula sa _____________ at hindi
sa Saudi Arabia.

9. Si _____________________ nagpakalat ng relihiyong Islam at ng pamahalaang


sultanato sa Maguindanao nang mapakasalan niya ang prinsesa ng Cotabato.

10. Natuldukan ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas dahil sa pagdating ng


mga _________________ sa bansa.

Panuto : Sagutin ang sumusunod na tanong . Isulat ang mga sagot sa inyong kwaderno.

1. Kung ikaw ay isang katutubo noon nang ipalaganap ang Islam sa Pilipinas. Papayag
kaba na lilipat sa relihiyong Islam? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang respeto sa kapwa mag-aaral kahit
na ano paman ang kanilang relihiyon?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
A. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Hanapin sa loob ng kahon
ang tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.
Sharif ul- Hashim Muhammad Kabungsawan
Tuan Masha’ ika
Sultanato ng Arabia Sulu

____ 1. Saan nakabatay ang pamahalaang sultanato na itinatag ni Abu Bakr sa


Sulu?
_____ 2. Anong pangalan ang ipinagkaloob kay Abu Bakr nang siya’y naging sultan?
_____ 3. Sino ang kauna-unahang Muslim na nagpapakilala ng Islam sa Pilipinas?
_____ 4. Siya ang nagpakalat ng Islam at ng pamahalaang sultanato sa
Maguindanao.
_____ 5. Saang lugar sa Pilipinas unang lumaganap ang relihiyong Islam?

10
B. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang taon ng kaganapan na isinasaad sa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A
Hanay B

____1. Dumating sa Sulu si karim Ul-Makdom at nangaral ng Islam a. 1450

____ 2. Ang mga Arabong mangangalakal ay dumating sa b. 1830


katimugang bahagi ng kapuluan.
c. 1280
____ 3. Si Abu Bakar ay dumating mula sa Palembang at
nagpalaganap ng Islam sa Sulu. d. 1390
____ 4. Dumating si Rajah Baginda ng Palembang sa Sulu at
e. 1210
matagumpay na hinikayat ang ilang katutubo na lumipat sa
relihiyong Islam.
____ 5. Ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas na
si Tuan Masha’ika ay dumating sa Sulu.

11
Panuto : Paano nakarating ang Islam sa ating bansa ? Isulat ang mga detalye sa loob
ng kahon na may nakasaad na timeline.

Relihiyong Islam - Naniniwala sa


iisang diyos na si Allah

Paano ito
nakarating sa
Pilipinas ?

1210 1280 1380 1390 1450

12
13
Sanggunian
Gabuat, Maria Annalyn P.; Mercado, Michael M.;Jose, Mary Dorothy dL. ,
Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Batayang Aklat - Ikalimang
Baitang, Quezon City Philippines, FEP Printing Corporation, 2016

https://openendedsocialstudies.org/2018/07/18/islands-in-a-friendly-sea-some-
basics-of-filipino-history-and-culture/

Diorama in the Ayala Museum, Makati, Philippines, 2018.

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Cebu Province

Sudlon , Lahug , Cebu City

Telefax: (032)255-6405

E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

15

You might also like