You are on page 1of 5

DETAILED LESSON PLAN

DLP No: 19 Learning Area: FILIPINO Grade level: 6 Quarter: 3rd Duration: 50 MIN
Learning Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang talata Code: F6PN-IIIg-19
Competency/ies Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita o F6PS-IIIg-1
isyu

Key Concepts/ Kailangan ang kasanayan sa pakikinig upang makapagbigay ng angkop na pamagat at tamang sariling
Understandings opinion o reaksyon tungkol dito
to be
Developed
1.Objectives
Knowledge Napapangalanan ang mga dapat tandaan sa epektibong pakikinig
Skills Nakagagawa ng kanyang sariling opinion at reaksyon
Attitudes Nakatutugon nang tamang reaksyon tungkol sa napapanahong isyu
Values Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon/
2.Content/Topic Pagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang talata at Pag papahayag ng sariling opinion
reaksyon sa isang napakinggang balita o isyu
3. Learning Landas sa Wika 6, mga larawan, laptop, Sanghaya (wika at pagbasa sa Filipino 6
Resources/Ma
Trials/equip
ment
4.1 Panimulang Bilang isang drill ay magkaroon ng isang pagdidikta na activity.
Gawain 1. Ang pakikinig ay isang mahalagang kasanayan.
2 MINUTO 2. Pakinggang mabuti ang bawat impormasyon.
3.Isulat ang mga mahahalagang detalye.
4. Maghanda ng papel at bolpen sa pagtatala ng mga detalye.
Pagwawasto ng kanilang mga gawa. Ipakita sa screen ang mga tamang kasagutan

4.2 Mga May ibibigay na mga talata ang guro. Hayaan ang mga bata na makapagbigay ng kanilang mga
Gawain/Estratehiy pamagat. Maari ring magtanong ng kanilang sariling opinion o reaksyon hinggil ditto.
a Nangarap na naman si Eddie. Hawak ang nakabukas na aklat na lagi niyang binabasa at nakaupong
10 MINUTO naksandig sa malaking punong akasya sa paaralan. Sa malayo ang kanyang tanaw. Nais niyang
marating ang malayong iyon….ang kinabukasan…Sana’y makatapos siya ng pag-aaral. Pangarap
niyang mahango sa hirap ang kanyang pamilya. Makapagtayo sana sila ng sariling bahay sa isang
loobang maayos. Di gaya ngayon na umuupa lamang sila sa isang maliit na apartment.

ANG PANGARAP

Sa tabi ng riles ng tren matatagpuan ang munting tirahan ng mag-anak na Tengson. Isang
gabi, nag-usap ang mag-asawa . “Inggo, lumalaki na an gating mga anak.Hindi na magkakasya
an gating kinikita,”hinaing ni Aling Viring. “Alam mo, narinig ko ky Aling Bebang na ang
kooperatiba nila ay nagbibigay ng puhunan upang makapagtayo ng maliit na negosyo,”dagdag
pa niya.
Nagtungo kinabukasan si Mang Inggo sa kooperatiba at dito nalaman niya ang mga niya ang
mga alintunin sa paghiram ng pera.
Nagsimula na sila sa bagong negosyo. SI Mang Inggo ang nagtitinda ng sago at palamig sa
hapon, at si Aling Viring naman sa umaga.Masipag at matiyaga ang mag-asawa kaya napalago
nila ang puhunan.Nakabayad sila sa kooperatiba. Ang maliit na kariton ay nahalinhan ng
puwestong malaki.
“Inggo, bukas na tayo lilipat sa bunggalong nabili natin”,sabi ni Aling Viring
“Magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng tulong Niya”,sabi ni Mang Inggo
“Talagang napakasarap ng bunga ng pagsisikap”,muling sabi niya
Hindi na sa tabi ng riles matatagpuan ang tahanan ng mag-anak na Tengson. Sa isang sikat na
subdibisyon na sila naninirahan. Maunlad na ang kanilang buhay ngayon.

ANG MAHUSAY NA PANGANGASIWA


4.3 Pagsusuri Magkakaroon ng talakayan sa kanilang mga gawa..Tutulungan ng guro na maibigay nang tama ang
3 MINUTO pamagat at reaksyon nila na may magagalang na pananalita.

4.4 Pagtatalakay Tutulungan ng guro na maibigay nang tama ang pamagat at reaksyon nila na may magagalang na
15 MINUTO pananalita.
4.5 Paglalapat Ibigay ang inyong sariling reaksyon tungkol sa balitang ito.
10 MINUTO
5. Assessment Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magbigay ng boud para sa araling ito.

6. Assignment Makinig ng isang balita. Isulat ang pamagat nito at ibigay ang inyong sariling reaksyon o opinion.
7. Concluding Ibigay ang salawikain na ito “Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili”
Activity
Prepared by:

Name:DALIA J. CENIZA School:D.T. DURANO MEMORIAL INTEGRATED SCHOOL


Position/Designation: TEACHER 3 Division:DANAO CITY
Contact Number:09331571404 Email address:dalia.ceniza@deped.gov.ph

You might also like