You are on page 1of 27

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 3:


Pagsasabi ng Paksa/ Tema o
Pangunahing kaisipan at mga
Sumusuportang Kaisipan ng Teksto
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagsasabi ng Paksa/Tema o Pangunahing Kaisipan
at mga Sumusuportang Kaisipan ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenniffer J. Barsalote, Relialyn A. Ramos
Editor: Ritche E. Carillo, Ramon S. Gravino Jr., Jay Mark M.
Alocelja, Thonver Sampaga
Tagasuri: Alejandre S. Fernandez, Jr., Romeo A.
Mamac, Guillesar Villarente
Tagawasto: Myleen C. Robinos, Merla S. Silva, Juvy A.
Comaingking Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Marybeth D.
Cadion, Ria V. Omaña
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Cristy C. Epe, Mary Jeanne B. Aldeguer,
Beverly S. Daugdaug, Analiza C. Almazan, Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada, Imelda T. Cardines, Mary Jane M.
Mejorada, Joan M. Niones
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagsasabi ng Paksa/ Tema
o Pangunahing kaisipan
at mga Sumusuportang
Kaisipan ng Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Magandang araw! Kamusta


ka? Binabati kita dahil
matagumpay mong natapos ang
naunang modyul.
Ngayon, sisimulan mo ang
panibagong modyul upang higit
pang lumawak ang iyong
kaalaman. Mayroon akong mga
gawaing inihanda upang mahasa
ang iyong kasanayan sa pag-
unawa sa paksa o tema ng mga
tekstong iyong nababasa o
naririnig.
Pagkatapos ng modyul na ito,
ikaw ay inaasahang:
• nasasabi ang paksa o tema
ng teksto; kuwento o
sanaysay
(F3PB-III-10).
 Nakapagbibigay ng mga
sumusuportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa
(F3PB-IIIe-11.2)

1
Subukin

Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay hirap
sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o basahin sa
kanya nang malakas ang bawat aytem.
Gawain ng Mag-aaral
• Sagutin ang
Gawain

Galit na Langit

Galit na galit ang langit. Ang buhos ng ulan ay napakalakas


na para bang wala nang bukas. Ang kulog na maririnig ay parang
malakas na pagsabog. Ang matatalim at nakatatakot na kidlat ay
makikita sa madilim na papawirin.

Mula sa iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong


at isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwaderno.

1. Tungkol saan ang binasang talata?


a. galit na langit
b. malakas na ulan
c. matatalim na kidlat
d. nakabibinging kulog

2. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?


a. galit na galit ang langit
2
b. ang kulog na sumasabog
c. ang napakalakas na buhos ng ulan
d. ang kidlat na matatalim sa papawirin

3. Alin sa sumusunod ang patunay na galit na galit ang langit?


a. ang malakas na buhos ng ulan
b. ang kidlat na matatalim ang nakikita sa papawirin
c. ang kulog na maririnig ay parang malakas
na pagsabog
d. lahat ng nabanggit

4. Ano ang tawag sa mga pantulong na impormasyon


sa pangunahing kaisipan?
a. unang kaisipan
b. pangwakas na kaisipan
c. sumusuportang kaisipan
d. wala sa nabanggit

5. Alin sa sumusunod ang pantulong na impormasyon sa


nabasang talata?
a.ang buhos ng ulan ay napakalakas
b. ang kulog ay parang malakas na pagsabog
c. ang kidlat ay makikita sa madilim na papawirin
d. lahat ng nabanggit

3
Aralin
Pagsasabi ng Paksa
1 o Tema ng Teksto

Balikan
Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa.
• Ipaliwanag sa kanya ang gagawin
Gawain ng Mag-aaral
• Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro
• Sagutin ang gawain

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Mula sa napag-alamang


mga elemento ng kuwento, punan ang graphic organizer ng
mga hinihinging impormasyon. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Si Mayang Pusa at Donang Daga


Sa malayong bukirin may dalawang magkaibigang
hayop, sina Mayang Pusa at Donang Daga. Lagi silang nasa
bukid at naghahanap ng pagkain. Minsan, dumating ang
matagal na tag-init, naubos ang pananim at wala ng makain
ang magkaibigan.

4
Kaya naisipan nilang pumunta sa mga bahay sa
bayan upang maghanap ng pagkain. Nang makita sila ng
may-ari ng bahay ay pinagtataboy sila gamit ang walis o
kaya’y tsinelas. Mabilis na lumayo ang magkaibigan sa
lugar na iyon at nangakong sa bukid na lamang
aghahanap ng pagkain.

Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento sa loob ng


bulaklak.

3.

5.

5
Tuklasin
Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay
hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o
basahin sa kanya nang malakas ang bawat aytem.
Gawain ng Mag-aaral
• Sagutin ang gawain

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong


sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Si Nanay Martha at Tatay Berto ay mga dakilang


magulang. Sila ay nagsisilbing ilaw at haligi ng aming munting
tahanan. Magkatuwang sila sa pagsisikap upang kaming apat
na magkakapatid ay mabuhay nang matiwasay. Araw-araw
silang nagtatrabaho upang maibigay ang aming mga
pangangailangan.

6
Batay sa nabasang talata, sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa papel.
1. Ano ang pangunahing Tema o paksa ng kuwento?
a. Ang anak
b. Ang mabait na tatay
c. Ang dakilang magulang
d. Ang mapagmahal na nanay at tatay

2. Paano inilarawan sina Nanay Martha at Tatay Berto


sa talatang binasa?
a. mahirap
b. malakas
c. masikap
d. walang silbi

3. Bakit kaya nagsilbing ilaw at haligi ng kanilang tahanan


sina Nanay Martha at Tatay Berto?
a. may kanya kanya silang pamilya
b. wala silang ginagawa para sa mga anak
c. hinahayaan lang nila ang kanilang mga anak
d. magkatuwang sila sa pagsisikap para sa mga anak
4. Ano ang pangunahing kaisipan sa talata?
a. Magkatuwang silang dalawa sa pagsisikap.
b. Sila ay nagsisilbing ilaw at haligi ng tahanan.
c. Si Nanay Martha at Tatay Berto ay mga
dakilang magulang.
d. Araw-araw silang nagtatrabaho upang mabigay
ang pangangailangan ng mga anak.

5. Ano ang mga kaisipang sumusuporta sa tema ng


talata?
a. Magkatuwang silang dalawa sa pagsisikap.
b. Sila ang nagsisilbing ilaw at haligi ng aming
munting tahanan.
c. Araw-araw silang nagtatrabaho upang mabigay
ang pangangailangan ng mga anak.
d. lahat ng nabanggit

7
Suriin

Ang pagtukoy sa paksa o tema ng isang teksto ay daan


upang higit na maunawaan ang binabasa.
Ang Paksa ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan sa kuwento.
Ang pangunahing kaisipan ay ang pangunahing ideya sa talata.
Kadalasan itong makikita sa unahan, gitna, at hulihan ng
pangungusap.
Ang mga sumusuportang kaisipan ay ang mga pangungusap na
nagbibigay ng karagdagang detalye na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan, paksa o tema ng binasang aralin.

Halimbawa:

Ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang nagiging


sandata sa anumang pagsubok na kakaharapin. Ito marahil
ang pinakaunang ambag ng isang indibidwal bilang
mabuting mamamayan ng bansa. Sa panahon ng kalamidad,
ang pagkakaisa upang malampasan ang mga pagsubok ay
lumilitaw sa kahit na sinong Pilipino.

Ang paksa o tema sa tekstong ito ay ang pagkakaisa


ng mga Pilipino. Karaniwang nasa unahang bahagi ng tekso
makikita ang tema. Samantalang ang ang ambag bilang
mabuting mamamayan upang malampasan ang ano mang
pagsubok ay ang sumusuportang kaisipan.

8
Pagyamanin

Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa.
• Ipaliwanag sa kanya ang gagawin

Gawain ng Mag-aaral
• Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro
• Sagutin ang gawain
Panuto: Ibigay ang paksa o tema ng sumununod na mga teksto
at ang sumusuportang kaisipan nito. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1.

Ang sustansiyang hatid ng prutas na mangosteen ay


nakatutulong para maging matalas ang ating isip at
maging malakas ang katawan. Dahil na rin sa mura ang
presyo ng prutas na mangosteen, marami ang maaaring
makabili nito. Ugaliin ang pagkain nito araw-araw.

Paksa o pangunahing kaisipan

Sumusuportang kaisipan___________________.

9
2.

Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa


musika. Hindi kataka-taka na maraming nagtatayuang
karaoke bar sa ating paligid. Kilala rin ang galing ng mga
mang -aawit na Pilipino hindi lang dito sa atin pati na rin sa
ibang bansa.

Paksa o pangunahing kaisipan


Sumusuportang kaisipan_________________________

3.

Ang Pilipinas ay dinaraanan ng dalawampu o mahigit


pang bagyo taon-taon. Kaya naman natuto na ang mga
Pilipino na maging matatag sa panahon ng sakuna. Dito
makikita mo ang kanilang pagiging matulungin at matiisin.
Kahit anong pagsubok ang kaharapin, nananatiling
matatag ang mga Pilipino.

Paksa o pangunahing kaisipan

Sumusuportang kaisipan_________________________

10
4.

Ang buhay sa bukid ay sadyang kaaya-aya.


Tahimik ang paligid. Paggising sa umaga, malamig
at malinis na hangin ang sasalubong sa iyo. Sariwa
ang mga gulay at prutas.

Paksa o Tema

Sumusuportang kaisipan_______________________________

11
5.

Katangi-tangi ang pamilyang Pilipino sa mundo.


Nagkabubuklod-buklod lalo na sa panahon ng kalamidad o
sakuna. Laging nagtutulungan kahit hindi magkadugo.
Napatunayan na ang pagbabayanihan ng pamilyang
Pilipino sa maraming pagkakataon, tulad ng lindol sa
Mindanao at pagputok ng Bulkang Taal.
Agad na nagdamayan ang mga Pilipino upang
maghatid ng tulong ito man ay materyal o pinansiyal. ‘Yan
ang pamilyang Pilipino.

Paksa o Tema

Sumusuportang Kaisipan___________________________

12
Isaisip

Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa.
• Ipaliwanag sa kanya ang gagawin

Gawain ng Mag-aaral

• Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro


• Sagutin ang gawain

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo


ang diwa ng talata. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Kuwento Tema o pangunahing kaisipan

Kaisipan sumusupotang detalye

Natutuhan ko na bilang isang mahusay na mambabasa


kinakailangang maunawaan/nauunawaan ang
(1)_ ng isang (2) upang maibigay ang
pangunahing (3) ng binabasa at maibigay ang
(4)_ -

13
Isagawa

Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay
hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o
basahin sa kanya nang malakas ang bawat aytem.

Gawain ng Mag-aaral
Sagutin ang gawain

Magaling! Marami ka nang natutuhan sa modyul na ito.

Panuto: Isulat sa papel ang √ kung ang pangungusap ay


sumusuportang kaisipan sa ibinibigay na pangunahing kaisipan at X
naman kung hindi.

Pangunahing kaisipan: Napakaganda ng Pilipinas.


1. Napapalibutan ito ng luntiang kapaligiran.
2. Marami kang makikitang basura kahit saan.
3. Ang karagatan ay ipinagmamalaki dahil sa pinong
mga buhangin at mala-kristal nitong katubigan.
4. Ang mga punong kahoy ay pinuputol.
5. Ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao at Chocolate
Hills sa Bohol ay iilan lamang sa mga lugar na maaari mong
mapuntahan.

14
Tayahin

Gawain ng Magulang/Guro
• Gabayan ang bata sa pagbabasa.
• Ipaliwanag sa kanya ang gagawin

Gawain ng Mag-aaral
• Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro
• Sagutin ang gawain

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Isulat


ang paksa o tema na nais iparating ng binasa sa kuwaderno at
ang sumusuportang kaisipan nito.

1.

Si Nene ay may bagong sapatos. Kulay pula ito. Paborito ni


Nene ang kulay pula. Tuwang-tuwa si Nene
nang makuha niya ang sapatos. Regalo ito ng kaniyang ina
para sa kaniyang kaarawan. Handa na siyang mamasyal
kasama ang pamilya gamit ang sapatos na pula na bigay
sa kaniya.

Paksa o pangunahing kaisipan


_____________________________________________
Sumusuportang
kaisipan______________________________________

15
2.

Sina Noli at Jay-ar ay magkaibigang tunay. Lagi silang


naglalaro sa hardin. Nagbibigayan sila sa lahat ng bagay, ito
man ay pagkain o laruan. Sabay din silang nag-aaral ng
aralin. Ang magkaibigan ay laging magkasama sa lahat ng
Gawain.

Paksa o pangunahing kaisipan


Sumusuportang
kaisipan__________________________________________

16
3.

Ang matandang puno ng Acacia ay hinahangan sa


bayan nila Mina at Jerry. Sa tuwing nagsisimba sila ng kanilang
pamilya ay humihinto sila sa tapat nito upang ito ay tingalain.
Napakatayog ng matandang puno lalo pa’t napapatingkad
ang malalapad na mga dahon nito. Ito ang palatandaan sa
kanilang bayan upang madaling mapuntahan.

Paksa o pangunahing kaisipan


Sumusuportang
kaisipan__________________________________________

17
4.

Ang traysikel ni Mang Dado ay sikat sa daan. Ito ang


siyang tagahatid at tagasundo sa mga bata papuntang
paaralan. Malinis at may mga harang ang traysikel upang
matiyak ang kaligtasan ng sumasakay. Napapangiti ang mga
batang sumasakay dito kapag nakikitang paparating na si
Mang Dado kasama ang kaniyang traysikel.

Paksa o pangunahing kaisipan


Sumusuportang
kaisipan__________________________________________

18
5.

Ang walis tambo ni Aling Perla ay mabentang- mabenta.


5.
Pulido at malinis ang pagkakagawa nito. Matibay at hindi
agad nasisira. Kaya naman maraming nag-aabang kay Aling
Perla at sa gawa niyang walis tambo.

Paksa o pangunahing kaisipan


Sumusuportang
kaisipan__________________________________________

19
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong papel, sumulat ng suportang kaisipan sa


pangunahing kaisipan na ibinigay sa ibaba.
Pangunahing kaisipan

Paksa o pangunahing kaisipan:


Napakasaya ng aking bakasyon

Sumusuportang kaisipan:
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

20
21
Tayahin Tuklasin
1. Tema: sapatos ni Nene
Sumusuporta: kulay pula 1.D
2. Tema: magkaibigang tunay 2.B
Sumusuporta:laging nagbibigayan 3.D
3. Tema: ang matandang puno ng acasia 4.C
Sumusuporta: napakatayog at napakatingkad na dahon 5.D
4. Tema: traysikel ni Mang dado
Sumusuporta: tagahatid at tagasundo ng mga bata
5. Tema: walis tambo ni Aling Perla
Sumusuporta: pulido at malinis ang pagkakagawa
Isagawa Isaisip
1.tsek 1.Tema o pangunahing Balikan
2. ekis kaisipan
3.tsek 2.kuwento 1. Mayang pusa at donang
4. ekis 3.kaisipan daga
5.tsek 4. sumusuportang kaisipan 2. Laging nasa bukid at
naghahanap ng pagkain
3. Naubos ang pagkain sa
bukid
4. Pumunta sa bayan at
naghanap ng pagkain.
5. Nangako magkaibigan na
Pagyamanin maghahanap ng pagkain.
1. Tema: masustansiyang prutas
Sumusuporta: makatulong maging malakas
2. Tema:Ang Pilipino ay mahilig sa musika
Sumusuprta: maraming karaoke bar Subukin
3. Tema: matatag na Pilipino 1. B
Sumusuporta: kinakaharap mga pagsubok sa 2. C
buhay 3. C
4. Tema:Ang buhay sa bukid 4. C
Sumusuporta:malamig at malinis na hangin 5. D
5. Tema: katangi-tanging pamilya
Sumusuporta: nagbubuklod-buklod sa
panahon sa kalamidad
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education. 2020. “Totoy - Ro Tubi Hay Kabuhi.”
Deped LR Portal. April 30, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/13359.

Curriculum Guide sa Filipino 3 pahina 54 ng 190. F3PB- IIIe - 11.2.


Sunga Dolores T., et,.al. Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Rizal: Olympia Publishing House, 2013.

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like