You are on page 1of 7

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 3

BAITANG 3
MARKAHAN: IKATLO LINGGO:4 ARAW:1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nailalabas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag
Pangnilalama unawa sa na pakinggan.
n
Naipapahayag ang kakayahan at tatas sa pagsasalita,
sappagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan
at damdamin.

B. Pamantayan
sa Pagganap
C. Mga nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong
Kasanayang napakinggan. F3PN-IIId-14
sa Pagkaktuto
Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang
napakinggan na isyu. F3 PS-IIId-1

Kaalaman Nasasabi/Naihahayag ang sariling ideya, opinion at


reaksyon sa isang tekstong napakinggan.

Kasanayan Aktibong nakikilahok sa mga gawain at talakayan.


Pagpapahalaga Napapahalagahan ang isang opinion o reaksyon sa isang
tekstong napakinggan.

II. NILALAM Pagsasabi ng sariling ideya tungkol sa tekstong


AN napakinggan.

Pagpapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang


napakinggang isyu.

III. MGA
KAGAMIT
ANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga pahina Batang Pinoy Ako 3. Pp. 192-195
sa gabay ng
guro
2. Mga pahina
sa kagamitang
panturo
3. Mga pahina Ang Batang Pinoy 2 pp. 348;349
sa teksbuk
4. Karagdagang https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid
kagamitan https://www.bing.com/images/search?
mula sa LR view=detailV2&ccid=mVVtD4RE&id
Portal
5. Iba pang Mga larawan, sipi ng tula, manilapaper, pentouch, marker,
kagamitang cartolina
panturo
IV. PAMAMA
RAAN
A. Balik- aral sa Magbalik- aral sa nakaraang aralin
nakaraang
aralin at/ o
pagsisismula
ng bagong
aralin.
B. Paghahabi sa Sa araling ito ay pag aaralan natin kung papaano ang
layuninng pagsasabi ng sariling ideya.
aralin
Pag- aaralan din natin ang pagpapahayag ng sariling
opinyono reaksyon sa tekstong binasa.
C. Pag-uugnay Ano ang nakikita o napapansin ninyo sa larawan o litratong
ng mga ito?
halimbawa sa
bagong aralin. Pamilyar ba kayo sa larawang ito? Saan kaya ito
matatagpuang lugar na ito?

Larawan ng dagat sa
Pulang daga Bagasbas beach

D. Pagtatalakay Pagbasa sa tula


ng bagong
konsepto at NAGTAMPO ANG KALIKASAN ( hango sa aklat ng
paglalahad ng “bagong batang pinoy 2” pp. 348-349)
bagong
kasanayan#1 Noong unang panahon, kay ganda ng mundo,
Malinis na hangin malalanghap mo,
Malinaw na batis, bundok na di kalbo,
Iyan ang mundong tirahan ng tao

Lumipas ang panahon, maraming natuklasan,


Imbensyon ng tao’y kaliwa’t kanan,
Dulot nito’y pinsalang nararanasan,
Nalungkot ang mundo, nagtampo ang kalikasan,

Polusyon ay kumalat, mapanganib sa kalusugan,


Baha sa tag-ulan di narin mapigilan,
Ano na ang gagawin sa problema ng lipunan?
Kaikasa’y nagtampo nang ang tuluyan!

Sumisigaw ang mundo,


Ako ay inyong pangalagaan!
Magtanim ng maraming puno sa kagubatan,
Itapon ang mga kalat ninyo sa basurahan,
Maging masunurin maging sa batas at patakaran.
Ipabasa sa mag- aaral ang tula

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang tula?
- sa kalikasan

2. paghambingin o ikumpara ang kalikasan noon at


ngayon.(magpapakita ng larawan ng halimbawa ng
kalikasan noon at ngayon)0

3. Anu- ano ang dahilan kung bakit nasira ang


kaikasan?

4. Ano kaya ang manyayari sa atimng kalikasan kung


patuloy na mapapabaya ang mgs tao?

5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang magagawa mo


bilang bata upang mapangalagaan ang kapaligiran?

E. Pagtatalakay Paano nga ba ang pagpapahayag ng opinion tungkol sa


ng bagong napakinggang isyu
konsepto at
paglalahad ng Ang opinion o palagay tungkol sa isang isyu o paksa ay
bagong maaaring sabihin sa magalang at maayos na paraan.
kasanayan #2 Kinakailangan muna itong unawaing Mabuti upang
makapagigay ng angkop na opinion.

Ang opinion o kuru-kuro ay sarili nating kaisipan, ideya, o


pananaw na inihahayag natin sa usapang tungkol sa
bagay-bagay. Sa pagpapahayag o paglaahad ng opinion,
marapat lamang na gawin natin ito sa magalang at
wastong paraan.

Dapat din natin isaalang-alang na ang mga opinion o kuru-


kuro natin ay hindi makakasakit sa damdamin ng ating
kapwa o kaya ay makahahadlang sa anumang mabuting
gawain.

Halimbawang isyu
Karamihan sa mga taong may impeksiyon ng CVID-19 ay
nakaranas lamang ng hindi malalang sintomas at ganap na
gagaling. Ngunit may ilang tao na matindi ang epekto sa
kanila ng sakit.

Opinion
Sa aking palagay, ang sakit na ito ay isang trangkaso
lamang na karaniwan nararanasan na sa mga tao dahil sa
pabago-bagong panahon. Nararanasan na tayo ng
ganitong sintomnas kahit noon wala pang CVID-19 sa
bansa.

Ang reaksiyon naman ay tumutukoy sa damdamin o kilos


bilang tugon o sagot sa isang paksa, nabasa, narinig,
pangyayari, at iba pa. maaaring ipahayag nang pasalita o
pasuat ang reaksiyon.

Halimbawa ng paksa:
“pag-aalaga ng aso o pusa ng batang kasing edad mo.”

Reaksiyon
Naniniwala akong kaya na ng isang batang kasing edad ko
na mag-alaga ng aso o pusa. Nasabi ko ito dahil simula
noong ako ay na sa unang baiting pa lamang ay ako na
ang nagpapakain at nagpapaligo sa aking mga alagang
aso at pusa.

Mga pahayag na gianagamit na ekspresyon sa pagbibigay


ng opinion o reaksiyon
 Kung ako ang tatanungin
 Kung hindi ako nagkakamali
 Sa aking palagay
 Sa tingin ko
 Sa totoo lang
 Sa aking pananaw
 Para sa akin
 Walang alinlanagan, nararapat lamang na
 Sa aking opinion
 Sa ganang akin

F. Paglinang sa Pangkatang gawain


kabihasaan
( Tungo sa Panuto: basahin nang malakas ang sitwasyong na kalaan
formative para sa inyong pangkat. Isulat ang inyong opinion o
assessment.) reasiyon tungkol ditto. Papiliin ang bawat pangkat sa
bawat sitwasyon.

1. Ano ang mangyayari kung patuloy ang pagputol ng


mga puno sa ating kapaligiran?
2. Sang-ayon ka ba, na dapat nating pangalagaan ang
ating kapaligiran? Bakit?
3. Sainyong palagay, dapat ba nating sundin ang mga
batas upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
Bakit?

Pag uulat ng bawat pangkat


 Ano ang paraan ang inyong ginawa upang
makakuha/ mabuo ang inyong opinion ng bawat
isa?
( Nag -uusap tungkol sa sitwasyong ibinigay at
nagpahayag ng sariling palagay o haka -haka tungkol sa
pangyayari.)
G. Paglalapat ng Ipahayag ang iyong sariling opinion.
aralin
Ano ang mangyayari kung patuloy na magtatapon ang
mga tao ng basura kahit saan?

Ano ang mangyayari kung patuloy na magpuputol ng puno


ang mga tao sa kagubatan?

Paano natin maiiwasan ang pagkasira ng ating


kaliakasan?

H. Paglalahat ng Ano ang kahalagahan na dapat tandaan sa pagbibigay ng


aralin opinion o reaksiyon sa isang isyu?

(sa pagbibigay ng isang opinion o reaksiyon, mahalagang


malaman ang sariling palagay o haka-haka tungkol sa
pangyayari gamit ang mga magagalang na ekspresyon.)

I. Pagtataya ng Piliin ang tamang sagot. Isulat sa notebook.


aralin 1. Ito ay sarili nating kaisipan, ideya o pananaw na
ipinahahayag natin sa usapang tungkol sa bagay-
bagay.
a. Opinion o palagay b. reaksiyon c.
opinion o kuru-kuro
2. Ito ay tungkol sa isang isyu o paksa ay maaaring
sabihin sa magalang at maayos na paraan.
a. Opinion o palagay b. reaksiyon c.
opinion o kuru-kuro
3. Mga ginagamit na magagalang na ekspresyonsa
pagbibigay ng opinion o reaksiyon. Maliban sa
a. Subalit na b. sa aking palagay
c. kung ako ang tatanungin
4. Ito ay tumutukoy sa damdamin o kilos bilang tugon
o sagot sa isang paksa, nabasa, narinig,
pangyayari, at iba pa.
a. Opinion o kuru-kuro b. reaksiyon
c. opinion o paagay
5. Ano ang dapat gamitin sa pagbibigay ng opinion o
reaksiyon sa isang isyu?
a. Dapat di gumagamit ng mga magagalang na
ekspresyon.
b. Dapat gumagamit ng po at opo.
c. Dapat ginagamitanng magagalang na ekspresyon.
J. Takdang Magbigay/ ihayag ang iyong sariling opinion:
aralin/
karagdagang Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapangalagaan ang
gawain ating kaikasan/ kapaligiran?
V. MGA
TALA
VI. PAGNINIL
AY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailan
gan pa ng iba
pang gawain
para sa
remediation.
C. Nakakatulong
ba ang
remedial?
Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng
mag-aaral na
magpapatuloy
sa
remediation.
E. Alin sa mga
Estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano
ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking
naranasan na
nasolusyonan
sa tulong ng
aking
punongguro at
superbiSOR.
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking dibuho
mna nais kong
ibahagi sa
mga kapwa ko
guro.

You might also like