You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 2

I. Layunin:
A. Pamantayang Nilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan at taas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan,karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naipapahayag ang ideya/ kaisipan/ damdamin/reaksyon nang maywastong tono,diin, bilis, antas
at intonasyon.
F2TA-Oa-j-2
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang pangunahing ideya sa napakinggan/ binasang teksto.
II. Nilalaman:
MELCS:
Kalusugan ng Pamilya ay Dapat Pangalagaan
Pagtukoy sa mga Pangunahing Ideya
III. Kagamitang Panturo:
A. Mga Sanggunian: MELC p.200 CG.p.22
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: p.45
2. Mga pahina sa kagamitang Pang mag-aaral: p.8-16
3. powerpoint presentation, mga larawan, tsart
Pagpapahalagang Moral: Pangangalaga sa kalusugan at kapaligiran
IV. Pamamaraan:
A. Panimula:
Sa araling ito, matutukoy mo ang pangunahing ideya o kaisipan sa napakinggan/ binasang
teksto.
Subukin:
Isulat kung Tama o Mali
_________1. Makikita ang pangunahing ideya sa unahan, gitna, o huling pangungusap sa teksto.
_________2. Maiuugnay ang sarili na karanasan kung nauunawaan ang tekstong napakinggan o
nabasa.
_________3. Ang mga salitang bata at bato ay magkasing tunog.
_________4. Ang bulaklak at halaman ay magkasing tunog.
_________5. Matutukoy ang kahulugan ng di kilalang salita sa pamamagitan ng paggamit nito sa
pangungusap.
B. Pagpapaunlad:
Tuklasin: Tumulong ka ba sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
Ibahagi ang iyong karanasan kaugnay ng pagsama sa paglinis ng kapaligiran o kaya ay ng
sariling bahay.

Magtulungan Tayo
Tayo nang maglinis ng ating bakuran
Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay lagging nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man matanda.


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.
Mga Tanong:
1. Kanino ipinatutungkol ang tula?
2. Bakit Kailangang maglinis ng paligid?
3. Ano ang nais gawin ng sumulat ng tula?
4. Ano ang pangunahing ideya ng tula?
5. Saang bahagi ng tula makikita ang pangunahing ideya?
C. Pagyamanin:
Gawain 1:
Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote, plastic at nakatambak sa
mga basurahan at looban ng ilang kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at maruming damit
lamang. Patapon at wala nang silbi kaya naman an gating kapaligiran ay punong –puno ng mga
kalat. Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha.
Nakasasama din ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot ng mga basura. Panahon na para
tayo ay kumilos at magkaisa.
Sagutin:
1.Ano- anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao/
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
Pangkatang Gawain:
Pangkat I- Gumawa ng simpleng kanta tungkol sa pag-iwas sa COVID-19 at tukuyin ang
pangunahing ideya.
Pangkat II- Dula -dulaan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Pangkat III- Gumawa ng diyalogo tungko sa pagtulong sa kapwa sa panahon ng COVID -19.
Pangkat IV- Simpleng tula tungkol sa kapaligiran.
D. PAGLALAPAT:
A. Isulat ang tsek(/) sa sagutang papel kung naranasan moa ng pahayag at ekis(x) naman kung
hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.
2. Iniuuwi ko ang aking basura.
3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
4. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di- nabubulok na basura.
5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.
PAGLALAHAT:
Ang teksto ay may pinahahayag na ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng
pangunahing ideya upang maintindihan ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang pangunahing
ideya ay matatagpuan sa pamagat, unahan, gitna at huling bahagi ng teksto. Nakakatulong sa
pag-unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay nang narinig sa sariling karanasan.
E. PAGTATAYA:
Basahin at piliin ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto .
Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag iingat ay isasaalang –alang. Palitan nang madalas
ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Mga malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang sakit.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag
umuubo o bumabahing nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng maraming tubig at
magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay maraming bitamina.
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na
pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat nap ag inom ng tubig.
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag inomng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na
hindi mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag inom ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.

V. PAGNINILAY
( Reflection on the type of Formative Assessment Used for the Particular Lesson).
Kumpletuhin ang bawat pangungusap.
1. Ang natutuhan ko ngayon
Ay___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________.
2. Nalaman kong ____________________________________________________
___________________________________.
3. Gusto ko pang malaman________________________________________________
______________________________________________________________.

Iniwasto ni: Inihanda ni:

DR. MELODY S. DIOSANA RICHELLE O. DORDAS


Principal III Teacher I

You might also like