You are on page 1of 30

Pagtukoy sa

Pangunahing Ideya

FILIPINO 2
Kuarter 1 Linggo 1
BALIKAN/
PAGGANYAK
Magbigay ng magagawa
mo para maging masaya
at malusog ang alaga mo.
Makinig sa guro at
unawaing mabuti ang
kuwento. Pagkatapos
sagutin ang mga tanong.
Si Bingo at
Kiko
Sagutin ang mga tanong tungkol
sa kuwento.
1. Sino-sino ang magkaibigan?
2. Ano-anong mga hayop ang
kanilang nakita?
3. Bakit masasaya ang mga hayop na
ito?
4. Paano masasabing malinis ang isang
kapaligiran?
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
malinis at maayos na kapaligiran?
7. Ano ang mararamdaman mo
kung ikaw ay isang hayop na
nakatira sa malinis na kapaligiran?
PAGTATALAKA
Ang teksto ay may
Y ipinahahayag
na ideya. Nakatutulong ang
pagbibigay ng pangunahing ideya
upang maintindihan ang nilalaman
ng narinig o binasa.
Ang pangunahing ideya ay
matatagpuan sa pamagat, unahan,
gitna at huling bahagi ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng
napakinggang pag-uugnay ng
narinig sa sariling karanasan.
Ikalawang Araw
Basahin ang mga tanong tungkol
sa napakinggang kuwento.
Lagyan ng tsek (/) ang patlang na
katapat ng iyong sagot.
1.Bakit nagpunta sa sapa ang
magkaibigang Bingo at Kiko?
_______ para maligo at maglaro
_______ para dalhan ng pagkain
ang mga ibon
2.Ano kaya ang ibig sabihin ng
“Twit! Twit!” ng mga ibon para sa
ginawa ni Kiko?
_______ Tulungan mo kami, Kiko!
_______ Maraming salamat, Kiko!
3.Bakit malulusog at masasaya
ang mga hayop sa bukid?
_______ malinis at maayos ang
kanilang tirahan
_______ maraming taong
nagpupunta sa kanila
4.Bakit dumaan sina Kiko at Bingo
sa kalabaw ni Mang Donato?
_______ para dalhin ito sa bukid
_______ para pakainin ito ng damo
5.Bakit umuwi rin agad sina
Kiko at Bingo?
_______ maliligo pa sila
_______ bilin ito ni Nanay
Ikatlong Araw
Iguhit ang masayang mukha kung
tama ang ginagawa ng bata sa
pangungusap at malungkot na mukha
kung hindi.
1. Dina: Naku, nasa bulsa ko pa pala ang mga balot
ng kendi. Maitapon na nga ito sa labas ng
sasakyan.
2. Kiko: Ate, huwag mong itapon sa labas
ngsasakyan ang basura. Kakalat iyan.
3. Susie: Wow, ang linis ng sapa. Wala nang
nagtatapon dito ngayon.
4. Lea: Halika, pulutin natin ang mga plastic at
basurang nagkalat sa may tabing-dagat.
5. Jeanie: Sa ilog ko itatapon ang mga basura ko
para di makita.
Ikaapat na Araw

Basahin ang tula at sagutin ang


mga tanong tungkol dito.
Magtulungan Tayo
Tayo nang maglinis sa ating kapaligiran
Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating iwasan
Pagtutulungan ang susi para guminhawa
Kaya nga, kumilos bata man matanda
Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.
Mga Katanungan:
1. Kanino ipinatutungkol ang tula?
2. Bakit kailangang maglinis ng
paligid?
3. Ano ang nais gawin ng sumulat ng
tula?
4. Ano ang pangunahing ideya ng tula?
5. Saang bahagi ng tula makikita ang
pangunahing ideya?
6. Batay sa iyong karanasan, ano ang
maaaring gawin upangmakatulong sa
kalinisan ng paligid?
PAGLALAHA
T
Ano ang teksto? Ano
ang pangunahing ideya
at saan ito makikita sa
teksto, kuwento o
tula?
PAGTATAY
MaikalimaA
nga Aldaw

Piliin ang pangunahing ideya o


kaisipan ng teksto. Isulat ang
wastong letra sa patlang.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-
iingat ay isasaalang-alang. Palitan ng madalas
ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng
bahay. Maging malinis sa tuwina.
A. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
B. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan
ang dengue
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung
saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o
bumabahing nang hindi makahawa ng iba. Uminom
ng maraming tubig at magpahinga.
A. Ang mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon
B. Uminom ng maraming tubig at magpahinga
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay.
Maraming bitamina nakakatulong din ito upang
mapanatiling malusog ang katawan.
A. Ang mga prutas at gulay ay may bitamina
B. Kumain ng prutas at gulay upang maging
malusog ang katawan
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa
araw-araw. Nakatutulong ito sa mabilis na pagtunaw
ng ating kinakain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas
ng dumi sa loob ng ating katawan.
A. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng
tubig
B. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junkfood at pag-
inom ng nakalatang inumin. May kemikal
ito na di mabuti sa katawan.
A. Iwasang kumain ng junkfood at
nakalatang inumin
B. May mga kemikal na makukuha sa
junkfood at nakalatang inumin.

You might also like