You are on page 1of 17

NOT

6
Filipino
Kuwarter 4 – Modyul 2
Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit
ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita /
Pagpapangkat ng mga Salitang
Magkakaugnay
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Paggawa ng Patalastas at Usapan
Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita
Leksiyon

1
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makakagawa ng patalastas at usapan


gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita.

Tuklasin

Gawain 1: Basahin ang sumusunod na usapan.

Ella: King, ano ang masasabi mo sa ating kapaligiran at panahon ngayon?

King: Naku, sobrang init na ng ating panahon ngayon. Marami na ring basura ang nagkalat saan-saan.
Pati sa dagat may maraming basura tayong makikita.

Ella: Bakit kaya may mga taong walang disiplina sa kanilang sarili? Hindi nila inaalala ang maaaring
kahihinatnan nating lahat nang dahil sa walang disiplinang pagtatapon ng basura.

King: Oo nga. Ang dapat sana’y malinis na tubig at hangin ay ngayo’y unti-unti ng dumumi. Kapag
marumi ang dagat, maaapektuhan ang mga pagkaing-dagat tulad ng alimango, mga isda, hipon at
iba pang may buhay na nakatira sa dagat.

Ella: Apektado rin tayong mga tao. Nakadepende tayo sa mga pagkaing-dagat. Ginagamit natin itong
pagkain araw-araw.

1
King: Tara, simulan nating maglinis sa ating bakuran, Para man lang may magagawa rin tayo sa ating
kapaligiran.

Ella: Oo nga, tayo lang rin ang makikinabang kapag malinis ang ating kapaligiran. Kaya, magsimula
na tayong maglilinis sa ating bakuran.

Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?


2. Bakit ba naging marumi na ang ating kapaligiran?
3. Paano ba natin maiiwasan ang masamang epekto ng pagdumi ng ating kapaligiran?
4. Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita ang nasa usapan?

Gawain 2: Paano kaya kung mangailangan ng empleyado ang opisina ng isang piitan para sa
computer program nito? Maaaring mag-anunsyo o magdikit ng ganitong patalastas upang matugunan
ang pangangailangang ito.

NANGANGAILANGAN
Encoder (lalaki/babae)

Gulang: 25 - 30
Pinag -aralan: Tapos ng Bokasyonal o dalawang taon sa kolehiyo

May kaalaman sa Kompyuter: Microsoft Word, Excel

Mag-aplay sa:
Tanggapan ng Piitang Lungsod Cagayan de Oro, Agosto 25-30, 2020 (Hanapin si Jail Warden Supt. Edgar Cruz)

Sagutin ang mga tanong batay sa patalastas:

1. Ano ang kinakalingang trabaho?


2. Saan dapat mag-aplay?
3. Kailan dapat mag-aplay?

Sa halimbawang patalastas, ito ay nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa


pangangailangan ng hanapbuhay. Pansinin na ang patalastas na ito ay sumasagot sa tanong na ano,
saan at kailan.

Ang patalastas ay kailangang maliwanag at maikli.


Suriin

May mga bahagi ng pananalita ang ginagamit sa pakikipag - usap, paggawa ng patalastas at
ulat. May walong bahagi ng pananalita.

1. Pangngalan - salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari

- halimbawa: tatay, papel, baryo,isda, Pasko

2. Panghalip - salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan


- halimbawa: ako, atin, kayo, doon, tayo

3. Pandiwa - salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw


- halimbawa: sumayaw, naglaro, sasabihin

4. Pang-uri - salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip


- halimbawa: tahimik, dalawa

5. Pang-abay - salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at isa pang pang-abay

- halimbawa: mahusay, kanina, sa Pilipinas

6. Pang-angkop - salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita


- may tatlong pang-angkop: na, -ng at -g

7. Pangatnig - salitang tutulong sa pag-uugnay ng mga salita, parirala at pangungusap


- halimbawa: dahil, ngunit, samantala

8. Pang-ukol - salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-


uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon

- halimbawa : ukol sa, para kay

May mga salitang ginagamit sa usapan. Ating kilalanin kung anong bahagi ito ng pananalita.

1.King, Ella, kapaligiran, basura, dagat, tubig, hangin, alimango, isda, hipon, tao,
pagkain, bakuran--------mga halimbawa ng pangnga lan

2. ano, atin, saan-saan, tayo, kanila, natin, ito------------mga panghalip

3.masasabi, nagkalat, makikita, inaalala, nakadepende, ginagamit, simulan, maglinis,


magagawa, makikinabang, magsimula-----------mga pandiwa

4. sobrang init, marami, malinis, marumi----------mga pang-uri

5. sa dagat, ngayon, sa ating bakuran------------mga pang-abay

6. Ang mga pang-angkop na -g, ng at na ay ginagamit din sa usapan.


7. dahil, para, kapag---------mga pangatnig

8. para sa--------pang -ukol

Pagyamanin

A. Panuto: Buuin ang sumusunod na patalastas. Punan ng tamang salita ang patlang gamit ang mga
salitang nasa kahon. (Sagutan ito sa worksheet 1 sa pahina 13)

inyong programa kabataang


isasagawang mapayapa pumunta
ng ito maiwasan
lamok nang maglilinis
makilahok Sabado gaganapin

Inaanyayahan ang lahat ng nasa edad sampu pataas na sa


Clean-up Drive ng Barangay na ngayong ng umaga.

Isasagawa bilang tugon sa panawagan kinauukulan na sama-samang


ang lahat sa gayon ay ang panganib ng dengue na dala ng isang uri ng
.

lamang sa covered court ng barangay sa may alas-7 ng umaga para sa idaraos


na panimulang bilang opisyal na simula ng Clean-up Drive na ito.
Inaasahan ang lahat ng kooperasyon!

B. Panuto: Isulat ang mga salitang nasa kahon na nasa Pagyamanin A. Tukuyin kung anong bahagi ng
pananalita ito napabilang. (Sagutan ito sa Worksheet 1 sa pahina 13)

C. Panuto: Basahing muli ang patalastas na nasa Pagyamanin A. Dapat bang makiisa tayo kapag may
programa sa ating komunidad? Ipaliwanag ang iyong sagot. (Sagutan ito sa Worksheet 1 sa
pahina 13)

4
Isaisip

Ano-ano ang gagamitin natin kapag tayo ay makikipag -usap, gagawa ng patalastas o susulat
ng ulat?

Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita?

Ano ang patalastas? Paano ba ang tamang pagsulat nito?

Tandaan

Ginagamit natin ang mga bahagi ng pananalita sa pakikipag-usap, paggawa ng patalastas at usapan at sa pagsusulat ng ulat.
Ang mga bahagi ng pananalita ay ang pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay, panghalip, pang-angkop, pangatnig at pang-ukol
Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa:

gaganaping palatuntunan / iba pang gawain


panawagan sa madla
kautusan ng paaralan / bayan
pangangailangan sa hanapbuhay
nawawala

Kailangang maikli ang patalastas at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa tanong na Ano, Saan at Kailan.

Tayahin

A. Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang para mabuo ang usapan. Pumili ng mga salita
mula sa kahon. (Sagutin ito sa worksheet 1 sa pahina 14)

dito lumabas mall


sinusunod lugar bahay
sakit madaliang tayo
isagawa tubig madalas
umiwas uubo ng

KC: Nay, gusto ko na pong pumunta ng . Bili po tayo ng mga gamit


para sa darating na pasukan.
Nanay Fe: Naku KC! Hindi ka pa puwedeng ng bahay at pumunta sa matataong
. Ipinagbabawal pa ito ng kinauukulan.

KC: Nanay matagal na tayong palaging nasa . Bakit po ba hindi pa rin puwede?

Nanay Fe: Ang kautusang ito ay natin para maiwasan ang paglaganap ng
COVID - 19. Kung hindi tayo pumirmi sa bahay ay malaki ang tsansang mahahawaan
tayo sa na ito. Gusto mo bang magkasakit?

KC: Hindi po. Ano-ano pa ba ang kailangan nating gawin Nanay para hindi po
mahawahan?

Nanay Fe: May ilang paraang dapat nating para maiwasan ang pagkalat ng
COVID - 19.

1. Ugaliin ang na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at .


2. Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag at babahin gamit ang
panyo/tissue.
3. sa mga taong may lagnat, ubo at sipon.
4. Umiwas sa paghawak mga hayop na apektado ng coronavirus.

5.Siguraduhing ang pagkain tulad ng karne at isda ay naluto nang maayos.

KC: Sige po Nanay. Ayoko pong magkasakit. na lang po ako sa bahay. Dadalasan ko
na rin po ang paghuhugas ng aking mga kamay.

B. Panuto: Basahing muli at nang maayos ang usapan nina KC at Nanay Fe. Tukuyin kung anong
bahagi ng pananalita ang mga salitang nasa kahon. (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa pahina 15)

C. Panuto: Iugnay sa sariling karanasan ang usapan nina KC at Nanay Fe. Ano ang iyong
nararamdaman o nararanasan sa nangyaring pandemya ngayon? (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa
pahina 15)

D. Panuto: Basahin mo ang usapan sa ibaba. Sumulat ng patalastas batay sa suliraning inilahad
sa usapan. (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa pahina 15)

kailangan kong dumalo sa seminar bukas. Sino ho ang mag-aalaga kay RJ? Umalis na si Aling Isyang. Maglagay ka ng patalastas sa harap ng bahay natin.
Pagpapangkat ng mga Salitang
Leksiyon Magkakaugnay
2
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang na mapapangkat mo ang mga salitang


magkakaugnay.

Tuklasin

Basahin nang mabuti ang sanaysay.

Mga Gusto ni Angela

Si Angela ay isang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Katulad ng ibang bata ay may marami
siyang gustong mga bagay na gustong gawin at makamtan. May mga lugar din siyang nais
mapuntahan.
Hilig niyang maglaro ng tagu-taguan, bahay-bahayan, patintero, balibol at sungka kasama ang
kanyang mga kaibigan.
Gustong-gusto rin niya na binibilhan o binibigyan ng iba’t ibang laruan tulad ng manika, bola,
blocks at iba pang mga laruan.
Pinapangarap din niyang mapuntahan ang mga magagandang pook sa Pilipinas katulad ng
Boracay Beach, Rice Terraces, Chocolate Hills, Bulkang Mayon at iba pang mga pook na may mga
magagandang tanawin.
Marami man siyang mga gustong laruin at mapuntahan, hindi pa rin niya pinapabayaan ang
kanyang pag-aaral. Ito ang pinakamahalaga sa lahat niyang mga gusto. Naniniwala siyang lahat ng
kanyang mga ninanais ay makakamtan niya kapag matatapos niya ang kanyang pag-aaral.
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang paksa ng sanaysay?


2. Ano-ano ang mga laro na gusto niyang laruin kasama ang kanyang mga kaibigan?
3. Ano-ano ang mga laruan ang gusto niyang maibili/maibigay sa kanya?
4. Ano-ano ang magagandang pook sa Pilipinas ang gusto niyang mapuntahan?
5. Bakit mahalaga para kay Angela ang makatapos ng pag-aaral?

Suriin

Ang paksa ang pinag-uusapan sa isang sanaysay. Kailangang basahing mabuti ang sanaysay
para maintindihan kung tungkol saan ang sanaysay.

Sa ating binasang sanaysay, pinag-uusapan ang tungkol sa mga gustong gawin at makamtan
ni Angela. Ito ang tinatawag na paksa ng sanaysay.

May mga salitang magkaugnay sa sanaysay. Ang mga salitang magkaugnay ay mga salitang
magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay magkasama at magkapareha.

Sa sanaysay, makikita natin ang ilang salitang magkakaugnay tulad ng:

1. mga larong gusto ni Angela --- tagu-taguan, bahay-bahayan, patintero, balibol, sungka
2. mga gustong laruan ni Angela --- manika, bola, blocks
3. mga magagandang pook sa Pilipinas na gustong mapuntahan ni Angela --- Boracay Beach,
Rice Terraces, Chocolate Hills, Bulkang Mayon

Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang talata. Isulat ang titik ng paksa/ideya na inilahad ng bawat isa.
(Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 16)
1. Kaibigan

Ang isang kaibigan ay maaasahan sa oras ng kagipitan. Gaano man katagal na ‘di sila
magkita, mararamdaman mong nandiyan palagi sa iyong tabi ang tunay na kaibigan. Siya ay isang
iglap mong mahihingian ng tulong kung kinakailangan. Hindi na siya kailangang ilang beses pang
hingan ng tulong. Palagi siyang nandiyan sa panahon ng pangangailangan ng kanyang mga kaibigan.
A. Nasa tabi ang tunay na kaibigan
B. Mahihingan ng tulong sa isang iglap ang kaibigan
C. Parang kapatid ang kaibigan
D. Maaasahan sa oras ng kagipitan ang isang kaibigan

2. Kahalagahan ng Pamilya

Ang pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag-uumpisa at dito hinuhubog ang pagkatao ng
bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema. Dito rin humuhugot ng lakas ng
loob ang bawat isa kapag may dumarating na problema. Ang pamilya ang mas higit na nakakaintindi
sa atin sa panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa
buhay.

A. Mahalaga ang pamilya C.Lakas ng loob ang pamilya


B. Sandigan ang pamilya D. Masasandalan ang pamilya

B. Panuto: Pagsama-samahin ang magkakaugnay na salita. Sundan ang salita sa bilang upang maging
gabay mo sa mga salitang kaugnay nito. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 16)

Morong Beach pulo o isla lindol


karagatan palamuti bagyo
kasuotan sunog Boracay
El Nido litrato kabundukan
Salapi landslide Dakak

1. mga beach sa bansa ---


2. mga lugar na pinapasyalan ---
3. halimbawa ng kalamidad ---
4. puwedeng maging souvenir --

Isaisip

TANDAAN MO

nag-uusapan sa sanaysay o sa isang talata. Masasabi/matutukoy ang paksa kapag binasang mabuti at iniintindi kung tungkol saan ba a

tang magkakaugnay ay mga salitang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang pagpapangkat ng magkakaugnay na salita ay ang

9
mga salitang may kaugnayan sa isa’t isa. Ang magkakaugnay na salita ay maaaring
magkakabilang sa isang uri, antas o pangkat batay sa katangian o kalidad.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 17)

Ang Inang Kalikasan


Biniyayaan ang mga tao ng Panginoong Diyos ng napakagandang Inang Kalikasan na
nagbibigay-buhay at kulay ng lahat na nilalang sa daigdig.

Napakaraming biyaya ang makukuha natin mula sa Inang Kalikasan. Narito ang sariwang
hangin, malinis na tubig, mga punongkahoy, mga prutas at iba pang likas na yaman na nakakatulong
sa atin para mabuhay.

Biniyayaan tayo ng napakasaganang likas na yaman na pinagkukunan natin ng pagkain sa


araw-araw. Makukuha mula sa dagat ang hipon, alimango, iba’t ibang uri ng isda, mga kabibe at mga
halamang-dagat. Makukuha rin sa kapatagan at kabundukan ang iba’t ibang uri ng prutas, mais, palay
at iba’t ibang uri ng gulay.

Tunay ngang nagbibigay sa atin ng buhay ang Inang Kalikasan. Tiyakin nating ito ay
pangalagaan nang sa gayon ay mapanatili ang buhay sa ating daigdig.

A. Panuto: Isulat ang paksa ng nabasang sanaysay.

B. Panuto: Batay sa nabasang sanaysay, pagsama-samahin ang magkakaugnay na salita. Sundan ang
salita sa bilang upang maging gabay mo sa mga salitang kaugnay nito.

1. mga biyayang mula sa Inang Kalikasan ---

2. pagkaing makukuha sa dagat ---

3. pagkaing mula sa kapatagan at kabundukan ---


Apendiks

WORKSHEET 1

Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

PAGYAMANIN

A. Panuto: Buuin ang sumusunod na patalastas. Punan ng tamang salita ang patlang gamit ang mga
salitang nasa kahon.

inyong programa kabataang


isasagawang mapayapa pumunta
ng ito maiwasan
lamok nang maglilinis
makilahok Sabado gaganapin

Inaanyayahan ang lahat ng nasa edad sampu pataas na sa


Clean-up Drive ng Barangay na ngayong ng umaga.

Isasagawa bilang tugon sa panawagan kinauukulan na sama-samang


ang lahat sa gayon ay ang panganib ng dengue na dala ng isang uri ng
.

lamang sa covered court ng barangay sa may alas-7 ng umaga para sa idaraos


na panimulang bilang opisyal na simula ng Clean-up Drive na ito.
Inaasahan ang lahat ng kooperasyon!

B. Panuto: Isulat ang mga salitang nasa kahon na nasa Pagyamanin A. Tukuyin kung anong bahagi ng
pananalita ito napabilang. Gamitin ang puwang sa ibaba para sa iyong kasagutan.

13
C. Panuto: Basahing muli ang patalastas na nasa Pagyamanin A. Dapat bang makiisa tayo kapag
may programa sa ating komunidad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

PAGTATAYA

A. Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang para mabuo ang usapan. Pumili ng mga salita
mula sa kahon.

dito lumabas mall


sinusunod lugar bahay
sakit madaliang tayo
isagawa tubig madalas
umiwas uubo ng

KC: Nay, gusto ko na pong pumunta ng . Bili po tayo ng mga gamit


para sa darating na pasukan.

Nanay Fe: Naku KC! Hindi ka pa puwedeng ng bahay at pumunta sa matataong


. Ipinagbabawal pa ito ng kinauukulan.

KC: Nanay matagal na tayong palaging nasa . Bakit po ba hindi pa rin puwede?

Nanay Fe: Ang kautusang ito ay natin para maiwasan ang paglaganap ng
COVID - 19. Kung hindi tayo pumirmi sa bahay ay malaki ang tsansang mahahawaan
tayo sa na ito. Gusto mo bang magkasakit?

KC: Hindi po. Ano-ano pa ba ang kailangan nating gawin Nanay para hindi po
mahawahan?

Nanay Fe: May ilang paraang dapat nating para maiwasan ang pagkalat ng
COVID - 19.

1. Ugaliin ang na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at .


2. Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag at babahin gamit ang
panyo/tissue.
3. sa mga taong may lagnat, ubo at sipon.
4. Umiwas sa paghawak mga hayop na apektado ng coronavirus.

5.Siguraduhing ang pagkain tulad ng karne at isda ay naluto nang maayos.


KC: Sige po Nanay. Ayoko pong magkasakit. na lang po ako sa bahay. Dadalasan ko na
rin po ang paghuhugas ng aking mga kamay.

B. Panuto: Basahing muli at nang maayos ang usapan nina KC at Nanay Fe. Tukuyin kung anong
bahagi ng pananalita ang mga salitang nasa kahon.

C. Panuto: Iugnay sa sariling karanasan ang usapan nina KC at Nanay Fe. Ano ang iyong
nararamdaman o nararanasan sa nangyaring pandemya ngayon?

D. Panuto: Basahin mo ang usapan sa ibaba. Sumulat ng patalastas batay sa suliraning inilahad
sa usapan. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina)

gan kong dumalo sa seminar bukas. Sino ho ang mag-aalaga kay RJ? Umalis na si Aling Isyang.

Maglagay ka ng patalastas sa harap ng bahay natin.


WORKSHEET 2

Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

PAGYAMANIN

A. Panuto: Basahin ang talata. Bilugan ang titik ng paksa/ideya na inilahad ng bawat isa.
1. Kaibigan

Ang isang kaibigan ay maaasahan sa oras ng kagipitan. Gaano man katagal na ‘di sila
magkita, mararamdaman mong nandiyan palagi sa iyong tabi ang tunay na kaibigan. Siya ay isang
iglap mong mahihingan ng tulong kung kinakailangan. Hindi na siya kailangang ilang beses pang
hingan ng tulong. Palagi siyang nandiyan sa panahon ng pangangailangan ng kanyang mga kaibigan.

A. Nasa tabi ang tunay na kaibigan


B. Mahihingan ng tulong sa isang iglap ang kaibigan
C. Parang kapatid ang kaibigan
D. Maaasahan sa oras ng kagipitan ang isang kaibigan

2. Kahalagahan ng Pamilya

Ang pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag-uumpisa at dito hinuhubog ang pagkatao ng
bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema. Dito rin humuhugot ng lakas ng
loob ang bawat isa kapag may dumarating na problema. Ang pamilya ang mas higit na nakakaintindi
sa atin sa panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa
buhay.

A. Mahalaga ang pamilya C.Lakas ng loob ang pamilya


B. Sandigan ang pamilya D. Masasandalan ang pamilya

B. Panuto: Pagsama-samahin ang magkakaugnay na salita. Sundan ang salita sa bilang upang
maging gabay mo sa mga salitang kaugnay nito.

Morong Beach pulo o isla lindol


karagatan palamuti bagyo
kasuotan sunog Boracay
El Nido litrato kabundukan
Salapi landslide Dakak

5. mga beach sa bansa ---


6. mga lugar na pinapasyalan ---
7. halimbawa ng kalamidad ---
8. puwedeng maging souvenir --
TAYAHIN
Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

Ang Inang Kalikasan


Binibiyayaan ang mga tao ng Panginoong Diyos ng napakagandang Inang Kalikasan na
nagbibigay-buhay at kulay ng lahat ng nilalang at ng daigdig.

Napakaraming biyaya ang makukuha natin mula sa Inang Kalikasan. Narito ang sariwang
hangin, malinis na tubig, mga punongkahoy, mga prutas at iba pang likas na yaman na tumutulong sa
atin para mabuhay.

Binibiyayaan tayo ng napakasaganang likas na yaman na pinagkukunan natin ng pagkain sa


araw-araw. Makukuha mula sa dagat ang hipon, alimango, iba’t ibang uri ng isda, mga kabibe at mga
halamang-dagat. Makukuha rin sa kapatagan at kabundukan ang iba’t ibang uri ng prutas, mais, palay
at iba’t ibang uri ng gulay.

Tunay ngang nagbibigay sa atin ng buhay ang Inang Kalikasan. Tiyakin nating ito ay
pangalagaan nang sa gayon ay mapanatili ang buhay sa ating daigdig.

A. Panuto: Isulat ang paksa ng nabasang sanaysay.

B. Panuto: Batay sa nabasang sanaysay, pagsama-samahin ang magkakaugnay na salita. Sundan ang
salita sa bilang upang maging gabay mo sa mga salitang kaugnay nito.

1. mga biyayang mula sa Inang Kalikasan ---

2. pagkaing makukuha sa dagat ---

3. pagkaing mula sa kapatagan at kabundukan ---

17

You might also like