You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 3: Week 6
Learning Activity Sheets
FILIPINO 6

Pangalan: ______________________________ Ikatlong Markahan, Ika-anim na Linggo

Baitang at Pangkat _______________________ Petsa: ___________________

Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

Susing Konsepto

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na mayroong buong diwa o kaisipan.

Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at panaguri. Ito ay may dalawang uri:

Ayon sa Gamit
Uri ng Mga katangian ng pangungusap
pangungusap (Ano ang gamit nito? Paano ito Halimbawang pangungusap
ayon sa gamit isinusulat?
1. Mahal ko ang aking
bayan.
Nagkukuwento, nagpapaliwanag,
Palahad/ naglalarawan, o nagpapahayag ng 2. Ayon sa balita, nakahanap
Pasalaysay opinyon; nagsisimula sa malaking titik na ang mga eksperto ng
at nagtatapos sa bantas na tuldok (.) bakuna laban sa Corona
Virus.

1. Hinahangaan mo rin ba si
Alden Richards?
Nagsisiyasat o layong maghanap ng
Patanong sagot; nagsisimula sa malaking titik at
2. Ano-anong lugar na ang
nagtatapos sa tandang pananong (?)
napasyalan mo?

1. Manatili ka sa loob ng
Nagsasaad ng pagpapagawa ng
bahay.
isang bagay o paghingi ng pabor.
Pautos/
Nagtatapos din ito sa tuldok. Maaari
Pakiusap 2. Maaari ba akong humiram
ring gumamit ng tandang pananong
ng lapis?
(tuwing nakikiusap)
1. Hay! Nakakapagod
talagang umakyat ng
Nagpapahayag ng matinding
bundok!
damdamin tulad ng tuwa, galit, gulat,
poot, sakit, at iba pa. Nagtatapos ito
Padamdam 2. Naku! Ang likot ng batang
sa tandang padamdam (!)
ito!
Karaniwang nagbibigay ng babala o
nagpapahiwatig ng pagkainis.
3. Uy! Ikaw pala!

1
Ayon sa Kayarian
Payak na pangungusap- simple o batayang pangungusap na binubuo lamang ng
simpleng simuno (paksa) at simpleng panaguri (bahaging may sinasabi tungkol sa paksa).

Halimbawa:
a. Nadagdagan ang mga mag-aaral.
(panaguri) (simuno)

b. Ang mga tao ay nakasuot ng face masks at face shields.

(simuno) (panaguri)

Tambalang pangungusap- binubuo ng dalawang nakapag-iisang pangungusap na

pinagsama ng pangatnig na at, pero, ngunit, subalit, o, at iba pa.

Halimbawa:
a. Nadagdagan ang mga mag-aaral at kinailangan ng paaralan ang bagong guro.
b. Ang mga tao ay nakasuot ng face masks at face shields pero nakalimutan nilang
panatilihin ang social distancing.

Hugnayang pangungusap- binubuo ng isang pangungusap na nakapag-iisa at hindi

nakapag-iisa. Ginagamitan ito ng mga pangatnig na dahil, sapagkat, kaya, habang,
samantala, at iba pa.

Halimbawa:
a. Nadagdagan ang mga mag-aaral dahil sa panghihikayat ng DepEd.
b. Ang mga tao ay nakasuot ng face masks at face shields upang makaiwas sa
CoViD19.

Langkapang pangungusap- binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-

iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa..

Halimbawa:
a. Nadagdagan ang mga mag-aaral dahil sa panghihikayat ng DepEd kaya
kinailangan ng paaralan ang bagong guro.
b. Ang mga tao ay nakasuot ng face masks at face shields upang makaiwas sa
CoViD19 pero nakalimutan nilang panatilihin ang social distancing.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
(F6WG-IVa-j-13)

2
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang pangungusap na naa-ayon sa bawat sitwasyon sa ibaba. Bilugan
lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Lumiban ka sa klase noong nakaraang biyernes dahil ikaw ay nilagnat at pinayuhang
magpahinga. Nabalitaan mong mayroong ibinigay na takdang-aralin ang inyong guro.
a. Precious, pakopyahin mo ako ng sagot sa ating takdang aralin para sa susunod ay
ikaw naman ang pakokopyahin ko.
b. Precious, maaari ko bang malaman kung ano ang takdang aralin natin at kung ano
ang dapat gawin dito?
c. Hala! May takdang aralin na naman?

2. Binigyan ka ng regalo ng iyong tiyahin dahil kaarawan mo ngayon.

a. Wow? Maraming Salamat po, Tita.
b. Wow! Maraming Salamat po, Tita.
c. Wow. Maraming Salamat po Tita.
3. Habang nasa hapag kainan, nais mong uminom ngunit ang pitsel ng tubig ay malayo
sayo at malapit naman sa iyong ate.
a. Ate, pakiabot naman po ang pitsel.
b. Ate, tubig nga?
c. Ate, bigyan mo ako ng inumin!
4. Naibagsak mo ang cellphone na ipinahiram sayo ng iyong kaibigan kaya bigla itong
namatay.
a. Anong magagawa ko kung bumagsak?
b. Pulutin mo na ang iyong cellphone.
c. Ay! Pasensya ka na, hindi ko sinasadya.
5. Itinago ng iyong ina ang pitaka mo dahil nakalimutan mo ito nakakalat sa sala.
a. Sino ang kumuha ng pitaka ko?
b. Ma, nakita niyo po ba ang aking pitaka?
c. Ma! Bakit mo itinago ang pitaka ko?

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang magkakaugnay na mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin ang
uri nito sa ikalawang hanay. Isulat naman ito nang wasto gamit ang malaking titik at tamang
bantas sa ikatlong hanay.

Wastong Pagkakasulat ng
Pangungusap Uri
Pangungusap
1. mahal ko ang aking bayan
2. aba hinahangaan kita
3. bakit mo naman nasabi iyon
4. may mga pilipino kasing
ikinahihiya ang kanilang
pagiging pilipino
5. uy hindi naman siguro ah

3
Pagsasanay 3
Panuto: Sumulat ng isang pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat sitwasyon at uri na
nasa loob ng panaklong.
1. Nais mong humingi ng pahintulot mula sa iyong ina upang makasali ka sa isang
patimpalak sa pagkanta. (patanong)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paalalahanan mo ang publiko sa tamang paghuhugas ng kamay. (pautos)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ilarawan mo ang iyong idolo. (palahad/pasalaysay)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Nasaksihan mo ang magagandang pailaw o fireworks noong Bagong Taon. (padamdam)
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ilahad ang iyong paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan sa loob ng klase.
(palahad/pasalaysay)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
6. Paalalahanan ang publiko na sumunod sa mga batas trapiko. (pautos/pakiusap)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7. Magbigay ng babala tungkol sa maaaring maging epekto ng pagkain ng junk foods.
(maaaring palahad/pasalaysay o pautos)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
8. Nais mong malaman mula sa iyong lolo ang lagay ng panahon ngayon. (patanong)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
9. Nais mong magpatulong gumuhit ng parke sa iyong nakatatandang kapatid bilang
bahagi ng iyong sinasagutang modyul. (pakiusap)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
10. Binisita ka ng isang pinsan o kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita o
nakakasama. (padamdam)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 4
A. Panuto: Punan ng panaguri ang sumusunod na simuno upang makabuo ng payak na
pangungusap. Tiyaking isusulat ng maayos at magagamit nang tama ang mga
kinakailangang bantas.
1. Si Luisa ay ____________________________________________________________.
2. Ang probinsya namin ay _________________________________________________.
3. Ang mga bisita ay ______________________________________________________.

4
4. _______________________________________________________ ang aking pinsan.
5. ________________________________________________ ang mga pista sa Pilipinas.

B. Panuto: Punan ng simuno ang sumusunod na panaguri upang makabuo ng payak na

pangungusap. Tiyaking isusulat ng maayos at magagamit ng tama ang mga
kinakailangang bantas.
6. Kasalukuyang nag-uusap _________________________________________________.
7. ______________________________ ay naging mas malinis sa katawan at kapaligiran
bunsod ng pandemya.
8. Matagumpay na natapos ni Rose ___________________________________________.
9. _____________________________________________________ ay kulay kayumanggi.
10. Hindi gaanong makulay __________________________________________________.

Pagsasanay 5
Panuto: Bumuo ng tambalan at hugnayang pangungusap mula sa payak na
pangungusap sa bawat bilang.
1. Mahusay kumanta si Jennie.
Tambalang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Hugnayang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Mababait ang mga tao sa aming barangay.
Tambalang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Hugnayang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Umuulan na.

4. Aalis na sila.

5
5. Ang kapatid ko ay mahilig magbasa.
Tambalang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Hugnayang pangungusap:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 6

Panuto: Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan ng magpinsan na sina Franco at Julia

sa comic strip na nasa ibaba? Punan ang mga bula ng mga naaayong pangungusap.
Sumulat din ng isang pangungusap sa loob ng kahon na nasa ilalim ng larawan kung ano
ang maaaring maging wakas para makumpleto ang iyong comic.

WAKAS:

Pangwakas
Ang pangungusap ay may dalawang uri: ayon sa gamit at ayon sa kayarian. Sa
pagpapahayag ng ating naiisip o nadarama, gumagamit tayo ng iba’t ibang uri ng
pangungusap upang maintindihan ng makikinig o mambabasa ang mensaheng nais nating
iparating.

6
Panuto: Lagyan ng check ng mga numero ayon sa antas ng iyong natutunan sa
araling ito. Gawing gabay ang indikasyon. (indicator)
3 Sumasang-ayon
2 Di – gaanong sumasang-ayon
1 Di-sumasang-ayon

Layunin 3 2 1

Nauunawaan ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit at

kayarian nito.
Nagagamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian
nito sa usapan at iba’t ibang sitwasyon.
Nakasusulat ng pangungusap na may tamang baybay, bantas at
estruktura.

Mga Sanggunian
Ramos, Remedios B, Resuma, Vilma M., PhD, Wow Filipino! 6 Quezon City Philippines: Vibal
Group,Inc, 2016, pp 229-231 at pp.245-247
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit, hango mula sa
https://www.slidehare.net/mobile/EmjhayDacallos/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-gamit-filipino
Pangungusap Ayon sa Kayarian, hango mula mula sa
https://www.slideshare.net/mobile/JuliusBryanYburan/pangungusa-payon-sa-kayarian
Comic Strip hango mula sa
https://www.education.com/worksheet/article/make-your-own-comic/

Mga Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2:
1. b Wastong pagkakasulat ng
Uri
2. b pangungusap
3. a 1. Palahad/pasalaysay Mahal ko ang aking bayan.
4. c 2. Padamdam Aba! Hinahangaan kita!
5. b 3. Patanong Bakit mo naman nasabi iyon?
4. Palahad/pasalaysay May mga Pilipino kasing
Pagsasanay 3-5 ikinahihiya ang pagiging
Ang mga sagot ay maaaring iba-iba. Pilipino.
5. Padamdam Uy! Hindi naman siguro ah!
Pagsasanay 6
Ang mga sagot ay maaaring iba-iba. Suriin ang wastong paggamit ng bantas, baybay, at estruktura ng
mga pangungusap.

Sinuri nina:
Inihanda ni:
HELEN G. LAUS EdD
EPSvr-Filipino
PATRICIA MARIE P. PABALAN
Teacher I LILY BETH B. MALLARI
Balete Elementary School EPSvr-LRMS
Manunulat/Naglapat
ROBERT E. OSONGCO EdD
Chief-CID

You might also like