You are on page 1of 14

9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Kataga/Pahayag sa
Pagpapasidhi ng Damdamin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban a
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kristine Abuton Dominguez
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Vivencia Dumdum
Tagaguhit:
Tagalapat: Kristine Abuton Dominguez
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio – Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay - Chief-Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera - Education Program Supervisor
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon Road, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Kataga/Pahayag sa
Pagpapasidhi ng Damdamin
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Mayroong pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa
sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Mga Kataga/Pahayag sa
Aralin 2 Pagpapasidhi ng
Damdamin

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang unang aralin ng modyul


na ito. Ngayon naman, kailangan mong magpatuloy at gawing kahali-halina
ang iyong pag-aaral sa ikalawang aralin. Ang araling ito ay naglalaman ng
paksa patungkol sa mga kataga o pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin
na makatutulong upang mas maipadama ang emosyong dapat mamayani sa
akdang elehiya.

Sa araling ito, inaasahang :


naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang
halimbawa ng elehiya (F9PU-IIIa-53),
nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin (F9WG-IIIb-c-53).

Aralin Natin
Sa seksiyong ito, makikilala at matutuklasan mo ang bagong aralin
sa pamamagitan ng pagbasang may pag-unawa.
Upang magabayan ka sa iyong pagtuklas sa bagong aralin na pag-
aaralan, kailangan mong basahin at unawain ang nilalaman ng seksyong
ito. Basahin at unawain ang elehiya. Pansinin ang mga salita at sambitla na
may salungguhit. Husayan mo!

Ngiting Naparam…
Isinulat ni Kristine Kritoab Dominguez

Kapag natuto bang magmahal ay kailangang


masaktan? Iginuhit ni Juhaira R. Kuning

1
v
Pagkatapos ba ng kasiyahan ay ang kawalan?
Tunay ngang mapagbiro ang tadhana nang tayo’y mapaglaruan.
Bakit ba umabot tayo sa walang hanggang paalam?

Pinagtagpo tayo ng Lumikha sa isang ‘di


inaasahang pagkakataon.
Sa haba ng diskusyon sa pag-iibigan nauwi nang
lumaon.
Nangako tayo sa isa’t isa na sa dambana tayo dapat
humantong.
Ang saya! Hindi ba? Pagmamahalan ang sa atin
bumalot at lumamon.

Iginuhit ni Juhaira R. Kuning

Gabay na Tanong:
Ano ang pangako ng mga tauhan sa elehiya sa isa’t isa?

Sa hindi inaasahan, dinalaw ka ng isang


malubhang karamdaman.
Ang tapang-tapang mo, para kang si
Lastikman!
Napakalakas ng loob mo daig pa nga si
Superman.
Ngunit sadyang ang paglaban ay may
hangganan.

Iniirog, ikaw ay napakahimbing na natutulog, Iginuhit ni Juhaira R. Kuning

Hindi ka na rin umiinda at nagdadabog.


Naku! Ikaw pala’y tuluyang lumisan na mahal,
Dumating na ang oras na itinakda ng Maykapal.

Gabay na Tanong:
Kani-kanino inihambing ang tapang at lakas ng loob ng tauhan sa
elehiya?

2
v
Ang ngiti’y tuluyang naparam, napalitan ng pighati
at pagdaramdam.
Grabe! Umalis kang hindi man lang
nakapagpaalam.
Mga alaalang sa lumang larawan ko nalang
mapagmamasdan.
“Ang sakit!” Mga salitang kaya ko na lang bitawan
na tanging nilalaman yaring puso’t isipan.

Kung puwede pa lang umayaw, ayaw ko sanang


bumitaw,
Ngunit sa “Tayo” ay wala ng “Ikaw”.
Paalam sinisinta, ikaw ay pinapalaya na.
Hanggang sa muling pagkikita sa paraisong wala ng
pagdurusa.
Iginuhit ni Juhaira R. Kuning

Gabay na Tanong:
Ilarawan ang namayaning emosyon ng sumulat ng elehiya sa huling
saknong.

Mga Kasagutan :

1. Ano ang pangako ng mga tauhan sa elehiya sa isa’t isa?


→ sa dambana sila dapat humatong
2. Kani-kanino inihambing ang tapang at lakas ng loob ng tauhan sa
elehiya?
→ang tapang ay kay Lastikman habang ang lakas ng loob ay kay
Superman
3. Ilarawan ang namayaning emosyon ng sumulat ng elehiya sa huling
saknong.
→namayani ang pagnanangis at lungkot ngunit sa bandang huli
ipinakita ng sumulat ang pagtanggap sa kasawiang nangyari sa kaniyang
minamahal

3
v
Gawin Natin
Upang magabayan ka sa iyong pagtuklas sa bagong aralin na pag-
aaralan, kailangan mong basahin at unawain ang nilalaman ng
seksyong ito. Basahin at unawain ang teksto.

Naibigan mo ba ang elehiya? Naramdaman mo ba ang mga emosyong


namayani sa tula? Ano-ano ang mga salitang may salungguhit? Ano-ano
naman ang mga sambitlang may salungguhit? Halika’t kilalanin at isa-
isahin ang mga ito.
Mga Kataga o Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais
bigyang-diin o pangibabawin upang higit na maipahayag ang kaisipan o
bagay na nais na maiparating. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang
matutuhan mo kung paano mapasisidhi ang pagpapahayag ng damdamin
sa pamamagitan ng mga kataga o pahayag.

1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri


Hal. Mainit na mainit ang naging pagtatalo ng dalawa kanina.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka-,


at kay-, pinaka-, ka- an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol
na katangian ng pang-uri
Hal. Pinakamahusay si Ikia sa klase.
Napakagandang halimbawa ang ipinakita ni David Michael sa kanilang
bayan.
Pagkasaya-saya ng magkakaibigang Juhaira at Rolly sa pagtitipon
kanina.

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ubod, hari, sakdal,


tunay, lubhang at ng pinagsamang walang at kasing upang
mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri
Hal. Ubod ng sarap ang nilutong adobo ni Ate Judith.
Walang kasingsaya ang makitang nagsisipag ka sa pag-aaral.
Lubhang marumi ang sapatos na sinuot ni Cardo papunta sa mall.

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


- Paggamit ng panlaping magpaka
Hal. magsipag → magpakasipag
- Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat
Hal. magtanong → magtatanong
- Pagpapalit ng panlaping -um- sa panlaping mag- at nagkakaroon ng
pag-uulit sa unang pantig
Hal. bumili → magbibilihan

4
1
- Pagpapalit ng –um- sa panlaping magpaka-
Hal. tumalino → magpakatalino

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa


gaya ng
- Padamdam
Hal. Ang tapang!
Sugod!
Kay hirap ng buhay!

- Maikling Sambitla
Hal. Aray!
Ay!
Naku!
Grabe!

Pagsasanay: Punan ng akmang anyo ng pinasidhing anyo ng salita o


pahayag ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (hanga)______________ang taong nagtitiis kahit nasasaktan para sa


minamahal sa buhay.
2. (marami)_____________dahilan para lumaban kaysa sumuko na
lamang.
3. Kailangang mong (humusay)_______________upang matanggap ka sa
trabahong gusto mo.
4. (sakit)_____________ng mawalan ng mahal sa buhay lalo na’t sa hindi
inaasahang dahilan.
5. (gulat)________________siya sa pagdating mo kanina.

Sanayin Natin
Gawain 1: Ang bahaging ito ay magpapatibay ng iyong pag-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Gamitin ang mga kataga/pahayag at
angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel o kuwaderno.
Bumuo ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
tungkol sa dalawang elehiyang natalakay sa modyul na ito batay sa
nakatala sa bawat bilang.

1. Sa pamamagitan ng Pangungusap na Walang


Paksa
Pangungusap: ______________________________
Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng salitang ubod
Pangungusap: _______________________________

25
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng salitang tunay
Pangungusap: _______________________________
Ngiting Naparam…
4. Sa pamamagitan ng paggamit ng pangungusap
na walang paksa
Pangungusap:__________________________________
_

Gawain 2: Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ay gawin ang bahaging ito


upang malaman natin ang mga natutuhan mo. Ngayon punan mo ng tama o
angkop na salita mula sa kahon ang bawat patlang upang mabuo ang diwa
ng tinalakay sa ikalawang aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel o
kuwaderno.

mapapasidhi kaisipan kataga pagpapahayag pang-uri

Sa 1.________________ay mahalagang maipakita ang damdaming nais


bigyang-diin o pangibabawin upang higit na maipahayag ang 2.____________
o bagay na nais na maiparating. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang
matutuhan mo kung paano 3.______________ang pagpapahayag ng
damdamin sa pamamagitan ng mga 4.___________ o pahayag. Mainit na
mainit ang naging pagtatalo ng dalawa kanina. Ang pahayag na may
salungguhit ay halimbawa ng pag-uulit ng 5.__________________.

Suriin Natin

Gawin ang bahaging ito upang masukat natin ang antas ng iyong
pagkatuto na natutuhan mula sa aralin. Palalimin mo ang iyong kaalaman
sa paggamit ng mga kataga o pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin.
Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B.

A B

1.malakas na malakas A. pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa

2.magpakasipag B. pag-uulit ng pang-uri

3. Ang galing! C. paggamit ng maikling sambitla

6
3
4. Ay! D. paggamit ng mga salitang gaya ng hari, sakdal,
tunay, ubod at lubhang

5.ubod ng yaman E. paggamit ng mga pangungusap na walang paksa


gaya ng padamdam

Payabungin Natin
Ipagpatuloy ang paglinang ng iyong kakayahan sa aralin. Sa
bahaging ito, maipakikita ang iyong husay sa paggawa ng isang
elehiya. Gawing batayan sa pagsulat ang pamantayan sa ibaba.

Sitwasyon: Ipagpalagay mo na ikaw ay may isang malapit na kakilala na


isang frontliner na nasawi sa paglilingkod sa mga pasyenteng biktima ng
Covid-19. Nais mong bigyan ng parangal ang kaniyang mga kabutihang
nagawa sa kaniyang pamilya, sa mga kaibigan, sa kapwa at sa bayan sa
pamamagitan ng pagiging bahagi ng neucrological service. Sumulat ka ng
isang elehiya na iaalay sa kaniya na binubuo ng tatlong saknong, bawat
saknong ay may tig-aapat na taludtod.

Pamantayan sa Pagsulat ng Elehiya

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


pa ng
pagsasanay
(10 puntos) (8 puntos) (6 puntos)
Kaangkupan ng Napakahusay ng Mahusay ang Hindi
nilalaman ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng masyadong
tula sa paksa tula at malinaw tula at maayos at
ang pagkakalahad malinaw ang malinaw ang
ng nilalaman pagkakalahad pagkakabuo at
ng nilalaman pagkakalahad ng
tula
Kakikitaan ng Kakikitaan ng 6 Kakikitaan ng Kakikitaan ng 1
mga elemento ng hanggang 7 na 4 hanggang 5 hanggang 3
elehiya elemento ng elehiya elemento ng elemento ng
elehiya elehiya

7
4
8
5
Payabungin Natin
Nasa guro ang
pagpapasya
Suriin Natin Sanayin Natin Gawin Natin
1. B Gawain 1 1. Kahanga-hanga
2. A Nasa guro ang 2. Napakarami
3. C pagpapasya 3. magpakahusay
4. napakasakit
4. E Gawain 2
5. gulat na gulat
5. D 1. pagpapahayag
2. kaisipan
3. mapapasidhi
4. kataga
5. pang-uri
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Romulo N. Peralta, Donabel C. Lajarca, Eric O. Cariňo, Ma. Aurora C.


Lugtu, mary Grace A. Tabora, Jocelyn C. Trinidad, Sheila C. Molina,
Lucelma O. Carpio, Julieta U. Rivera, Vilma C. Ambat, Panitikang
Asyano Modyul ng Mag- aaral sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Meralco Avenue, Pasig City Philippines, Unang Edisyon 2014.

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of


Education, 2016.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 9.
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020

9
v
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

You might also like