You are on page 1of 22

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Maikling Kuwento sa East Africa

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Maikling Kuwento sa East Africa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pamparalang Pansanagay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glehn Mark A. Jarlego
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nuñez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez,
Bernadeth D. Magat
Tagasuri ng Balangkas
at Disenyo: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit at Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka na? Ihanda na ang iyong isip at puso sa


pag-aaral sa modyul na ito. Ito ay makatutulong sa iyo upang lumawak pa
ang iyong kaalaman.

Mahilig ka bang mag-alaga ng mga hayop? Kung gayon, tiyak na


magugustuhan mo ang nilalaman ng aralin sa modyul na ito. Makababasa ka
ng akdang mula sa East Africa na tunay ngang kapupulutan mo ng mga aral.
Matututuhan mo rin ang mga salitang magagamit mo sa pagbibigay ng
opinyon. Kaya naman, halina’t iyong tuklasin, alamin, pagyamanin, at
linangin ang iyong kasanayan sa mga aralin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
(F10PT-IIId-e-79);
2. nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda (F10PD-IIId-e-77);
3. naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili at panlipunang pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);
4. nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa
at ng alinmang social media (F10PS-IIId-e-81);
5. naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79); at
6. nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
(F10WG-IIId-e-74).

1
Subukin

Bago ka magtungo sa araling inihanda ko para sa sesyong ito, halina’t


subukin ang iyong kaalaman tungkol sa araling ating tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan.


Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang damdaming naramdaman ni Kibuka sa pagkamatay ng


kaniyang alaga.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

2. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, ito’y napamahal


na kay Kibuka. Ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap
ay______.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

3. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay


lamang sa alaga niyang baboy. Ang damdaming ipinahihiwatig ng
pahayag ay ______.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkainis

4. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na


biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng
biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng
buntot. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap?
A. pag-ayaw C. pagkagusto
B. pag-asam D. pagnanais

5. Namayani ang pagmamahal ni Kibuka sa alagang baboy kaya hindi


niya ito maipagbili. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagunita C. nanaig
B. nakita D. nangibabaw

2
6. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay
tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. tumalsik C. tumumba
B. tumapon D. tumurit

7. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy,


isang ‘di inaasahang pangyayari ang naganap. Ano ang kahulugan ng
may salungguhit?

A. nagdudukot C. nagkakalkal
B. naghahanap D. naninimot

8. Sa tingin ko, kamangha-mangha at tila kabalintunaan pa ang


kabaitang ipinakita ni Jasmine sa lahat ng uri ng tao at maging sa
hayop kaya’t masasabing tunay nga siyang iba. Anong pahayag na
naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?
A. tila C. kamangha-mangha
B. tunay D. sa tingin ko

9. Sa palagay ko, puno ng inspirasyon at hitik sa kabutihang-asal ang


pelikulang, “Unforgettable”. Anong pahayag na naglalahad ng opinyon
ang ginamit sa pangungusap?
A. sa aking palagay C. sa paniniwala ko
B. sa palagay ko D. sa tingin ko

10. Anong suliranin ang nangibabaw sa akdang napanood na


pinamagatang, “Unforgettable?”
A. kakapusan sa pera ng mag-ina
B. pagkakasakit ng Lola ni Jasmine
C. anak ng taxi driver na nasa hospital
D. pag-iwan ng serbedora sa may-ari ng karinderya

3
Aralin
Maikling Kuwento sa
5 East Africa

Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye,


isang kilalang manunulat mula sa East Africa. Isa sa hindi malilimutang
maikling kuwentong kaniyang naisulat ay pinamagatang, “Ang Alaga” na
isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang
tungkol sa pagmamahal na iniukol ng isang tao sa kaniyang alaga.
Mapanonood mo rin ang isang trailer ng pelikulang may kaugnayan sa iyong
akdang babasahin.

Mauunawaan mo rin ang mga salitang magkakaugnay at pahayag na


naglalahad ng opinyon bilang aralin sa gramatika.

Balikan

Panuto: Sumulat ng isang saknong na tula gamit ang bawat letra sa salitang
NANAY. Maaaring gumamit ng simbolismo, matalinghagang salita o antas ng
salita. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

N-
A-
N–
A-
Y-

4
Tuklasin

Mahusay! Tunay ngang kahang-hanga ang iyong ipinakitang galing sa


pagsagot. Narito ang isang gawaing inilaan ko sa iyo upang mabuksan ang
iyong isipan sa araling ating tatalakayin. Handa ka na ba? Halina’t simulan
mo na!

Panuto: Sa tulong ng mga gabay na tanong, sumulat ng isang maikling


sanaysay tungkol sa nais ipabatid ng larawan sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay
na papel.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?
3. Paano ipinakikita ng batang lalaki ang kaniyang pagmamahal sa
kaibigang aso?
4. Kung ikaw ay may alaga, paano mo ito inaalagaan?
5. Sa iyong pananaw, ano ang papel na ginagampanan ng mga alagang
hayop sa buhay ng tao?

Suriin

Magaling! Gusto mo bang mapalawak pa ang iyong kaalaman? Habang


binabasa mo ang araling ito ay mabibigyang-kahulugan at puna mo ang
damdaming nakapaloob at nangingibabaw dito sa pamamagitan ng pagbasa

5
at panonood ng teaser o trailer. Matutukoy mo rin ang suliraning
nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan at sa
pamamagitan ng pagsulat ay masusuri mo ang damdaming nakapaloob dito
na paniguradong kapupulutan mo ng magandang aral sa buhay. Halina’t
suriin natin ang mga impormasyong magbibigay sa iyo ng mga karagdagang
kaalaman.

Narito ang halimbawa ng isang maikling kuwento. Basahin mo at


unawaing mabuti ang mensaheng ipinahahayag nito.

Ang Alaga
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa


siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang
isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa
kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang
magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng
kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala
ng trabaho.

Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa


kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang
tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at
tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga
papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng
tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga
kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay
nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon, tila walang pakialam ang
kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa
telepono habang napaliligiran ng ilang babae.

Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging


ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa


tabi ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano
sa kaniyang haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si
Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni
Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit
niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong

6
sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang
tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang
pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka.

Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.

“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama,


naghanda ako ng maiinom na tsaa.”
“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko
lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”.

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may


pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang
hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng
kapanabikan.

“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi


na siya mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

Kinuha ng apo ni Kibuka, ang itim na biik.

Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na


biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik:
ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot.
Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito,
sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.

Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang


biik at kakausapin si Miriami na ihanda ang biik
bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa
pag-uwi ni Yosefu.

Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong


gagawin sa biik sapagkat sunod nang sunod ang biik at
bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito
umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat
sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip
ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa
sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang
kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw,
lumalaki na ang biik, malakas nang kumain
at kailangang manguha ng matoke si
Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.

Nalaman na sa buong Kabzanda


na may alagang baboy si Kibuka.

7
Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng
matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-
iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga
matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang
baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam
ang paglaki nito.

Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang


maayos. Dahil dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang
paanan bagaman ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga
kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa
maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.

Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy,


maraming problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas
maraming pagkain at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga
kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba
ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si
Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa
alagang baboy.

Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang


alagang baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong
maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na
hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na
lamang sa puno.

Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy


ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang
ang makapagsasabi.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging


nahuhulog sa ilog.

Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o


nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag
umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang
bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa
imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang
naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.

Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, ipinapasyal niya ang
alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at
tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal
sa alagang baboy habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni
Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya

8
upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit
ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na
nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa
ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga
paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi na niya
iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.

Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na


kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy.
Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya
hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.

Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang


naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di
inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang
drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon.
Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang
magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan
maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala
niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman gaanong
nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at
makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.

Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang


baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay
umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong
nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-iwan sa kaniya ng
kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi
ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang
kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-
uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang
hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang
titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola.
Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si
Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang
iuwi sa bahay niya.

“Sir, mukhang hindi pa maganda


ang lagay ninyo, bukas na lang kayo
kukunan ng pahayag. Magpahinga
muna kayo.”

“Pero hindi ko maaaring iwanan


ang namatay kong alagang baboy.”

9
“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo.
Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito
maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.”

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang


alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang
alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay
isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan
ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na
gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi
ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga. Sila naman ang
nagpakain sa nasabing alaga.

Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at


ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinoman ang may gustong kumain
ng baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya
nang nag-asikaso sa namatay na baboy.

Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang


balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anomang sakit na
nararanasan niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang
natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang
sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya
pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang
papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy
ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong


sumabay na sa akin pagpunta roon?”

Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman


ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.

“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”

Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes


naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng
naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na
mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit
kailangang dumalo sa isang pulong ni
Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na
lamang ang iniwan. Maraming napag-
usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal
silang hindi nagkita kaya magiging
masarap ang pagkain nila ng
pananghalian.

10
“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka
habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at


napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu.

May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito
ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang
ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.
Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing
hapon at sa halip, makakatulog na siya nang maayos.

Tinalakay sa kuwentong, “Ang Alaga” na dapat tayong matutong


magpahalaga, pangalagaan ang ating mga alagang hayop at lahat ng bagay
sa mundo. Matututuhan din dito na dapat tayong matutong tumanggap ng
mga pangyayaring hindi natin inaasahan katulad ng biglaang pagreretiro ng
pangunahing tauhan sa kaniyang trabaho at ang pagkamatay ng kaniyang
alaga. Kahit na nawala ang kaniyang alagang hayop, patuloy pa rin siyang
namuhay at tinanggap ang pangyayaring ito.

Ano ang maikling kuwento?

Ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining


upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang
kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi
ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; at (5) may kawilihan hanggang sa
kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan na
nagbibigay-diin sa ugali o katangian ng tauhan tulad ng maikling kuwentong
iyong binasa na nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay
kumilos ayon sa kaniyang paligid.
Sa iyong binasang kuwento, ipinakita ang ugnayan ng tao at hayop.
Ngayon ay iyong alamin ang ugnayan ng mga salita.
Ano an salitang magkaugnay?

Ang mga salitang magkaugnay ay tumutukoy sa mga salitang


magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay maaaring
magkapareha, magkasingkahulugan o kaya naman ay magkasalungat.
Tandaan na ang mga salitang magkaugnay ay dapat naaangkop sa isa't isa.

11
Halimbawa
dumamay - tumulong
nagalak – nasiyahan

Ngayon naman ay panoorin mo ang isang teaser o trailer ng pelikulang


pinamagatang, “Unforgetable” sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=mPLEvuA70hU
Suriin ang nilalaman nito upang maihambing mo sa mga suliraning
pinapaksa ng akdang, “Ang Alaga”. Maaari mo ring basahin ang buod ng
trailer na nasa ibaba.
Buod ng Unforgettable
Nakatira si Jasmine (Sarah Geronimo) sa Baguio kasama ang kaniyang
Lola Olive (Gina Pareno) na siyang nagpalaki sa kaniya simula nang mamatay
ang kaniyang mga magulang. Hindi pangkaraniwan si Jasmine — mayroon
siyang photographic memory at mayroon din siyang mga kilos at gawing
maituturing na katangi-tangi o special gaya ng sensitibo siya sa ingay at
malakas na tunog at kung minsan ay mayroon din siyang tantrums o
nagwawala nang walang malinaw na dahilan. Hindi rin siya maaaring
makapag-isa dahil sa kaniyang kalagayan. Nang magkasakit ang kaniyang
Lola Olive, kinailangan ni Jasmine na mamalagi muna sa Maynila kasama
ang kapatid na sina Dahlia (Ara Mina) at Violet (Meg Imperial). Dito siya
nagkaroon ng bagong kaibigan — isang aso na pangangalanan niyang Happy
— dahil kamukha ito ng laging ikinukuwentong aso ng kaniyang lola noon at
ito raw ang nagpagaling sa kaniyang lola noong siya ay nagkasakit. Kaya
naisip din ni Jasmine na baka si Happy ang maging daan sa paggaling ng
kaniyang Lola. ‘Yun nga lang, hindi magiging madali para sa kaniya ang
pumunta sa Baguio sapagkat tutol ang kaniyang mga kapatid. Dahil
pursigido, pipilitin ni Jasmine na makarating sa Baguio nang mag-isa
kasama lamang si Happy kahit sa ano pa mang paraan.

Ano ang teaser o trailer?


Ang teaser o trailer ay isang maikling patikim sa manonood sa
kabuuang pelikulang kanilang mapapanood. Dito ipinakikita ang sunod-
sunod na eksena sa pelikula na pinaikli upang bigyan ang manonood ng
preview sa nasabing pelikula.
Narito ang karagdagang kaalaman upang lubos mo pang maunawaan
ang aralin. Madali lamang itong unawain sapagkat lahat ng tao ay
nakapagbibigay ng reaksyon, opinyon o puna sa lahat ng bagay.
Makatutulong din ito upang makapagbigay-puna ka sa nilalaman ng trailer
na iyong napanood o nabasa. Alamin natin kung ano-ano ang mga ginagamit
na salita upang makapagbigay ng opinyon.

12
Karagdagang Kaalaman

Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang


maunawaan natin. Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap
o mambabasa.

Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakilala ng pagsasaad ng opinyon:


• sa palagay ko…
• sa tingin ko…
• ipinahihiwatig sa
kaniyang sinabi… • maaaring…
• batay sa aking • baka…
paniniwala… • siguro

Pagyamanin
Naunawaan mo ba ang akdang iyong nabasa at napanood? Nalaman
mo ang mga suliraning pinapaksa ng dalawang akda. Natuklasan mo rin ang
mga salitang nagsasaad ng opinyon. Kaya, batid kong nakahanda ka nang
isagawa ang mga inihanda kong gawain tungkol dito. Halina’t simulan mo na!

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Isaayos ang mga salita sa loob ng baboy sa ibaba at ihanay ang mga
nabuong salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Isulat ang sagot
sa hiwalay na papel.

1. MHIARAPHIG 2. AALNILA 3. GULGINU

5. PONTLAMUMI 6. ITSAUM
DUMASAGRU
4.

13
Gawain 2: Pag-unawa sa Diwa ng Akda

Panuto: Suriin ang akdang binasa at bigyang-puna ang napanood na teaser


o trailer ng pelikula batay sa ipinahahayag na damdamin at saloobin tungkol
sa kahalagahan sa sarili at lipunang pandaigdig. Kopyahin sa hiwalay na
papel ang grapikong pantulong at isulat dito ang sagot. (Hinihikayat na ang
guro na ang bahalang gumawa ng paraan upang makapanood ang mag-aaral
ng kuwento.)

Pagbibigay-puna sa napanood
Kahalagahan ng akdang na teaser o trailer ng pelikula
nabasa sa ipinahahayag na sa ipinahahayag na damdamin
damdamin at saloobin at saloobin
( Ang Alaga) (Unforgettable)

Sa sarili Sa lipunang Sa sarili Sa lipunang


pandaigdig pandaigdig

Panuto: Pumili ng isang suliraning nangibabaw sa akdang, “Ang Alaga”.


Ibigay ang kahulugan ng damdaming nangibabaw dito at iugnay ito sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Kopyahin ang pormat sa ibaba at
gawin ito sa hiwalay na papel.

14
Suliraning nangibabaw sa akda

Damdaming nangibabaw sa Kaugnayan sa pandaigdigang


akda at kahulugan nito pangyayari sa lipunan

Isaisip

Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pag-aaral at pagsagot


sa aralin at ibang gawaing inilaan ko sa iyo. Batid kong marami kang
natutuhan sa araling ating tinalakay, kaya naman aking susubukin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na gawain.

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang grapikong pantulong sa ibaba at


punan ito ng mga angkop na sagot.

Isang bagay na
tumatak sa isip ko sa
mga akdang binasa at
napanood.

Dalawang pangungusap Tatlong mabubuting


na magagawa ko gamit kaugaliang nakuha ko sa
ang mga pahayag na mga akdang binasa at
nagsasaad ng opinyon. napanood.

15
Isagawa

A. Panuto: Bigyang-puna ang suliraning nangibabaw sa napanood na teaser


o trailer ng pelikula at iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan
sa pamamagitan ng pagbuo ng 2-3 talata. Gumamit ng mga salitang
magkakaugnay ang mga kahulugan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

B. Panuto: Suriin ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at bigyang-


kahulugan ito. Ipahayag ang iyong sariling damdamin at saloobin
tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili at panlipunang pandaigdigan
sa pamamagitan ng pagsulat ng alinman sa sanaysay, tula, kuwento, o
iba pang akda. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagsulat

Orihinalidad 15
Organisasyon 15
Pagkamalikhain 15
Wika at Gramatika 15
Kabuuan 60

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa


hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang kabuuang damdaming nangibabaw sa akdang, “Ang


Alaga”?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

16
2. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Natatawa siya
sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at
sa halip ay makakatulog na siya nang maayos”?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

3. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “May ilang


sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng
mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito” ?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

4. “Pakisabi kay lola na maaari siyang gumaling dahil sa dog”-Sarah


Geronimo. Ano ang ipinahihiwaig ng linyang ito?
A. kalungkutan C. paghihinagpis
B. pag-asa D. tiwala

5. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa


sa tabi ng ilog sa Kalansanda. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. aayusin C. pag-uukulan
B. paglalaanan ng oras D. papansinin

6. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain


maibigay lamang sa alaga niyang baboy. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. inuubos C. pinapapak
B. kinakain D. tinatapon

7. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. Ano


ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagbababad C. naglalaro
B. naliligo D. nangingisda

8. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa ginagamit


na salita sa paglalahad ng opinyon?
A. baka… C. siguro…
B. maaaring… D. at saka…

9. “Sa aking paniniwala, ang tanging makapagpapagaling sa aking


lola ay ang aking alagang aso na si Happy.” Anong salitang
naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?
A. makapagpapagaling C. sa aking paniniwala
B. sa aking D. tangi

17
10. Sa nararanasang pandemya, marami ang nagkakasakit at
namamatay na halos wala nang magawa kundi tanggapin na lamang
ang pangyayari. Anong sitwasyon sa akda ang may kaugnayan sa
pahayag?
A. Naiisip niyang naghuhukay na siya ng paglilibingan ng
alaga.
B. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano
ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho.
C. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang
hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari.
D. Sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa
kaniya na halos ikaiyak niya.

Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa napanood o maaaring mapanood na teaser o trailer ng


pelikula mula sa TV o internet, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol
sa pandaigdigang pangyayari sa lipunang may kaugnayan sa suliraning
nangibabaw sa napanood. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng
opinyon. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

18
19
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A Gawain A: 1. C
2. B 2. B
3. C 1. magdurusa 3. A
4. C 2. nilaan 4. B
5. C 3. ginugol 5. C
6. A 4. maghihirap 6. A
7. B 5. tumilampon 7. A
8. D 6. umitsa 8. D
9. B 9. C
Magkakaugnay na salita
10. B 10. D
1. magdurusa
2. maghihirap
3. nilaan
4. ginugol
5. tumilampon
6. umitsa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, Vilma C., et al. Panitikang Pandaigdig Filipino 10. 5th floor
Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City. Vibal
Grooup Inc.

SargadoBorden,Maricel.https://www.slideshare.net/mobile/maricelsa
lgado/aralin-3-5-ang-alaga-ni-barbara-c-kimenye-isinalin-sa-
filipino-ni-prof-magdalena-o-jocson

https://medium.com/cbcpcinema/unforgettable-ec571c04e0bd

Tradio, Kristhel Marie S. “Instructional Plan sa


Filipino10”.https://www.academia.edu/30716460/Instructional
_Plan_sa_Filipino_10

20

You might also like