You are on page 1of 20

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Talumpati mula sa South Africa

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa South Africa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ryza Mae P. Noval
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD,
Dulce M. Esteban, Joanne M. Nuňez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD,
Gerwin L. Cortez, Bernadeth D. Magat
Tagasuri ng Balangkas
at Disenyo: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit: Daisere P. Dolar
Tagalapat: Ryza Mae P. Noval
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan

Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang


mga aralin sa Filipino Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan
hinggil sa pamantayan sa bawat aralin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan
(F10PN-IIIf-g-80);
2. naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
ibang akda (F10PB-IIIf-g-84); at
3. naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).

Subukin

Bago ka magtungo sa araling inihanda ko para sa sesyong ito, halina’t


subukin ang iyong kaalaman tungkol sa araling ating tatalakayin.

Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng pares ng mga salita at ibigay ang


angkop na salitang bubuo sa ikalawang pares. Piliin at isulat sa hiwalay na
papel ang letra ng tamang sagot.

1. puso : dibdib :: utak : ____________


A. bibig C. mata
B. ilong D. ulo

2. malapad : makitid :: ____________ : malakas : ____________


A. mahaba C. malaki
B. mahina D. maliit

3. kaligayahan : kagalakan :: kalungkutan : ____________


A. dignidad C. kapighatian
B. kapayapaan D. katarungan

1
4. pagkakahati-hati : pagkakabuo-buo :: pagkakaisa : ____________
A. kaligayahan C. pagkakabuklod
B. kapayapaan D. pagkakawatak-watak

Para sa bilang 5-10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan.


Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.


Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa
lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang
kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang-kasiyahan ang
kanilang mga sarili.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

5. Anong kaisipan ang ipinahihiwatig sa bahagi ng talumpating iyong


binasa?
A. pagtanggi at paglaban sa batas
B. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
C. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
D. pagkakaroon ng pantay na pagtingin para sa pag-unlad ng lahat

6. Mahalagang malaman ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang


kaluluwa ay dapat lumaya upang ______________.
A. mabigyang-kasiyahan ang mga sarili
B. magbigay ng hanapbuhay para sa lahat
C. magkaroon ng katarungan para sa lahat
D. magkaroon ng kapayapaan para sa lahat

7. Ano ang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng makatarungang


pinuno ng bansa?
A. Malulugmok ang bansa.
B. Magiging mahirap ang bansa.
C. Mawawalan ng pagkakaisa ang mga tao.
D. Magkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat.

2
8. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sanaysay bilang akdang
pampanitikan?
A. Ito ay hindi nakabatay sa reyalidad ng buhay.
B. Ito ay walang istruktura at paraan ng paglalahad.
C. Naipakikita ng may-akda ang ibat-ibang emosyon.
D. Ito ay may sariling opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa
at binubuo ng mga personal na kurokuro.

9. Ano ang pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan?


A. Ito ay maaaring pormal o ‘di pormal.
B. Ito ay likha lamang ng ating guniguni.
C. Naglalahad ito ng mga saloobin at pananaw ng may-akda.
D. Naglalahad ito ng mga karanasang magbibigay-aral sa
mambabasa.

10. Naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan dahil


_____________.
A. binubuo ito ng kaba-kabanata
B. karaniwan itong may maayos na banghay
C. nag-iiwan ito ng iisang kakintalan sa mambabasa
D. karaniwang nakabatay ito sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa
napapanahong isyu.

Binabati kita dahil nasagot mo nang tama ang lahat ng mga


katanungan. Kung hindi mo naman nakuha ang lahat ng tamang sagot sa
mga tanong, huwag mag-aalala sapagkat ituturo sa modyul na ito ang mga
bagay na kailangan mo pang matutuhan tungkol sa sanaysay.

3
Aralin

6 Talumpati mula sa South Africa

Ang araling ito ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang


talumpating binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o
pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpating ito na gisingin
ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan,
at kalayaan. Inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.

Balikan

Bago tayo magsimula sa ating aralin, balikan muna natin ang


nakaraang paksa tungkol sa maikling kuwento.

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mahalagang mensahe o aral na iyong


natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa maikling kuwentong
pinamagatang, “Ang Alaga”. Gawin ito sa hiwalay na papel.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4
Tuklasin

Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating bagong aralin. Ihanda


ang sarili at saguting mabuti ang mga gawaing inilaan ko para sa iyo.

Panuto: Ipabasa sa nakatatandang kasama sa bahay at pakinggang mabuti


ang ilan sa naging pahayag ni Kalihim Leonor M. Briones ng DepEd tungkol
sa solusyon sa mga suliranin sa edukasyon ngayong panahon ng pandemya.
Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na
papel.

a. “Kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang adjust. Depende kung


anong available na paraan. Pero ang bottomline, patuloy ang pag-
aaral ng mga bata”.

b. “Pwedeng ipagpatuloy maski anong mangyari sa COVID-19 dahil


wala tayong face-to-face na mga sessions”.

c. “Ready na ba tayo? Ang sagot ko riyan eh si Lapu-Lapu hindi


naman nagtanong kung ready siyang lumaban kay Magellan. Yung
ating mga rebolusyunaryo, hindi naman nag-aksaya ng panahon
ready na ba sila na ipagpatuloy ang rebolusyon”.

https://www.rappler.com/nation/briones-says-
classes-will-open-on-august-24-whatever-form-it-is

Mga Tanong:

1. Anong paraan ang nabanggit ni Kalihim Leonor M. Briones upang


maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa gitna ng
pandemya?
2. Ano ang mabuting maidudulot ng walang face-to-face sessions sa
panahon ngayon?
3. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na, “Ready na ba tayo?”.
4. Ano ang kabuuang mensaheng nais ipabatid ni Kalihim Briones sa
kaniyang mga pahayag?
5. Gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap, ilarawan ang
pagkakaiba ng sistema ng edukasyon noon at ngayon.

5
Suriin

Binabati kita! Ngayon ay ating tatalakayin ang talumpati ni Nelson


Mandela. Alamin mo kung ano-ano ang mga katangiang taglay niya bilang
pangulo ng Africa batay sa talumpating binigkas niya. Ipabasa mo ito sa
nakatatandang kasama sa bahay o sa isang kakilala at pakinggang mabuti
ang mensaheng nais ipabatid ng talumpati. Maligayang pakikinig!

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang


mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay


pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayon din naman sa mga
nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.

Mula sa mga karanasan ng ‘di


pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang lipunang
ipagmamalaki ng sangkatauhan.

Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa


ay kailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa
paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa
kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa
kapakinabangan ng buhay ng lahat.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong
naririto ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat


isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa
tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

6
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay
dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin
ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng
bansa ay magbabago tulad ng panahon.

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at


kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa
pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na


ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala
ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting
nalulugmok ng ‘di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi,
ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa
naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.

Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng


kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na
pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin


sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang
tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa


pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.

Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan


at ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan,
kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong
ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-
galang na si F. W. de Klerk.

Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong


panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating
unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa
“hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag.

7
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.
Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na
nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.

Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.

Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako


tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan,
pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.

Nagtagumpay tayo sa ating huling


hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng
kumpleto, makatarungan, at
panghabambuhay na kapayapaan.

Tayo ay nagtagumpay na magtanim


ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.
Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo
ng lipunan kung saan ang lahat ng
mamamayan ng Timog Africa, itim man o
puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may
kapayapaang pansarili at pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim


Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan,
bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang
nakakulong.

Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito
at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang
mga buhay upang tayo ay lumaya.

Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang


kanilang handog.

Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at


pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin,
bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi,
at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.

8
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.

Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.

Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang


mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.


Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa
ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.

Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing


ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at
kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.

Maghari nawa ang kalayaan.


Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

Ano ang sanaysay?

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na


nagpapahayag ng sariling kaisipan, kurokuro, saloobin at damdaming
kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ginagamit ito upang
makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong
talakayin. Ang mahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa
mahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa na maaaring isulat
nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay na binibigkas sa harap


ng publiko.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng


isang sanay”. Isinilang ang sanaysay sa Pransiya noong 1580 at si Michel de
Montaigne ang tinaguriang, “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinatawag na essai sa
wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas,
isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

9
Dalawang uri ng sanaysay:

Pormal Di-pormal o personal

Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan o libangan.


Nagbibigay ng mahalagang Nagbibigay-lugod sa pamamagitan
kaisipan o kaalaman sa ng pagtalakay sa mga paksang
pamamagitan ng makaagham karaniwan, pang-araw-araw, at
at lohikal na pagsasaayos sa personal.
paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang Ang himig ng pananalita ay parang
pananalita. nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o ‘di kumikiling sa Subhektibo sapagkat pumapanig
damdamin ng may-akda. sa damdamin at paniniwala ng
may-akda.

Ang likhang sanaysay ay mga maiikling komposisyong may tiyak na


paksa o tema, karaniwang nasa prosa, analitiko, at nagpapahayag ng
interpretasyon o opinyon ng may-akda.

Ang analohiya ay tumutukoy sa proseso ng pagsusuri o


pagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangiang magkaugnay o
magkatumbas.

Dalawang uri ng analohiya


1. Magkasingkahulugan (Synonym)- ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan.
Halimbawa:
matumal: madalang matalino: marunong

2. Magkasalungat (Antonym)- ang pares ng salitang pinagkukumpara ay


magkalayo ang kahulugan.
Halimbawa:
matayog: mababa maramot: mapagbigay

10
Pagyamanin

Binabati kita at naunawaan mo na ang ating aralin tungkol sa


talumpati ni Nelson Mandela, kahulugan ng sanaysay at ang mga katumbas
na salita nito o analohiya. Ngayon, mas lawakan mo pa ang iyong kaalaman
at talas ng isip sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

Gawain 1: Pagsubok ng Kaalaman


Panuto: Ipaliwanag ang likhang sanaysay na nasa loob ng grapikong
pantulong batay sa napakinggang talumpati ni Nelson Mandela. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.

“Ayon kay Pangulong Nelson Mandela,


magiging susi tayo ng pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan at katarungan sa
pamamagitan ng pagkilos nang sama-sama bilang
nagkakaisang mamamayan para sa pambansang
pagkakasundo-sundo para sa pambansang
pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong
mundo. Sa tingin ko, bilang kabataan magiging
susi tayo ng pinapangarap na kapayapaan,
Kalayaan, at katarungan sa pamamagitan ng
pagkakapantay-pantay, walang diskriminasyon, at
pagpapahalaga at paniniwala sa bawat isa.”

11
Gawain 2: Venn Diagram
Panuto: Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang sanaysay at iba pang
akda ayon sa pagkakaiba at pagkakatulad nito. Gayahin ang pormat at
sagutin ito sa hiwalay na papel.

Leyenda: A at B - Pagkakaiba C- Pagkakatulad

A B

Sanaysay C Iba pang


akdang
pampanitikan

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan (Analohiya)


Panuto: Ibigay ang katumbas na salita ng ilang salita (analohiya) sa
talumpating nabasa na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na papel.

babae katawan pagkakabuo


dalaga pagdurusa tinapay

1. itim : puti :: lalaki : ____________


2. ____________: gutom :: tubig : uhaw
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : ____________
4. ____________ : kahirapan :: kalungkutan : pagkalugmok
5. pagkakapantay-pantay : walang diskriminasyon :: pagkakasundo-
sundo :: ____________

Isaisip

Natapos mo na ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Ngayon


naman ay ibahagi mo ang iyong kabuuang pang-unawa sa ating aralin.

12
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng kaisipang
maglalagom sa natutuhan mo tungkol sa aralin. Isulat sa hiwalay na papel
ang iyong sagot.

1. Natutuhan ko na ang sanaysay ay ________________________________


at naiiba ito sa iba pang akdang pampanitikan dahil ______________
_________________________________________________________________.

2. Napagtanto kong ang analohiya ay mahalaga sa paglikha ng


sanaysay dahil ___________________________________________________
_________________________________________________________________.

Isagawa

Mahusay! Naibahagi mo na ang iyong kabuuang pang-unawa sa aralin.


Ngayon ay maaari mo pang ipamalas ang angking kahusayan sa kasunod na
gawain.

Panuto: Sumipi at ipaliwanag ang isang likhang sanaysay batay sa


napakinggang isyung naganap sa ating bansa. Ihambing ang pagkakatulad
at pagkakaiba nito sa iba pang akda (talumpati ni Nelson Mandala). Pumili
ng limang salita mula rito at ibigay ang katumbas nito (analohiya). Kopyahin
ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Siniping likhang Iba pang akda


sanaysay Pagkakatulad (talumpati ni Nelson
(pagkakaiba) Mandela) (pagkakaiba)

Paliwanag sa likhang sanaysay

Katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)

13
Magaling! Naisakatuparan mo na ang mga inihandang gawain. Ngayon
ay maaari mo nang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Tayahin

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang sa analohiya. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. itim : lahi :: luntian : ____________


A. bahay C. kaluluwa
B. bulaklak D. kapaligiran

2. kalayaan : ____________ :: kasarinlan : kapayapaan


A. demokrasya C. kapayapaan
B. kabayanihan D. pagbabago

3. malaya : ____________ :: makatarungan : diskriminasyon


A. nakatulong C. nakakulong
B. nakilala D. nakalugmok

4. ____________ : ‘di pangkaraniwan :: mahirap : mayaman


A. kaligayahan C. ordinaryo
B. mamamayan D. sangkatauhan

Para sa Bilang 5-10

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa hiwalay na papel.

Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang


ito, mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang
kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

5. Ang kaisipang ipinahihiwatig sa bahagi ng talumpating tinalakay


ay____________.
A. suliranin ng bansa C. pagbabago ng panahon
B. pansariling pagbabago D. pagkakaisa sa pag-unlad

14
6. Batay sa piling bahagi ng talumpati ni Nelson Mandela, ang bawat isa
sa atin ay mararamdaman ang ____________.
A. suliranin ng bansa C. pagbabago ng panahon
B. pansariling pagbabago D. pagkakaisa sa pag-unlad

7. Ang pagbabago ay may magandang maidudulot sa kalagayan ng bansa


sa pamamagitan ng ____________.
A. pagdami ng tao
B. pagkakagulo sa bansa
C. pagkasira ng kapaligiran
D. patuloy na pag-unlad ng bansa

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng sanaysay maliban sa ____________.


A. nakabatay ito sa reyalidad ng buhay
B. pawang mga guniguni ito ng may-akda
C. may istruktura at gumagamit ito ng balangkas
D. nagpapakita ito ng matinding emosyon ng may akda

9. Nagkakatulad ang sanaysay at iba pang akda dahil ito ay ____________.


A. kathang-isip lamang
B. batay sa tunay na pangyayari
C. maaaring pormal at ‘di pormal
D. parehong kapupulutan ng aral

10. Ang sanaysay ay naiiba sa iba pang akdang pampanitikan dahil


____________.
A. binubuo ito ng kaba-kabanata
B. karaniwang may maayos itong banghay
C. nag-iiwan ito ng iisang kakintalan sa mambabasa
D. karaniwan itong nakabatay sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa
napapanahong isyu

15
Karagdagang Gawain

Mahusay kang tunay! Binabati kita dahil nasagutan mo ang lahat ng


gawaing inihanda para sa iyo. Sa huling bahaging ito, isakatuparan mo ang
nakalaang gawain sa ibaba.

Panuto: Humanap ng alinmang maibigang sanaysay at ihambing ang


pagkakatulad at pagkakaiba nito sa akdang, “Ang Alaga” sa nakaraang
modyul 5. Kopyahin ang pormat at isulat ito sa hiwalay na papel.

Sanaysay Ang Alaga


Pagkakatulad
(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)

Napakahusay mo! Binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga,


ang tagumpay! Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin, sa tulong ng
mga tanong at gawain ay iyong isasabuhay.

16
17
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. D GAWAIN 1 1. D
2. C 2. A
3. C Maaaring magkakaiba -iba 3. C
4. D ang sagot 4. C
5. D 5. C
6. A GAWAIN 2 6. B
7. D 7. D
8. D Maaaring magkakaiba -iba 8. B
9. D ang sagot 9. C
10. A 10. C
GAWAIN 3
1. babae
2. tinapay
3. katawan
4. pagdurusa
5. pagkakabuo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, Vilma et al. (2015), Panitikan ng Daigdig Filipino 10 Modyul para


sa Mag-aaral, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue
Pasig City

https://www.rappler.com/nation/briones-says-classes-will-open-on-
august-24-whatever-form-it-is

18

You might also like