You are on page 1of 24

10

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 5:
Sanaysay mula sa South Africa
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Sanaysay mula sa South Africa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Grace G. Laguna, Nelia A. Suico
Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Zimrose R. Pedrera
Tagalapat: Jecson L. Oafallas
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management Section

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI, Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 5:
Sanaysay mula sa South Africa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
Sanaysay mula sa South
1 Africa

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!


Binabati kita at maluwalhati mong napagtagumpayan ang mga aralin
sa panitikan mula sa East Africa.

Sa pagkakataong ito, ay hayaan mong dadalhin kita sa mas malawak


na kaalaman sa mga Panitikang Pandaigdig. Tuklasin natin ang isang
sanaysay partikular ang talumpati mula sa isang tanyag na tao sa South
Africa na binibigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o
pasinaya bilang pangulo ng Africa.

Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin ng mga


taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa araling
ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng
balangkas ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang
mahahalagang impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa
sumusunod na pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong pagkuha
ng mahahalagang impormasyon, at c.) makatotohanan.
Sa tulong ng iba’t ibang Gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan
ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng
Africa at kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-
tuwirang pahayag sa paglalahad.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na iyong:
- naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan,
(F10PN-III-f-g-80);
- naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang
akda, (F10PB-III-f-g-84);
- naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya),
(F10PT-IIIf-g-80);
- naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa
youtube, (F10PD-IIIf-g-78);

1
- naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA, (F10PU-IIIf-g-82); at
- nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe, (F10WG-IIIf-g-75).

Subukin Natin

Bago natin uumpisahan ang bagong aralin, kailangan muna


nating sukatin ang iyong dati nang kaalaman. Sige nga, simulan natin…una
mong sasagutan ang mga tanong sa ibaba.

A. Piliin ang letra na nagtataglay ng wastong sagot. Isulat ang wastong


sagot sa sagutang papel.

1. “Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako


tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan,
pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon”. Ang bahaging ito ng
sanaysay ay nasa anong uri?
A. pormal C. subhektibo
B. di-pormal D. personal

2. bansa: pangulo : : lungsod: _________


A. bise-presidente C. alkalde
B. gobernador D. kapitan

3. sanaysay : essay : : talumpati : _________


A. easy C. impromptu
B. extemporaneous D. speech

4. “Ayon sa doktor, malaking tulong ang paggamit natin ng face mask at


face shield upang mapigilan ang pagkalat ng COVID’19.” Anong uring
pahayag ito?
A. di-tuwiran C. tuwiran
B. payak D. tuluyan

5. Mas lalong maging malala ang ating sitwasyong pangkalusugan kung


patuloy tayong magsasawalang-bahala sa paalala ng mga eksperto.
A. di-tuwiran C. tuwiran
B. payak D. tuluyan

6. Tinaguriang “Ama ng Sanaysay.”


A. Alejandro G. Abadilla C. Manuel L. Quezon
B. Michel de Montaigne D. Nelson Mandela

2
7. “ Sa wakas ay naabot na rin natin ang emansipasyon sa politika. Ano
ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. pagkapantay-pantay C. pagpapalaya
B. pagkapanalo D. pang-aalipin

B.Para sa bilang 8-10


Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa
lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating
mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa
di- pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang
paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa
naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

8. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay


nangangahulugang________________.
A. pagtanggi at paglaban sa batas
B. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
C. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
D. hindi pagkakapantay-pantay nga pagtingin sa magkaibang lahi

9. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at


rasismo.
A. pagtanggi sa rasismo
B. pagkalugmok ng bansa
C. pisikal at espiritwal na kaisahan
D. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

10. Ang isa sa maaaring dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang


______________.
A. pagpapahirap sa mayayaman
B. pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. pagpapairal ng kontraktuwalisasyon sa mga maggagawa
D. pagtingin nag di-pantay sa mga mamamayang iba-iba ang estado
ng buhay

Magaling! Ngayong natapos mo na ang maikling pagsubok A at B ay


napagtanto kong marami ka pang dapat matutohan sa ating aralin. Sa
pagkakataong ito, ay dadako na naman tayo sa susunod na bahagi.

3
Aralin Natin

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas


niya noong Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayahan bilang pangulo. Naging
daan ang panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng
pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din
nila ang pagkauhaw sa kalayaan, karapatan, at katarungan na naging bahagi
ng nga kanilang buhay, ng kanilang kultura.
Habang binabasa ang talumpati, punain at suriin ang anyo ng
pagkakasulat nito. Sagutin din ang katanungan sa bawat bahagi ng akda.

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga


kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at


pag-asa sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa
iba pang bahagi ng mundo.

Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao


na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng
sangkatauhan.

1. Ano ang ipagkakaloob sa lahat ng dumalo?


2. Paano niya inumpisahan ang kanyang talumpati?

Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa


ay kailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa
paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa
kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa
kapakinabangan ng buhay ng lahat.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong
naririto ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat


isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa
tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

4
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito,
mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa
ay magbabago tulad ng panahon.

3. Paano inilalarawan ni Nelson Mandela ang mga mamamayan


ng Timog Africa?
4. Saan inihahalintulad ni Mandela ang pagbabago ng kalagayan ng
kanilang bansa?

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng


kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing


ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa
tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa
batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideyolohiya at pagkakaroon ng
rasismo.

Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng


kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na
pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin


sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang
tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa


pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.

5. Anong kaisahan ang ibinabahagi ng mga taga Timog Africa sa


kanilang lupain?
6. Ayon kay Mandela, ano ang naibalik sa taga-Timog Africa kung
kaya’t nadama nila ang kapayakan.

Malugod naming tinatanggap ang tungkulin ng aming mamamayan at


ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan,
negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi
mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na
si F. W. de Klerk.

5
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong
panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating
unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa
“hukbong uhaw sa dugo” na nagaalangan pa ring makakita ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.

Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na


nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.

Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.

Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako


tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan,
pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.

7. Sa usaping politika, ano ang naabot na ng mga taga Timog


Africa?
8. Sila ang nangangalaga sa unang malayang eleksiyon.

Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng


kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto,
makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong
mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung
saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay
maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang
Karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang
pansarili at pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim


Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan,
bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang
nakakulong.

Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito
at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang
mga buhay upang tayo ay lumaya.

6
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang
kanilang handog.

9. Ano ang unang bibigyang-pansin ng Interim Government of


National Unity?
10. Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan.
Sino ang tinutukoy ng salitang sinalungguhitan?

Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at


pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin,
bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi,
at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.

Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.

Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang


mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.


Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa
ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.

Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing


ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at
kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

- mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

Tagumpay! Alam kong may napulot kang kaalaman sa iyong binasang


talumpati. Ngayon ay subukan mong sagutin ang mga kasunod na gawain.

7
“Analohiya”

Piliin mula sa kahon ang angkop na salitang dapat ipupuno sa


patlang.

emansipasyon Rodrigo Duterte Pilipino


silid-aklatan karagatan katawan

1. Timog Africa: Nelson Mandela : : Pilipinas: ____________


2. espiritwal : kaluluwa : : pisikal : _____________
3. rasismo: diskriminasyon : : pagpapalaya : ________________
4. bulaklak : hardin : : aklat : ______________
5. luntian : kapaligiran : : asul : ____________

“Basa Mo, Unawa Mo”

Sagutin ang mga tanong batay sa sanaysay na iyong binasa.

1. Anong mga katangian ni Nelson Mandela ang masasalamin sa kaniyang


talumpati? Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating
bansa? Patunayan. (3 puntos)

2. Bilang kabataan, paano ka magiging suri ng pinapangarap na kapayapaan,


Kalayaan, at katarungan? (2 puntos)

Basahin ang isa pang anyo ng sanaysay. Suriin at punain ang


pagkakasulat nito.

Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum

“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y
hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika.
Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig
ang awiting ito ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit
sa akin.

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating


Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang
ako ay umusbong, gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng
pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay
ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo

8
na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay
nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating
bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan.
Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng
pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon.
Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga
jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra.
May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang
kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang
wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.
Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito
ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong
panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang
sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-
unlad. Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding
layunin at mas madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-
ano ba ang tiyak na layunin sa paggawa ng balangkas? 1. Nakatutulong ito
sa pag-oorganisa ng mga ideya. 2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na
paraan. 3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Ang mga ito
ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng mahahalagang
impormasyon Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang
impormasyong nais nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa
ibaba, alamin kung anong mahahalagang impormasyon ang iyong nakita.

“Unawain Mo”

Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay sa binasang teksto.

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng wikang


pambansa? (3 puntos)
2. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang ang pagpapahalaga
sa sariling wika? (2 puntos)

9
Gawin Natin

Basahin at unawaing mabuti ang kaalamang nasa loob ng kahon sa


ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Alam mo ba na...

ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang


kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang
kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay
maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y
kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay
isang panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang
uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kurokuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw
ng mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang
tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang
Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang
pagsubok sa anyo ng pagsulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at
di-pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:

Pormal Di-Pormal o Personal


Nagsisilbing aliwan/ libangan
Nagbibigay ng mahahalagang Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
kaisipan, o kaalaman sa pagtalakay sa mga paksang
pamamagitan ng makaagham at karaniwan, pang-araw-araw, at
lohikal na pagsasaayos sa personal.
paksang tinatalakay
Maingat na pinipili ang Ang himig ng pananalita ay parang
pananalita. nakikipag-usap lamang
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo at hindi kumikiling sa Subhektibo sapagkat pumapanig sa
damdamin ng may-akda damdamin at paniniwala ng may-akda.

10
Matapos mong alamin ang pagkakaiba ng Pormal at Di-Pormal na anyo ng
sanaysay, sagutin mo ang susunod na gawain.

“Ihambing Mo”

Batay sa kaalamang iyong natotohan, paghambingin ang dalawang akda na


iyong binasa sa itaas sa pamamagitan ng pagpuno ng tsart sa ibaba.

Akda Anyo (Pormal/Di- Bakit? (Patunay)


Pormal)

1.“Talumpati ni
Nelson Mandela

2.“Ako ay Ikaw”

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na…

nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng


angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito
sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw
ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang
pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon.

May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang


argumento upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo,
bilang patunay, at iba pa.

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat
munang pasyalan bago ang ibang bansa.

11
2. Si Randel ay nanalo ng Ulirang Kabataan Award, bilang patunay, narito
ang kaniyang sertipiko.

Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may


ebidensiya kaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag
ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat
naman sa mga tagapakinig

Sanayin Natin

Ngayong tapos mo nang basahin ang aralin, susukatin natin ang


iyong natutuhan mula sa talumpating iyong nabasa.

Pagsusuri sa Binasa
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa akdang binasa.

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa


kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi at sa
isang bansa?
Kahulugan K Kahalagahan
A
1. L Sa isang tao:
A
2. Y Sa isang lahi:
A
A
3.
N Sa isang bansa:

2. Batay sa talumpati,Ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa?


(4 puntos)

12
B. Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

___________1. Ayon kay Pangulong Duterte, maari nang bumili ng COVID’19


vaccines ang mga Lokal na Pamahalaan.

___________2. Patuloy tayong maghihirap kung hindi tayo magsisikap na


kumita sa panahon ng pandemya.

___________3. Nakatutulong ang pagdidistansiya sa sarili, pananatili sa loob


ng tahanan at pagsusuot ng face mask at face shield sa laban
natin sa pandemya, patunay nito ang ulat mula sa LGU na
bumababa na ang mga kaso ng mga nagpositibo sa COVID’19.

___________4. Ang buhay ay napakaikli lamang, kaya gawin natin ang mga
bagay na kapakipakinabang.

___________5. Ang pagtaas at pagbaba sa presyo ng mga bilihin ay naaayon


sa “Law of Supply and Demand,” ayon sa mga ekonomista.

Tandaan Natin

“Diwa Nito: Buoin Mo”

Buoin ang diwa ng pahayag batay sa kaalamang natamo mula binasang


aralin sa pamamagitan ng pagpupuno sa patlang at paggamit ng mga angkop
na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang mabuo ang diwa ng mensahe.

1. Ang talumpating binasa ay halimbawa ng isang sanaysay na pormal na


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________.
2. Sa dalawang sanaysay na binasa, makikita ang pagkakaiba nito sa
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________.
3. Nakatutulong sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon ang angkop na
mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sapagkat __________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

13
Suriin Natin

Sa bahaging ito ay susukatin natin ang iyong kaalaman batay sa


mga impormasyong iyong natutuhan sa aralin sa modyul na ito. Sagutin
ang kasunod na gawain.
“Natutohan Mo, Tayahin Ko”
A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. “Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba ng opinyon na nagiging


dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.” Ano ang ipinahiwatig ng
sinalungguhitang pahayag?
A. dumating na ang bagong umaga
B. nagkakawatak-watak ang mga pamilya
C. di-pagkakasundo sa prinsipyo at ideolohiya
D. pagkakaroon ng panibagong pag-asa sa bawat isa

2. “Sa wakas ay naabot natin ang emansipasyon sa politika.” Ano ang


kahulugan ng sinalungguhitang salita?
A. kaguluhan B. kalayaan C. karahasan D. karangyaan

3. “Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito


ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan
ng pagiging katutubo sa mundo.” Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog
Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa talumpati ni Nelson Mandela?
A. magagalit sa narinig C. mahihiya sa ibang tao
B. magbubunyi sa tuwa D. maaawa sa mga katutubo

4. “Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang


mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo.” Ang
pahayag na ito ay ______?
A. nanggugulat C. nanghahamon
B. nang-aakit D. nanghihikayat

5. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang


talumpati?
A. mapagmalaki sa sarili at mayabang
B. matapang at may matatag na kalooban
C. maalalahanin at may malasakit sa bayan
D. malupit sa kapwa at walang paninindigan

14
6. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang _________.
A. paglabag sa ipinaiiral na batas ng bansa
B. hindi makatarungang pagpapatupad ng batas
C. patuloy na pang-aapi sa mga mahihirap at katutubo ng bansa
D. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

7. “ Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito


ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa
tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok sa di
pagkakasundo.” Ang pahayag na ito ay nagpapahayag ng damdaming _____.
A. pagkalungkot C. paghihimagsik
B. pagdadalamhati D. pagkabigo

B. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Uriin kung : A. tuwiran o


B. di-tuwiran ang pahayag na ginamit. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

_____8. Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining at kultura ng


Africa ay nakakuha ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa
lipunan.

_____9. Sa tingin ko, ang lumang paniniwala na ang Africa ay tulad ng isang
bata, ang pag-unlad ang naging dahilan upang hindi ito mapansin
noon.

_____10. Naniniwala ako na hindi masama ang pag-unlad at pagbabago kung


ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng lahat.

Payabungin Natin

Sa bahaging ito, mas palaguin pa natin ang iyong kakayahan ng


pagpapahayag ng iyong saloobin.

Reaksiyon Mo: Ipahayag Mo!

Bigyan ng sariling reaksiyon ang iyong mapapanood na video mula sa


youtube. Sundin lamang ang link na ito. (10 puntos)
https://www.youtube.com/watch?v=lySi18AYQRY
Subali’t, sa mga hindi makaka-access sa video sa pamamagitan ng
Youtube, ay maari ninyong basahin ang nilalaman ng video sa ibaba.

15
Narito ang halaw mula sa video.

COVID 19 Pandemic, Malaki ang Naging Epekto sa mga Pilipino


ni: Ryan Lesigues
PTV Correspondent

Dahil sa pandemic, maraming Pinoy ang nakararanas ng stress


ngayong panahon ng COVID 19. Batay sa isinagawang sarbey ng Social
Weather Station, siyam sa bawat sampung Pinoy ang nakararanas ng stress
dahil sa COVID 19 Crisis.

Batay rin sa sarbey, lubos sa kanila ang nakararamdam ng stress dahil


nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. May mga galing pa ng probinsiya na
pumunta ng Maynila na nais umalis at magtrabaho sa ibang bansa ngunit
hindi nakaalis dahil naabutan ng lockdown.

Sa 4,010 respondents na may edad 15 pataas na workforce ng bansa


ang nakaranas ng 55% ng great stress at 34% ang nakaranas ng much stress.
Lumalabas din sa sarbey na 68% ang kabilang sa mga pamilyang
nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

Samantala, 63% naman ng labor force ng Visayas ang nakaranas ng


great stress, 58% mula sa Metro Manila, 55% ang mula sa Mindanao at 51%
naman ang nagmula sa nalalabing bahagi ng Luzon. Isinagawa ang sarbey
mula ika-4 ng Mayo hanggang 10.

Bukas naman ang Department of Health (DOH) sa kanilang Mental


Health Services tulad na lamang ng regular na konsultasyon. “Ang pagtutok
natin sa mga panganib na dulot ng COVID 19 ay maaaring magdulot ng
pagkawala natin ng pokus sa mental health. Napakaimportante na pagtuunan
ito ng pansin upang i-manage ang stress,” ayon kay Usec. Maria Rosario
Singh-Vergerie, Spokesperson ng Department of Health.

Halaw mula sa ulat-balita,www.ptv.ph

16
Pagnilayan Natin

“Talumpati Ko Ito”

Ipagpalagay mong ikaw ang pangulo ng Pilipinas.


Sumulat ng isang talumpati na pang-State of the Nation Address
(SONA) na may mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag tungkol sa
kasalukuyang pangyayari sa ating bansa na ang layunin ay
makapanghikayat sa kaniyang tagapakinig. Ang talumpati ay bubuoin ng
tatlong (3) talata na ang bawat talata ay may tigtatatlo hanggang tiglilimang
pangungusap. Maaaring gamitin ang sumusunod na transitional device.

sa katunayan sa totoo lang ang totoo bilang patunay


isang katotohanan patunay nito ebidensiya ng

Pamantayan sa Pagtataya
Pamantayan 5 4 3 2
Nilalaman- maayos at organisado
Binubuo ng tatlong talata na may 3-5 pangungusap
Makatotohanan- totoo ang impormasyong ipinakita
Paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag
Kabuuan

5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Hindi mahusay 2- Paunlarin pa

Interpretasyon:
16-20 – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga
gawain.
11-15 – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan
o kagalingan.
6-10 – Hindi mahusay! Nakita nag iyong pagsisikap subalit kailangan ng
pagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain.
1-5 – Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa
titingin ng iyong likha.

Binabati kita! at napagtagumpayan mo ang araling ito. Nawa’y patuloy kang


magpunyagi habang tatahakin mo na naman ang landas patungo sa susunod
na aralin.

17
18
NELSON PAGNILAYAN PAYABUNGIN
MANDELA:BAYANI NG NATIN: NATIN:
AFRICA
Talumpati Ko Ito Reaksiyon Mo,
1.pagpapala at pag-asa Ipahayag Mo
2.pagbati
3.ordinaryo
Guro ang
4.panahon
5.espiritwal at pisikal magpapasiya sa Guro ang
6.pagkakaibigan pagbibigay ng magpapasiya sa
7.emansipasyon puntos pagbibigay ng
8.hukbong panseguridad puntos
9.amnestiya ng mga taong
kasalukuyang nakakulong
10.taga-Timog Africa
SURIIN NATIN: TANDAAN SANAYIN NATIN: Ihambing Mo
NATIN: Pagsusuri sa Binasa
Natutohan Mo, A. Guro ang 1.Pormal
Tayahin Ko Diwa Nito, Buoin magpapasyiya sa 2.Di-Pormal
A.1. C Mo pagbibigay ng
2. B puntos. Patunay:
3. C Guro ang Guro ang
4. D magpapasiya sa B. magpapassiya sa
5. C pagbibigay ng 1.tuwiran pagbibigay ng
6. D puntos 2.di-tuwiran puntos
7. A 3.tuwiran
B. 8. A 4.di-tuwiran
9. B 5.tuwiran
10. B
Unawain Mo Basa Mo, Unawa Analohiya Subukin
Mo
1.Rodrigo Duterte 1. A
Guro ang Guro ang 2.katawan 2. C
3. D
magpapasiya sa magpapasiya sa 3.emansipasyon
4. C
pagbibigay ng pagbibigay ng 4.silid-aklatan 5. A
puntos puntos 5.karagatan 6. B
7. C
8. D
9. B
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Filipino Modyul para sa Mag-aaral:


Panitikang Pandaigdig. Pasig: Department of Education- Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS), pahina 263-273.

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of Education,


2016.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 10.
Department of Education Curriculum and Instruction Strand, 2020

https://www.youtube.com/watch?v=y5rO50YEjh0

19
Para sa mga tanong at puna, tumawag o sumulat sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko : tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like