You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.3
Panitikan : Talumpati
Teksto : Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Wika : Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag
sa Paghahatid ng Mensahe
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIf-g-80)
 Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIf-g-84)


 Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
ibang akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIf-g-80)


 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya).

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIf-g-78)


 Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango
sa youtube.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIf-g-82)


 Naisasagawa ang isang radyong pantanghalan tungkol sa SONA ng
Pangulo ng Pilipinas

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIf-g-82)


 Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIf-g-75)


 Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe.

Ikatlong Markahan| 43
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIf-g-84)


 Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
ibang akda.

II. PAKSA

Panitikan : Pormal at Di-pormal na Sanaysay


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: MATCH THE WORD


Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay at pagkatapos
ay bumuo ng kaisipan gamit ang mga salitang napili.

SANAYSAY

balita pananaw

tauhan banghay sukat

opinyon saloobin talumpati tugma

kuro-kuro ideya isyu

Ikatlong Markahan| 44
2. Pokus na Tanong

a. Ano-ano ang dapat na isaalang-alang sa pagbuo ng isang


sanaysay?
b. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag sa paglalahad ng impormasyon?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: Masining na Pagbasa


Pagpapabasa ng isang halimbawa ng sanaysay.

PORMAL NA SANAYSAY
Sanaysay Tungkol sa Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa
kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan,
paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit
ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na
katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay
o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng
mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan
at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,
pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o
pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina.
Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang
lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang
nakapaloob na katotohanan sa isang intensiyon, ang kaibuturan ng
pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng
mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/

Ikatlong Markahan| 45
DI PORMAL NA SANAYSAY
IKAW? SAAN KA PATUNGO
“Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa
lamang ang patutunguhan una paitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung
saan makikita natin ang liwanag na ating gustong abutin kung saan naroroon
ang kasayahan at kaginhawaan at sa baba naman kung saan naroroon ang
kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw maranasanang kahirapan at
kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro
kaginhawaan at kasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna
dumaan sa kahirapan bago mo maabot ang iyong gusto. Ikaw? Subukan mo
kaya umakyat sa hagdan na ito, di ba nakakapagod? Pero pagdating mo naman
sa itaas ay mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan. Subukan mo
rin humakbang pababa di ba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamo pa na
sana ang hagdan ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y
paakyat. Iyon din ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka
nalang bababa? Paano uunlad at giginhawa ang buhay mo kung kapaguran at
katamaran ang lagi mong iniisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong gusto
kung hindi mo ito paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo
basta-basta nakukuha kailangan mo mag-aral, magtrabaho, magtiis sa iyong
boss para ika’y bigyan ng sahod at mabibili mo na ang iyong gusto. Ganyan
ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero masasanay ka rin. Kung habang
estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman sa lahat ng panahon
ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikap at pilitin
mong ‘wag umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhay
mo kapag sila’y biglang nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin naman sirain
ang iyong buhay at sa tingin mong wala na itong silbi kaya’t ikaw ay pababa
nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip mo ba kung anong buhay ang
naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?Hindi
mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamang
sirain mo ito? Kung nanalig ka lang sa kanya at pinagkatiwalaan mo siya ay
hindi ka magkakaganyan. Hindi naman masyadong mahirap ang humakbang
paitaas kailangan mo lang ng konting pasensya at labanan ang mga
nakakapagpahina ng loob mo, dahil kapag nakamit mo na ang gusto mo ay
wala ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil ang pasasalamat mo sa
Panginoon na hindi ka niya pinabayaan habang tinatahak mo ang iyong landas
pataas. Kung ako ang tatanungin, syempre gusto ko pataas ang aking
patutunguhan dahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto sa buhay.
Hindi na bale kung mahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng pamilya ko.
Ikaw? Saan ka patungo?
https://brainly.ph/question/188479

Ikatlong Markahan| 46
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHAT’S IN THE BOX
a. Ilahad ang pinapaksa ng dalawang sanaysay na nabasa.
b. Ano-ano ang mga ipinagkaiba at ipinagkatulad ng dalawang sanaysay?
c. Kung papipiliin, anong uri ng sanaysay ang nais mong isulat at bakit?

ANALISIS

1. Paano maituturing na pormal o di-pormal ang sanaysay?


2. Ano-anong mga paksa o tema ang tinatalakay sa paglikha ng isang
sanaysay?
3. Isa-isahin ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang
sanaysay.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahalagang


kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang
kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyon na ito ay
maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay
isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro o saloobin. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y
“pagsasalaysay ng isang sanay.”
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.

PORMAL DI-PORMAL
Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisibing aliwan/libangan.
Nagbibigay ng mahahalagang Nagbibigay-lugod sa pamamagitan
kaisipan o kaalaman sa lohikal na ng pagtalakay sa mga paksang
pagkakaayos sa paksang tinalakay. pangkaraniwan, pang-araw-araw o
personal.
Maingat na pinipili ang pananalita. Parang nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di kumikiling sa Subhektibo sapagkat pumapanig sa
damdamin ng may-akda. damdamin o paniniwala ng may-
akda.

Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015

Ikatlong Markahan| 47
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: KATWIRA’Y IPAHAYAG

… na ang Sanaysay ay mabisa sa paglalahad ng impormasyon.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DOUBLE CELL DIAGRAM


Ibigay ang datos na kailangan sa tulong ng double cell diagram.

Maikling
Sanaysay
Kuwento

IV. Kasunduan

1. Bawat isa ay hahanap ng sanaysay na pormal at di-pormal. Ang


paksang pipiliin ay may kaugnayan sa pamamahala sa isang bansa.
2. Magsaliksik at magtala ng ilang impormasyon tungkol kay Nelson
Mandela.
3. Basahin ang talumpati, “Nelson Mandela: Bayani ng Africa. Panoorin sa
youtube: https://youtu.be/grh03-NjHzc

Ikatlong Markahan| 48
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIf-g-80)


 Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIf-g-80)


 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya).

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIf-g-78)


 Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango
sa youtube.
II. PAKSA

Panitikan : Nelson Mandela: Bayani ng Africa


(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: Who’s your Bet?

Pagpapanood ng isang video clip.


https://www.youtube.com/watch?v=k5BtYVmjeJI

Ikatlong Markahan| 49
Miriam Defensor Santiago ______________________

_______________________ #DU30

_______________________ Ganito kami sa Makati

_______________________ Daang matuwid on track

Grace Poe _______________________

Stupid is Forever!
Manuel Mar Roxas
Jejomar Binay
Ang inumpisahan ng tatay ko, tatapusin ko!
Rodrigo Roa Duterte

 Pagkilala kay Nelson Mandela


Sino si Nelson Mandela?

Si Nelson Rolihlahla Mandela ay ang kauna-unahang black president ng South


Africa na nanungkulan mula taong 1994 hanggang 1999. Unang halal na
pangulo rin si Mandela sa isang fully representative multi-racial election. Kilala
itong anti-apartheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system o ang
sistema ng racial segregation noon sa South Africa. Sa kaniya ring pag-upo
bilang pangulo, nilabanan ni Mandela ang kahirapan at deskriminasyon at
isinulong ang rekonsilasyon ng iba't-ibang lahi. Nagsilbi si Mandela bilang
presidente ng African national Congress (1991-1997) na siyang ruling party pa
rin ngayon sa nasabing bansa at secretary general ng Non-Aligned Movement
noong 1998-1999. Kinikilala itong founding father ng demokrasya sa South
Africa. Ipinanganak noong July 19, 1918 sa Mvezo, Umatu na dating bahagi ng
Cape Province. Dati itong tinaguriang Rolihlahla o "troublemaker" pero ngayon
ay kilala na sa kaniyang clan name na "Madiba." Si Mandela ay miyembro ng
Thembu royal family na namumuno noon sa Transkei region. Tatlong beses
itong ikinasal at may anim na anak habang 17 ang mga apo. Sinasabing istrikto
si Mandela pagdating sa mga anak pero malambing daw ito sa kaniyang mga
apo. Bagama't walang pinag-aralan ang mga magulang, si Mandela ay
nagsikap mag-aral at nagtapos sa Fort Hare University at University of
Witwatersrand kung saan siya nag-aral ng abogasya. Ngunit sa
Ikatlong Markahan| 50
kaniyang paglipat sa Johannesburg, naging bahagi ito ng anti-colonial politics
at naging founder ng Youth League ng ANC. Nang simulang ipatupad ang
apartheid system, nakilala naman si Mandela dahil sa "Defiance Campaign" ng
ANC noong 1952. Ilang beses itong inaresto sa akusasyon ng sedition at nilitis
sa Treason Trial noong 1956-1961 pero napawalang sala. Si Mandela ay co-
founder ng militant group na Umkhonto we Sizwe (MK) na nanguna sa bombing
campaign laban sa gobyerno. Taong 1962 inaresto muli si Mandela at sa
pagkakataong ito ay nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo sa
pananabotahe at pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang gobyerno.
Nakulong ng 27 taon si Mandela, una ay sa Robben Island bago nalipat sa
Pollsmoor Prison at Victor Verster Prison. Dahil sa international campaign para
sa kaniyang paglaya, nakalabas ng kulungan si Mandela noong 1990.
Nakipagnegosasyon ito sa pamahalaan para sa pag-abolish ng partheid
system at matapos mahalal bilang ANC president, pinangunahan ang
tagumpay ng partido sa halalan. Kaniyang binuo ang bagong konstitusyon at
nanguna sa Truth and Reconciliation Commission upang imbestigahan ang
mga human rights abuses habang nagpakilala ng mga bagong polisiya para sa
land reform at healthcare services. Umakto itong mediator noon sa pagitan
ng Libya at Gran Britanya sa trial ng Pan Am Flight 103 bombing o mas kilalang
Lockerbie bombing. Pinamahalaan din ni Mandela ang military intervention sa
Lesotho. Tumanggi na si Mandela na tumakbo sa kaniyang ikalawang termino
sa halip ay naging statesman na lang at itinuon ang atensyon sa charity lalo na
sa kampanya laban sa HIV/AIDSsa pamamagitan ng kaniyang Nelson
Mandela Foundation. Hanggang ngayon nagsisilbi itong "uniting force" ng
South Africa at patuloy na nirerespeto bilang "Father of the Nation." Dahil sa
kaniyang anti-colonial at anti-apartheid na panindigan ay naging global icon si
Mandela at nakatanggap ng 250 mga pagkilala kabilang na ang Nobel Peace
Prize noong 1993, US Presidential Medal of Freedom at Soviet Order of Lenin.
Sa South Africa at United Kingdom, ilang estatwa at monumento ni Mandela
ang itinayo habang ginawaran din ng "freedom of the city" sa Johannesburg at
Leeds sa UK. Ilang artists din ang gumawa ng kanta para kay Mandela, isa na
rito ang "Free Nelson Mandela" ng The Special AKA na ginawan din ng version
ni Elvis Costello. Alay din ni Stevie Wonder kay Mandela ang kaniyang 1985
Oscar song na "I Just Called To Say I Love You." Ang bawat kaarawan nito ay
ipinagdiriwang ng buong South Africa habang ang July 18 ay idineklara ng
United Nations na Nelson Mandela International Day kasabay ng kaniyang
kaarawan, bilang pagkilala sa kaniyang legacy.
http://www.bomboradyo.com/news/international-news/item/34808-sino-si-nelson-mandela

Ikatlong Markahan| 51
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Batay sa pagkakalahad sa balita, bakit minahal ng mga mamamayan si
Nelson Mandela?
b. Kung isa ka sa mga mamamayan ng South Africa, ituturing mo rin bang
bayani si Nelson Mandela? Ipaliwanag.

2. Presentasyon
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 245

https://www.youtube.com/watch?v=xZ9KlX

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS IT ON…
a. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
b. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kanyang
talumpati?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: GUESS MY PARTNER


Sa pamamagitan ng mga salitang nasa loob ng kahon, tukuyin ang
pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiyang binasa.

Kagubatan karagatan katawan silid-aklatan tinapay prutas

1. bulaklak: hardin aklat: ___________


2. berde: kapaligiran asul: ___________
3. espiritwa:kaluluwa pisikal:___________
4. puso:katawan _________: puno
5. ________:gutom tubig: uhaw

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: SPOKEN WORD POETRY

Ilahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang


panlipunan ng Africa sa kulturang Pilipino

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: FEELING WHAT?

Magbigay reaksiyon o puna hinggil sa ibinahagi ni Nelson Mandela


sa kanyang talumpati.

Ikatlong Markahan| 52
Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: SHARE AND POST!

Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na


kapayapaan, kalayaan at katarungan?

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
May mga
Ang mga inilahad ay
datos /gawain
datos/gawain ay Angkop ang higit na
Kaangkupan sa na hindi
inilahad ay datos /gawaing nangangaila-
Task/Layunin gaanong
nagpapakikita ng inilahad. ngan ng
nagpapakita ng
kaangkupan . kaangkupan sa
kaangkupan.
gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
miyembro ng
pangkat ay May pagkakaisa maayos ang
pangkat ay hindi
nagkakaisa at may at pagtutulungan presentasyon.
maayos na
respeto sa isa’t isa. ang bawat Nangangaila-
nakikilahok sa
Napakaayos ng miyembro. ngan ng
Kooperasyon gawain.Maayos
kanilang ipinakitang Maayos ang disiplina at
ang ipinakita
presentasyon dahil ipinakitang respeto sa
nilang
lahat ng miyembro presentasyon ng bawat
presentasyon at
ay kumikilos sa bawat isa. isa.Kailangan
may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Malikhain at
Napakamalikhain at
mahusay ang Walang buhay
napakahusay ng Maayos na
pagpapalutang ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa napalutang ang
sa nais pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na ideya na nais
ipabatid na ng mensahe /
mensahe/ ipabatid.
mensahe/ ideya.
impormasyon
impormasyon.

Ikatlong Markahan| 53
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang


gawain

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano mo masasalamin ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa


akdang tinalakay?
2. Paano mo ipakikilala si Nelson Mandela sa mga Pilipino gamit ang
kanyang talumpati?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAGKAALAMAN-(FOR YOUR I N F O R M A T I O N)

Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na


nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng
nagtatalumpati at nanghihikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad sa
kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon ng kalayaan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SA TOTOO LANG…

Paano naging mabisa ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang


impormasyon sa kultura ng Africa?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: Ur Turn


Pagpapabasa ng isang piling bahagi ng sanaysay. Pagkatapos, ibigay ang
mensahe ng nabasa.
Kapag Lumaki Na
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo
sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang,
manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang
tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at
luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Ikatlong Markahan| 54
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng
gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na
mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-
sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na
rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at
naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/maikling-sanaysay-tungkol-sa-
kabataan.html

4. Ebalwasyon

Piliin ang letra ng may wastong kasagutan sa bawat bilang.


1. Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin.
a. Tula c. Sanaysay
b. Talumpati d. Maikling Kwento
2. Ang ____________ ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isulat.
a. Balangkas c. Elemento
b. Banghay d. Sangkap
3. Siya ang nagbigay katawagan na “essai” sa wikang Pranses ang
sanaysay.
a. Edgar Allan Poe c. Aristotle
b. Alejandro G. Abadilla d. Genoveva Edroza Matute
4. Uri ng sanaysay na nagbibigay impormasyon at may maingat na
pananalita.
5. Uri ng sanaysay na nagsisilbing aliwan o libangan at ang himig
ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.

Susi sa Pagwawasto:

1. C 2. A 3. B 4. Pormal 5. Di-Pormal

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

Ikatlong Markahan| 55
IV. Kasunduan
1. Iguhit ang konsepto na ipinararating ng talumpati ni Nelson Mandela.
2. Basahin ang akdang “Ako ay Ikaw” ni Hans Roemar T. Salum,
a. Paano nagkakaiba ang naunang talumpati ni Nelson Mandela sa
sanaysay ni Hans?
3. Paano matutukoy kung tuwiran o di-tuwiran ang pahayag sa isang
sanaysay/talumpati?

Ikatlong Markahan| 56
P A G N I L A Y A N AT U N A W A I N
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIf-g-75)


 Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe.
II. PAKSA

Wika : Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag


sa Paghahatid ng Mensahe
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng videoclip

(Hugot sa Wika: Videoclip)


https://www.youtube.com/watch?v=T98d5tFFaSk

2. Presentasyon

Ako ay Ikaw
Ni Hans Roemar T. Salum
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 269

Ikatlong Markahan| 57
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: FISH BOWL TECHNIQUE
a. Tungkol saan ang sanaysay?
b. Ano-anong mahahalagang impormasyon ang nabasa sa akda?

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?


2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako
ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.
3. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
wikang sarili?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang


paggamit ng mga tuwiran at dituwirang pahayag. Mahalaga ang mga ito sa
pagkuha ng mga impormasyong nais bigyan linaw. Nagiging mas malinaw ang
isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang
argumento upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo,
bilang patunay at iba pa.
Halimbawa:
• Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat
munang pasyalan bago ang ibang bansa.
• Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay,
narito ang kaniyang sertipiko.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may
ebidensya kaya’t kapani-paniwala. Samantalaang ang di-tuwirang pahayag ay
mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman
sa tagapakinig o tagapagbasa.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.

Ikatlong Markahan| 58
ABSTRAKSYON

Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran


at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng
mahahalagang impormasyon?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LIKHANG AKIN!

Bumuo ng isang maikling talumpati batay sa positibong pananaw


tungkol sa malawak na paggamit ng teknolohiya bilang komunikasyon ng
tao. Gumamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag.

3. Ebalwasyon

Suriin ang mga pangungusap kung ito ay tuwiran o di-tuwirang


pahayag.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae
kaysa sa mga lalaking Pilipino.
2. Kapag nagpatuloy ang El Niño ay maaaring maging dahilan
upang mas maraming tao ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang
Freedom of Information sa Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang
inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang
magagandang paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista

Susi sa Pagwawasto:

1. di-tuwiran 2. di-tuwiran 3. tuwiran 4. di-tuwiran 5. tuwiran

Ikatlong Markahan| 59
Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN
1. Sumulat ng sariling sanaysay na gumagamit ng mga tuwiran at di-
tuwirang pahayag tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
2. Humanda para sa paglikha ng awtput.

Ikatlong Markahan| 60
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIf-g-82)


 Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.3


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

GAWAING RUTINARI
Panimulang Gawain
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang talumpati


https://www.youtube.com/watch?v=DaHZBBkr8dw

ANALISIS

1. Ano ang paksa ng talumpating iyong napakinggan?


2. Ibigay ang kaisipan na nais iparating ng mananalumpati.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Esttratehiya: READ AND REACT

Paano mo mas higit na maipahahayag ang sariling damdamin patungkol sa


isang isyu o paksa?

Ikatlong Markahan| 61
APLIKASYON

GOAL - Nakasusulat ng isang talumpati na pang-SONA.

ROLE - Isa kang Pangulo ng Pilipinas

AUDIENCE - Mga mamayang Pilipino

SITUATION - Makalipas ang isandaang araw ng iyong panunungkulan


inaasahan ng mga mamamayan na ikaw bilang pangulo ng
bansa ay makapag-uulat ng kalagayan ng bansa.

PRODUCT - Pagsulat ng isang talumpati.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos at organisado
B. May pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan
C. Wastong gamit ng mga salita
D. Makatotohanan
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isa pang halimbawa ng talumpati at ibalangkas ito.


2. Basahin ang tula mula sa bansang Uganda, “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay”. (pp.279-280) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
mula sa Inlges ni Jack Driberg.

Ikatlong Markahan| 62
3. Batay sa tula, ano ang mga paraan na gagawin ng isang ina para sa
kanyang anak upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan?

Ikatlong Markahan| 63

You might also like