You are on page 1of 17

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.8
Panitikan : Pangwakas na Gawain
Teksto : Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia
Wika : Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Sariling Pananaw
Bilang ng Araw : 8 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIj-82)


 Naibibigyan ang puna tungkol sa napakinggang pagtatanghal.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIj-80)


 Natataya ang napanood na pagtatanghal batay sa napagkaisahang
mga pamantayan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIj-84)


 Naitatanghal nang may panghihikayat ang nabuong iskrip.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIj-77)


 Naisusulat ang iskrip ng isang pagtatanghal tungkol sa kultura at
kagandahan ng bansang Africa at Persia.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIId-e-74)


 Nabibigyang-puna ang pagtatanghal gamit ang mga ekspresiyong
naghahayag ng sariling pananaw.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F10EP-IIIFe-32)


 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia.

Ikatlong Markahan| 131


TUKLASIN
I. LAYUNIN

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F10EP-IIIFe-32)


 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia.

II. PAKSA

Panitikan : Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpaparinig ng isang awiting may liriko.
https://www.youtube.com/watch?v=9NPHrrfFCnw

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Ilahad ang pinapaksa ng napanood na videoclip.
b. Batay sa pinanood at napakinggan, ano-ano ang mga ipinagmamalaki
ng bansang Pilipinas?

Ikatlong Markahan| 132


2. Pokus na Tanong

a. Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan buhat sa Africa at Persia


sa iba pang akda mula sa iba pang panig ng mundo?
b. Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika sa
pagpapalawak ng iyong kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bayan ng Africa at
Persia?

3. Presentasyon

Pagiisa-isa sa mga mahahalaganng impormasyon tungkol sa Africa


batay sa mga sumusunod na aspeto.
http://tl.goodsalt.com/details/dmtas0284.html

Ugali Kultura /Tradisyon

Pananaw/Paniniwala Panitikan

Pamumuhay Turismo

AFRICA / PERSIA

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION

a. Talakayin ang mga datos na napanood sa video.


b. Matapos mabatid ang mga impormasyon, ano ang iyong naramdaman
at bakit?
c. May pagkakatulad ba ang Pilipinas at Africa? Ano ito at ipaliwanag.

ANALISIS

1. Bakit kailangang pag–aralan at unawain ang mga mahahalagang


impormasyon tungkol sa bansang Africa at Persia?
2. Paghambingin ang dalawang bansa:

Pagkakaiba Pag- Pagkakaiba


kaka-
Africa tulad Persia

Ikatlong Markahan| 133


 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ayon sa pananaliksik , ang musika, panitikan, sining at kultura ng Africa


ay nakakuha ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa lipunan.
Sa binigkas na talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong
Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo ay naging daan ang
panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais
ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang
pagkauhaw sa kalayaan , karapatan, at karunungan na naging bahagi ng
kanilang buhay , ng kanilang kultura.
Sa Persia (Iran) naman, ang kanilang mga lupain, mga tao na binanggit
kasama ng Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng
sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at
pangangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang
naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig. Ang anekdota ng Persia ay
kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism,
pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri rin
ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng
kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al. pahina:253

ABSTRAKSYON

Mungkhing Estratehiya: THINK AND SHARE


Dugtungan upang makabuo ng mahalagang impormasyon /
pahayag sa nasa kahon.

Ang bansang Africa at Persya ay may pagkakatulad sa Pilipinas sa ______


subalit may pagkakaiba rin sa _________________________________ at
magkagayunpaman, ang tatlong bansang ito ay _____________________
____________________________________________________________
___________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TANONG KO, SAGOT MO

1. Bakit mahalagang malaman ng ibang mga bansa ang kultura at


tradisyon ng iba pang mga bansa sa daigdig?

Ikatlong Markahan| 134


2. Magbigay ng sitwasyon na nagpapakita ng paniniwala at prinsipyo ng
mga bansang tinalakay.
.
IV. Kasunduan
1. Sa short typewriting, gumawa ng paglalahat / sintesis sa kabuuan ng
Modyul 3 sa tulong ng organizer.

TALA NG NATUTUNAN

Natutuhan ko Natuklasan ko Masasabi ko


sa buong na …. na ….
modyul na …

2. Humanda sa pangkatang gawain.

Ikatlong Markahan| 135


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIj-82)


 Naibibigyan ang puna tungkol sa napakinggang pagtatanghal.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIj-80)


 Natataya ang napanood na pagtatanghal batay sa napagkaisahang
mga pamantayan.
II. PAKSA

Panitikan : Paglikha ng Patalastas


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
Panimulang Gawain
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon/ Presentasyon

Pagpapanood ng isang videoclip na napapakita ng magagandang


tanawin sa Africa at Persia.

Kabihasnang Africa
https://www.youtube.com/watch?v=Y2T_wTW99Ek

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Ano-anong mga kaalaman ang natamo sa napanood na video?

Ikatlong Markahan| 136


b. Kung isa ka sa mga mamamayan ng bansang Africa,
maipagmamalaki mo rin ba ang iyong bansang pinagmulan sa kabila ng
mga negatibong komentaryo tungkol dito? Bakit.
c. Paano dapat pahalagahan ang kultura at paniniwala ng isang bansa?

2. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya: Role Play


Gumawa ng senaryo na nagtataglay ng mga magagandang katangian
ng isang bansa upang tangkilin ang mga produkto / magagandang
kaugalian na makakatulong sa ekonomiya ng bawat bansa.
Pangkat I - Pilipinas ( Magandang Kaugalian)
Pangkat II - Pilipinas ( Produkto )
Pangkat III - Africa ( Produkto )
Pangkat IV - Persia ( Magandang Kaugalian)

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.

Ikatlong Markahan| 137


Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang


gawain

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Suriin ang ipinakita sa bawat pagtatanghal, ano–ano ang mga kultura


at kaugaliang ipinakita ng bawat pangkat. Isa–isahin at ipaliwanag
ayon sa pagkakaunawa mo sa iyong nakita.
2. Paano nakatulong ang ginawang pagtatanghal upang tangkilin ang mga
produkto at magagandang kaugalian upang mapaunlad ang ekonomiya
ng bawat bansa?
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Bawat bansa ay may kultura at tradisyong maipagmamalaki. Ang mga


ito ay tatak na kanilang mapagkakakilanlan at di maaaring ihiwalay sa kanilang
pamumuhay na sumasalamin sa kanilang pakikipagtalastasan at pag-
uunawaan. Anumang bansa ay may katangian at kayamanang tinataglay
upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al. pahina:253

Ikatlong Markahan| 138


ABSTRAKSYON

Magbigay ng tatak at pagkakakilanlan sa bawat bansa:

PILIPINAS

AFRICA

PERSIA

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ROUND TABLE DISCUSSION

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang tangkilikin ng bawat bansa


ang kanilang tatak at pagkakakilanlan?
2. Napagkasunduan ng inyong pamilya na ang pagpipilian ng inyong
reunion ay bansang Pilipinas, Persia at Africa, ano kayang bansa ang pipiliin
at bakit?

4. Ebalwasyon

Piliin ang letra ng may wastong kasagutan sa bawat bilang.


1. Ano ang binibigyang pansin ng Sufism?
a. Ang Sufism ay relihiyon at paniniwala lamang.
b. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng kanilang pandama.
c. Ito ay may kaugnayan sa pagpapahalaga sa oras, pera o
maging sa karangalan.
d. Walang pinaniniwalaan kundi ang simpleng kasabihan at
mga kwento na itinuturing na mahusay.
2. Paano masasalamin ang prinsipyo at paniniwala sa mga
nasusulat sa akdang pampanitikan?
a. Sa anekdota ay may kakikitaan ng matalinong
pagpapasya batay sa sitwasyon na nangyayari.
b. Nakapaloob dito ang samu’t saring kwento ng buhay
araw–araw.

Ikatlong Markahan| 139


c. Binubuo ito ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
d. Tunay na sakripisyo ang ipinahihiwatig nito.
3. Sa anong akdang pampanitikan masasalamin ang kanilang
literatura na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon
ng bansang Kenya?
a. Sa mga tula na kanilang nilikha
b. Sa pamamagitan ng kanilang mitolohiya
c. Sa diwa’t puso
d. Sa kilos at gawi
4. Ano ang isa sa tatak ng bansang Pilipinas na ating ginagamit
araw–araw?
a. Kaluluwa c. Pagka-pilipino
b. Puso’t diwa d. Wika
5. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng
pagtatanghal ang isang bansa tungkol sa kanilang kultura at
tradisyon?
a. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga
mamamayan.
b. Upang maipaabot sa mga mamamayan ang kanilang
pagkakakilanlan.
c. Makakatulong ito upang makapanghikayat sa mga tao na
tangkilikin sa ikauunlad ng turismo.
d. Pantay-pantay na karapatan ng bawat isang
mamamayan.

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. A 3. B 4. D 5. C

Index of Mastery

SEKSYON Blg. ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan

1. Bakit mahalaga ang paggawa ng mga patalastas sa radyo man o


telebisyon.
2. Alamin ang mga ekspresyong nagpapahayag ng sariling pananaw.
3. Gumawa ng patalastas panradyo na makapagbibigay ng impormasyon
ukol sa magandang tanawin sa bansang Pilipinas.

Ikatlong Markahan| 140


PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIId-e-74)


 Nagagamit ang wastng mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa
damdaming nangingibabaw sa akda.

II. PAKSA

Wika : Mga Ekspresiyon Nagpapahayag ng Sariling


Pananaw
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.

Krisis sa Ekonomiya ng Asya


https://www.youtube.com/watch?v=EUSCTDudqeE

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: Pass the Ball
a. lahad ang ipinahihiwatig sa pinanood na video clip?
b. Paano malulunasan ang ganitong sitwasyon sa ating bansa?
c. Sino ang may malaking pananagutan sa ganitong uri ng lipunan

Ikatlong Markahan| 141


2. Presentasyon

Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Damdamin

Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pagbibigay ng sariling


pananaw ay mabisang magagamit sa paglalahad ng iniisip, sinasabi, o
pinaniniwalaan ng isang tao o personal na opinyon. Kadalasang
ginagamitan ito ng mga salitang tulad ng / batay/ para/ sang-ayon
sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng.

ANALISIS

1. Maglahad ng mga panyayari batay sa larawan gamit ang ekspresiyong


naghahayag ng sariling pananaw.
2. Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika sa
pagpapalawak ng iyong kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bayan ng
Africa at Persia?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Sa pagpapahayag mas higit na nagiging malinaw at mas nauunawaan ang


nais na iparating gamit ang mga ekspresyon katulad ng paggawa ng mga
patalastas.
Ang patalastas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang
pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang
pasalita tulad ng ginagawa sa radio at telebisyon. Ipinakikita rito ang mga
produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang
ipinababatid sa publiko.
Sa paraang pasulat ay maaring ipakita o ilathala sa pahayagan ,
billboards, poster, at magasin. Nakalimbag ditto ang nais ianunsiyong mga
Gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o
hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais
lumahok sa paligsahan.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al. pahina: 298

Ikatlong Markahan| 142


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PAHAYAG KO’Y DAGDAGAN


Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng mabisang pangungusap.

Ang ekspresyong naghahayag ng sariling pananaw ay nakakatulong


upang _______________________________________________________
_____________________________________________________________
sa paglalarawan ng iba’t ibang kultura sa bansang Persia at Africa.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TABLEAU

Magpakita ng senaryong may matiwasay at maayos na lipunang


ginagalawan.

3. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang letra ng may tamang kasagutan.


1. Bakit mahalaga ang pagpapabatid sa taong bayan ng mga
produkto ng isang bansa?
a. Makasigurado sa mga bagay na kanilang magiging
benepisyo.
b. Makatulong sa taong bayan para maging alisto at wasto
ang produktong ginagamit.
c. Upang tangkilikin ng taong bayan ang kanilang sariling
produkto at maktulong sa ikauunlad ng bansa.
d. Magkaroon ng kapayapaan ang isang bansa.
2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng
panghihikayat.
a. Kung ako ang iyong papipiliin , mas gusto kong
manirahan sa ibang bansa.
b. Hinay–hinay kayo sa inyong panghuhusga sa inyong
kapwa.
c. Inaanyayahan kitang manood ng natatanging palabas sa
auditorium.
d. Mahirap siguro ang mamuhay sa bansang Africa sa
panahong ito.

Ikatlong Markahan| 143


3. Ang patalastas ay nakakatulong upang
a. Makapagbigay aliw sa mga tao.
b. Makapagbigay impormasyon upang tangkilikin ang
sariling atin.
c. Tumulong sa nangangailangan.
d. Tumupad sa tungkuling nakaatang sa kanila.
4. Tunay na napakaraming magagandang lugar sa Pilipinas na
dapat munang pasyalan bago ang ibang bansa. Ang
pangungusap na ito ay naabibilang sa:
a.Hindi sapat na patunay
b. Tuwirang pagpapahayag
c. May positibong pananaw
d. Di – tuwirang pahayag
5. Paano mo malalaman na tunay o totoo ang bawat pahayag. Piliin
sa mga sumusunod na pangungusap ang wastong pahayag.
a. Siguro, napakasarap mamuhay sa mga bansa tulad ng
Africa at Persia.
b. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang
magagandang paligid o tanawin na dinarayo ng mga
turista.
c. Di mailarawan ang kalagayang panlipunan ng bansang
Africa at Persia.
d. Marahil, kulang na kulang ang bansang Africa sa likas na
yaman.

Susi sa Pagwawasto

1. C 2. C 3. B 4. B 5. B

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan

1. Gumawa ng tigdadalawang pangungusap na naglalarawan ng


katangian ng mga mamamayan gamit ang ekspresiyong
nagpapahayag sa sariling pananaw sa bansang Pilipinas, Africa
at Persia.
2. Magsaliksik ng tungkol sa mga dapat isaalang- alang sa paghahanda
ng patalastas pantelebisyon.
3. Maghanda para sa gagawing pagtatanghal.

Ikatlong Markahan| 144


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIj-84)


 Naitatanghal nang may panghihikayat ang nabuong iskrip.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIj-77)


 Naisusulat ang iskrip ng isang pagtatanghal tungkol sa kultura at
kagandahan ng bansang Africa at Persia.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.8


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.

Infomercial:Matalinong Mamimili
https://www.youtube.com/watch?v=ZnGBiy2hMckon

ANALISIS

1. Ano ang isinasaad ng napanood na eksena?


2. Paano nakatulong ang patalastas na napanood sa mga mamamayan?

Ikatlong Markahan| 145


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON MO’Y IPAHAYAG

Mahalaga ang turismo sa bansa upang ____________________________


____________________________________________________________.
____________________________________________________________
_.

APLIKASYON

GOAL - Nakapagtatanghal ng isang patalastas / infomercial tungkol sa


kagandahan ng alinmang bansa napili: Africa / Persia.

ROLE - Isa ka sa Model / Endorser

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


paaralan.
AUDIENCE - Mga mamamayan sa bansang Pilipinas

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


SITUATION - May malaking proyekto ang isang pang-internasyunal na
paaralan.
kompanyang panturismo

Isa ka- Pagtatanghal


PRODUCT sa mga mag-aaral na manunulat
ng likhang ngsapahayagan
patalastas sa inyong
pamamagitan ng Movie
paaralan.
Maker o Power Director

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


paaralan.
STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:
A. Kasiningan - orihinal at estilo ng pagsulat at pagkabuo
B. Kaangkupan - totoo / tunay ang ipinakitang kagandahan
ng kultura ng bansa
C. Kawastuan - wasto at angkop na gamit ng gramatika at
retorika
D. Kawilihan - hikayat sa manonood / nakaaaliw

Ikatlong Markahan| 146


Mga Kailangan pang
Napakahusay Mahusay
Kategorya paghusayin
8- 10 7-6
5-4

May orihinal ang


Orihinal ang estilo
Kasiningan estilo ng Di masyadong
ng pagkakasulat
pagkakasulat at orihinal ang
pagkakabuo
pagkakabuo
Napakatotoo at
Totoo at tunay Naipakita ang
tunay na tunay ang
Kaangkupan ang ipinakitang kagandahan ng
ipinakitang
kagandahan ng kultura ng isang
kagandahan ng
kultura ng bansa. bansa.
kultura ng bansa.
Talagang May kawastuan
Wasto at angkop
napakawasto at kaangkupan
Kawastuan ang gramatika at
at angkop na angkop ang gramatika at
retorikang
ang gramatika at retorikang
ginamit.
retorikang ginamit. ginamit.
Sobrang nakakawili
Kawilihan Nakakawili sa May kawilihan sa
ang ginawang
mga manonood. manonood.
pagtatanghal

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan


sa pagkakasulat.

IV. Kasunduan

1. Humanda sa pamanahunang pagsusulit.


2. Alamin ang mga pangunahing tauhan sa walang kamatayang nobelang
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Ikatlong Markahan| 147

You might also like