You are on page 1of 12

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikatlong Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikapitong Linggo- Aralin 7

Mga Akdang Pampanitikan


ng Africa at Persia

Nobela

Baitang 10- Filipino 1


Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81);
nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85);
nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gmit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t
ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Filipino - Baitang 10
Sanayan sa Filipino
Nobela
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin


ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino


Writers: Irene C. Jalbuna, Rodelyn G. Delfin, Levi N. Paguntalan
Julie L. Cajeben, Madeline P. Del Rosario, Maria Mae Castre
Agnes Joy S. Fernandez, Gaymarie G. Hingpit
Joana Grace A. Isip, Bella A. Verjes

Illustrators: Mary Joy J. Yanson, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon


Ruel S. Palmaira, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rodelyn G. Delfin
Nelson A. Cabaluna, Rene B. Cordon, Irene C. Jalbuna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81);
nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85);
nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gmit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t
ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 10.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula saKagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga
gurong tagapagdaloy namatulungang makamitang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sagurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Sa paraang ito magkakaroon ka ng
kalayaan na pag-aralan ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81);
nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85);
nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gmit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t
ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Aralin 7 Nobela
Magandang araw sa iyo!
Ito ang Ikapitong sanayang mapag-aaralan mo sa Ikatlong Markahan. Sabay-
sabay tayong maglakbay sa makulay at madamdaming daigdig ng Nigeria.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na
layunin:
a. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81);
b. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85);
c. nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-
IIIh-i-79);
d. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang
mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83); at
e. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Natitiyak kong may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang
mga ideyang ito ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin sa bahaging ito at
masagot ang iyong mga katanungan.

Panuto: Tukuyin ang tradisyong kinamulatan ng Africa batay sa diyalogong nakapaloob


sa kahon. Suriin at ipaliwanag kung ang tradisyong ito ay isinasagawa sa
Pilipinas.
1.
Maricel: Kawawa naman si Okonkwo. Sinunog lahat ng kaniyang ari-
arian dahil sa pagkakapaslang niya sa anak na babae ni
Ogbuefi Ezeudu.
Reynan: Tama ka. Ang pagsunog ng kaniyang mga ari-arian ay tanda
ng paglilinis ng buong pamayanan sa kaniyang kasalanan.

Tradisyong kinamulatan:
_____________________________________________________
Paliwanag kung ito ay nakikita o isinasagawa rin sa ating bansa:
_____________________________________________________
2.
Helen : Joy, alam mo ba kung paano nagkaroon ng relihiyon ang mga
taga-Mbanta?
Joy : Oo naman. Nagkaroon sila relihiyon nang dumating ang mga
misyonero sa kanilang lugar. Ayon sa mga misyonero, ang
pagsamba ng mga taga-Mbanta sa mga diyos-diyosan ay
isang malaking kasalanan.
Tradisyong kinamulatan:
_____________________________________________________
Paliwanag kung ito ay nakikita o isinasagawa rin sa ating bansa:
_____________________________________________________
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 1
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Batid kong may malalim ka ng pang-unawa sa tradisyon ng Africa. Natitiyak kong
magagamit mo ang mga ito upang lubos mong maintindihan ang mensaheng nais
ipabatid ng nobela.

Basahin at unawain nang mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria. Kasunod
ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akda upang sa
gayo’y maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang
Africa lalo na sa Nigeria.

Alam mo ba?
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Ito ay binubuo ng mga
kabanata at naglalahad ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang
tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang mahusay at kawili-wiling balangkas na
siyang pinakabuod ng nobela.
Elemento ng nobela
1. Tagpuan Ito ang lugar at panahon ng pinangyarihan sa nobela.
2. Tauhan Sila ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
3. Banghay Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
nobela.
4. Pananaw Panauhang ginagamit ng may-akda
a.) una - kapag kasali ang may-akda sa kwento,
b.) pangalawa- ang may-akda ay nakikipag-usap, at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema Ito ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
6. Damdamin Nagbibigay kulay ito sa mga pangyayari.
7. Pamamaraan Ito ay tumutukoy sa istilo ng manunulat.
8. Pananalita Ito ay tumutukoy sa mga diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo Nagbibigay ito ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayarihan.

Dagdag-kaalaman…
Cowrie - Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit
din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe - Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
Egwugwu - Ito ang tawag sa espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara
ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen.
Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa
lupain ng Nigeria.
Ogene - Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo - Sila ang mga katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria.
Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 2
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Natitiyak kong may kaalaman ka na sa kalikasan ng nobela at elemento nito.
Handa ka na sa mga gawain ng sanayang ito. Ipagpatuloy ang pagsagot sa mga
gawain. Simulan mo na.

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si
Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia
hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang
katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang
ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay
ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan
ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa
mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay
na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa
kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan
niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa,
nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.
Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito,
siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo
sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon
ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,”
wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.
PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang
bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,
sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga
katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata
sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni
Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa.
Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng
malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi
na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong
siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag
matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 3
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng
loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling
din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng
yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban
sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ariarian at
mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang
ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga
naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan
nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si
Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at
muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating
lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya
itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang
balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng
pinagbilhan kay Okonkwo.
Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. Hindi
naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter
na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta.
Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at
hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta
kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng
mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin
ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila.
Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang
taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip
sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno.
Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo
nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang
simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa
pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim
ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na
maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 4
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang
mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa
isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo.
Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal
sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay
isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang
at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni
Obierika, ang kaniyang kaibigan.

- binanggit sa aklat nina Ambat, Vilma C., et. al. 2015


Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa Filipino)
Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Magaling! Alam kong sapat na ang kaalamang taglay mo upang maisagawa ang
mga sumusunod na gawain na tiyak kong susubok sa talas ng iyong isip. Huwag kang
mag-alala dahil gagabayan kita hanggang sa matapos mo ang sanayang ito. Kayang-
kaya mo iyan!

A. Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
1. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo
ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?
________________________________________________________________

2. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siya na kilalaning isang


magiting na mandirigma? Bakit?
________________________________________________________________

3. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at


paninindigan?
________________________________________________________________
4. Paano nakaapekto sa buhay ni Okonkwo ang mga naging karanasan niya sa
kanyang ama?
________________________________________________________________
5. Paano mo maikukumpara si Okonkwo bilang isang ama, bilang asawa, at bilang
tagapagbigay ng pangangailangan ng pamilya?
________________________________________________________________

6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang


pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
________________________________________________________________

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 5
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
B. Panuto: Gamit ang T-chart Organizer, magsagawa ng isang pagsusuri sa binasang
kabanata ng nobelang “Paglisan” ukol sa katangiang pampanitikan na taglay
nito. Maaaring pagbatayan ang mga sumusunod na teorya o pananaw sa
gagawing pagsusuri o magsaliksik ng ilan pang halimbawa ng teoryang
pampanitikan. Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Tandaan:
Sa pananaw humanismo, binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng
tao gaya ng talento, talino at iba pa.
Sa pananaw realismo, layunin nitong ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kaniyang lipunan.
Sa pananaw eksistensiyalismo, layunin ng panitikan na ipakita na may kalayaan ang
tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili.

______________________________
Pananaw/ Teoryang Pampanitikan
Bahagi ng akda na sumasalamin sa Paliwanag kung bakit ito ay sumasalamin
napiling teorya sa napiling teorya

Gawain 1: Nood mo, Suri mo!


Panuto: Magsaliksik sa internet o mag-isip ng mga napanood na isinapelikulang nobela
na maaaring maiugnay sa nobelang Paglisan. Maaaring panoorin at suriin ang
pelikulang The Boy Who Harnessed the Wind na ipinalabas noong 2019.
Maaaring mapanood ang excerpt ng pelikula sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=D1yaavmjEyc&t=6s. Isaalang-alang ang
paggamit ng mga angkop na pang-ugnay sa pagsusuri upang magkaroon ng
kaisahan ang mabubuong sagot.

1. May pagkakatulad ba ng paksa ang pelikulang napanood at ang nobelang Paglisan?


Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
2. Ibigay ang pagkakatulad ng mga pangunahing tauhan sa pelikula at nobelang
Paglisan. Maaaring gumamit ng Venn diagram sa paghahambing.
____________________________________________________________________
3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa iyo pagkatapos mong mapanood ang
pelikula? May pagkakatulad ba ito sa damdaming iyong naramdaman pagkatapos na
mabasa ang buod ng nobelang Paglisan? Bakit?
___________________________________________________________________

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 6
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Natitiyak kong handang-handa ka nang isagawa ang inaasahang produkto/
pagganap sa araling ito sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kasanayan
at kaalamang nakapaloob ukol dito. Maaaring pumili sa dalawang paraan ng paggawa
ng patalastas at upang matiyak na magiging mahusay ito, makabubuting isaalang-alang
mo ang sumusunod na hakbang:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda


ng Patalastas na Pasulat

1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong ginamit at


mahusay ang bubuoing mga diyalogo.
2. Ito’y dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang napili.
Makatotohanan ang mga impormasyong ilalangkap.
3. Tiyaking ang patalastas ay malinaw ang pagkakagawa.
4. Maaari itong ihanda sa pamamagitan ng isang komik strip, poster, diyalogo.
5. Ilagay ang inyong awtput sa malinis na papel.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda


ng Patalastas na Pantelebisyon

1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong ginamit at


mahusay ang bubuing mga diyalogo.
2. Ito’y dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang napili.
Makatotohanan ang mga impormasyong ilalangkap.
3. Tiyaking ang haba ng pagpapalabas nito ay tatagal lamang ng dalawa hanggang
tatlong minuto.
4. Maaari itong ihanda sa Movie Maker o Power Director.
5. Ipasa ito sa inyong guro sa pamamagitan Chat o Email.
Panuto: Sumulat ng iskrip ng patalastas o magtanghal ng infomercial na nagtatampok
sa kagandahan ng alinmang bansang Africa o Persia. Maaaring gumamit ng
iba’t ibang batis ng impormasyon sa pangangalap ng magagandang katangiang
taglay ng Africa o Persia. Isaalang-alang ang paggamit ng GRASPS sa
pagsagawa ng gawain.

Goal - Nakapagtatanghal ng isang patalastas/ infomercial


tungkol sa kagandahan ng alinmang bansang Africa
o Persia
Role - Endorser
Audience - Mga manonood sa telebisyon
Situation - Magkakaroon ng malaking proyekto ang isang pang-
internasyunal na kompanyang panturismo. Ikaw ay
kinuha bilang isang endorser upang itampok ang mga
magagandang katangian ng bansang Africa o Persia.
Product - Pagtatanghal ng patalastas o infomercial
Standards - Pamantayan sa Pagmamarka:
• Kasiningan - orihinal ang estilo ng pagkakasulat at pagkakabuo
• Kaangkupan - makatotohanan ang mga itinampok na kagandahan
ng kultura ng bansa
• Kawilihan - nakaaaliw at nakahihikayat sa manonood
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 7
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
Rubrik sa Pagtatanghal ng Patalastas na Pasulat at Infomercial
Kinakailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman pa ng
(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) pagsasanay
(5 puntos)
Orihinal at Orihinal ang Bahagyang Walang
katangi-tangi estilo ng nagpapakita ng orihinalidad ang
ang estilo ng pagkakabuo ng orihinalidad estilo ng
Kasiningan pagkakabuo ng patalastas o ang estilo ng pagkakabuo ng
patalastas o infomercial. pagkakabuo ng patalastas o
infomercial. patalastas o infomercial
infomercial.
Makatotohanan Totoo at tunay Hindi gaanong Hindi naipakita
at makabuluhan ang ipinakitang naipakita ang ang kagandahan
ang kabuuan ng kagandahan ng kagandahan ng kultura ng
Kaangkupan ipinakitang kultura ng ng kultura ng bansa.
kagandahan ng bansa. bansa.
kultura ng
bansa.
Sobrang Nakawiwili sa Bahagyang Hindi
nakaaaliw at mga manonood nagpakita ng nakahihikayat
kawili-wili ang ang kawilihan sa panoorin para
Kawilihan ginawang pagtatanghal ng mga sa mga
pagtatanghal ng infomercial o manonood ang manonood ang
infomercial o pagsulat ng pagtatanghal pagtatanghal ng
pagsulat ng patalastas. ng infomercial infomercial o
patalastas. o pagsulat ng pagsulat ng
patalastas. patalastas.

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo
upang maipamalas mo ang iyong galing. Matagumpay mo ring naunawaan ang mga
aralin at natutuhan ang mga kasanayang nakapaloob sa sanayan na ito.

Sanggunian:

Ambat, Vilma C. et al. Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa


Filipino). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Vibal Group Inc.2015.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81); nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa 8
pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito (F10PB-IIIh-i-85); nasusuri ang napanood
na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); nailalapat nang may kaisahan at
magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-
IIIh-i-83); at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32).
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga Matatalinhagang Pahayag
TUKLASIN
1. Tradisyong kinamulatan:
Pagsunog sa lahat ng ari-arian ng taong nagkasala.
Paliwanag kung ito ay nakikita o isinasagawa rin sa ating bansa:
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral)
2. Tradisyong kinamulatan:
Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon
Paliwanag kung ito ay nakikita o isinasagawa rin sa ating bansa:
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral)
SANAYIN
A. 1. Mahina at talunan
Ang pagiging asal-babae ng kalalakihan ay taliwas sa pagiging matapang at respetadong
lalaki na ipinamamalas ni Okonkwo
2. (Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral)
3. Nanatili si Okonkwo na maging matapang at respetado, patuloy niyang ipinapakita ito sa
kabila ng kanyang pagkakasalang nagawa bilang pagpapanatili niya sa kanyang sarili at
dignidad bilang isang magiting na mandirigma.
4. Ginawa ni Okonkwo ang lahat para hindi siya matulad at ikumpara sa kanyang Ama. Hindi
niya ito ginaya bagkus pinakita niya na siya ay iba sa kanyang Ama.
5. (Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral)
6. Ang pagbalik sa pinanggalingan ay tanda ng isang panibagong simula kung saan pagsisimula
ang bagong buhay at kalimutan at pagbayaran ang anumang pagkakasala na kanyang
nagawa.
PAGYAMANIN
1. (Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
2. (Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
3. (Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
TAYAHIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

You might also like