You are on page 1of 15

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikatlong Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Unang Linggo - Aralin 1

Mga Akdang Pampanitikan


ng Africa at Persia
Mitolohiya
at Pagsasaling-wika

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at 1
Persia (F10PN-IIIa-76); Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng
debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78); Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-
74); at Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71).
Filipino - Baitang 10
Sanayan sa Filipino
Mitolohiya at Pagsasaling-wika
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng
mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Levi N. Paguntalan, Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna


Julie L. Cajeben, Gaymarie G. Hingpit, Agnes Joy S. Fernandez
Maria Mae Castre, Madeline P. Del Rosario
Joana Grace A. Isip, Bella A. Verjes

Illustrators: Mary Joy J. Yanson, Mel June G. Flores, Ruel S. Palmaira


Althea C. Montebon, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rodelyn G. Delfin
Nelson A. Cabaluna, Irene C. Jalbuna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia (F10PN-IIIa-76); Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng
debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78); Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-
74); at Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71).
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 10.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan
ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na
pag-aralan ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia (F10PN-IIIa-76); Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng
debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78); Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-
74); at Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71).
Aralin 1 MITOLOHIYA

Magandang araw sa iyo!

Sa araling ito, tiyak akong ganap mong mauunawaan at mapahahalagahan ang


mga akdang pampanitikan buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia. Ang akdang
pampanitikang ito ay isang mitolohiya mula sa Kenya, mayaman ang bansang ito sa
mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na bato, arkitektura ng mga palasyo, at
museo na yari sa putik, may musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi.

Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga


mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia (F10PN-IIIa-76);
2. nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin
ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80); at
3. napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).

Simulan mo na ang paglalakbay sa mundo ng mitolohiya ng bansang Kenya.

Panuto: Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng mga sumusunod na superhero


o mga taong may angking galing.

Superman Achilles

Kalakasan Kahinaan Kalakasan Kahinaan

Lastikman Samson

Kalakasan Kahinaan Kalakasan Kahinaan

Baitang 10- Filipino 1


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
Iba-iba ang kalakasan at kahinaan nating lahat. Isa ito sa mga bagay na
nagpapatunay na tayo ay mga tao. Tayo ay may iba’t ibang ugali, pananaw, talento, at
paninindigan.

Panuto: Alamin at basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa. Suriin ito bilang
pagpapahalaga at sagutin ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel.

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae.


Nagmula ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si
Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman
ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng
demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah.
Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang
bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na
halaman. At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman
Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na
kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.

- binanggit sa Panitikang Pandaigdig 10 at sinipi


mula sa Elements of Literature nina Holt et al.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang mitolohiya?


__________________________________________________________________

2. Ilarawan ang ginawa nina Ahriman Mainyu at Ahura Ohrmuzd.


__________________________________________________________________
3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd kay Gayomard ang pinagmulan ng suliranin
ng kuwento?________________________________________________________
4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?
__________________________________________________________________

Baitang 10- Filipino 2


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
Alam mo ba…

Ang Africa ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at


pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga
30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa
pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga
naninirahan sa kontinente ng Aprika. Ang Africa ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad,
kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang
malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay
nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo. Isa sa mga bansa sa Africa
na palagiang pinupuntahan ng mga turista ay ang bansang Kenya.

Ang Republika ng Kenya


(internasyunal: Republic of Kenya),
ay isang bansa sa Silangang Aprika.
Napapalibutan ng Ethiopia sa
hilaga, Somalia sa hilaga-silangan,
Tanzania sa timog, Uganda sa
kanluran, at Sudan sa hilaga-
kanluran, kasama ang Karagatang
Indiyan sa timog-silangan. Ang
kabisera at pinakamalaking lungsod
nito ay Nairobi.

-mula sa
https://www.wikiwand.com/tl/Kenya at
Africa

Ngayong may kaalaman ka na sa pinanggalingang bansa ng ating mitolohiya,


natitiyak kong magiging makabuluhan at kasiya-kasiya ang iyong pagkatuto sa araw na
ito. Kinakailangan mong palawakin ang iyong pasensya at pang-unawa sa pagbabasa
ng mitolohiya. Maligayang pagbabasa!

Baitang 10- Filipino 3


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung
masasalamin ba dito ang kanilang kultura.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa


baybaying-dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng
karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng
isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang
mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom
sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang
nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana
Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate


na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad
(Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam.
Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na
pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na
pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono.
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena
at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri.
Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa
labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala
na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.
Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari
upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang
nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa
mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang
ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si
Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

-binanggit sa Panitikang Pandaigdig 10 at mula sa http://www.a-


gallery.de/docs/mythology.html
Pag-unawa sa Akda
Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda,
kilos at gawi ng tauhan, at desisyon ng tauhan.

1. Ano ang suliranin ng tauhan?


___________________________________________________________________
2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
___________________________________________________________________

Baitang 10- Filipino 4


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________

4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?


___________________________________________________________________

5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?
___________________________________________________________________

Tapos mo na bang sagutan ang mga tanong? Magaling! Natitiyak kong


matagumpay mong naisagawa ang gawain. Pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng susunod na gawain.

Panuto: Magsaliksik at ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng


Africa at Persia batay sa elemento nito.

Africa at Persia

Pagkakatulad Pagkakaiba

Tauhan

Tagpuan

Banghay

Tema

Magaling! Matapos masagutan ang pagyamanin natin, handang-handa ka na sa


susunod na gawain. Simulan mo na.

Baitang 10- Filipino 5


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
Panuto: Ilagay ang sarili sa dalawang magkaibang paninindigan tungkol
sa iisang isyu. Pangatwiranan ang dalawang sumusunod na pananaw
sa loob ng tatlo hanggang apat na pangungusap.

Unang Paninindigan: Hindi masamang ibigay ang pagtitiwala sa taong malapit sa iyo
o sa kadugo mo sapagkat...

Ikalawang Paninindigan: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magtitiwala agad sa


kadugo sapagkat...

Mahusay ang kagalingang ipinakitang pagsagot sa mga gawain sa araling ito.


Bahagi ng araling ito ang gawain sa gramatika sa susunod na pahina. Simulan mo na.

Baitang 10- Filipino 6


Kompetensi: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng
tauhan (F10PB-IIIa-80); at napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol
sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
Aralin 1 PAGSASALING-WIKA

Maligayang pagbabalik! Nagustuhan mo ba ang mitolohiyang iyong pinag-aralan


sa unang bahagi ng araling ito? Kung oo, ako ay nagagalak dahil nagpakita ka ng
kasiglahan sa pagsagot ng mga naunang gawain.

Natitiyak kong handa ka na sa panibagong kaalaman na iyong mapag-aaralan sa


araw na ito. Sinisiguro kong magagamit mo ang mga matutuhan mo sa bahaging ito
dahil ito ay may kinalaman sa pang-araw-araw nating ginagamit, ang wika.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74); at
2. nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71).
Simulan mo na! Alam kong kayang-kaya mo iyan.

Panuto: Panoorin ang link ng video na nasa ibaba. Bigyang-puna ang mensahe o ang
nais iparating ng video gamit ang graphic organizer.
Link ng video: https://youtube.com/watch?v=miOTB96us7o&feature=share – The
Promise Trailer 2015 (Dubbed in Spanish)

Pamilyar ba sa iyo ang napanood na video


clip? Magbigay ng maikling salaysay tungkol sa
pelikulang napanood.

Ano ang napansin mo sa video clip? Naging


problema ba ito para sa iyo? Ipaliwanag.

Anong solusyon ang nakita mo upang


maintindihan ang pag-uusap ng mga tauhan?

Mayroon ka na bang ideya sa magiging aralin natin ngayong araw? Magaling!


Natitiyak kong mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman sa pagsasaling-wika sa tulong
ng sanayang ito. Handa ka na ba? Sabayan mo ng ngiti ang panibagong pagtuklas ng
kaalaman. Kayang-kaya mo iyan basta’t magtiwala ka lamang sa iyong sarili.

Baitang 10- Filipino 7


Kompetensi: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
at nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)
Sa bahaging ito ay matutunghayan at malalaman mo kung paano isinasagawa
ang pagsasaling-wika na ginagawa sa mga akdang pampanitikan na iyong nababasa
mula sa ibang bansa gayundin ang mga kadalasang napanonood mong palabas na
isinasalin.

Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin
ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin Mga

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang


kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay
kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng
awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at
pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang


kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman
sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay
patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may


higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa
sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.


Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa
at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng
ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa
nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na
kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at


hindi salita.

Baitang 10- Filipino 8


Kompetensi: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
at nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.

3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan


ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha
ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.
-Mula sa aklat nina Ambat, Vilma C. et. al.
Panitikang Pandaigdig 10

Panuto: Isalin sa Filipino ang mga sumusunod na salita. Isaalang-alang ang mga dapat
gawin sa pagsasaling-wika.

1. Darkness - _____________________________
2. Healthy - _____________________________
3. Importance - _____________________________
4. Alone - _____________________________
5. Busy - _____________________________
6. Regret - _____________________________
7. Horrible - _____________________________
8. Notice - _____________________________
9. Hidden - _____________________________
10. Neglect - _____________________________

Panuto: Isalin sa Filipino ang mga sumusunod na pahayag.


1. “Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”
– Nelson Mandela

2. “Do unto others as you would have them do unto you.”

3. “If you want love then be worth loving.”

Baitang 10- Filipino 9


Kompetensi: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
at nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)
Mahusay! Natitiyak kong sapat na ang kaalamang iyong taglay upang isagawa
ang huling bahagi ng sanayang ito. Kayang-kaya mo iyan!

Panuto: Isalin ang maikling kuwentong pambata. Isaalang-alang ang mga dapat gawin
sa pagsasaling-wika. Pakatandaan ang GRASPS sa pagsagawa ng gawaing
ito.

The Disobedient Boy

There was a boy who was very fond of cashew nuts. His mother gave him a few
nuts. The boy always wanted for more nuts. He always asked his mother “Mommy,
give me some more nuts”. But his mother always replied “Too many nuts is not
good, my son. If you eat too many at a time you will get stomach-pain”.

One day his mother had been to the market and no one was at home except the
boy. He went into the kitchen and took the cashew nut jar. He ate and ate up to the
last nut.

The next day, he twitched with stomach-pain.

- https://www.advance-africa.com/the-disobedient-boy.html

Goal - Nakasasalin ng maikling kuwentong pambata


Role - Tagapagsalin
Audience - Manunulat
Situation - Napili ka ng embahada ng Africa upang isalin ang kanilang
akda sa wikang Filipino upang maipakilala ang kanilang
makulay na kultura at panitikan sa buong bansa at daigdig.
Product - Pagsasaling-wika
Standards - Naririto ang pamamaraan sa pagmamarka na
dapat mong isaalang-alang upang maging matagumpay
ang pagsasagawa ng gawain.

Rubriks sa Pagsasaling-wika
Katangian Napakahusay Mahusay Katamtaman Kinakailangan
(16-20 puntos) (11-15 puntos) (6-10 puntos) pa ng
pagsasanay
(1-5 puntos)
Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos
pagkakasunod- organisasyon organisasyon ang
sunod ng mga ng ngunit hindi organisasyon ng
Organisasyon ideya sa pagkakabuo masyadong mga ideya.
kabuuan ng ng mga ideya. mabisa ang
isinaling akda. pagkakasalin.

Baitang 10- Filipino 10


Kompetensi: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
at nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)
Napakahusay Mahusay dahil May kahinaan Kailangang
dahil walang kakaunti dahil baguhin dahil
Paggamit ng mali sa baybay lamang ang maraming mali halos lahat ng
Wika at at gamit ng mali sa sa baybay at pangungusap ay
Mekaniks bantas, may baybay at gamit ng may mali sa
mayamang gamit ng bantas. baybay at gamit
bokabularyo. bantas. ng bantas.
Lahat ng Karamihan sa Iilan sa mga Halos lahat ng
impormasyong mga impormasyong impormasyong
kinuha mula sa impormasyong kinuha mula mula sa orihinal
Nilalaman orihinal na kinuha mula sa orihinal na na akda ay mali.
akda ay tama sa orihinal na akda ay tama.
at akda ay tama.
makabuluhan.

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung
may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang araling ito.
Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay
sa lupain ng Persia/ Iran.

Sanggunian:

Ambat, Vilma C. et al. Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa


Filipino). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Vibal Group Inc. 2015.

https://www.wikiwand.com/tl/Kenya

Baitang 10- Filipino 11


Kompetensi: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
at nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)
SUSI SA PAGWAWASTO

MITOLOHIYA
TUKLASIN
Superhero Kalakasan Kahinaan
Superman Sobrang lakas at kayang buhatin ang anumang bagay Kryptonite
Achilles Hindi tinatablan ng anumang sakit. Takong
Lastikman Kaya niyang ibaluktot ang kaniyang katawan sa anumang bagay na Apoy
kaniyang ninanais.
Samson Sobrang lakas Buhok

ALAMIN
1. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng lahat ng nilalang sa mundo.
2. Ang ginawa naman ni Ahura Ohrmuzd ay nakabibilib dahil sa ginawa niyang paglikha ng mga nilalang.
Ang ginawa ni Ahriman Mainyu ay hindi katanggap-tanggap dahil ninais niyang wasakin ang nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
3. Oo.
4. Tumulong sila sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu dahil siya ang naging dahilan kung bakit namatay ang kanilang
tagapaglikha.

BASAHIN AT SURIIN
1. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo, kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
2. Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
3. Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
4. Si Liongo ay may kakaibang lakas at tapang. Ipinakita niya ito nang siya ay tumakas mula sa pagkakagapos na
gawa ng kaniyang pinsan at digmaan laban sa mga Wagala.
5. Huwag basta-basta ibigay ang tiwala sa kahit sino dahil kahit ang pamilyang itinuturing mo ay maaari kang
ipahamak.

PAGYAMANIN
Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

TAYAHIN
Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

PAGSASALING-WIKA
TUKLASIN
1. Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
2. Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
3. Gumamit ako ng auto-translation upang maunawaan ko ang sinasabi ng mga tauhan. (Maaaring magkaiba ang
kasagutan ng mga mag-aaral.)

SANAYIN
1. Kadiliman
2. Kalusugan
3. Kahalagahan
4. mag-isa
5. abala
6. pagsisisi
7. kakila-kilabot
8. pansinin
9. nakatago
10. pagpapabaya

PAGYAMANIN
1. Ang edukasyon ay isang makapangyarihang sandata na maaaring gamitin upang mabago ang mundo.
2. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
3. Kung gusto mo ng pagmamahal, kinakailangang ipakita mong ikaw ay karapat-dapat mahalin.

TAYAHIN
Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

You might also like