You are on page 1of 10

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ikalawang Kwarter − Ikalimang Linggo − Aralin 5

Paggamit ng mga Salita


at Paraan ng Pagsasalita
sa Kakayahang Komunikatibo

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Baitang 11 - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
Kompetensi: Naipapaliwanag
talakayan (F11PT angatgamit
– IIe – 87); ng ang
Napipili wikaangkop
sa lipunan sa pamamagitan
na mga salita at
ng paraan
mga pagbibigay halimbawa
ng paggamit (F11PS-Id-87);
nito sa mga at Nakapagsaliksik
usapan o talakayan ng mga
batay sa kausap,
halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP-
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
Ie-31)
– IIe – 90)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Paggamit ng mga Salita at Paraan ng
Pagsasalita sa Kakayahang Komunikatibo
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino o anumang bahagi nito ay
inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan na walang
pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino

Writer: Salvacion C. Murillo, Kattie C. Tagud, Rhyne Mae S. Gales


Illustrators: Precious E. Garcia, Roel S. Palmaira
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan Armand Glenn S.
Lapor, Nelson A. Cabaluna Rene B. Cordon

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales Ruben S.
Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Baitang


11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay pinagtulungang sinulat,


dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag- aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ginawa upang matugunan ang
kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
– IIe – 90)
Kakayahang Pakikipagtalastasan ayon sa Paggamit ng mga Salita
at Paraan ng Pagsasalita
Komunikasyon ang mabisang paraan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, ito rin
ang paraan kung paano ng tao isiwalat ang kanyang saloobin sa anumang paraan.
Sa pagpapahayag ng ideya at saloobin ay dapat malaman ang tamang paraan sa
kung paano mabuo ang mga salita at pangungusap upang maayos ang pagpahayag
ng ideya at saloobin.
Hindi lingid na ang wika ang pinakamalawak na sining na kung saan kapag
hindi wasto ang paggamit, pagpapalawak at iba pang kauri nito ay nagkakaroon ng
iba’t ibang interpretasyon lalo na sa paglalahad ng pansariling ideya, paraan ng
pagsasalita at iba pa. Nararapat ding linangin ang kakayahang pakikipagtalastasan.
Sa modyul na ito ay iyong matutuhan ang tamang pagbuo, pagsulat at
pagsalita tungo sa epektibong komunikasyon sa pamamagitan ng paglinang ng
sumusunod na mga konpetensi na:
 nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. (F11PT –IIe
– 87)
 napipipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin at grupong kinabibilangan (F11PS-lle-90)
Inaasahang matutuhan mo ang mga tiyak na layuning:
 natutukoy ang mga angkop na salita sa mga pangungusap batay sa
tekstong tinatalakay; at
 nakilala ang ponolohiya, morpolohiya, kayarian ng mga salita at
pagpapalawak ng pangungusap.

Handa ka na bang unawain ang iyong kakayahang pangkomunikasyon bilang


Pilipino sa tulong ng mga sumusunod na mga gawain na magpapalalim ng iyong pag-
unawa at kakayahan?

Halina na at umpisahan na natin!

Napag-aralan na ninyo sa nakaraang aralin ang katuturan ng komunikasyon


at ang mga salik nito. Mahalaga ring matutuhan ninyo ang kahusayan sa
pakikipagtalastasan upang maging mabisa ang paghatid ng mensahe at ang ideyang
nais mong ipabatid. Sa aralin natin ay lubusan ninyong maunawaan ang mga ito.

Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap, isa-isahin kung tama ang gamit
ng mga salita pati ang istruktura nito
1. Nagparalisa ang sambayanang ng pandemyang dulot ng COVID-19.
2. Limanglibong piso pa rin ang natatanggap na tulong ng mga kapus-palad
na mamamayan mula sa gobyerno

1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
Mga Tanong:
a. May mga mali ka bang nakikita sa mga pangungusap na
inilahad? Baguhin ito kung may mali.
b. Sa pagsulat ng mga pangungusap, anong mga tuntunin ang dapat
sundin. Magbigay ng mga halimbawa.

Ang kakayahang pangkomunikatibo at kaalamang linggwistika ang tanging


behikulo na ginagamit upang lubusang mailahad ang iniisip o saloobin ayon kay Brown
(1987).
Nagsasaad ito kung paano ang tao makagawa ng angkop na pangungusap
ayon sa kanyang kapasidad sa pagkaunawa.
Ang kahusayang komunikatibo ay tumutukoy sa kasanayan at karunungan ng
sinumang gumagamit ng wika na nakatutulong sa kaya na makapagpahayag at
makapagbigay ng kahulugan sa mga mensahe at makapagdiskurso nang mahusay
sa iba’t ibang konteksto o sitwasyon.
Hindi lamang kasanayang pangkomunikatibo ang ang dapat linangin kasama
rin dito ang kakayahang panggramatika.
Gayunpaman, ang kaalaman sa mga tuntunin ng paggamit ng wasto ng mga
salita,pagbuo ng parirala, sugnay at pangungusap ang siyang gabay sa tamang
balangkas, pagbigkas at pinagmulan ng ng mga salita.

Kakayahang Linggwistiko/Istruktural/Gramatikal
Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa nang
maayos at makabuluhang pangungusap (Taylan, et.al.2016).
Saklaw sa kakayahang linggwistiko ang gramatika – tungkol ito sa tuntunin
ng wastong paggamit ng mga bantas, salita, bahagi ng pananalita, pagbuo ng
parirala, sugnay at pangungusap. Natutuhan din tungkol sa ponolohiya, morpolohiya,
kayarian ng mga salita, semantiks at sintaks.
Kasabay rin nito ng tamang pagbigkas at pagsulat ng wika upang mailahad
ng maayos ang kaisipan o mensahe na nais ipabatid at mapabilis ang
pakikipagtalastasan o komunikasyon.

I. Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng mga tunog na bumubuo sa isang salta .


Kalakip dito ang pag-aaral sa wastong pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na
ponema.

2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
Ponema – ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog ng isang salita
Mga patinig na ponema segmental:
a, e, i, o, u
Mga katinig na ponema:
p, b, d, t, k, g, m, n, ng, ñ, h, s, l, r, t, y, w
Ponemang suprasegmental - ay tumutulong sa mga ponemang segmental.
Tumutukoy ito sa haba, tono, diin at antala .
Ang Tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na makapagbago na
kahulugan.
Diin o Stress ang tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig na na binibigyang
diin.
Ang Haba ay ang haba ng bigkas ng pantig sa mga salita na may pantig o
katinig.
Ang Hinto o Tigil ay panandaliang paghinto sa pagsasalita sa pangungusap
na sinasabi na ginagamitan ng kuwit at tuldok.
A.1. Diptonggo – ay binubuo ng patinig at malapatinig na tunog na /w/at /y/ na
makikita sa isang pantig.
ay- balay ey -reyna oy- kahoy uy-aruy aw-sitaw iw-aliw ow-wow
A.2. Klaster – ay dalawang magkaibang katinig na pinagsama sa isang pantig.
trabaho klase prinsesa plato tsinelas
A.3. Digrapo/Digrap – ay isang tunog na may dalawang katinig na NG o /en-ji/
ngipin ngayon banga ngiti sangay
A.4. Pares-minimal – ay pares na mga salita na halos magkapareho ang
bigkas, maliban sa isang tunog na nagpapaiba ng kahulugan
paso-baso misa-mesa abo-apo
II. Morpolohiya – tumutukoy sa pag-aaral sa pagbuo ng salita ng pinakamaliit na
yunit ng salita na na tinatawag na morpema.

A. Pagbabagong Morpopononemiko - ay pagbabagong ng anyo ng


morpema sa impluwensiya ng salitang isinasama.
1. Asimilasyon – ay mga pagbabagong nagaganap sa tunog na /ng/ sa
impluwensiya ng ponemang ikinabit.
Halimbawa: pang + bahay = pambahay,
pang + dagat = pandagat
pang + tubo = pantubo
2. Pagpapalit ng Ponema – ay pagbabagong nagaganap sa pagbuo ng
salita sa mga ponemang napapalitan.
Halimbawa: ma + dungis = marungis
in + langoy = languyin
3. Metatesis – dahil sa pagsama-sama ng morpema sa pagbuo ng salita, ang
mga salitang -ugat na nagpapalit ang posisyon dahil sa panlapi.
Halimbawa: yupi + in = yinupi /yupiin
atip + an =atipan/ aptan

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
4. Pagkakaltas ng Ponema – ay may pagbabagong nagaganap sa huling
ponemang patinig ng salitang -ugat sa pamamagitan ng paghuhulapi.
Halimbawa: dakip + in = dakipin=dakpin
bukas +an = bukasan=buksan
5. Paglilipat-diin – ay pagbabago ng diin sa mga salitang nilapian.
Halimbawa: sagana + ka + an= kasaganaan
buhay + ka + an= kabuhayan
6. May Angkop – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y
nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa
o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
Halimbawa: Wikain mo kamo
Hayaan mo hamo
Winika ko ikako
7. Maysudlong o Pagdaragdag ng Ponema – kung bukod sa may hulapi na
ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa
pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
Halimbawa: Antabayanan, antayan
Muntik – muntikanan, pagmuntikan,
pagmuntikanan

Basahin ang mensaheng ipinadala ni Gng. Madayag sa kanyang pamangking


pinapaaral sa Maynila na si Maddie gamit ang facebook messenger. Pansinin ang
mga salitang may salungguhit.

Pamangkin, kumusta ka? Kumusta ang pag-aaral mo sa


Maynila? Kung kami ng tiyuhin at mga pinsan mo ang tatanungin
mo ay mabuti naman sa awa ng Diyos.
Kumusta ang apartment? Pakisabi sa Kuya Dani mo na
aptan ang bubong bago dumating ang bagyo. Nakabili ba siya ng
pamatay ng daga? Nabalitaan ko kasi na libo-libong daga raw ang
naninira ng mga pananim diyan sa Maynila lalo na pagkatapos ng
bagyo. Pinadalhan ko siya ng pera na pambili ng pampatay ng mga
daga pati na rin pantukod sa mga bintana.
Balitaan mo naman ako ng mga nangyayari riyan
pamangkin.

Pag-aralan mo ang mga salitang may salungguhit. Wala ka bang napansin sa


pagkakasulat ng mga ito?

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
Tingnan ang pinanggalingan ng mga salitang nabanggit.
Salitang-ugat Nabuong Salita
tanong tatanungin
atip aptan
patay pamatay
libo libo-libo
tanim pananim
dala pinadalhan
bili pambili
tukod panukod
balita balitaan
diyan riyan

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong pagbabago ang naganap sa mga salitang-ugat na bumuo ng bagong
salita?
2. Aling mga salita ang nilapian?
3. May pagbabago rin bang naganap dito?

Gawin ang mga sumusunod:

A. Panuto: Magbigay ng tiglilimang (5) salita batay sa diyalekto na iyong


ginagamit na may diptonggo, klaster, pares-minimal at digrap.

Diptonggo Klaster Pares-Minimal Digrap

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
Gawin ang mga sumusunod:
B. Panuto : Isulat sa sagutang papel ang uri ng pagbabagong morpoponemiko na
naganap sa salita sa bawat bilang.

Salita Nabuong Salita Pagbabagong


Morpoponemiko

Halimbawa: dilig pandilig asimilasyon

pangbukas pambukas 1.

takipan takpan 2.

madami marami 3.

gamot gamutin 4.

kuhanin kunin 5.

lunas lunasan 6.

buhay kabuhayan 7.

madungis marungis 8.

tawidan tawiran 9.

taniman 10.
tamnan

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
A. Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa KAHON A at ang uri ng pagbabagong
morpoponemiko sa KAHON B. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
KAHON A KAHON B
1. palikudan – palikuran A. Metatesis
2. pangpalengke – pamalengke B. Asimilasyon
3. iniwasto – iwinasto C. Pagpapalit ng ponema
4. kuhanin – kunin D. Pagkakaltas ng ponema
5. pagwasto – pagwawasto E. Pagkakaltas
F. Reduplikasyon

B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pagbabagong morpoponemiko kung ito


ay Asimilasyon, Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Pagpapalit ng
Ponema, Paglilipat-diin, May-angkop o May sudlong.

Pagbabagong naganap Uri ng Morpoponemiko


Halimbawa: gabi panggabi Asimilasyon
1. Atipan _
2. Ikako
3. Taniman
4. Pantali
5. yariin _
6. silidan
7. halikan _ _
8. pangpamayanan _ _
9. lapadan _ _
10. tawidin

A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pares ng mga salita kung ito ay
diptonggo, klaster, pares-minimal o digrapo. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_ 1. wari-yari _ 6. ngayon- sangay
_ 2. angkat- angat ____________ _ 7. transportasyon-kongregasyon
_ 3. preso-braso _ 8. sobre-pobre
_ 4. pantay-panday _ 9. gulat-balat
_ 5. aruy- reyna _10. ngiti-nguso

7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)
B. Panuto: Isulat at tukuyin ang pagbabagong morpoponemiko sa mga naganap sa
mga salita.
1. kamot + /-in/ =
2. tanim + /-an/ =
3. /mag-/ + tawag =
4. bigay + /-an/+ =
5. tawa + /-han/ =
6. laga + /-in/ =
7. talab + /-an/ =
8. atip + /-an/ =
9. lakas + /-an/=
10. /pa-/ + alaala +/-han/ =
C. Panuto: Piliin ang angkop na salita loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap. Isulat lamang ang salitang napili sa sagutang papel.
1. (Hinigop, Ininom) ni Lalaine ang tubig ng buko na nasa bao.
2. Tigtatlumpong piso ang bawat (salansan, tumpok) ng kalamansi.
3. Lakad (ng, nang) lakad ang pulubi sa daan.
4. Pinagbuksan niya ng (pinto, pintuan) ang kanyang nanay.
5. Ako ay ikaw (din, rin) kapag sumasagot ng modyul.

Napakagaling! Napakahusay ninyong sumagot. Panatilihin ang inyong


kasipagan at pagkamasigasig sa mga susunod pang aralin.

8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
talakayan (F11PT – IIe – 87); at Napipili ang angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan (F11PS
– IIe – 90)

You might also like