You are on page 1of 22

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter-Ikalawang Linggo (Aralin 2)

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(Monolingguwalismo, Bilingguwalismo,
Multilingguwalismo, Heterogenous
at Homogenous na Wika, at Barayti ng Wika)

KATTIE C. TAGUD RHYNE MAE S. GALES

MARITES C. CAPILITAN, Ph. D.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Baitang 11-Komunikasyon
Kompetensi: at Pananaliksik
Natutukoy ang mga kahulugansa Wika at Kulturang
at kabuluhan Pilipino
ng mga konseptong pangwika
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sarilingkonseptong pangwika
kaalaman, pananaw,
(F11PT
at mga– Ia – 85); Naiuugnay
karanasan (F11PD –ang
Ib –mga
86); konseptong pangwika
at Nagagamit sa sariling
ang kaalaman kaalaman, pananaw,
sa modernong at
teknolohiya
mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga Konseptong Pangwika
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang modyul o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga


paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

Writers: Ma. Lulubel C. Claro, Ruel Casipe Jr., Kattie C. Tagud


Rhyne Mae S. Gales, Joseph P. Cagcon, Ma. Tita E. Cadavos

Illustrators: Roel Palmaira, Precious E. Garcia


[

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin
nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Mga Konseptong Pangwika
(Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo,
Heterogenous at Homogenous na Wika, at Barayti ng Wika)
Wika ang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan at
pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay mula sa dakilang pagpapala ng Diyos,
upang maipahayag ng tao ang ano mang naiisip, nadarama, nakikita at nararanasan
sa mundong kanyang ginagalawan sa araw-araw. Nabibigkas mo ang langga o
pangga bilang pagpapahayag mo ng pagmamahal.
Sa paglipas ng panahon ang wika saan man sa mundo ay patuloy na
nagbabago at umuunlad kaalinsabay sa pangangailangan ng mga gumagamit nito.
Maraming bagong salita ang nadagdag sa ating bokabularyo taon-taon. Bunga nito,
ang tao naging bihasa hindi lamang sa wikang kinagisnan.
Sa modyul na ito karagdagang kaalaman ang iyong matututuhan kaya
sasanayin ka sa mga kompetensi na:
• natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika (F11PT – Ia – 85);
• naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at
• nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
(F11EP – Ic – 30)
Para matugunan ang mga inaasahang matamo matapos ang araling ito,
narito ang mga tiyak na layunin:
• nakikilala ang Monolingguwalismo, Bilingguwalismo,
Multilingguwalismo;
• natutukoy ang Heterogenous at Homogenous na Wika; at
• naiisa-isa ang barayti ng wika

Tayo na at tumuklas ng bagong kaalaman!

A. Panuto: Suriin ang sariling pagkatuto ng wika, salungguhitan sa loob ng


panaklong ang salitang angkop sa iyong pagsusuri upang mabuo ang
sumusunod na mga pahayag.

1. Sa (tahanan, paaralan, tindahan) ako unang natutong magsalita.

2. Dahil sa aking pagkatuto sa paaralan, ako ay nagkaroon (monolinggwal,


bilingguwal, multilingguwal) na kakayahan sa wika.

1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
3. Ang bansang aking kinabibilangan ay may (isa, dalawa, marami) na wikang
umiiral sa buong kapuluan.

4. Ako ay natuto sa (tahanan, paaralan, tindahan) ng iba pang wika maliban sa


wikang aking sinasalita.

5. Ang (sosyolek, idyolek, dayalek) baryasyon ng wikang may kinalaman sa


estado at katayuan sa lipunan.

A. Basahin at unawain.
Isang unique na katangian o natatangi lamang sa tao ang paggamit ng wika
sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapuwa. Ang pagkamalikhain ng wika ay
makikita lamang sa kakayahan ng tao at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop
(Chomsky, 1965). Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng tao ang kanyang
mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin at iba pang bagay sa
pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman
masasabing ang wika at natatangi lamang sa tao at hindi sa ibang nilalang. Tanging
tao lamang ang nakakapagsalita at gumagamit ng wika kaya’t masasabing ang wika
ay pantao.
Anupa’t maituturing na isang mahalagang biyaya sa tao ang kakayahang
makipagtalastasan gamit ang wika. Ang kakayahan sa paggamit nito ay nasasalig sa
isipan, damdamin at kilos ng tao resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan – kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng
kanyang pangarap at mithiin sa buhay. Nararapat lamang nating pagyamanin ang
kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lamang sa sarili kundi
sa higit sa lahat sa nakararami.

Lingguwistikong Komunidad
Ang lingguwistikong komunidad ay pangkat o grupo ng mga taong
kabahagi ng isang paniniwala, kaugalian, tradisyon, at wika.
Ito ay kabuuang katangian ng taong kinakatawan ng regular at kadalasang
interaksiyon sa pamamagitan ng katawan at berbal na senyales at ang
makabuluhang pagkakaiba sa gamit ng wika (Gumperz, 1968). Binigyang-diin niya
na buo pa rin ang sistema dahil sa set ng panuntunang sosyal sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng wika.
Binanggit ni Chomsky (1965) na ang linggwistikong komunidad ay nagbibigay
– tuon sa ugnayan ng nagsasalita at ng nakikinig sa isang komunidad na

2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
“homogeneous” na batid at alam ang kanilang sariling wika at hindi naaapektuhan ng
pagkakamali sa gramatika at interes sa pakikipag-usap.
Isang pangkat ng mga taong nagkakaintindihan sa layon at estilo (salita,
tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang sila lamang ang
nakakaalam at nagkakaunawaan (William Labov, 1972). Dagdag pa niya, ang
linggwistikong komunidad ay hindi nabibigyan ng kahulugan ayon sa elemento ng
paggamit ng wika, gayundin ng partisipasyon sa isang set ng pinagkasunduang
pamantayan.
Si Dell Hymes ay nagsabi na komunidad ng mga taong kabilang sa isang
patakaran at pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Dagdag pa ni Harriet Joseph
Ottenheimer, ang lingguwistikong komunidad ay pangkat ng mga taong kabilang sa
paggamit ng isa o higit pang mga barayti ng wika kung saan sila ay nagkakasundo
sa patakarang ito, na ginagamit nila sa pang-araw-araw tuwing makikipagtalastasan.

Unang Wika at Pangalawang Wika


Unang wika ang tawag sa wikang nakagisnan ng tao mula sa kanyang
pagsilang at unang itinuro sa kanya. Ito din ay katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito, pinakamabisang
naipahahayag ng tao ang kanyang mga saloobin, ideya, kaisipan, damdamin, layuni
at maging mithiin sa buhay.
Tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang
wikang natutuhan ng isang bata sa kanyang tahanan mula nang mamulat siya sa
mundong ibabaw. “Taal” na tagapagsalita ng wika ang isang tao kung ang kanyang
unang wika ay ang wikang pinag-uusapan o wikang ginagamit niya sa pang-araw-
araw.
Sa paglipas ng panahon, lumalaki ang bata at nagkakaroon siya ng exposure
o pagkalantad sa iba pang wika sa kanyang kapaligiran na maaaring mula sa radyo,
telebisyon o sa iba pang midyum gaya ng mga makabagong teknolohiya sa
kasalukuyang panahon, sa kanyang paaralan at maging sa kanyang komunidad.
Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure o pagkalantad sa isa
pang wika dahil bihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika dahil
maiituturing multilingguwal na bansa ang Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang wikain
at dayalekto. Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang
natututuhan at magagamit niya na rin sa pagpapahayag at pakikipag-usap sa ibang
tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Ayon sa mga dalubhasa sa wika, ang pangalawang wika o L2 ay tumutukoy


sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at
magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika. Ito ay bunga ng
kanyang exposure sa iba pang mga wika.

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Halimbawa:

Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ay


pangalawang wika para sa kanila. Ang Cebuano, Ilokano, Pangasinense,
Ingles, Niponggo, Mandarin at iba pang wikang maaari nilang matutuhan ay
matatawag na kanilang pangalawang wika.

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo


Ang pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
gaya ng umiiral sa mga bansang Hapon, England, South
Korea, Pransya at iba pa kung saan ginagamit sa
edukasyon ang iisang wika bilang wikang panturo sa
lahat ng larangan o asignatura. Sa sistemang ito ay may
iisang wikang bukod-tanging umiiral bilang wika sa
komersiyo, negosyo at maging sa pakikipagtalastan sa
Monolingguwalismo
pang-araw-araw na buhay.
Ang Pilipinas ay isang kapuluan at may iba’t ibang
wika at wikain sa bansa kaya’t mahihirapang umiral ang
sistemang monolingguwal.
Isang Amerikanong lingguwista na si Leonard
Bloomfield (1935) ang nagbigay-kahulugan sa
bilingguwalismo bilang pagkontrol at paggamit ng tao
sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang
una o katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni
Bloomfield na maaaring maikategorya sa tawag na
“perpektong bilingguwal” ay tinutulan ng
pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pang
lingguwista na nagsabing ang bilingguwal ay isang taong
may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pagsasalita ,
pakikinig, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban
sa kanyang unang wika.
Bilingguwalismo Ang isang tao ay maituturing na bilingguwal kung
magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa
lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat
magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang
pantay o halos hindi matutukoy kung alin sa dalawa ang
una at ang pangalawang wika, na ayon kina Cook at
Singelton (2014) ay tinawag nilang balanced bilingual
ang mga taong nakagagawa nang ganito. Mahirap silang
hanapin sapagkat karaniwang nagagamit ng mga
bilingguwal ang wikang naaangkop sa sitwasyon at sa
4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
taong kausap nito.
Hindi natin maiiwasang makisalamuha at
makipag-interaksyon sa iba maging sa mga taong may
kakaibang wika. Sa ganitong sitwasyon, nagkakaroon ng
pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong
wika at nang maiaangkop niya ang sarili sa panibagong
lipunang kinabibilangan niya. Sa tuloy-tuloy na
pagkalantad niya sa mga tao o pakikinig sa mga
nagsasalita ng wika, unti-unti’y natututuhan niya ang
bagong wika hanggang sa hindi niya namamalayang
matatas na siya rito at nagagamit na niya nang mabisa at
mahusay ang bagong wika sa pakikipagtalastasan at sa
pagpapahayag ng kanyang mga personal na
pangangailangan. Sa puntong ito’y masasabing
bilingguwal na siya.
Maituturing isang kapuluan ang bansang Pilipinas
kaya’t nagkakaroon ito ng iba’t ibang wika at wikain.
Mahigit sa 150 wika at wikain ang kasalukuyang
sinasalita ng mga tao rito kaya’t maituturing na
multingguwal ang bansang ito. Karamihan sa mga
Pilipino ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino,
Ingles at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang
wika o mga wikang nakagisnan. Subalit sa kabila pa rin
nito, ang wikang Filipino at wikang Ingles pa rin ang
nagsisilbing wikang panturo sa mga paaralan sa loob ng
mahabang panahon.
Gayunpama’y nananatiling laganap sa
nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang
wika o katutubong wika sa halip na Filipino at Ingles.
Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12
Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para
Multilingguwalismo
sa magiging wikang panturo partikular sa Kindergarten at
sa Baitang 1, 2 at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother
Tongue Based-Multilinggual Education. Ang mga
pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO
16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines on the
Implementation of Mother Tongue Based-Multilinggual
Education (MTB-MLE). Lumalabas sa maraming pag-
aaral na mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung
unang wika ang gagamitin sa pagtuturo at pagkakatuto
sa paaralan.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing
wika o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa
upang gamitin wikang panturo at ituturo din bilang
hiwalay na asignatura. Ang walong pangunahing wika ay
ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,
Waray, at ang apat na iba pang wikain ay ang Tausug,
Maguindanaoan, Maranaw at Chavacano.
Taong 2013, makalipas ang isang taon ay
idinagdag ang pitong wikain kaya’t naging labinsiyam na
ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang
sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa
Tuguegarao City, Cagayan at Isabela; Ivatan para sa
mga taga Batanes; Sambal sa Zambales; Aklanon sa
Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique; Yakan sa
Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang
Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga
karatig-lalawigan nito.

Heterogenous at Homogenous na Wika


Maituturing buhay ang wika kung patuloy itong ginagamit ng nakararami.
Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous sapagkat ang bawat wika
ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Ayon kay Paz, et. al (2003), masasabi
lamang kasing “homogenous” ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng
gumagamit ng isang wika. Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito
ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng kasarian,
hanapbuhay o trabaho, edad, antas ng pinag-aralan, kalagayang panlipunan,
rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad
kung saan tayo’y nabibilang at iba pa. Ipinakikita ng iba’t ibang salik panlipunang ito
ang pagiging heterogenous ng wika. Ang mga salik na ito ay nagbunga sa
pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.

Barayti ng Wika
Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng
pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang larangan o panig sa bansa.
Ang pagkakaroon ng pagkakaiba o baryasyon ay hindi dapat lumikha ng
kaguluhan at pagtatalo kung ano at alin ang dapat na linangin o maging superyor sa
lahat. Ito ay dapat na ituring na kaangkin ng isang wikang buhay at dinamiko.
May dalawang dimensiyon ang baryasyon: (1) heyograpiko at (2) sosyo-
ekonomiko (Constantino,2002).

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Sa dimensyong heyograpiko o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar, nagkakaroon
ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao. Sa dimensyong sosyo-ekonomiko,
nabubuo ang mga sosyolek dahil sa pagkakaiba ng katayuan sa buhay ng tao sa
lipunan o komunidad. May barayti ng wika ang mga mayayaman, masa, may pinag-
aralan, tambay, babae, lalaki at iba pa.
Pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga
nagsasalita nito sa kasalukuyang panahon. Ito ang nagbunga ng sitwasyon at mga
pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence, ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika (Paz, et.al 2003).
Kilalanin natin ang bawat barayti ng wika.

Uri ng Barayti ng Wika

Barayti ng Wika Katangian Halimbawa


Idyolek Tawag sa kabuuan ng mga Kilala ang idyolek ni Boy
katangian sa pagsasalita ng tao. Abunda at Kris Aquino kaya
Tangi sa isa o pangkat ng mga lagi itong ginagaya sa
tao na may komon na wika ang Banana Split/ Banana
uring ito. May mga taong Sundae nina Jason Gainza
kilometriko at mabulaklak kung at Angelica Panganiban.
magpahayag. May mga ilan ding Naging viral din ang idyolek
nakagawiang magsalita nang ng mga bantog na
malakas o di kaya ay naman ay komentarista sa radyo at
mahina at mabagal. Mayroon telebisyon tulad nina
ding mga tao na may isang “Kabayan” Noli De Castro,
salitang nakasanayan nang “Magandang Gabi, Bayan”;
banggitin nang paulit-ulit sa Mike Enriquez, “Hindi
bawat linya ng kanilang namin kayo tatantanan!”; at
pangungusap. ni Ted Failon na “ang sigaw
ng sambayanan, Hoy
Sa barayting ito, lumulutang ang
Gising, naglilingkod
katangian at kakanyahang
saanman sa mundo”.
natatangi ng taong nagsasalita.
Nariyan din ang idyolek ng
Sinasabing walang dalawang
iba pang kilalang
taong nagsasalita ng iisang wika
personalidad na madalas
ang bumibigkas nito nang
nagagaya o nai-
magkaparehong-magkapareho.
impersonate tulad nina
Dito lalong napatunayang hindi
Ruffa Mae Quinto, “Todo na
homogenous ang wika sapagkat
toh”! “To the highest level
may pagkakaiba ang paraan ng
na talaga itoh!” Si Gas
pagsasalita ng isang tao sa iba
Abelgas sa kanyang
pang tao batay na rin sa kani-
SOCO; Boy Abunda,
kanyang indibidwal na estilo o
“Magandang umaga,
paraan ng paggamit ng wika
7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
kung saan higit siyang kaibigan, good morning
komportableng magpahayag. Krizzy, kaibigan, usap
Madalas na nakikilala o tayo”; Si Erap Estrada na
napababantog ang isang tao lagi niyang banggit “walang
nang dahil sa kanyang kumpare-kumpare, walang
natatanging paraan ng kamag-anak, kamag-anak,
pagsasalita o idyolek. huwag ninyo akong
Ang paggamit ng wika sa subukan at marami pang
sariling paraan ng isang iba.
indibidwal na yunik o pekulyar
“Siguro nga ammm...
sa kaniya. Kabilang dito ang Dapat tayong magkaisa
ginagamit na bokabolaryo, ok... Ito ay ammmm...
gramatika at pagbikas. Sa Susi sa pagkakaroon
ng katahimikan sa
madaling sabi, ang idyolek ay
bansa, ok? Kung hindi
tumutukoy sa paraan ng ngayon,
paggamit ng wika ng isang tao. ammmmm...Kailan pa
kaya? Dapat ay ngayon
na, ok?”

Dayalek Sinasabing ang pagsasalita o Dayalek ng wikang Tagalog


ang pagbigkas ng mga salita ng ang barayti ng Tagalog sa
mga tao ay halos Morong, Tagalog sa
magkakapareho, kapansin- Batanggas, Tagalog sa
pansin na ang mga mga taga- Maynila at Tagalog sa
lalawigan ay may iba’t ibang Bisaya. Ang isang Bisayang
punto at ang bawat lugal may nagsasalita ng Tagalog o
natatangi silang paraan ng Filipino, halimbawa, ay may
pagbigkas ng mga salita. Isang tonong hawig sa Bisaya at
barayti ng wikang sinasalita ng gumagamit ng mga leksikon
mga tao sa heyograpikong o ilang bokabularyong may
komunidad at nauuri ayon sa pinagsamang Tagalog at
lugar, panahon at katayuan sa Bisaya na tinatawag ding
buhay ng mga taong “TagBis” o Taglog na may
nagsasalita. Tinatawag din itong kahalong Bisaya (Cebuano,
panrehiyunal o wikain. Hiligaynon, Kinaray-a,
Waray, Samarnon, Aklanon
Maaaring gumagamit ang mga
at iba pa. Dito kadalasang
tao ng isang wika katulad ng iba
pinapalitan ang panlaping
pang lugar subalit naiiba ang
um ng mag. Halimbawa,
punto o tono, may magkaibang
“Magkain tayo sa mall.”
katawagan para sa iisang
(Tagalog sa Bisaya) Hindi
kahulugan, iba ang gamit na
man ito kaparehong-
salita para sa isang bagay, o
kapareho ng Tagalog sa
magkaiba ang pagbuo ng mga
Maynila na “Kumain tayo sa
8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
pangungusap na siyang mall”. (Tagalog sa Maynila)
nagpaiba sa dayalek ng lugar sa ay tiyak na
iba pang lugar. magkakaintindihan pa rin
ang dalawang nag-uusap
gamit ang baryasyon ng
wika sa kani-kanilang
lalawigan o rehiyon.
Sosyolek Barayti ng wika na ginagamit sa Kabilang din sa sosyolek
mga relasyong sosyal hango sa ang “wika ng mga beki” o
sosyal-dayalek. Ito ay tinatawag ding gay lingo,
nakabatay sa katayuan o antas gay speak, bakla-bolaryo.
panlipunan o dimensiyong Ito’y isang halimbawa ng
sosyal ng mga taong gumagamit grupong nais mapanatili
ng wika. Kapansin-pansing ang ang kanilang
mga tao ay nagpapangkat- pagkakakilanlan kaya
pangkat batay sa ilang naman binabago nila ang
katangian tulad ng kalagayang tunog o kahulugan ng
panlipunan, paniniwala, salita. Halimbawa ang mga
oportunidad, kasarian, edad at salitang Tom Jones para sa
iba pa. gutom na, Luz Valdez-
natalo, bigalou o malaki
Sinasabi naman itong
(big), Givenchy o pahingi
pansamantalang barayti
(give), Juli Andrews o
sapagkat nadedevelop ito sa
mahuli, at iba pa. Ang
pamamagitan ng malayang
unang intensyon nito ay
interaksyon at sosyalisasyon
para magkaroon sila ng
natin sa isang partikular na
sikretong lengguwaheng
grupo ng mga tao.
hindi maiintindihan ng mga
May pagkakaiba ang barayti ng taong hindi kabilang sa
nakapag-aral sa hindi nakapag- kanila. Isang patunay na
aral; ng matatanda sa mga ang wika ay buhay at
kabataan; ng mga may kaya sa mabilis yumabong. Patunay
mahihirap; ng babae sa lalaki, o rin ito na malakas ang
sa bakla; gayundin ang wika ng impluwensiya ng “gay lingo”
preso; wika ng tindera sa dahil hindi na lang sa mga
palengke; at ng iba pangkat. beauty parlor naririnig ang
Ayon kay Rubrico (2009), ang mga ito kundi sa iba’t ibang
sosyolek ay isang mahusay na lugar at pagkakataon na rin.
palatandaan ng istratipikasyon Nabibilang din sa
ng isang lipunan, na siyang barayting sosyolek ang
nagsasaad sa pagkakaiba ng wika nga mga “coňo” na
paggamit ng wika ng mga tao na tinatawag ding coňotic o
nakapaloob dito batay sa conyospeak isang baryant

9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
kanilang katayuan sa lipunan at ng Taglish. Sinasalita ng
sa mga grupo ng kanilang mga sosyal o pasosyal. Sa
kinabibilangan. Para matanggap Taglish ay may ilang
ang isang tao sa isang grupong salitang Ingles na inihahalo
sosyal, kailangan niyang sa Filipino kaya’t
matutuhan ang sosyolek nito. masasabing may code
switching na nangyayari.
Halimbawa, pangungusap
na “Wait lang, papunta na
ako.” kung saan ang
salitang Ingles na wait ay
naihalo sa iba pang salita
sa Filipino. Sa “coňotic” o
“conyospeak” ay mas
malala ang paghahalo ng
Tagalog at Ingles na
karaniwang ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make
na ikinakabit sa mga
pawatas na Filipino tulad ng
“make ligo, make kain,
make basa,” at madalas
ding kinakabitan ng mga
ingklitik sa Filipino tulad ng
pa, na, lang at iba pa. Ito ay
karaniwang maririnig sa
mga kabataang may kaya
at nag-aaral sa mga
ekslusibong paaralan. Sa
usapang ito, mapapansin
ang conyo speak:

Kaibigan 1: Let’s make kain


na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m
calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na.
We’ll gonna make pila pa.
It’s so haba na naman for
sure.
Kaibigan 2: I know, right.
Sige, go ahead na.

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Ang jejemon o jejespeak ay
nakabatay rin sa mga
wikang Ingles at Filipino
subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero,
mga simbolo at may
magkasamang malalaki at
maliliit na titik kay’t mahirap
basahin o intindihin lalo na
nang hindi pamilyar sa
tinatawa ng jejetyping.
Noong una’y nagsimula
lang ito sa kagustuhang
mapaikli ang salitang itina-
type sa cell phone upang
mapagkasya ang
ipadadalang SMS o text
message na may limitadong
160 puwang kada mensahe
para sa mga titik, numero at
simbolo lang kaya sa halip
na “Nandito na ako” pinaiikli
at nagiging “d2 na me”.
Pansinin ang mga
halimbawa:
3ow ph0w, mUsZtAh nA
phow kaOw?
“Hello po, kumusta nap o
kayo?”
aQcHuHh iT2h “Ako ito.”
iMiszqcKyuH
“I miss you.”
MuZtaH
“Kumusta?”

Ang jeproks ay mga


salitang binabaligtad ang
mga pantig at minsan ay
pagdagdag ng mga titik na
ginagamit at pinauso ng
isang pangkat o grupo.
Sumikat noong 1970’s.
Makikita sa ibaba ang ilang

11
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
mga halimbawa at ang
katumbas na kahulugan
nito.
ermats – mother/ina
olats – talo
amats – tama
yosi – sigarilyo
dehins – hindi
repapips – pare

Etnolek Barayti ito ng wika na Mga halimbawa:


nadedebelop mula sa mga salita Palangga na ang ibig
ng mga etnolingguwitikong sabihin ay mahal o
pangkat. Dahil sa pagsibol ng minamahal
mga pangkat-etniko sa Pilipinas, Vakkul na tumutukoy sa
gamit ng mga Ivatan na
lumaganap na rin ang iba’t
pantakip sa ulo sa init man
ibang etnolek. Ang mga salitang
o sa ulan
ito ay nagmula sa pinagsamang Kalipay na ang ibig sabihin
etniko at dayalek. Taglay nito ay tuwa o ligaya
ang mga salitang nagiging Tohan tawag sa Diyos
bahagi na ng pagkakakilanlan Munsala na ang ibig
ng bawat pangkat-etniko. sabihin ay sayaw
Paggamit ng mga Ibaloy ng
SH sa simula, gitna at dulo
ng salita tulad shuwa
(dalawa), sadshack
(kaligayahan), peshen
(hawak)

Ekolek Mga kataga na kadalasang Mga halimbawa ay


sinasalita at nagmumula sa loob inihaw/sugba, tinola/
ng bahay. sinabawan/sinigang.

Pidgin Ang wikang maituturing na Halimbawa, ang mga Intsik


walang pormal na estruktura. sa Binondo na
Binasagang Nobody’s native napagsasama-sama nila
language o katutubong wikang ang mga salitang Intsik at
di pag-aari ninuman. Ginagamit Filipino.
ng dalawang indibidwal na nag-
uusap na may dalawang
magkaibang wika. Nadedevelop
ito dahil na rin sa
pangangailangan na makabuo
ng isang pahayag at walang
komon na wika. Umaasa
12
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
lamang sa “make-shift” na salita
o mga pansamantalang wika
lamang dahil kailangan sa isang
partikular na gawain gaya ng
pagnenegosyo.
Creole Barayting nadebelop dahil sa Halimbawa rito ay ang
pinaghalo-halong salita ng Chavacano ng Zamboanga,
indibidwal, mula sa magkaibnag Chamoro ng Guam
lugar hanggang sa ito ay
nagging pangunahing wika ng
particular na pook. Produkto ito
ng pidgin na wika, kung saan
nadedevelop naman ang pormal
na estruktura ng wika sa
puntong ito. Mayroon na itong
sariling tuntuning
panggramatika.

Register Isang baryasyon sa wika na Halimbawa, ang register sa


may kaugnayan sa taong print media ay tabloid,
nagsasalita o gumagamit ng broadsheet, editoryal;
wika. Tumutukoy ito sa mga register sa broadcast media
salita ng espesyalisadong ay primetime,
nagagamit sa isang partikular na advertisement, broadcast;
domeyn. register sa pangisadaan ay
angkla, baklad, laot; at
register sa isports ay time
out, referee, overtime.

Dayag, A. at Mary Grace del Rosario (2016). Pinagyamang Pluma (K to 12)


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

B. Gawin at Suriin
Panuto : Matapos basahin at suriin ang mga konseptong pangwika, pag-aralan
at sagutin ang mga sumusunod na tanong at gawain.

1. Ano ang pinagkakaiba ng unang wika o L1 sa pangalawang wika o L2?


Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
____

___________________________________________________________________

13
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
2. Bigyan ng katuturan ang konseptong pangwika at ibigay ang opinyon/reaksiyon:

Konseptong Pangwika Deskripsyon Opinyon/Reaksiyon

Monolingguwalismo -

Bilingguwalismo -

Multilingguwalismo-

3. Ano-ano ang gamit ng Filipino bilang wikang opisyal? ng Ingles?


Sagutin gamit ang talahanayan sa ibaba.

Wika Gamit

Filipino

Ingles

4. Ipaliwanag kung bakit mahirap maging monolingguwal ang isang bansa gaya ng
Pilipinas? Anong katangian mayroon ang bansang ito na hindi angkop para sa
sistemang monolingguwal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Bakit ipinatupad ang multilingguwal na sistema ng wikang panturo sa K to 12
Curriculum mula sa sistemang bilingguwal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6. Ano ang mga salik na pinagmumulan ng pagkakaiba o nga mga barayti ng wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7. Paano nagkaroon ng iba’t ibang barayti ng wika?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

14
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
8. Sa tulong ng Concept web, lagyan ng deskripsyon ang mga sumusunod nga
baryasyon ng wika:

idyolek dayalek

etnolek

sosyolek ekolek

9. Sa tulong ng Venn Diagram ipakita ang pagkakaiba ng Pidgin sa Creole?

Pidgin Creole

10. Ang gay lingo, coño, jejemon, at jeproks ay kabilang sa sosyolek. Ano ang gamit
mo sa pagsasalita? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

15
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain A.
Panuto: Gamit ang natutuhang konseptong pangwika, gumawa ng mga
sumusunod:
1. Sumulat ng isang komposisyon/awitin gamit ang iyong unang wika o
mother tongue.
2. Isalin sa Filipino ang nabuong komposisyon o awitin.
3. Kriterya ng gawain:
Ideya 20 pts
Nilalaman 20 pts
Wastong gamit ng konseptong pangwika 10 pts
Kabuuan …………………………………….…….....…........50 pts

Orihinal na Teksto Salin na Teksto

Gawain B.

1. Balita mo, I-post mo!

Panuto: Kunwari ang nasa ibaba ay ang iyong Facebook Account. Gamit
ang natutuhang konseptong pangwika (Una at Pangalawang
Wika), sumulat ng isang balita batay sa napiling wika (Kinaray-a,
Hiligaynon o Filipino). Malayang pumili ng paksang tatalakayin at
ipost sa iyong FB account.

Kawili-wili ang mga paksang ibinalita - 15 pts


Makatotohanan at makabuluhan - 15 pts
Tuntuning Pangwika at Gramatika - 10 pts
Wastong gamit ng konseptong pangwika - 10 pts
Kabuuan …………………………………......................50 pts
16
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain A
Panuto: Tukuyin ang konseptong pangwikang binigyang-kahulugan sa bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ 1. Ito ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
______ 2. Wikang natutuhan dulot ng exposure o pagkalantad sa ibang wika. Ito
kasi ang karaniwang wikang ginagamit sa kapaligiran.
______ 3. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng
edukasyon, wika ng komersiyo, wika ng negosyo, wika ng
pakikipagtalastasan at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.
______ 4. Ito ang kasalukuyang bilang ng mga wika at wikain sa bansang itinalaga
ng DepEd upang magamit bilang wikang panturo mula sa kindergarten
hanggang Grade 3.
______ 5. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang
pidgin ay naging likas na wika o unang wika ng batang isinilang sa
komunidad.
______ 6. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian
at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
______7. Sa barayti ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas
panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
______8. Ito ay barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko.
______9. Tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sekretong wika
subalit kalauna’y ginagamit na rin ng nakararami.
______10. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
______11. Ito ang patakaran kung dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa
pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan.
______12. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring puro
sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti dala
ng mga salik panlipunan.

17
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain B
Panuto: Batay sa iyong natutuhan kaalaman, pananaw at karanasan, tukuyin kung
sa anong barayti ng wika napabilang ang mga sumusunod na mga pahayag
o sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Mike


Enriquez na “Excuse Po”.
______2. Nagta-tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal, pero may punto silang ka
kaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro Manila.
______3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na
ang malutong niyang, “nakakaloka, no Boy, ahahaha?”
______4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa
Binondo bago paman dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong
walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang
sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
______5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo
na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng
kanilang mga naging anak.
______6. Maririnig sa usapan nina Elvin a.k.a. “Elvie” at ng kaibigan niyang si Erik
a.k.a. “Erica” ang mga salitang churva, eklavu, chufafa at iba pa.
______7. Narinig ni Jenny ang pag-uusap ang dalawang babae sa unahan niya
habang nakasakay sa dyip ang mga salitang Sf1, DLP at grading sheets.
Mula rito’y napagtanto niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
______8. Maharot, nagkukulitan at magagaspang ang pananalita ng magkaklaseng
Lawrence at David habang inihahanda ang gamit para sa pag-uulat sa
harap ngunit nang biglang pumasok ang guro ay biglang nag-iba at
naging pormal ang paraan ng kanilang pagsasalita.
______9. Natutuhan ni Julio ang salitang palangga mula sa mga Ilonggo nang
magbakasyon siya sa Iloilo. Saan man siya mapunta ngayon, kapag
narinig niya ang salitang palangga ay alam niyang ang salitang ito ng mga
Ilonggo ay pagmamahal ang ibig sabihin.
______10. “Gandang gabi kapamilya!” ito ang pamosong linyang binibigkas Vice
Ganda sa kanyang programang Gandang Gabi Vice. Kahit hindi ka
nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay
tiyak na malalaman mong si Vice nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng
pagbigkas.

18
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain C.
Panuto: Punan ang mga kahon ng halimbawa ng barayti ng wika na nagmula sa
iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. Isulat ang mga sagot
sa sagutang papel.

Barayti ng Wika
Punan ang kahon ng Punan ang kahon Punan ang kahon Punan ang kahon
tatlong gay lingo o ng isang ng isang ng limang jargon/
salitang beki na alam pangungusap na pangungusap na register ng
mo at ang kahulugan sinasabi ng coňo o nakasulat sa trabahong
ng bawat isa. sosyal. paraang jejemon. ninanais mong
makuha o
magampanan
balang araw.

Punan ang kahon ng Punan ang kahon Punan ang kahon Punan ang kahon
pangalan ng taong ng tatlong salitang ng isang salitang ng tatlong
may kilalang idyolek. gamit sa lalawigan maituturing ng salitang
Sumulat ng pahayag o rehiyong may etnolek at ibigay maituturing na
na madalas marinig ibang kahulugan ang kahulugan ekolek.
mula sa kanya. sa Tagalog ng nito.
Maynila.

Magaling! Iyong napagtagumpayan ang araling ito. Magpatuloy sa


susunod na aralin.

19
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)

You might also like