You are on page 1of 4

LEARNING

BLOCK 4
Mga Konseptong Pangwika
Module sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Grade 11
BANGHAY ARALIN

LIP 1: Unang Wika


LIP 2: Ikalawang Wika
LIP 3: Lingguwistikong Komunidad

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong


pangwika (F11PT – Ia – 85)

2. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,


google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP –
Ic – 30)

3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,


pananaw, at mga karanasan (F11PS – Ib – 86)

NILALAMAN

Unang Wika
Ano ang unang wika?

Sagot: Dito natututunan ng isang indibiduwal ang isang wika simula pagkabata
nito. Unang wika ang tawag kung ito ang unang nakagisnang wika at
natutunang wika. Hindi nahihirapan sa pakikipagtalastasan at gamitin sa
pagbasa at pagsulat dahil nakasanayan na.

Ano ang pinagkaiba ng unang wika ng isang indibiduwal sa iba pang uri ng
wika?

Sagot: Unang wika ang katuwang ng isang indibduwal sa pakikipag talstasan hindi
siya mapapahamak o mabibigo dahil ito ang nakasanayan niya at
naiintindihang wika, kaya mas madali niyang mailalahad ang kanyang
ideya o damdamin sa ibang taong kausap nito, hindi tulad ng pangalawa o
multilingguwal, may mga salita na dapat pang malaman o pag-aralan
upang mas madaling makipag-usap dahil narin sa komportable na itong
ilahad ang nasasa loob ng damdamin at isipan nito.

1
Module sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Grade 11

Ikalawang Wika
Ano ang Ikalawang wika?

Sagot: Ginagamit ng isang indibiduwal bukod sa nakagawiang wika. Mainam na


matutunan ng isang indibduwal ang pangalawang wika upang magamit sa
iba’t-ibang pangangailangan.

Saan maaring makasalamuha o matutunan ng isang indibiduwal ang


pangalawang wika?

Sagot: Maari itong makasalamuha kung ito ay pinag-aaralan dahil kaylangan, o


natutunan din ito dahil kasama ito sa pang araw-araw na pamumuhay
halimbawa nalang ang wikang ingles, madalas itong makita kung saan at
kung lalabas ng ibang bansa, wikang ingles ang tinatawag na “universal
language” kung saan ito ang ginagamit na wika sa komunikasyon sa iba’t-
ibang lugar.

Paano pa mas mapapalawig ang kaalaman sa ikalawang wika?

Sagot: Madaming paraan para mas palawig pa ang kaalaman sa pangalawang


wika. Maaring inaaral sa paaralan, pwede ding sa pag gamit nito pasalita
o maari din sa paggamit ng teknolohiya at makabagong teknolohiya tulad
ng Google, Facebook at iba pa nang sa ganitong paraan ay naeensayo
gamitin at mas maging magaling sa paggamit nito.

Lingguwistikong Komunidad
Ano ang Lingguwistikong Komunidad?

Sagot: Pinagbubuklod ng iisang wika ang isang komunidad na may iisang layunin
na maisagawa o nais ipabatid hindi lang sa pang-araw-araw na gawain kundi
sa gustong ipahayag na nagbubuklod sa bawat isa. May iba’t-ibang salik
ito.

Iba’t-ibang salik ng lingguwistikong komunidad.

o Ang wika ang siyang nagbubuklod sa bawat indibiduwal na nagpapakita ng


kaisahan at naipapakila sa iba upang mapalawig pa ang ginagamit na
wika.

2
Module sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Grade 11
o Nabibigyang interpretasyon ang ginagamit na wika at napapalawig pa ang
kaalaman sa mga panuntunan at naibabahagi sa iba.
o Nagbubuklod sa layunin na ang wika ay nabibigyang halaga at paniniwala
ayon sa gamit nito.

Halimbawa ng Lingguwistikong Komunidad

1. Sektor – Maalaking bahagi ng isang pangkat na natatangi.


Halimbawa nito ay ang sector ng mga manggagawa

2. Grupong Pormal – Isang pangkat na may mithiin at layunin na dapat


masunod.
Halimbawa nito ang Bible study group

3. Grupong Impormal – Isang pangkat na ang mithiin ay masiyahan ang


sariling kagustuhan.
Halimbawa nito ang barkada

4. Yunit – Isang pangkat na nagtatrabaho ng sama-sama sa isang tiyak na


tungkulin.
Halimbawa nito ang organisasyon ng mag-aaral sa paaralan.

You might also like