You are on page 1of 10

SAGUTIN

1. Noong ako'y nasa unang taon ng hayskul pa lamang, ay pinapahintulutan ng mga guro

ang paggamit ng wikang Filipino at ito rin ay ginagamit sa pakikipagtalayan sa klase. Sa

aking opinyon, mas madaling mauunawaan ang ating wikang nakasanayan. Maging ang

pagsagot sa klase ay napapadali ang pagpapahayag ng mga saloobin gamit ang wika kung

saan kami komportable. Sa katotohanan, kung aking bibigyang pananaw sa perspektibo

ko ngayon, ito ay nakaka-alarma sapagkat iyong mapagtatanto kung gaano kababaw ang

antas at paggamit natin sa wikang Filipino. Primaryang midyum lang ito ng

komunikasyon, ngunit pagdating sa akademiks ay kulang ang pagdebelop natin sa

istandardisadong wika, lalo na sa pagbuo ng mga korpora o talaan ng mga salita.

Gayunpaman, kung magkakaroon ng pagkakataon na pagyabungin at paunlarin pa ang

Wikang Filipino upang ito ay mapabilang sa mga intelektuwalisadong Wika, marahil

magkakaroon ito ng posibilidad na magampanan ang pagpaparating ng impormasyon ng

walang hadlang.

2. Ang terminolohiyang “pagpaplanong wika” (PW) ay unang ginamit ni Elmar Haugen

noong 1959. Bago ito, noong 1953, ang pagsisikap ni Assen na makalikha ng bagong

wikang Norwegian ay tinagurian ng ekspresyong metaporikal na “pag-aalsang pangwika”

(“linguistic revolt”). Ito ay nauna kaysa ang mga katawagan sa Czech na ginamit ng

Prague School noong mga ’30. Ang terminolohiyang ito ay nagsimulang maging popular

sa mga deskriptibistasa Filipinas nitó lámang huling yugto ng dekada ng mga ’70.

Gayunman, ang katotohanang ito’y hindi nangangahulugang walang pagpaplano ng wika

sa Filipinas kailanman. Kung susuriin natin ang Batas Komonwelt Blg 184, ang batas na
lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) at nagtakda ng mga tungkulin at

kapanagutan nitó, mapagsisino anghugis ng planong naaangkop sa patakarang pangwika

—ang pagpilì ng isang umiiral nakatutubong wika na mapagbabatayan ng lilinanging

wikang pambansa (WP). Ito’y nilinaw noong Mayo 1937 ni Mahistrado Norberto

Romualdez, ang ama ng Batas ng WP. Kung ito ay ililiwat sa Filipino, ang paraan ng

pagpapalanong pangwika ay dumadaan sa seryeng:

 Paghahanda

 Paglilinang

 Pagpapaunlad

 Pamamanihala, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang tipolohiya ng pagpapasiyang ito sa suliraning pangwika na inilahad ni Romualdez,

na tinataguriang Modelo ng SWP (Surian ng Wikang Pambansa).

May papel din ang lipunan sa paghubog ng wika sa pamamagitan ng estado. Tungkulin

ng estado na panatilihing maayos at payapa ang bansa. Kung ito nga ang tunguhin, nagsisimula

dapatsa pagbuo ng nagkakaisa at buklod-buklod na pambansang komunidad. Upang

makamit ang pagkakaisang ito, dapat nagkakasundo ang isa’t isa. Ngunit magkakasundo

lamang kung nagkakaintindihan, at magkakaintindihan lamang kung nagsasalita sa parehong

wika. Samakatwid, sa isang bansang multilingguwal tulad ng Filipinas, isang kahingian ang

pagkakaroon ng lingua franca. Dito ngayon pumapasok ang pangangailangan ng pagpaplanong

pangwika. Tumutukoy ang pagpaplanong pangwika sa sinasadyang pagtatangka (ibig sabihin ay

mayroong conscious o deliberate effort) upang tahasang impluwensiyahan ang paggamit,

estruktura, at akwisisyon ng isa o higit pang mga wika sa isang pamayanan ng mga mananalita.

Mayroon itong 11 na tunguhin ng pagpaplanong pangwika ang natukoy: puripikasyon ng


wika; muling pagbuhay ng wika; repormang pangwika; estandardisasyon ng wika;

pagpapalaganap ng wika; leksikal na modernisasyon; pag-iisa (unification) ng mga

terminolohiya; simplikasyon; interlingguwal na pakikipagtalastasan; presebasyon

(maintenance) ng wika; at, estandardisasyonng awksilyar na kodigo (auxiliary-code).

3. Batay sa mga naibigay na pakahulugan sa intelektuwalisasyon, tumatak sa akin ang

sinabi ni Lourdes Quisumbing. Ayon sakanya, kung mabibigyan ng pagkakataon at sapat

na atensiyon, magagamit ang Wikang Filipino sa kahit na ano mang larangan gaya ng

mga pag-aaral sa makabagong teknolohiya. Inihayag niya rin na ang Wikang Filipino ay

nararapat na magamit ng husto sapagkat mainam ito upang magkaroon tayo ng

pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sumasang-ayon ako sa ideya niya sapagkat kung

mabibigyan ng pagkakataon na pag-unlarin ang Wikang Filipino, magagamit ito ng

malaya sa kahit anong larangan. Sa pamamagitan nito, mas maipapakita natin ang

pagkakakilanlan natin sa lahat ng aspeto. Makatutulong din ito upang maging tulay sa

muling pagbangon ng ating bansa.

4. Batay sa iba’t-ibang pakahulugan at bersiyon nito, ang Intelektuwalisasyon ay isang

proseso kung saan binibigyan ng kakayahan ang isang Wika upang maaari itong magamit

sa iba’t- ibang larang. Naglalayon ito na magamit ang mga Wika na wala pang kakayahan

sa pagtuturo at komunikasyon. Ito rin ay nagsisilbing proseso sa paggamit ng isang Wika

bilang batayan sa pagbibigay ng impormasyong limitado. Ang kahalagahan ng

intelektuwalisasyon ay tumutukoy sa malayang komunikasyon sa iba’t-ibang propesyon o

pag-aaral. Layunin nito na alisin ang balakid sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Wika.

Makakatulong din ito upang mas mapa-unlad pa ang ekonomiya ng bansa at matutukan

ang mga bagay, gayong, hindi ito maimpluwensiyahan ng ibang mga dayuhan.
5. Sa aking palagay, ang mga larawan sa itaas ay masasabi kong intelektuwalisado sapagkat

ang Wikang ginamit nila ay ang Wikang Pambansa upang maipaliwanag ang mensahe o

pahayag na nais nilang iparating. Kung ito ay nakasusulat sa dayuhang Wika, hindi ito

magiging isang ganap na intelektuwalisadong Wika.

GAWAIN 2

1.

Code-switching – ito ay tumutukoy sa paghahalo ng dalawang magkaibang lenguwahe. Isang

halimbawa na lamang nito ay ang pagsaasama ng ingles at tagalog o mas kilala sa bansag na

“Taglish”.

Controlling domains – ito ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwahe na maaring maatim sa

pamamagitan ng pag-aaral. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga aklat na ginagamit sa

paaralan.

Domain – Ito ay tumutukoy sa disiplina, Gawain, grupo, lipon, o Samahan na may iisang

layunin tungo sa isang partikular na mithiin. Isa rin ito sa mga tinaguriang larangan ng Wika sa

Filipino.

Intellectualizing – ito ay isang proseso ng pagpapaunlad ng isang Wika sa isang antas na

maaaring magamit para makakuha ng impormasyon. Ito ay naglalayon na magamit ang hindi pa

intelektwalisadong Wika sa pagtuturo at komunikasyon.

Language – ang lenguwahe ay ang lipon ng mga salita o Wika na ginagamit upang makipag

komunikasyon at maipahayag ang impormasyon o mensahe.


Language Replacement – Ito ay tumutukoy sa paglalatag ng makabagong pambansang Wika sa

proseso kung saan mapapalitan ang naunang lenguwage ng panibago.

Non-controlling domains – ito ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwaheng malayang gamitin.

Ilan sa mga halimbawa ay ang Ingles, Filipino, Ilocano, at marami pang iba.

Process of Intellectualization – ang proseso ng intelektuwalisasyon ay tumutukoy sa paglalapat

ng mga kahulugan ng Wika o salita sa mga nakatakdang makaintindi nito.

Semi-controlling domains – Ito ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwahe na hindi malayang

magagamit sapagkat mayroon itong mga pakahulugan na hindi kaagarang maiintindihan ng

nakararami. Kadalasan ito ay dumedepende sa propesiyon ng isang tao. Ilan sa mga halimbawa

ay ang mga aklat na naglalaman ng pag-aaral ng isang doktor, abogado, pari, madre, at marami

pang iba.

Source Language for Intellectualization – Ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng isang

pinapalawak na lenguwahe upang dumaan sa proseso ng intelektuwalisasyon.

2.

Ang non-controlling domains ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwaheng malayang

magamit ng nakararami. Isa na sa halimbawa nito ay ang mga Wika na ginagamit natin sa pang

araw-araw.

Ang semi-controlling domains ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwahe na hindi

malayang magagamit ng sapagkat mayroon itong mga pakahulugan na hindi kaagarang

maiintindihan ng nakararami. Kadalasan ito ay dumedepende sa propesiyon ng isang tao. Ilan sa


mga halimbawa ay ang mga aklat na naglalaman ng pag-aaral ng isang doktor, abogado, pari,

madre, at marami pang iba.

Samantala, ang controlling domains ay tumutukoy sa mga Wika o lenguwahe na

maaring maatim sa pamamagitan ng pag-aaral. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga aklat na

ginagamit sa paaralan at makikita sa internet.

3. Sa ngayon, ang Wikang Filipino ay nag ugat at naimpluwensiyahan ng Wikang Espanyol

at Ingles. Sa aking palagay, nangangailangan pa ng mas maigting na pagpapaunlad ang

Wikang Filipino upang masabing ito ay napapabilang sa intelektuwalisadong Wika.

Karamihan sa mga aklat na makikita ngayon ay naglalaman ng Wikang Ingles. Ngunit

nananatili pa rin ang posibilidad na mapabilang ang Wikang Filipino sa mga Wikang

naproseso na ng inelektuwalisasyon sapagkat ito ay isa mga pinagpaplanuhan at

tinutugon ng mga paaralan ngayong makabagong panahon.

4. Hindi. Ilan sa mga Wika na naisagawaan ng intelektuwalisasyon ay ang Russian,

German, French, at Japanese. Ang mga lenguwaheng ito ay dumaan sa proseso ng

intelektuwalisasyon, subalit hindi nito lubos na pinalitan ang Wikang Ingles. Makikita pa

rin ang Wikang Ingles sa iba’t-ibang parte ng mga bansang nabanggit. Bagkus, mas

pinahalagahan at binigyan ng pokus ang orihinal na Wika upang mapaunlad ang kanilang

pagkakakilanlan bilang isang bansa. Sa pamamagitan ng intelektuwalisasyon, mas

napaunlad nila ang kanilang ekonomiya ng hindi naiimpluwensiyahan ng kahit anong

dayuhan – ngunit sa kabilang banda, hindi rin nila lubusang pinalitan ang Ingles.

Nakikitaan nila ng pakinabang ang Wikang Ingles sapagkat magagamit ito sa pakikipag-

ugnayan at pagkuha ng impormasyon mula sa iba pang bansa.


5. Masasabi ko lamang na sa ngayon, mas nangingibabaw ang Ingles bilang daluyan ng

pagbabahagi ng impormasyon lalo na sa mga aklat. Ang Wikang Filipino ay

dumedepende lamang at makikita ito kadalasan sa mga asignatura na may kinalaman sa

paksang Filipino mismo. Sa kasalukuyan, unti-unting tinututukan ng nakararami at mga

organisasyong pang-edukasyon ang pagpapa-unlad ng Wikang Filipino. Sa kabilang

banda, malaki pa rin ang lamang ng Filipino sapagkat ito pa rin ang pangunahing Wika

na ginagamit sa kahit anong uri ng komunikasyon at paglalahad ng ideya. Kung

mabibigyan ng pagkakataon na maging intelektuwalisado ang Wikang Filipino,

makakatulong ito upang makamit ng bansa ang inaasam na Kalayaan. Gayunpaman,

malaki rin ang naitutulong ng Wikang Ingles upang mas maunawaan ang mga salitang

walang katumbas na depinisiyon sa Wikang Filipino.

6. Natutunan ko na may positbo at negatibong dulot din ang intelektuwalisasyon. Namulat

tayo sa pagkakakilanlan kung saan ginagamit ang Ingles sa iba’t-ibang uri ng paglalahad

ng impormasyon, kung kaya’t magkakaroon ng masidhing pagbabago ang transisyon sa

intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Ngunit sa pamamagitan din nito, mabibigyan

tayo ng pagkakataon na mapa-unlad ang ating bansa at pagkakakilanlan. Sa kabuuan,

malinaw na naipaliwanag ng artikulo ang proseso ng intelektuwalisasyon ng isang Wika.

Marahil marami itong pinagdadaanan, naniniwala ako na sa darating na panahon,

mabibigyan ng diin ang intelektuwalisasyong Filipino.

GAWAIN 3:

1.
Sa Pilipinas, naging ganap ang pananakop sa lahat ng larangan ng ating buhay—sa

relihiyon, sa edukasyon, sa istruktura ng lipunan, sa ekonomya, sa kultura at pati na sa Wika.

Dahil dito, ang tatak ng ating mananakop, lalo na yaong sa mga Amerikano, ay malalim na

nakaukit sa ating mga institusyon, sa ating isip at pananaw sa daigdig.

Samantalang palagi tayong inuudyok, lalo na sa karamihan sa ating mga eskuwela, na

pag-aralan ang kaisipang Kanluranin, kulang sa diin at interes ang ating pag-aaral ng kasaysayan,

kultura at mga ideya ng mga karatig-bansang Asyano.

Ang pag-iwas sa anumang uri ng pakikisangkot ay siguradong pipigil sa anumang

tendensiya tungo sa malalim na pag-iisip at tunay na intelektwalisasyon. Ang tagumpay sa anyo

ng kariwasaan sa buhay at pagbili ng maraming mga status symbol ay lalo pang makababawas sa

anumang interes na pag-aralan at baguhin ang kabuuang lipunan para sa interes ng karamihan.

2.

Dahil sa pananakop ng mga dayuhan, ang pagkakaiba ng karanasang kolonyal ang

lumikha ng pagkakaiba ng pambansang katangian sa pagsulong ng kasaysayan. Malaki ang

naging impluwensiya nito sapagkat ang pagsakop ng mga dayuhan ang humugot sa atin at sa

mga sumunod na henerasyon na mas bigyang pansin ang mga bagay na may kinalaman sa

kanluranin kumpara sa lokal. Nasanay tayo, bilang Pilipino, sa mga impluwensiya ng dayuhan.

Malaki rin ang naging epekto nito sa iba’t-ibang aspeto ng ating pamumuhay. Ilan sa mga

halimbawa na lamang nito ay ang mga kaugalian at katangian na nakuha natin mula sa ating mga

ninuno. Ang mga paniniwalang ito ay nagsilbing marka sa kultura natin.

3.
Mayroon, sapagkat nagkulang tayo sa interes sa pag-aaral ng kasaysayan. Kumpara sa

ibang bansa, ang mga pag-aaral at mga aklat nila ay batay sa mga ajda ng sarili nilang kultura.

Habang sa atin, mas binibigyang pansin ang akda ng mga dayuhan. Gayon na din sa iba pa gay

ana lamang ng mga produkto, kanta, literatura, at sining. Mas naging lantad ang mga Pilipino sa

mga produktong kanluranin sapagkat malaki ang naging epekto ng mga dayuhan sa ating mga

ninuno noong panahon pa ng pananakop. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung kaya’t labis na

naaapektuhan ang intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.

4.

Ako ay sumasang-ayon sapagkat mayroon itong malaking simbolo sa pagkakakilanlan

natin bilang isang mamamayang Pilipino. Naging tatak ito sa kasaysayan, at naging saksi ng

ating Wika ang pananakop, o kung paano naging dominante ang Wikang dayuhan sa mga aklat.

Ang Wikang Filipino ang sumisimbolo sa lahat ng pinagdaanan, mga bayani, at mga ninunong

Pilipino na nagsulong sa kung ano ang meron tayo sa ngayong makabagong henerasyon.

Ang Wikang Filipino ay mapagpalaya sapagkat dahil dito, naipapahayag natin ang ating

mga saloobin. Sa pamamagitan nito, nagagawa nating punain, kilatisin, at bigyang pansin ang

nangyayari sa ating kapaligiran at sa bansa. Sa kabilang banda, mas maaatim natin ang likas na

diwa ng Wikang Filipino kung ito ay gagamitin sa tama at sa pagbibigay ng hustisya.

5.

Napagtanto ko na bilang makabagong mamamayang Pilipino, may malaking posibilidad

na nagkulang tayo sa pagtataguyod ng ating Wika. Mas nanaig ang mentalidad natin na tutukan
ang literatura at sining ng kanluranin kumpara sa sariling atin. Natutunan ko rin na marami

tayong pagkukulang bilang isang makabagong mamamayan sa pagpapanatili ng ating kultura.

Gayon pa man, naniniwala ako na hindi kailanman magiging huli ang lahat sa

pagpapaunlad ng ating Wika. Marahil kung bibigyan natin ng pansin at tukuying mabuti ang mga

akda, pag-aaral, likha, at mga bagay na may kinalaman sa sariling atin, tayo ay makalalaya ng

tunay.

You might also like