You are on page 1of 14

ARALIN 2

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO, at
MULTILINGGUWALISMO
“Mga konseptong pangwika’y mahalagang matutuhan
makatutulong sa mas malalim na pagkakaunawaan.”

MAHALAGANG TANONG PAGPAPALALIM NA

GAWAIN
Bakit mahalagang matutuhan ng
isang tao ang mga wika o wikaing Sa araling ito’y maiuugnay mo ang
ginagamit sa kanyang paligid? Sa mga konsetong pangwika sa mga
paanong paraan maaaring napanood na sitwasyong
makatulong sa isang taong ang pangkomunikasyong sa telebisyon.
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan
pagiging multingguwal? o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi
lamang sa tao.Ayon kay Chomsky(1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala
sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan,
kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman
masasabing ang wika ay natatanggi lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.
May mga eksperimentong isinasagawa upang malaman kung ang komunikasyon ba ng mga hayop ay katulad ng
sa wika ng tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan. Bagama't may mga hayop na natuturuang magsalita
dahil nakakabigkas sila ng ilang salita o maiikling pangungusap subalit hindi ito likas at madalas na nasasabi lamang nila
ang mga salita o pangungusap na natutuhan nila kapag nauudyukan o nabibigyan sila ng insentibo ng taong nagsanay sa
kanila. Hindi masasabing malikhain ang pangungusap na nabubuo nila dahil ito'y karaniwang bunga lang ng pag-uudyok
sa kanila. Sa kabilang banda, ang tao ay gumagamit ng wikang naangkop sa sitwasyon o pangangailangan ( Paz, et. al.
2003; pahina 4).
Kung gayo'y maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat lamang nating pagyamanin ang kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lang sa sarili
kundi sa higit na nakararami.

UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA , AT

IBA PA
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa
isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at
kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng
tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa
kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang
tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo
nagmumula ang exposure sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang
iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natutuhan
ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit
niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang
pangalawang wika o L2.
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang
mga taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga
palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay
nito'y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Dito'y may ibang bagong wika pa uli
siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y natututuhan niya at nagagamit na sa
pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nasasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya
ang wikang ito sa pakikiangkop niya aa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang
wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may mahigit
150 wika ang wikaing ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang
ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika.

MONOLINGGUWALISMO,
BILINGGUWALISMO AT
MULTILINGGUWALISMO
MONOLINGGUWALISMO

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad

ng isinasagawa sa bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan
iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa
edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng
komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipaglastasan sa pang-araw-araw na buhay.
Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas
ay maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging
manolingguwal.

BILINGGUWALISMO

Matatawag mo ba ang sarili mong bilingguwal?Bakit? Anong pagpapakahulugan ang

maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binigyang pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield(1935),isang amerikanong
lingguwista ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na
tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni
Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa tawag na "perpektong bilingguwal" ay kinontra ng
pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pa ring lingguwalistang nagsasabing ang
bilingguwal ay isang taong may sapat na kakahayan sa isa sa apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,pagsasalita,pagbabasa at pagsusulat sa isa pang
wika maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na
pagpapakahulugan ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibibigay tulad ng kay Uriel
Weinreich(1953), isang lingguwistang Polish-American,na nagsasabing ang paggamit ng
dalawang wikang magkasalitan ay tinatawag na billinguwalismo at ang taong gagamit ng
mga wikang ito ay bilingguwal. May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni
Weinreich dahil hindi nabanggit kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay
ang isang tao sa ikalawang wika upang maituring siyang bilingguwal (Cook at Singleton:
2014).
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika
nang mataas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito,dapat magamit ng mga bilingguwal
ang dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at
pangalawang wika. Balance bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa ng mga ganita at
sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas
naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap(Cook at Singleton:2014).
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon
natin ng interaksyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga interaksyon
nagkakaroon ng pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at ng maangkop
siya sa panbagong lipunang ito.Sa paulit ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng
wika unti-unti'y natututuhan niya ang bagong wika hanggang sa hindi niya namamalayan
matatalas na siya rito at nagagamit niya na nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap
at sa paglahad ng kanyang mga personal na pangangailangan.Sa puntong ito'y masasabing
bilingguwal na siya.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO

Makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang batas ng 1973 ang probisyon

para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at
wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa
kalakalan.
"Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino.Hangga't hindi binabago ang
batas,ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas".
---Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang
naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at
Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board
of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martial Law.Ang patakarang iyon ay
alinsunod sa Executive Order No.202 nabubuo ng Presidential Commission to Survey
Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging katayuan ng Pilipino at Ingles bilang
mga wikang panturo sa paaralan.
Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang
makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7
na nagsasaad na "ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang
asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng
paaralan,publiko o pribado man".
Noong Hunyo 19,1974, ang Department of Education ay naglalabas ng guidelines o mga
panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department
Order No. 25, s ,1974.Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang
sumusunod:
 Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matataas sa pagpapahayag sa mga
wikang Pilipino at Ingles.
 Ang pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na
paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa
mga tiyak na asignatura.Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay
Social Students/Social Science,Work Education,Character Education,Health
Education at Physical Education. Ingles naman ang magiging wikang panturo sa
Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa gagamiting mga wikang
panturo ay ituturo parin bilang mga asignaturang pangwika.Wala sa patakaran subalit
itinatakda ng mga panuntunang magagamit na pantulong na wikang panturo ang
bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng paaralan.

MULTILINGGUALISMO
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Maroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa
mga nakatira sa labas ng katagalugan, ay nakakapag salita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles
at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan. Sa
kabila nito,sa loob ng mahabang panahon,ang wikang Filipino at wikang Ingles ang
ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.
Gayumpama'y nananatiling laganap sa nakakaraming batang Pilipino ang paggamit ng
unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya sa pag papatupad ng Deped ng K to 12
curiculum, kasabay na ipatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa
kindergarten at sa Grades 1, 2, at 3.Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-
Multilingual Education. Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s
2012 na kilala den bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based-
Multilingual Education(MTB-MLE). Nakalahad dito na simula sa araling taon 2012 at 2013,
ipapatupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag aaral na
nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa
kanilang pag aaral.Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977) , napatunayan nila ang bisa
ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag aaral. Ayon sa
kanila,mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa,sa pag-unawa ng
paksang aralin,at bilang matibay na pundasyon sa paturo sa pangalawang wika.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang Deped ng walong
pangunahing wika lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang
panturo at ituturo din bilang hiwalay na asignatura.Ang walong pangunahing wika ay ang
sumusunod; Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,
Waray, at ang apat na iba pang wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Merano, at
Chavacano. Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya't
naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag
para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela: Ivatan para sa mga taga
Batanes, Sambal sa Zambales: Aklanon sa Aklan, Capiz: Kinaray-a sa Antique: Yakan sa
Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao
City at mga karatig-lalawigan nito.
Maliban sa mga nasabing unang wika (L1). Ang Filipino(L2) at ang ingles (L3) ay
itinituro din bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Sa mas mataas
na antas ng elementarya, gayundin sa high school at sa kolehiyo, mananatiling Filipino at
Ingles ang mga pangunahing wikang panturo.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang
polisiya para sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo
para sa isang bansang tulad natin may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga
kabundukan at may umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain sa pagkat mapalalakas
muna ito ang pagkatuto ng mga magaaral sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit
nilang mauunawan at kalulugdan ang mga aralin kung ito'y ituturo sa wikang matataas na sila
at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na
mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino at gayundin
ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino lll, "we should become tri-lingual
as a country, learn english well and connect to world, learn Filipino well and connect to our
country, retain your dialect and connect to your heritage".
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________

ARALIN 2
Monolingguwalsimo, Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo
GAWAIN 2.1 SIMULAN NATIN
Ano-anog wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksiyon o sasabihin
mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang mga wikang ito. Kung kulang ang bilang ng
wikang alam mo ay dagdagan ito. Kung sobra naman ay hayaan na walang nakasulat sa iba.
 Nagkita kayo ng isang kaibigan mong matagal mo nang di nakikita.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________

 Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila magkakalagnat ka.

________________________________________________________________________
 Inanyayahan ka ng isang kaibigan para sa kanyang party pero hindi ka makapupunta.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________
 Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga ideya?
___________________________________________________________________________
__________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________
 Alin sa mga ito ang iyong unang wika (L1)? _______________________________ ang
iyong ikalawang wika? (L2) ________________ ang iyong ikatlong wika (L3)
_________________?
 Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:
 Unang wika?
____________________________________________________________________
_____
 Ikalawang wika?
____________________________________________________________________
_______
 Ikatlong wika?
___________________________________________________________________
 Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ka?
___________________________________________________________________________
__________
 Ipaliwanag ang iyong isinagot sa pamamagitan ng linya sa ibaba.
 Masasabi kong ako ay _________________________________ dahil
________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________

GAWAIN 2.2 PAGSULAT NG JOURNAL

Isulat sa journal ang sagot sa tanong na ito:
Bakit mahalagang matutuhan ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa kanyang paligid? Sa
paanong paraan maaaring makatulong sa isang tao ang pagiging multilingguwal? Magtala ng limang
paraan.
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________

GAWAIN 2.3 MAGAGAWA NATIN

Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google, at iba pa) sa pag-unawa sa
mga konseptong pangwika. (F11EP-Ic-30)
PANUTO: Basahin at pagnilayan mong mabuti ang tinuran ng pangulo sa ibaba. Isagawa ang mga
panuto pagkatapos.

“We should become trilingual as a country. Learn English well and connect to the World. Learn Filipino well
and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”

1. Mula sa sinipi ay subukin mong kumonekta sa mundo para sa isang mabuting dahilan.
Gamitin mo ang wikang Ingles upang maghanap sa Google ng tatlong mabubuting samahan o
organisasyong pandaigdig na tumutulong sa mga proyektong malapit sa iyong puso tulad ng
pangangalaga sa mga katunigan, sa mga hayop na malapit nang maubos, at iba pa, na maaari
mong salihan. Isulat sa mga linya ang mga samahang ito at ang mabuting ibubunga ng
pagiging miyembro sa mga nasabing organisasyon.
a. PANGALAN NG SAMAHAN O ORGANISASYON
_________________________________________________________________
__________
KABUTIHAN NG PAGSALI RITO:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________
b. PANGALAN NG SAMAHAN O ORGANISASYON

c. PANGALAN NG SAMAHAN O ORGANISASYON

2. Ngayon nama’y mag-isip at sumulat ka ng mga dapat gawin ng mga kabataang tulad mo na
magbubunga ng kabutihan. Halimbawa’y ang paksang “Limang Paraan kung Paano Ka
Makatutulong sa Kalikasan” o “Sampung Paraan kung Paano Maipapakita ang Magandang
Imahe ng Kabataang Pilipino sa Mundo,” at iba pa.

a. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
b. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
c. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
d. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
e. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
f. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
g. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
h. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
i. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________
j. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________

3. Gamitin mo naman ngayon ang iyong unang wika sa pagbuo ng paalala para sa mga tao lalo
na sa mga kabataan para huwag kalimutan at laging gamitin pa rin ang wikang kinagisnan
nila. Maging malikhain para kalugdang basahin ng iba ang gagawin. I post ito sa facebook.
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________

GAWAIN 2.4 PALAWAKIN PA NATIN

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebebisyon (F11PD-Ib-86)
PANUTO: Panoorin ang alinman sa mga palabas pantelebisyon na nasa ibaba. Lagyang ng tsek (/)
ang palabas na napili at pinanood mo saka sagutin ang mga tanong.
Tonight with Arnold Clavio sa episode Marian Rivera, Boobay, and Ana Feleo take the
“Test of Friendship” sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4
Isang segment sa SONA: Ilang tricycle driver, nagtigil-pasada para manood ng
kalyeserye ng Eat Bulaga sa State of the Nation ni Jessica Soho sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa episode na Mareng Winnie interviews
billionaire David Consuji, 5th richest Filipino sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?
v=APV_PkEGTkw
Kris TV sa episode na Are Piolo and Sarah big spenders? sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE
PAMAGAT NG PALABAS:
______________________________________________________________________
PANGALAN NG HOST:
_________________________________________________________________________
MGA NAGIBNG BISITA:
________________________________________________________________________
1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita
ng host ng napili mong palabas pantelebisyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita?
3. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Batay sa narinig mo sa host, masasabi ,o bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast
ay kaniyang unang wika? Bakit oo o bakit hindi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan.
PUNTOS PAMANTAYAN
4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
3 Sa bawat sagot ay naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
2 Bahagyang naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
1 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na siywastyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.

You might also like