You are on page 1of 14

FILIPINO 11- LINGGO 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO

I.PANIMULA
Alam mo ba ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa
kapwa ay isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky
(1965) ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa
ibang nilalang tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika upang
makapagpahayag ng mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pa batay sa
pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman masasabing
ang wika ay natatangi lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.

May mga eksperimentong isinagawa upang malaman kung ang komunikasyon


ba ng mga hayop ay katulad ng sa wika ng tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito
napapatunayan. Bagama’t may mga hayop na naturuang magsalita dahil nakabibigkas
sila ng ilang salita o maiikling pangungusap subalit hindi ito likas at madalas na
nasasabi lamang nila ang mga salita o pangungusap na natutunan nila kapag
nauudyokan o nabibigyan sila ng insentibo ng taong nagsanay sa kanila. Hindi
masasabing malikhain ang pangungusap na nabubuo nila dahil ito’y karaniwang bunga
lang ng pag-uudyok sa kanila. Sa kabilang banda, ang tao ay gumagamit ng wikang
naaangkop sa sitwasyon o pangangailangan (Paz, et. Al.2003; pahina 4)

Kung gayo’y maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang


makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat lamang nating pagyamanin ang
kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lang sa sarili kundi sa
higit na nakararami.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

1
II. MOTIBASYON

Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang


reaksiyon o sasabihin mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang mga wikang
ito.

Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila


magkakalagnat

Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal


mo nang di nakikita.

Inanyayahan ka ng isang kaibigan para sa


kanyang party pero hindi ka makakapunta

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

2
Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga idea? _____________________

Alin sa mga ito ang iyong unang wika? (L1)? ________________________ang iyong
ikalawang wika (L2)? ______________ ang iyong ikatlong wika (L3)?

__________.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:

Unang wika (L1) _______________________________________________________

Ikalawang wika (L2) ____________________________________________________

Ikatlong wika (L3) ______________________________________________________

Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ka?

___________________________________________

Ipaliwanag ang iyong isinagot sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga linya sa ibaba:

Masasabi kong ako ay _________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

3
III. INSTRUKSIYON

Unang wika, pangalawang wika at iba pa


Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro
sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, o ng
simbolong L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamhusay na naipahahayag ng tao
ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.

Habang lumalaki ang bata ay nagkaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa
kanyang tagapalaga

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa
kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao, tulad ng
kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa
magulang din mismo nagmumula ang exposure sa isa pang wika dahil bibihirang
Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang
naririnig at unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng
sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa
pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Sa pagdaraanan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.


Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na
kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na
kanyang nababasa, at kasabay nito’y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral.
Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y
matututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang
nagsasalita rin ng wikang ito upang makaangkop siya sa lumalawak na mundong
kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa
Pilipinas kung saan may mahigit 150 wika at wikaing ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

4
bansa ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong
wika.

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

MONOLINGGWALISMO
Monolinggwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransiya, South Korea, Hapon at iba
pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o
asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang ito ay may iisang wika ring umiiral
bilang wika ng komersyo, negosyo, at pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na
buhay.

Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wka at wikain sa ating bansa, ang


Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya’t mahihirapang umiral sa atin ang
sistemang monolingguwal.

BILINGGUWALISMO
Matatawag mo ba ang sarili mong bilingguwal? Bakit?

Ayon kay Bloomfield ang bilinggwalismo ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang


wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.maaring maikategorya ito
sa tawag na “ perpektong bilingguwal” pero kinontra ito ni Macnamara na nagsasabing
ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrokasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,pagsasalita,pagbasa,at
pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.Sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na pagpapakahulugang ito ay may ibinigay na pagpapakahulugan si
Weinreich na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay
matatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

5
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang
wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon na halos di matukoy kung alin sa dalawa
ang una at ikalawang wika. Balanced bilingguwal ang tawag sa mga taong nakagagawa
nng ganito at sila’y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng bilingguwal ang w
na niya nang mabisa ang bagong wikaikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong
kausap.

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang


pagkakaroon natin ng interaksyon maging sa mga taong may naiibang wika.Sa
ganitong mga interaksyon nagkakaroon ng pangangailangan ang tao upang matutuhan
ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong lipunang ito.Sa paulit-ulit na
exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika,unti-unti’y natututuhan niya ang
bagong wika hanggang sa hindi na nya namamalayang matatas na siya rito at
nagagamit na niya nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa paglalahad
ng kanyang mga personal na pangangailangan.Sa puntong ito’y masasabing
bilingguwal na siya.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO


Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon
para sa BILINGGUWALISMO o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga
paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan.

“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino.Hangga’t hndi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas.”

-Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

Ayon kay Ponciano B. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa saligang batas ang
nagging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa paghaharap sa Kalihim ng
Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang bilingguwal instruction

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

6
na ipinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martila Law.
Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order # 202 na bubuo ng Presidential
Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging
katayuan ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.

Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang


makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang
73-7 na nagsasaad na ang “INGLES at PILIPINO ay magiging midyum ng pagtuturo at
ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula grade I hanggang antas unibersidad sa
lahat ng paaralan, publiko o pribado man.

Noong Hunyo 19,1974, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines


o mga panuntunan o polisiya sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa
bisa ng Department Order No. 25, s. 1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa
nasabing kautusan ay ang mga sumusunod:

 Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga


wikang Pilipino at Ingles
 Ang pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na
paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula sa Grade 1
pataas sa mga tiyak na asignatura. Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa
Pilipino ay Social Studies/Social Science, Work Education, Character Education,
Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang magiging wikang
panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa gagamiting
ng wikang panturo ay ituturo pa rin bilang mga asignaturang pangwika. Wala sa
patakaran subalit itinatakda ng mga panuntunang magagamit na pantulong na
wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na kinaroonan ng paaralan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

7
MULTILINGGUWALISMO
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 180
wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin
lalo na sa nakatira sa labas ng Katagalugan ang nakapagsasalita at nakauunawa ng
Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwan ang wika o mga
wikaing nakagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang wikang Filipino
at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.

Gayunpaman nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang


paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles.Kaya sa pagpapatupad ng DepEd
ng K TO 12 Kurikulum,kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang
panturo particular sa kindergarten at sa grades 1,2,at 3.Tinawag itong MTB-MLE o
mother tongue based-multilingguwal education.Walo ang pangunahing wika o lingua
franca at apat na iba pang wikain sa bansa ang itinalaga ng DepEd upang gamiting
wikang panturo at ituturo rin bilang hiwalay na asignatura.Ang walong pangunahing
wika ay ang sumusunod:
Tagalog,Kapampangan,Pangasinense,Ilokano,Bikol,Cebuano ,Hiligaynon at Waray.Ang
apat na wikain ay Tausog,Maguindanaoan,Meranao at Chavacano.2013 nagdagdag pa
ng pitong wikain gaya ng Ybanag,Ivatan,Sambal,Aklanon,Kinaray-a,Yakan at Surigaonon.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

8
Pangalan: _________________________________________ Petsa ______________

III. PAGSASANAY

A. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


(F11PT-Ia-85)

Makikilala mo ba ang tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat pahayag


batay sa nakalahad na kahulugan? Isulat ang sagot sa linya.

_________________ 1. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.

_________________ 2. Ito ang wikang may simbolong L3 na natutuhanan ng isang tao


habang lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang
nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.

_________________3. Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang
karaniwang wikang nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan.

_________________4. Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang
gagamitin sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan.

_________________5. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang wikang


panturo at bilang hiwalay na asignaturang pangwika samantala ituturo rin ang Filipino at
Ingles bilang mga hiwalay na asignatura.

________________ 6. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang


wika ng edukasyon, wika ng komersiyo, wika ng negosyo, wika ng pakikipagtalastasan,
at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.

________________ 7. ________________ 8.

Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating
Saligang Batas 1973.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

9
________________9. Ito ang kasalukuyang bilang ng mga wika at wikain sa bansa na
itinalaga ng DepEd upang magamit bilang wikang panturo mula kindergarten hanggang
Grade 3.

________________ 10. Ito ang sinasabing bilang ng wika at wikain sa bansa ayon sa
pananaliksik nina Lewis, et.al. noong 2013

IV.PAGPAPAYAMAN

A. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google, at


iba) sa pag-unawa sa mga kopseptong pangwika (F11EP-Ic-30)

Basahin at pagnilayan mong Mabuti ang tinuran ng ating pangulo sa ibaba.


Isagawa ang mga panuto pagkatapos.

“We should become tri-lingual as a country. Learn


English well and connect to the World. Learn Filipino
well and connect to our country. Retain your dialect and
connect to your heritage.”

1. Mula sa sinipi ay subukin mong kumonekta sa mundo para sa isang mabuting


dahilan. Gamitin mo ang wikang Ingles upang maghanap sa Google ng tatlong
mabubuting samahan o organisasyong pandaigdig na tumutulong sa mga
proyektong malapit sa iyong puso tulad ng pangangalaga sa mga katubigan, sa
mga hayop na malapit nang maubos, at iba pa, na maaari mong salihan. Isulat
sa mga linya ang mga samahang ito at ang mabuting ibubunga ng pagiging
miyembro sa mga nasabing organisasyon.

a. Pangalan ng Samahan o Organisasyon


________________________________________________________________

Kabutihan ng pagsali rito:

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

10
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

b. Pangalan ng Samahan o Organisasyon


________________________________________________________________

Kabutihan ng pagsali rito:


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Pangalan ng Samahan o Organisasyon

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Kabutihan ng pagsali rito:


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Gamitin mo ngayon ang iyong unang wika sa pagbuo ng paalala para sa mga tao
lalo na sa mga kabataan para huwag kalimutan at lagging gamitin pa rin ang
wikang nakagisnan nila. Maging malikhain para kalugdang basahin ng iba ang
gagawin mo. I-post ito sa Facebook.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

11
V. EBALWASYON

Naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang


komunikasyon sa telebisyon (F11PD-Ib-86)
Panoorin ang alinman sa sumusunod na mga palabas pantelebisyon.
Lagyan ng tsek ang palabas na napili at pinanood mo saka sagutin ang mga
tanong.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

12
Pangalan: _________________________________________ Petsa ______________

Pamagat ng Palabas: ________________________________________________


Pangalan ng Host: __________________________________________________
Mga Naging Bisita: _________________________________________________

1. Masasabi mo bang monoligguwal, bilinnguwal, multiligguwal ang paraan ng


pagsasalita ng host ng napili mong palabas pantelebisyon?
Magbigay ng patunay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga


bisita?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa


pagbo-broadcast ay kaniyang unang wika? Bakit oo o bakit hindi?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

13
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan.

Puntos Pamantayan
4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiiugnay ang mga konseptong
pangwika sa napanood na sitwasayong pangkomunikasyon sa telebisyon.
3 Sa bawat sagot ay na naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa
napanood na sitwasayong pangkomunikasyon sa telebisyon.
2 Bahagyang naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasayong pangkomunikasyon sa telebisyon.
1 Hindi naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasayong pangkomunikasyon sa telebisyon.

Sanggunian:
PINAGYAMANG PLUMA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ALMA M. DAYAG(Awtor-Koordineytor)
At Mary Grace G. Del Rosario

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

14

You might also like