You are on page 1of 5

PERFECT SCORE: 20

MY SCORE: _____

LUX MUNDI ACADEMY INC.


Paco, Obando, Bulacan
Komunikasyon sa Pananaliksik at Wika
At Kulturang Pilipino 11
Self – Learning Activity Sheet No. 1

Pangalan: ________________________ Pangkat at Baitang Pope Francis - 11


Petsa: ________________ Mr. Leonilo Dumaguing Jr.
Pagtalakay:
ANG WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO
MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na
ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang
nasusulat dito, nananatili pa ring problema angistandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na
lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. Marami din ang hindi alam ang
kasaysayan ng wikang pambansa, opisyal at panturo ng Pilipinas at kung paano ito nagsimula at paano
napagyabong.
Ang WIKANG PAMBANSA ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan,
ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Ayon sa
Saligang Batas ng Biak na Bato - Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas.

Sa pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad na "Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at
Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".

May Walong Pangunahing Wika sa Bansa ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Samar-Leyte o
Waray, Pampango o Kapampangan, at Pangasinan o Pangalatok. Ang Suriang Wikang Pambansa (SWP) ay
itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang
Asamblea). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika at ipirinoklama ito ng Pangulong
Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil ito ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng
mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. Ayon sa Saligang Batas ng 1973 - Ang
Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng
Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.

Ang WIKANG OPISYAL ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng
mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay
ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento
ng gobyerno. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung
ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa
buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay
Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa
Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at
Filipino ang magiging opisyal na wika.”, Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987,
Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang WIKANG PANTURO ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika ng
talakayang guro-mag- aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang
matututuhan sa klase. Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa
pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa K to
12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula
Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural”. Sa Proklamasyon
Blg. 19 (Agosto1988), idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto
kada taon. Sa Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957), idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika. Ang Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre
1996) ay nagtadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED.

Gawain
I. Wika ko. Hulaan Mo!
Ibigay ang mga Katumbas na kahulugan ng mga salita at isulat sa iyong sagutang papel.
Salita Kahulugan
1. Lodi
2. Petmalu
3. Kalerki
4. Chaka
5. Waley

II.

III.

IV. Ipaliwanag ang Pinagkaiba ng Wikang Pambansa , Wikang Panturo at Wikang Opisyal.
PERFECT SCORE: 25
MY SCORE: _____

LUX MUNDI ACADEMY INC.


Paco, Obando, Bulacan
Komunikasyon sa Pananaliksik at Wika
At Kulturang Pilipino 11
Self – Learning Activity Sheet No. 2

Pangalan: ________________________ Pangkat at Baitang Pope Francis - 11


Petsa: ________________ Mr. Leonilo Dumaguing Jr.
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan
Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang mga tungkuling ito sa
pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga graphic clip ang gamit ng wika sa lipunan.
PANG - INSTRUMENTAL NA GAMIT

Katangian ng Pang instrumental: 


Tumutugon sa mga pangangailangan.  Nagpapahayag ng pakikiusap, pagtatanong, at pag-
uutos

Paraang Pasalita Paraang Pasulat

Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos Liham pangangalakal

PANG - INTERAKSYUNAL

Katangian:  Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat

Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan


 Pangungumusta, pag-anyayang kumain,  Imbitasyon sa isang
pagtanggap ng bisita sa bahay, pagpapalitan ng okasyon(kaarawan, anibersaryo,
biro at iba marami pang iba programa sa paaralan)

PAMPERSONAL

Katangian:  Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

Pasalita Pasulat

Pormal o di pormal na Editoryal o Pangulong Tudling , Liham sa Patnugot, Pagsulat ng


talakayan, debate o pagtatalo Suring-basa, Suring Pelikula o anumang Dulang-Pantanghalan

PANGHUERISTIKO

Katangian:  Naghahanap ng mga impormasyon o datos.

Pasalita Pasulat

Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at Disertisyon


pakikipanayam

REPRESENTASYONAL

Katangian:  Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o  sagisag

Pasalita Pasulat

Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Simbolismo ng Isang Mga Anunsyo, Patalastas, at


Bagay o Paligid Paalala

PANREGULATORI NA GAMIT

Katangian:  Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba

Pasalita Pasulat

Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar, panuto sa pasusulit at


panuto/direksiyon,Paalaala paggawa ng isang bagay, tuntunin sa batas na ipinapatupad

PANG-IMAHINASYON

Katangian:  Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng
tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kanyang damdamin.

Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang Pampanitikan
Teatro

Gawain
 Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa
nasabing sitwasyon.  Isulat kung Panregulatori, Pang-interaksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko,
Representasyonal, at Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon. 

1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang pelikula.


__________________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay. 
__________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
__________________________________________________
4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL(Bangsamoro Organic Law).
__________________________________________________
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng unibersidad/kolehiyo ukol sa paraan ng pagkuha
ng libreng edukasyon na programa sa paaralan.
__________________________________________________
6. Paggamit ng “Po” at “Opo” habang kinakausap ang mas nakatatanda.
_________________________________________________
7. Pakikisuyo sa pagpapabili ng gamut sa parmasiya.
__________________________________________________

8. Pagbibigay paalala ukol sa  mga  dapat gawin at tandaan sa lakbay-aral. 


__________________________________________________
9. Pagsulat ng tesis.
__________________________________________________
10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano makatutulong sa magulang kahit nag-aaral pa.
__________________________________________________
11. Pagbuo ng kanta. 
__________________________________________________
12. Paggawa ng resipe  ng isang pagkaing pinoy.
__________________________________________________
13. Pagpapaalala ng tatay na dapat matutong mamili ng magiging kaibigan.
__________________________________________________
14. Pangungumbinse sa panauhin na tikman ang inihandang pagkain ng pamilya. 
__________________________________________________
15. Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa kuwentong isusulat.
__________________________________________________

II. Panuto: Panoorin ang video sa Youtube na America’s Got Talent 


WOW Marcelito Pomoy “The Prayer “.
Isulat ang iyong naramdaman o reaksiyon habang pinapanood ang video. Sa ilalim nito ay isulat kung bakit ito
ang iyong napili.
PERFECT SCORE: 25
MY SCORE: _____

LUX MUNDI ACADEMY INC.


Paco, Obando, Bulacan
Komunikasyon sa Pananaliksik at Wika
At Kulturang Pilipino 11
Self – Learning Activity Sheet No. 3

Pangalan: ________________________ Pangkat at Baitang Pope Francis - 11


Petsa: ________________ Mr. Leonilo Dumaguing Jr.
Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas
 Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng
Pilipinas.
 Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang
hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.
 Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino
 Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

Panuto: Saliksikin ang kasaysayan ng wikang pambasa. Itala ang sanhi ng pagkakaroon ng mga batas, kautusang
proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum sirkular, at iba pang kaugnay ng wika at ano ang naging bunga
nito. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Sanhi kung bakit dapat magkaroonng wikang Bunga ng naging Sanhi


pambansa

Sanhi ng pagbuo ng batas, kautusang pangkagawarang Bunga ng Sanhi


at iba pang kaugnay ng wika

You might also like