You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY
Office of the Schools Division Superintendent

LEARNER’S ACTIVITY SHEET FOR QUARTER 1, WEEK 1


(GRADE 11-KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK)
Name:____________________________________ Grade&Section: __________________________
School:___________________________________ Teacher:__________________________________
Kompetensi:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika F11PT-la-85

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ngasanayang papel. Gumamit ng hiwlay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay

Simulan mo! (Review and Motivation)


Naiisip mo ba ang mundo nang walang salita? Magkakaunawaan kaya nang lubos ang
mga tao kung walang gagawin ang bawat isa sa atin upang makipagtalastasan sa
kapwa?
Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay ay ipaliwanag ang kahalagahan ng wika sa
kasulukuyang sitwasyong kinakaharap mo bilang mag-aaral at mamayan.

Alam mo ba? (What is it/Discussion of the Topic)


Address: Purok 4, Barangay Payao, Maharlika Highway, Catbalogan City, Samar
Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Telefax: (005) 251-3196 | (055) 543-8268
\|
Ang kahulugan ng Wika ayon sa ilang mga dalubhasa…

Henry Gleason (1988) Dell Hymes (1972) Dr. Erlinda Mangahis


(2005)

Ang wika ay Ayon sa kaniya, ang wika Ayon sa kaniya, ang wika
masistemang balangkas ay nangangahulugan ng ang pinakamahalagang
ng sinasalitang tunog na isang buhay at bukas sa kasangkapan ng tao sa
isinaayos sa paraang sistema ng nakikipag- pakikipagtalastasan.
arbitraryo upang interaksyon. Ang mga
magamit ng mga taong taong kabilang sa isang
kabilang sa kultura. kultura ng gumagamit
ang nababago nito.
Makatao at panlipunan
ang kasanayang ito
Konseptong Pangwika

Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kanyang sakop. At kung ang bansa ay multilinggwal katulad
ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging
tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may
kani-kanilang wikang ginagamit.

Narito ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa:

Kasaysayan ng Wikang Filipino


Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito
nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at
ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng
maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng
kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming
mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa
pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon pa mang
sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong
Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang
pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin
na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang
naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog
bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng
wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama
ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-
Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si
Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na
Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong
kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15
Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni
Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan
nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang
katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag
sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z
Wikang Panturo
Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang panturo
hanggang sa unibersidad.
Gaya ng nakasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang batas
ng 1987, Sek.6 kaugnay ng wikang panturo na:
Sek.6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pang mga wika. Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at
puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Wikang Opisyal
Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersyo at industriya.
Ipinahayag naman sa Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang -batas ng 1987
na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas,
Ingles.”

Narito ang mga Kautusang Pangkagawaran na may kinalaman sa mga konseptong


pangwikang tinalakay sa itaas:
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52, S. 1987
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan
opisina, ahensya, instrumentality ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa opisyal na
mga transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74, s. 2009

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilinggwal na Edukasyon.

Mga Gawain (Practice Exercises/Activity)


Isulat sa patlang ang O kung nagpapahayag ng opinyon ang pangungusap sa bawat
bilang, X naman kung hindi. Ipaliwanag kung paano nagging opinyon o hindi ang mga
kasagutan.
______1. Wika ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan.
Paliwanag:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________.
______2. Sa palagay naman ni Hutch, isang Sistema ng mga tunog, arbitraryo na
ginagamit sa komunikasyong pantao ang wika.
Paliwanag:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________
______3. Sa paniniwala ng mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa komunikasyon.
Paliwanag:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
______4. Wikang Panturo ang gamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Paliwanag:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
______5. Si Juan ay isang bilingguwal dahil sa galing niyang gumamit ng dalawang wika.
Paliwanag:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Magtulungan Tayo! (What I Learned/Generalizations)

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Panuto: Punan ang mga patlang na makikita sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot.

Dr. Erlinda Mangahis Wikang Panturo


Wikang Pambansa Wikang Opisyal Pangulong Quezon

1. Ang wika ayon kay __________ ang siyang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.
2. Ang __________ ay ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan.
3. Ang ________________ ay ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
4. Tinatawag na ____________ ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika, sa komersyo at industriya.
5. Ipinalabas ni _____________ noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa.

Magagawa ko! (What I Can Do)

 Sumulat ng isang adbokasiyang sanaysay ukol sa kahalagahan ng mga


Konseptong Pangwikang tinalakay sa iba’t ibang midyum na mayroon tayo sa
kasalukuyan.

Subukin (Post Test)

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat lamang sa papel ang
letra ng pinakatamang sagot.

1. Tumutukoy sa konseptong pangwika na ginagamit sa mga industriya, komersyo at


kalakalan.
a. Wika
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Panturo
d. Wikang Pambansa

2. Sino ang tagapangulo ng komite na pumili ng tagalog bilang batayan ng wikang


pambansa?
a. Jaime de Veyra
b. Manuel L. Quezon
c. Lope K. Santos
d. Francisco Balagtas

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
3. Nakasaad dito na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika."
a. Artikulo 14, Seksyon 5 ng 1945 Konstitusyon
b. Artikulo 13, Seksyon 7 ng 1937 Konstitusyon
c. Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon
d. Artikulo 15, Seksyon 8 ng 1987 Konstitusyon

4. Ang pagpapalitang-koda mula waray at tagalog ay halimbawa ng anong konseptong


pangwika?
a. Decoding
b. Wikang Panturo
c. Bernakular
d. Bilinggwalismo

5. Sa anong taon tinawag na Filipino ang ating wikang pambansa?


a. 1937
b. 1959
c. 1987
d. 2001

6. Ang AMA NG WIKANG PAMBANSA.


a. Francisco Balagtas
b. Dr. Jose P. Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Lope K. Santos

7. Ano ang naging katawagan ng ating wikang Pambansa pagkatapos itong tawaging
tagalog?
a. Pilipino
b. Unang Wika
c. Waray
d. Filipino

8. Anong wika ang ginagamit sa pagtuturo mula kindergarten hanggang sa ikatlong


baiting sa kasalukayang kurikulum?
a. Filipino
b. Waray-waray
c. Unang Wika
d. Ingles
9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga
paaralang Pang- sekundarya?

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
a. Tagalog at Bisaya
b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino
d. Ingles at Kastila

10. Tumutukoy sa wikang ginagamit


sa mga sulatin sa akademya.
a. Wikang Panturo
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Pandaigdig

11. Ang wikang mapipili bilang


wikang ______ ay magagamit bilang wikang panturo hanggang sa unibersidad.
a. panturo
b. opisyal
c. pambansa
d. pang-etniko

12. Konseptong pangwikang


tumutukoy sa wikang ginagamit sa buong kapuluan ng bansa.
a. Wikang Panturo
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Pambansa
d. Wikang Internasyonal

13. Ipinahayag sa Sek.7 ng Artikulo


XIV ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, _______.”
a. chavacano
b. latin
c. ingles
d. bisaya
14. Konseptong Pangwikang
ginagamit sa lehislatibong sangay ng gobyerno.
a. panturo
b. opisyal
c. pambansa

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
d. pang-etniko
15. Sa kasalukuyan, ang Filipino,
Ingles at _______ ang siyang ginagamit sa kasalukuyang kurukilum bilang wikang
panturo.
a. unang wika
b. pangalawang wika
c. pangatlong wika
d. wikang pambansa

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: depedcatbalogancitydivision15@gmail.com
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision

You might also like