You are on page 1of 7

\

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG
PILIPINO

MODYUL 1

MS. EILA LOUISE NICOLE D. AGANA


TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon ……………………………………………………………2
Modyul 1
Subukin……………………………………………………………………3
Leksyon ………………………………………………………………..4-6
Gawain ………………………………………………………………..7

INTRODUKSYON

KOMUNIKASYON
Noon pa man, ay maituturing na na mahalaga ang komunikasyon sa buhay ng bawat tao. Kapag
sinabi nating komunikasyon, ito ay ang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng
impormasyon, ideya, at mga saloobin. Ito rin ang nagiging tulay upang mag kaintindihan ang bawat tao.
Sa pamamagitan ng komunikasyon, mas pinatatatag nito ang pagkakaunawaan ng mga nagsisipag-usap.
Kailangan ay maiangkop ang sarili sa lipunang kanyang ginagalawan upang maunawaan ng kanyang
kinakausap o nakaksalamuha.

PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay sinasabing isang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng
isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ngunit ang pananaliksik ay isang kritikal,
maingat, at disiplinadong pangangalap ng datos sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay
sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

WIKA
Ang wika ay bahagi na ng ating araw-araw na pamumuhay, ito ay ginagamit natin sa
pakikipagtalastasan. Ito ay kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais iparating ng nagsasalita.

KULTURA
Makulay at mayaman ang kulturang Pilipino sa anumang aspeto. Kapag kultura ang pinag-
uusapan nakapaloob dito ang kabuuang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa
iisang teritoryo, halimbawa nalang ng mga kulturang ito ay ang paniniwala, tradisyon, at pag uugali. Sa
bawat teritoryo o lugar na kanilang ginagalawan, mayroon silang iisang paniniwala, at tradisyon, na
kung saan sa aspetong ito makikita na ang pagkakaisa ng bawat tao sa isang teritoryo.

Sa pagtatapos ng talakayang ito, ang mga estudyante ay inaasahang magawa ang mga sumusunod:
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio,
talumpati, at panayam. [F11PN-Ia-86]
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mgan konseptong pangwika. [F11PT-Ia-85]
3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika samga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa
telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the
Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)) [F11PD-Ib-86]
4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. [F11PS-Ib-
86]
5. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika. [F11EP-Ic-30]
6. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday)
[F11PT-Ic-86]
7. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with my Heart, Got to Believe, Ekstra, at iba pa) [F11PD-
Id-87]

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 2


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
MODYUL 1: KONSEPTONG PANGWIKA

SUBUKIN

` 1. Bakit mahalagang pag aralan ang wika? Ano ang silbi nito sa iyo bilang mag
aaral?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bumuo ng konsepto kaugnay sa salitang wika. Gamitin ang concept web.

WIKA

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 3


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
`
LEKSYON

Mga Konseptong Pangwika


(Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang
Opisyal)

“Bawat bansa ay may sariling wika; habang may sariling wika ang isang
bayan ay taglay niya ang kalayaan; ang wika ay pag-iisip ng bayan.” –
Kabanata 7- Si Simoun, El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal

WIKA – KATUTURAN AT KALIKASAN


Sa loob ng maraming siglo, marami narin ang sumubok na bigyang
depinisyon ang wika. Ito ay dahil ang pagbibigay kahulugan o depinisyon ay
pinaikling bersyon ng teorya, payak man o masaklaw, ang teorya ay
nananatiling ekstensyon ng depinisyon.

 Gleason (1961)
“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog ng napili at
isinasaayos sa pafraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalasan ng mga
taong nasa iisang kultura.”

 Finnochiaro (1964)
“Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na
nagbibigaypahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natututunan ang
ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag ugnayan.”

 Sturtevant (1968)
“Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao.”

 Bouman (1990)
“Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na
lugar, para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal
na signal sa pagpapahayag.”

 Webster (1990)
“Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihann ng isang
maituturing na komunidad.”

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 4


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
LEKSYON

Mula sa mga pagpapakahulugang binigay ng mga awtoridad, masasabi


natin na ang wika ay:

a. Masistema
b. Lipon ng simbolikong arbitraryo
c. Pasalita, ngunit biswal din
d. Makahulugan
e. Komunikasyon o gamit sa komunikasyon
f. Umiiral sa isang speech community at
g. Natutunan ng tao sa parehong paraan – sa natural na paraan

WIKANG PAMBANSA
ANG DEPINISYON NG WIKANG PILIPINO

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, “Ang Filipino ay katutubong


wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan
sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng
wika para sa iba’t-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang
sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.”

Bago talakayin ang depinisyon ng Filipino, bigyang-kahulugan natin


kung ano ang wikang pambansa.

Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pambansang


pamahalaan at ginagamit sa pakikipag ugnayan sa mga mamamayang
kanyang sakop. At kung ang bansa ay multilinggwal tulad ng Pilipinas, dapat
lamang asahan na ang wikang pambansa ay magiging tulay na wika sa pag-
uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na maykani-kanilang
katutubong wikang gamit. Bukod ditto, ito rin ang pambansang daluyan ng
komunikasyong tulad ng telebisyon, radyo, at mga pahayagan, gayon din
naman ang mga kilalang politiko, komentarista, mga manunulat, at makatang
gustong maabot ang buong bansa.

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 5


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
WIKANG PANTURO

Ang wikang pambansa nan itinadhana ng batas ay gagamitin bilang


wikang panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na
antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang
panturo upang makaagapay sa akademikong pag unlad. Magiging
makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa
Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-Batas ng 1987, Seksyon 6
kaugnay ng wikang panturo na:

Konstitusyong 1987 / Artikulo XIV Seksyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ag paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo ng sistemang pang
edukasyon.

WIKANG OPISYAL

Tinatawag na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa


edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa komersyo, at industriya. Ipinahayag
naman sa Seksyon 7 ng Artikulo XIV ng Saligang-Batas 1987 na: “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walangg itinatadhana ang batas, Ingles.”

Tinatanggap din ang Ingles bilang isang opisyal na wika maliban sa


Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipag komunikasyon at edukasyon,
hanggat walang batas na nagbabawal na gamitin ang Ingles sa nasabing mga
sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 6


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
GAWAIN BLG. ____
PANGALAN: GURO:
ANTAS AT SEKSYON: NUMERO:

I. Itala ang iba’t ibang pagpapakahulugan na ibinigay ng iba’t ibang awtoridad patungkol sa WIKA.
a)
b)
c)
d)
e)
f)
g)

II. Tukuyin kung sino ang nagpahayag ng bawat pagpapakahulugan ng wika.

a) Finnocchiaro e) Gleason
b) Hill f) Bouman
c) Brown g) Hutch
d) Webster

_____________ 1. “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog ng napili at


isinasaayos sa pafraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalasan ng mga taong nasa iisang
kultura.”

_____________ 2. “Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang
tiyak na lugar, para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na
signal sa pagpapahayag.”

_____________ 3. “Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na


nagbibigaypahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natututunan ang ganoong kultura
upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag ugnayan.”

_____________ 4. “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihann ng isang


maituturing na komunidad.”

_____________ 5. “Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao.”

- WAKAS -

“ Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa


bawat pagkakamali”

Sagot:
I. (a) masistema (b) set ng simpolikong arbitraryo (c) pasalita, ngunit biswal din (d) makahulugan (e)
komunikasyon o gamit sa komunikasyon (f)umiiral sa isang speech community (g) natututunan ng tao sa parehong
paraan- sa natural na paraan
II. (1) Gleason (2) Bouman (3)Finnocchiaro (4)Webster (5)Sturtevant

MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY 7


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

You might also like