Professional Documents
Culture Documents
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURAN PILIPINO
Seksyon : 2B1
Strand : ICT (S.Y. 2019 – 2020)
Ipinasa kay:
Bb. Aira Alissa Santos
Guro sa Filipino
1
TALAAN NG NILALAMAN
MODULE 1.......................................................................................................................3
Wika
MODULE 2.....................................................................................................................15
Gamit ng Wika
MODULE 3.....................................................................................................................21
Kasaysayan ng Wikang Pambansa Part 1
MODULE 4....................................................................................................................26
Kasaysayan ng Wikang Pambansa Part 2
MODULE 5....................................................................................................................31
Ang Wikang Pambansa sa Kasalukuyan
MODULE 6....................................................................................................................38
Ang Sanaysay
MODULE 7....................................................................................................................41
Ang Wikang Filipino sa Iba't ibang Kalagayan
MODULE 8.....................................................................................................................45
Ang Baryasyon ng Wika
MODULE 9....................................................................................................................48
Kakayahan ng Wika
MODULE 10...................................................................................................................58
Mga Teoryang Pandiskurso
MODULE 11...................................................................................................................62
Pangunahing Kaalaman sa Pananaliksik
MODULE 12...................................................................................................................69
Gabay sa Pananaliksik
2
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 1
Panimula
Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan kung hindi nakapag-uusap ang bawat
miyembro ng pamilya? Ano ang kaya ang maaaring maganap sa paaralan kung di makapagpapahayag
ng saloobin ang bawat isa? At paano kung ang bawat tao ay walang daluyan ng pagkakaunawaan?
Ganito kahalaga ang magkaroon ng midyum ng komunikasyon. Nakasalalay sa wikang
nauunawaan nang lahat ang tibay ng ugnayan at tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika
sa ating lipunan. Sa modyul na ito ay iisa-isahin ang mga konseptong pangwika na makatutulong
upang higit na mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa buhay ng tao.
Wika
3
Katangian ng Wika
May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na
kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantika) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set
ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na
komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Buhay. Buhay ang wika ay patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang.
Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)- may kapangyarihan ang ating wika
na makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng paglalakip ng iba’t ibang panlapi at kumbinasyon ng mga salita. Halimbawa,
ang salitang-ugat na buhay (hanapbuhay, nabuhay, pagkabuhay, buhay-Maynila, Sumakabilang
buhay, walang buhay,atbp.)
Tunog Kalikasan (onomatopoeia)- isa pa rin sa katangian n gating wika ay ang kakanyahang
magaya ang likas na tunog na kaugnay ng mga bagay o kilos na nakapaloob sa salita, ayon sa
pag-aaral na ginawa ni Bayani Mendoza de Leon. Halimbawa, “ubo”, “hatsing”, “untog”,
“halakhak”, “pagaspas”, “dagundong”, at marami pang iba.
Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin ( neoligistic cohesion) – neologism ang tawag
sa pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat, nagkakamit ng isang antas ng kahulugan at
nagpapakita ng maugnayin at masistemang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa, ang
4
unlaping ka- na tumutukoy sa uri ng pagkakaugnayan (kakambal, kamag-anak, kasama,
kabiyak, kaanak,atbp)
Kataga at salitang inuulit – at ang wikang Filipino ay may katangiang pag-uulit ng kataga o
salita. Halimbawa, tingting, araw-araw, isa-isa, bitbit, sama-sama, atbp.
Pambansang Wika
Wikang Panturo
5
Baitang 3 at 4. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang wikang pambansa sa Baitang 5
at 6.
Wikang Opisyal
Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o
pakikipagtransaksyon, halimbawa ay sa mga sangay ng pamahalaan o sa isang kompanya o sa
isang organisasyon.
Mas tiyak ito kaysa pambansang wika na masaklaw.
Ayon sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935:
Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy nanopisyal
na mga wika.
Alinsunod naman sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987:
Ukol sa layunin ng mga komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Lalo pang pinagtibay ang katayuann ng Filipino sa naunang probisyon. Ayons a Artikulo XIV,
Seksyon 6 ng nasabing konstitusyon:
Bilingguwalismo
6
One-person, one language – nalalantad ang bata sa wikang sinasalita ng kanyang mga
magulang (kahit magkaiba) na ang isang wika ay siyang dominanteng wika ng pamayanang
kinabibilangan.
One-language, one-environment- natutunan ng bata ang wikang sinasalita ng mga magulang
gayundin ang wikang di-dominante sa pamayanang kinabibilangan.
Non-dominant language without community support – ang bata ay namumulat sa iisang
wikang sinasalita ng mga magulang ngunit hindi ginagamit sa pamayanang kinabibilangan.
Double non-dominant language without community support – nasasanay ang bata sa
magkaibang wikang sinasalita ng kanyang mga magulang gayundin sa wikang ginagamit sa
pamayanang kinabibilangan na iba sa wikang gamit sa loob ng tahanan.
Non-dominan parents – lantad ang bata sa unang wika, sa loob o labas man ng tahanan,
ngunit dahil sa isa mismo sa mga magulang ay nasasanay rin siya sa isa pang unang wika.
Mixed – bilingguwal ang mga magulang, may mga sector din sa lipunan na bilingguwal.
Kapag kinakausap ng magulang ang bata, nagpapalit-palit sila ng wika. Paglabas ng bata sa
pamayanan, katulad ang sitwasyon kaya nasasanay ang bata sa pagpapalit-palit ng wika.
Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s.1987:
Ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa
Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pmamagitan ng pagtuturo ng dalwang wikang ito at
sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Ang mga wikang panrehiyon
ay gagamiting pantulong na mga wika sa Baitang 1 at 2. Ang aspirasyon ng bansang Pilipino
ay makapag-angkin ang mga mamamayan nito ng kasanayan sa Filipino upang
makapagpanuparan ng kanilang mga gampanin at tungkulin bilang mga mamamayang Pilipino
at sa Ingles upang makatugon sa mga pangangailangan ng vayan sa komunidad ng mga bansa.
Multingguwalismo
7
Lalong marami ang batang bilinnguwal o multilingguwal kaysa monolingguwal (iisa ang
wikang nagagamit) at marami sa kanila ang naturuan, gamit ng ikalawang wika o natuto nito sa
kanilang pag-aaral, kaysa naturuan gamit ang purong unang wika lamang.
Ayon kay Seville-Troike (2006), ilan sa mga dahilan na maaring magbunsod sa isang tao upang
maging multilingguwal ay ang mga sumusunod: pagkakasakop sa isang vayan ng usang
bansang may ibang wika; pangangailangang makausap ang mga taong may ibang wika upang
mapag-usapan ang negosyo at iba pang interes ekonomiko; paninirahan sa ibang bansa na may
ibang wika; pagnanais na magtamo ng edukasyon na makukuha lamang kung matututo ng ibang
wika; pag-angat sa trabaho o pagtaas ng antas panlipunan na magagwa lamang kung
matututunan ang hinihinging ikalawang wika;n at ang pagnanais na makakilala pa ng mga
taong may ibang kultura at mapakinabangan ang kanilang teknolohiya o panitikan na magiging
posible lang sa pag-aaral ng kanilang wika.
Ayon kay Baker (2011), ang kakayahan, pag-unlad, kultura, gamit, balanse ng mga wika,
gulang, konteksto at paraan ng pagkatuto ang mga dimensyon ng bilingguwalismo o
multilingguwalismo.
Register/Baryasyon ng Wika
8
maging kabilang sa grupo, tinatawag itong convergence (Howard Giles, Communication
Accommodation Theory 1982).
c) Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura,
Korte, Simbahan, Medisina). Pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit
niya dahil naipapasok niya rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larang.
Rehistro ng Wika
Natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong sitwasyunal, okupasyunal, at
topikal.
Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan.
(Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan
lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa
ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng
komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at
kliyente, atbp.)
Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o
kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito
ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.
Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na
kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid,
mag-ina o mag-ama, atbp.)
Homogenous na Wika
9
Grupong pormal – Bible Study Group na nangangaral
Grupong impormal – barkada
Yunit – pangkat ng mga basketbolista; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
Heterogenous na Wika
Lingguwistikong Komunidad
Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat
isa.
Nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama sama nito ang mga tao
upang makabuo ng komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos at kolektibong
ugnayans a ikauunlad ng bawat isa.
Mga salik ng lingguwistikong komunidad (Saville-Troike, 2003)
May kasisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba (Chomsky, 1956; Lyons, 1970)
Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito (Hymes,
1972)
May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika (Labov, 1972)
10
Unang wika
Anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang unang wika
(Saville-Troike, 2006).
Isang opisyal na wika o wikang namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho at
anupamang mahalagang pangangailangan.
Maituturing ring ikalawang wika ang dayuhang wika, bagama’t hindi laganap na ginagamit sa
lipunan ay pinag-aaralan dahil kakailanganin sa paglalakbay sa ibang bansa o vayan, o sa
anupamang sitwsyon na hihingin ang pakikipag-usap sa isang taong may ibang lahi.
Wikang Rehiyunal
Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyong
Kailokanuhan-Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)
11
Lalawiganin
Pabalbal o Kolokyal
Teknikal na Wika
Patay na wika
Pidgin at creole
Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nalilinang na bagong wika.
Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang tawag sa
proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang magkaintindihan
ito. Creole naman ang tawag sa wikang nadedebelop sa isang pidgin at nagiging unang wika ng
isang lugar.
Dayalek
Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-Cebu, Tagalog-Bulacan,
Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija, Bikolano-Naga, Pangasinense-Benguet)
12
Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura.
Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung
sila ay kabilang o nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan.
Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika , pinaggalingan , pag-unlad na
pangkasaysayan , mga tradisyon at paniniwala , at iba pang salik na nagbibigay-hugis sa
kulturang taglay ng nasabing grupo .
Idyolek
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa
pakikipagtalastasan.
Ayon sa Genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagamit ng tao,ang pahayag na ito
ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay
dinebelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t ibang kaalaman.
13
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN
14
Panimula
Sa isang buong araw, sinu-sino ang iyong mga nakakasalamuha? Anu-ano ang inyong mga pinag-
uusapan? Sa paanong paraan mo naipahahayag ang iyong naiisip o nararamdaman? Sa modyul na ito
ay tatalakayin ang mga gamit ng wika ayon sa propesor sa Australia na si Michael Alexander Kirkwood
Halliday. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga gamit na ito, mapipili natin ang antas ng wika na
naaangkop sa sitwasyong gagamitan nito.
Sa modyul na ito, maiisa-isa ang mga mahahalagang tungkuling ginagampanan ng wika sa lipunang
atng kinabibilangan.
Sa aklat na Explorations of Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973), binigyang diin na ang
pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.
15
(iyak) upang matawag ang pansin ng kanyang ina. Habang lumalaki ang isang bata at habang
nabubuo ang kanyang pagsasalita lalong nagiging instrumental ang wika upang maipahayag
niya ang kanyang mga kailangan.
16
habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa sikolohiya, ang
personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang ang pag-uugali, psychodynamic,
pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang panlipunan.
Hindi nga ba kailangan ng isang binate na maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamgitan
ng matatamis na salitang iniuukol niya sa kanyang minamahal? Batay sa personality theory
(Briggs at Myers, 1950) may apat na dimensyon ang ating personalidad: panlabas laban sa
panloob; pandama laban sa sapantaha; pag-iisip laban sa damdamin; paghuhusga laban sa pag-
unawa.
Sa gamit na ito, ang wika ay para sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Ang ganitong tungkulin
ng wika ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay,
at malikhaing katha. Maging ang pelikula ay ginagamitan ng imahinatibong wika.
17
Tanong at sagot. Pag-iimbestiga. Pag-eeksperimenton kung tama o mali. Natututo tayo sa
ganitong proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagtuklas ng luma at bagong kaalaman.
Katangian : naghahanap ng mga impormasyon o datos halimbawa : pasalita - pagtatanong
pananaliksik, pakikipanayam o interbyu pasulat - sarbey
Pang-impormatibo/representatibo – nakapagpapahayag ng impormasyon ang isang tao at
nakapagpapakita ng kakayahang manindigan dahil pinanghahawakan niyang totoo ang
kaniyang sinasabi. Ginagamit ang wika upang magparating ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga
pangyayari, maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag at iba pa.
Sa gamit na ito ng wika, nakikita ang may pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng
impormasyon o kaalaman at may tumatanggap. Ang wika ang representatibo ng kaalaman o
impormasyong inihahatid sa iba.
18
Pananda – nakatutulong upang bigyang-diin, linawin, at pukawin ang atensyon ng mambabasa
o tagapakinig.
Ayon sa kanyang teaorya,dumaraan sa tatlong yugto ang pag-unlad ng wika ng isang bata:
Antas protowika – gumagamit siya ng mga kilos na may tiyak na ibig sabihin upang
magpahayag, gaya ng pag-iyak kapag nagugutom.
Antas leksikogramatiko – nakagagamit na siya ng mga simpleng salitang may lohikal na
ayos, gaya ng pagsasabi ng “Kain ako” upang malaman ng mga tao sa paligid niya na gutom
na siya.
Antas ng maunlad na wika – nakagagamit na siya ng buong pangungusap at
nakapagdidiskurso nang tuloy-tuloy.
Gamit sa talastasan – pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Lumilinang ng pagkatuto – ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat
ng henerasyon, tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na nililinang at sinusuri
upang mapaunlad ang kaisipan.
Saksi sa panlipunang pagkilos – Sa panahon ng Rebolusyon, mga wika ng mga
rebolusyonaryo ang nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na
lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat, talumpati, at mga akda
Lalagyan o imbakan – ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng
isang bansa.
Tagapagsiwalat ng damdamin – ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman.
Maaari itong pag-ibig, pagkagalit, o pagkapoot.
Gamit sa imahinatibong pagsulat – ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento, at
iba pang akdang nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.
19
Tungkulin ng Wika… (Roman Jakobson)
20
Panimula
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang bansa ay ang mga pinagdaanan nito sa mahabang panahon
upang makamit ang tinatamasang kaunlaran, kalayaan at pagbabago. Ang kasaysayan ang inaalam
upang malaman ang mga dahilan kung bakit ang isang bansa ay nasa kasalukuyang estado. Ang
Pilipinas ay isa sa mga patunay ng bansang may mayamang kasaysayan na kung saan ay nagbunga ng
maraming tradisyon, paniniwala at kasabihan. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng iisang wika.
Sa modyul na ito, babalikan ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas noong
panahon ng Kastila at panahon ng rebolusyong Pilipino na naging daan upang isilang ang wikang
pambansa.
Panahon ng Kastila
Noong panahon ng pre-kolonyal may labimpitong letra an gating alibata, tatlo ang patinig,
labing-apat ang katinig. Ang baybayin ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga
ninunong Pilipino.
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o
bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa
itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa
hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng
huling tunog.
Ipinag-utos ng Haring Felipe II ng Espanya noong 1594 para sa ikdadali ng pag-aaral at
pagkaunawa sa wikang Pilipino mga lubusang naipino na hatiin ang kapuluan sa apat ayon sa
mga orden na naririto sa Pilipinas.
21
Ang mga misyonaryong ito ang lubusang nag-aral ng wika sa kanilang nasasakupan. Ayon kay
Phelan (1955) nahati ang mga Augustinian at Heswita sa buong Kabisayaan; sa mga Dominiko,
nagawi ang lalawigan ng Pangasinan, Cagayan kasama na ang pag-aaral ng wikang Instik. Ang
mga Franciskano ay tinalaga sa Katagalugan.
Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang
(5) patinig at labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.
Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga
kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi
naman ito nasunod:
Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo
Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng
isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito.
Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
22
Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Nanguna sa pagpapayaman ng wika noonh panahong ito sina Dr. Jose Rizal, Graciano
LopezJaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika
ng Pilipinas.
Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.
Panahon ng Amerikano
Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey.
Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na
demokratiko
Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon
William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga
Pilipino at Amerikano
Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay alamin ang
pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles ay
dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal
23
N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo
sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may
kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba
pang pang-araw-araw na Gawain.
Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang
bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular sa
mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikang
rehiyonal
Ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang patakarang ipinatupad ng mga mananakop na
Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga
pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema ng edukasyon.
Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang
Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.
Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña
bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung “nasyonalismo.” Naniniwala ang
mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na
siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang
pagmamalaki ng sambayanan. Pebrero 8, 1935 – Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong
1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa
ating bansa.
1935 – Pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika (Seksyon 3, Art.XIV)
1936 – inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa
na magiging batayan ng wikang pambansa.
Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang
Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
24
1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat
ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga
taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak
(sinasalamin ang dayalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang
nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay saTagalog. Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang
Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga
paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,
1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
25
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 4
Panimula
Ang pag-unlad ng isang lugar ay nakaugat sa mga bagay na naganap sa nakaraan. Sa mahusay na
pamumuno, disiplina ng mga mamamayan at pagtutulungan ng lahat ay magkakaroon ng magandang
bunga sa pamayanan. Sa pag-unlad ng wika, ang mga taong may marubdob na pag-ibig dito ang
maaaring nagambag upang mapayaman at patuloy na malinang ang wika.
Sa modyul na ito ay patuloy na tutuntunin ang mga yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na naging daan sa
pagkakaroon ng wikang pambansa.
Panahon ng Hapon
Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang
katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
Ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na ipinalabas noong Hulyo 24, 1942 ng
Philippine Executive Commission na pinamunuan ni Jorge B. Vargas, nag-uutos na gawing
opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon. Gagamitin lamang ang Ingles na
pansamantalang wika habang tumutungo ang mga Pilipino sa masteri ng Tagalog at Niponggo.
Nagbunga ng maraming babasahing nakalimbag sa Tagalog at nagging masigla ang panahong
ito para sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa pagnanais na burahin ang anumang
ipmluwensya ng mga Amerikano.
Nagpatuloy ang pagtatakwil sa Kanluranin maging sa Saligang Batas 1943. Ayon sa Artikulo
IX, Seksyon 2, “dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan tungo sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Tagalog bilang Pambansang Wika”. Sang-ayon ito sa isa sa mga propaganda
ni Pangulong Laurel na “Isang watawat, isang bansa, isang wika.”
Noong Nobyembre 30, 1943, inilabas ni Pangulong Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap
Bilang 10 na nagtatakda ng pagtuturo sa pambansang wika.
26
Pinabuksan noong Enero 3, 1944, ang Surian ng Tagalog, gaya ng Surian ng Niponggo, upang
ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog na pagkaraan ay ipadadala sa mga lalawigan upang
magturo ng pambansang wika (Catacataca at Espiritu, 2005).
Ang mga pinunong military ng puwersang Hapones ang nagging mga tagapagturo ng
Niponggo. Binigyan din naman ng katibayan ang mga nagsipagtapos: junior, intermediate at
superior (Constantino, et. Al, 2002)
Nakilala ang mga tulang tinatawag na Haiku at Tanaga. Samantala, ang “Panday Pira” ni Jose
Matute Hernandez, “ Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo, “Bulaga” ni Clodualdo del
Mundo, at “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni N.V.M Gionzales naman
ang mga dulang sumikat noon.
Ang mga mahuhusay na maikling kwento nang panahon na ito gaya ng “Lupang Tinubuan” ni
Narciso Reyes, “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at “Ang Lungsod, Nayon at
Dagatdagatan” ni N.V.M Gonzales.
Ang mga Hapon ang mas nagturo sa mga Pilipino noon kung paano maging makabayan gaya
ng pagkilala, pagmamahal, at pagpapayaman nang lubos sa sariling wika.
Panahon ng Pagsasarili
Naisalin ang kapangyarihan kay Dating Pangulong Manuel A. Roxas, huling pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong Republika.
Nabigyan ng higit na pagkakataon ang mga opisyal ng bayan na pag-aralan ang kalagayan ng
pambansang wika at magpatupad ng mga batas na magsusulong nito.
Sa panahong ito, naideklara ang pagkakaroon natin ng wikang pambansang tatawaging Pilipino
– na kalauna’y naging Filipino.
Ang wikang Filipino ay tinaguriang “Tagalog-plus” na kung saan ito ay binubuo ng iba’t
ibang banyagang salita maliban sa Tagalog at nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong
diksyunaryong Filipino., na kung saan ang salitang Ingles na Dictionary at Espanyol na
Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang “diksyunaryo.”
27
Para sa mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na “purist,” ang salitang dictionary
ay ang “talatinigan.” Ilan pa sa mga halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon,
okasyon, indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles tulad ng computer,
qualification, occasion, individual, at syphilis.
Para sa mga eksperto, mas maiging tawaging “Filipino” at hindi “Tagalog” ang sarili nating
wika upang magbigay galang o konsiderasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit
ang wikang Tagalog bilang kanilang pangunahing salita.
Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng
1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa
gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin
ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura
at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng
Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.
Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang
Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upnag mailagan na
ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa
Tagalog”.
Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na
nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu-halong
sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o
Tagalog.
Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo
4, 1946, ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 –
Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay
inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12, 1959 – Tinawag na Pilipino ang Wikang
28
Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang
gagamitin. Nakilala ang wikang tagalog bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito
sa mga Tagalog.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Set. 23, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na inililipat
ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13
hanggang ika- 19 ng Agosto.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa
mga Tagalog.
EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO
Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa
himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas
ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa lamang ba itong
sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay pinagsama-samang mga salita mula sa iba’t-ibang
kultura?
May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000
pangunahing wika. Isa sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay
nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga kawikaan sa
Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia.
Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang
Malayo-Polynesian. Sa mga sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay
na Tagala.
Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol,
Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa
dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagasalita, nagsusulat, at nakakaunawa
29
rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal,
Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa. Gauyundin sa
Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang
Hiligaynon naman ay mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at iba pa. Ang Bicol
ay mayroong Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang
Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.
30
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 5
Panimula
Ang wika ay buhay, samakatuwid ang wikang Filipino ay buhay, nagbabago, umaakma sa pagkakataon
at umaagpang sa paglipas ng panahon. Ang wikang Filipino ay masasabing nagdaan sa masalimuot na
mga yugto at patuloy na magdaraan pa sa paglinang at pag-aaral upang umangkop sa nagbabagong
panahon, bagong henerasyon at sa yumayamang teknolohiya.
Sa modyul na ito, titiyakin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa hanggang sa kasalukuyang panahon.
Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 –
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973 – Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 -
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.
Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang
banyagang-hiram na titik. Sa 1987 Constitution – Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo
muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia
Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak
ang tungkol sa Wika.
31
Artikulo XIV - Wika
32
PambansaBatay sa Tagalog ayon na rin sa nasasaad sa 1935 Constitution, isinilang ang kauna-unahang
ortograpiya. Binuo ni Lope K. Santos, ang Abakada (15 katinig at 5 panitig) namay 20 letra:
a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y.
Noong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino angWikang
Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang
Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Pambansa), angortograpiyang Pilipino na tinaguriang
"pinayamang alpabeto" na binubuo ng 31 letra:
a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z
a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t uv w x y z.
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na
development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Sa rebisyong ito, sinasabi na
pinaluwag ang paggamit ng mga letrang c f j ñ q v x z.Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng
hiram na salita anuman ang barayti nitokasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong
tinatawag na karaniwangsalita. Oktubre 9, 2006 nang pansamantalang ipinatigil ito at ang ikatlong
ortograpiya.
Noong Agosto 2007, inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng
KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sawika, superbisor sa
Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007.
33
Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino
Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na
nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang
pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng
pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang
katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra
ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa
34
Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng
Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940,
napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine
Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng
Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta
sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese
Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng
Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na
pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987.
Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa
Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang
mga wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang
tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng
Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P.
Laurel Street, San Miguel, Maynila.
- magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang
pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng
Pilipinas;
- magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga
patakaran, mga plano at mga programa nito;
- magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang
ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang
mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng
35
paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga
koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o
nakasama na sa lingua franca;
- magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga
ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa
pagbasa at pagtuturo;
- ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award ang pagsulat
at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga
teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
- lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalingwika na gaganyak sa
pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa
iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga
grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive
issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk at
mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na
maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;
- tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng pamahalaan
o pribadong entidad, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga
gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito;
- mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga
seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin
at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba
pang mga wika ng Pilipinas;
- bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at
pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Tanggapan
ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran,
mga plano at mga programa;
- humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito
at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin
at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;
36
- organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o
magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang nagbabagong mga
kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga
pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba ang kanilang mga ranggo,
bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo;
- gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan
na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.
37
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 6
Panimula
Wika ay salamin ng lahi at pagkakakilanlan. Sa wika nakikilala ang isang grupo ng mga tao dahil ang
kultura at wika ay di maaaring mapaghiwalay. Mula sa mayamang kultura ng bawat pamanyanan o
komunidad, maaaring masuri ang gamit ng wika upang makilala pa nang lubusan ang mag taong
gumagamit nito.
Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha.
Maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-
kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw.
Isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.
Dalawang Uri:
Sulating Pormal o Maanyo - nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar,
hayop o pangyayari. naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos
ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa nagtataglay ng
pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik
Sulating Di-Pormal o Impormal - karaniwang nagtataglay ng opinyon, kurukuro at
paglalarawan ng isang may akda. maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa
kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na
tungkol sa kanyang pagkatao karaniwang naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa
iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
38
Mga Bahagi ng Sanaysay
1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng
attention ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. Maaari itong isulat sa
paraang...
a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga
maliliit na detalye (inverted pyramid)
b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa
sanaysay at para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa.
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang
sanaysay.
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng
iyong sanaysay.
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Maaari itong isulat sa
paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papaya o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.
3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.
Maaari itong isulat sa paraang...
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.
39
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o
pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
40
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 7
Panimula
Paano maipakikita ang akademikong kasanayan sa paggamit ng wika? Kung may husay ba sa pagpili
ng mga salita? Sa tinig at tindig? O sa kakayahang maisalin ang mensahe nais maipabatid sa kausap o
tagapakinig?
Itinuturing na multikultural at multilingguwal ang Pilipinas dahil sa maraming dahilan, isa rito
ang natural na alokasyon ng mga isla ng bansa, dahil sa hiwa hiwalay na mga lalawigan at mga
anyong tubig na namamagitan sa bawat isla nit, likas rin ang pagkakaroon ng higit sa iisang
kultura at iisang wika.
Ayon sa pananaliksik, ang pinakahuling bilang ng wikang umiiral sa Pilipinas ay 169 at ayon
kay McFarland (2004), sampung rehiyunal na wika ang maituturing na pangunahing wika rito
kabilang ang Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Ilocano, Kapampangan, Bicol, Pangasinan,
Maranao at Maguindanao. Itinuring itong mayoryang wika batay sa panukatan ng tagapagsalita
na higit isang milyon.
Nagkakakiba iba ang paggamit ng wika dahil sa dami ng tao at lawak ng lugar kung saan ito
ginagamit bilang midyum ng pang-araw araw na talastasan.
Ang impluwensya ng mga dayuhan ay isa rin sa mga dahilan ng multilingguwal at
multikultural ang sitwasyong pangwika at pangkultura ng Pilipinas. Patunay rito ang Ingles at
Espanyol.
41
Sa Paaralan
Sa kasalukuyan, bagaman at ang pambansang wika ang dapat na gamitin bilang wikang
panturo, Mapapansin pa rin sa ilang institusyon ang pamamayagpag ng Ingles bilang midyum
ng pakikipagtalastasan. At Ingles pa rin ang ginagamit na wikang panturo sa halos lahat ng
akademikong disiplina.
Madalang naman na sa mga paaralan ang nagtuturo ng dayuhang wika gaya ng Hapon, Pranses,
Espanyol, at Aleman. Kadalasan ay ibinibigay na lamang ito bilang elektibong kurso sa
kolehiyo.
Ang pag-usbong ng mga institusyong nagbibigay ng kursong pangwika para sa mga dayuhan
dito sa Pilipinas ay naging daan rin upang ang pag-aaral ng wikang dayuhan ay maging
kahingian lalo na sa mga guro na ninanais magturo ng mga Koreano, Hapon o Intsik.
Ayon sa sanaysay ni Propesor Rudy Rodil, napatunayan niyang hindi kapos sa bokubolaryo ang
Filipino sa larangan ng diskursong intelektwal.
Ayon pa sa guro na nabanggit, mas medaling ituro ang Kasaysayan ng Pilipinas sa sariling
wika, mas nadarama, tumatalab, interaktibo at buhay.
Pansinin, ang ilang kurso sa mga programang pangkolehiyo ay may deskriptibong Philippine
Literature, Philippine Constitution, History and Governance, at iba pa. Natural, sa pamagat
lamang ng kurso ito ay ituturo sa wikang Ingles, salungat sa inaasahan na wikang pambansa ang
daluyan ng pagkakaunawaan sa loob man o labas ng paaralan.
Sa Mass Media
42
babasahing nasusulat sa Filipino ay may lugar sa merkado, ang nakalulungkot lamang ay ang
halaga nito kaya iilang Pilipino lamang ang nagkakaroon ng kakayahang makabili nito, at ang
mga pahayagan na kaya ng masa ay pili lamang.
Maituturing na makapangyarihan ang mass media sa pag-impluwensya ng mga tao. Halimbawa
rito ay ang wikang gamit ng mga kilalang personalidad sa telebisyon, ginagaya ito ng masa
kung lagi laging ginagamit at napakikinggan. Gayundin ang wikang gamit sa pag-aanunsyo sa
radyo tulad ng tambalan sa Love Radio at mga jargon sa internet.
Ang pagpapahayag sa media ng mga mamamayang humihingi ng tulong, nagpapabatid ng
masidhing damdamin, pumupuna at nagpapaliwanag ng kanilang sitwasyon upang makarating
sa ilang tao o korporasyon ay gumagamit ng wikang nauunawaan ng mga target nilang
tagatanggap ng mensahe upang matukoy ang intensyon nila sa pinakamabisang paraan.
Sa Social Media
43
Napayayaman ang Filipino sa social media dahil sa malawak na sakop nito ng tagabasa,
tagasulat at tagasubaybay. Ngunit tandaan may mga dapat rin isaalang alang sa pagpapahayag
kahit ito ay sa social media sites at hindi basta basta na lamang magapapahayag. Ang pag-iwas
sa pangongopya, paninirang-puri at pagbabanta ay ilan lamang sa mga di katanggap tanggap na
pananamantala ng mga netizen o ang mga aktibo sa paggamit ng internet.
Digital citizenship ang isa sa mga napapanahong pagpapahalaga na dapat ay palawakin pa lalo
na at maraming nabubuhay na maseselang isyu sa mga facebook statuses, tweets, blogs at iba
pang posts online. Ito ay pagtatanda sa mga katanggap tanggap na asal at gawi sa paggamit at
pagtangkilik sa iba't ibang social media sites.
Ang mga guro at mag-aaral ay nakikinabang sa mas mabilis na paraan ng pagkatuto at
pagtuturo dahil sa social media sites. Nagiging daan ito sa mabisang pagpaparating ng aralin,
kasunduan, at anunsyo. Nagiging maalam rin ang netizens sa paggamit ng wika sa
pagpapahayag, pormal man o impormal.
Ang slacktivism ay isa sa mga negatibong resulta ng pananamantala sa social media sites na
kung saan ay na may mga indibiduwal na nagpapasimula ng pagsuporta sa isang panlipunang
isyu kahit na hindi siya tuwirang may ugnayan sa politika at nagdudulot ng di praktikal ba
epekto sa isyung pinaglalaban.
Ang kalagayang "alone-together" ay naisilang rin dahil sa pag-usbong ng koneksyon ng mga
nag-iisa ngunit may nakaksama sa isang espasyong gawa ng internet.
Sa Audio-Visual
Ang panonood bilang isa sa mga kasanayang pangwika, ay proseso ng pagkuha ng mensahe
kasama ang pag-unawa mula sa mga palabas. Masasabing isang uri ng pagbasa ang panonod
ngunit sa halip na tekstong nalakimbag ay sa pamamagitan ng audio-visual ang binibigyan ng
interpretasyon.
Ang tanghalan o teatro ay halimbawa ng palabas na nagpapayaman sa wika. Ang mga dayalogo
ng artista sa entablado ay gaya ng mga patalastas na mag-iiwan ng mensahe sa manonood.
Ang mga pelikula ay daan rin sa pagpapayaman ng wika na nag-iiwan ng aral, kwento at ideya
mula sa iskrip ng mga artistang kabilang sa isang palabas. Kadalsan ang mga pelikula ay
44
sumasalamin sa napapanahong kalagayan ng buhay ng mga tao kung kaya't ang antas ng
wikang gamit rito ay sumasalamin rin sa kasalukauyang kalagayan nito.
Panimula
Ang isang salita ay may tiyak na tungkuling ginagampanan sa pahayag. Ang mga salitang bumubuo sa
daloy ng diskurso ay kumakatawan sa kalagayan ng wika sa kulturang Pilipino o larangang
pinaggagamitan nito. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang mga terminolohiyang tumutugon sa
pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. May mga salita sa Medisina na hindi ginagamit sa
Abogasya gayundin sa pamilihan at paaralan. May mga terminolohiyang naiiba ang kahulugan depende
sa larangang kinabibilangan nito.
Sa modyul na ito, masusuri ang register ng wika na magpapakita ng kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino.
45
Tinatawag na convergence ang pagkakataon na ang nagsasalita ay iniiba ang pananalita ayon o
batay sa kaangkupan nito sa kanyang kausap upang higit na makapalagayang loob. Samantala,
tinatawag namang divergence ang sapilitang pagbabago ng pananalita ng isang tao upang
mapansin ang kanyang kaibahan, di-pakikiisa o pagpapaalam ng kanyang sariling identidad.
(Teoryang Akomodasyon, Howard Giles)
Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa etnograpiya ng komunikasyon na tumutukoy kung
pormal o impormal ang estilo ng usapan batay sa kalahok sa komunikasyong sitwasyon o paksa
sa isyung pinag-uusapan (Hymes, 1972).
Ang pisikal na lugar na kinaroroonan ng mga tao at ang klase ng komunidad na nalikha nila ay
malaking impluwensya sa wika.
Ang istadardisasyon ng wika ang ideyal na barayti ng wika upang maging pangkalahatan,
nangangahulugan ito na wala ng magiging pagkakaiba sa pagbigkas, baybay at
pagpapakahulugan sa bawat salita.
Ang istandardisasyon ang inaasahang unipormeng magagamit sa gobyerno, akademiya, media,
komersyo, at iba pang malaganap na larang upang magtuloy-tuloy ang unawaan at mawala ang
balakid sa diskurso.
Halimbawa ng implikasyon sa istandardisasyon ng wika ay sa salitang "urong", sa
TagalogRizal/Bulacan ito ay nangangahulugan ng paghuhugas ng pinggan, samantalang sa mga
tagaMaynila, ito ay pag-uusog ng isang bagay. Gayundin ang salitang yumao, sa ilang
Katagalugan, ang yao ay nangangahulugan ng alis o umlis, samantalang sa iba naman, ito ay
pagpanay o pagkamatay.
Ang sosyolek o Social Dialect ay kolektibiong wikang gamit ng partikular na grupo ng mga tao
ayon sa kanilang propesyon o komunidad. Maaaring ito ay bunga ng natamong edukasyon,
trabaho, grupo sosyo-ekonimiko, kaanak, kasarian at iba pa.
Dahil sa dimensyong sosyal ng wika, nagbubunsod din ito sa barayti/rehistro ng wika na may
kinalaman sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.
Ang rehistro ng wika ay nakikita o ginagamit sa isang partikular na disiplina, gaya ng jargon
para sa mga doctor, abogado, call center agent at iba pa.
Rehistro ng Wika
46
Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan.
Hindi nagbabago o matagal ang pagbabago. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas,
Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan
lamang (one-way). Ito rin ay wikang ginagamit sa paarfalan at pamantasan. Kadalasang
impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa
ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng
komunikasyon. Ito rin ang wikang ginagamit sa negosasyon, pulong, at pagtitipon. (sa paguusap
sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)
Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o
kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito
ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.
Ito rin ay ginagamit da berbal na talstasan sa bahay, lansangan, kwentuhan, huntahan at iba pa.
Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na
kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid,
mag-ina o mag-ama, atbp.)
Gabay sa Rehistro ng Wika (International Organization for Standardization, Language Registers, 1998)
47
at kultura. ng katawan
Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang
maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa modyul na ito, masusuri ang wastong gamit ng mga salita sa pakikipagkomunikasyon.
Kakayahan ng Wika
Istruktura ng Wika
48
hango sa salitang Griyego na phonema (tunog)
Ponolohiya -- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog.
Ang wikang Filipino ay may 21 ponema : 15 ang katinig, 5 ang patinig at ang impit na
tunog /’/ sa dulo ng salita.
Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W
Pasutsot (sounds produced by exhaling) – H, /‘/
Mga Patinig:
A, E, I, O, U
Dagdag na walong kating na salita na may dalal-dala ring tunog.
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita (kontrast)
Hal. nasa - pasa – nangangahulugan na ang /n/ at /p/ ay makabuluhang tunog
maaari ring di makapagpabago (malayang nagpapalitan)
Hal. babae-babai ; lalake-lalaki
49
Pares Minimal – ang tawag naman sa dalawang magkaibang ponema na nasa magkatulad na
posisyon, may parehong pagbigkas, ngunit magkaiba ang kahulugan.
Hal: pala – bala: sulat – sukat: tubo - kubo
Ponemang Suprasegmental – tono, haba, diin, antala
Hal: (patanong) pon? (pasalaysay) ha
Morpema
50
Pagbabagong Morpoponemiko
Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing
ponema.
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon - / ŋ/ o / ng / ; napapalitang ang / ŋ/ ng /m/ kung ang tatabihan nito ay /p/ o /b/ sa
inisyal na pusisyon at papalitan naman ng /n/ kung /d/, /l/, /r/, /s/, /t/ ang tatabihan nito.
Pagpapalit ng Ponema
a. /d/-- /r/ ≈ madami ≈ marami –pag patinig ang hulihan ng unlapi.
b. /d/ -- /r/ ≈ lipad+ -in ≈ lipadin ≈ liparin [-in/ -an] ,pahid+ -an ≈ pahidan ≈ pahiran
c. /h/ -- /n/ ≈ kuha+han ≈ kuhahan ≈ kuhanan
d. /o/ -- /u/ ≈ laro+an ≈ laruan , dugo ≈ duguan
Metatesis/ Maylipat
a. Nagkakapalit ng pusisyon ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in] ang mga ito.
hal. -in- + laro ≈ nilaro, -in- + yari ≈ niyari, -in- + regalo + an ≈ rinegaluhan ≈ niregaluhan
b. Pagkakaltas ng ganap
hal. silid + an ≈ silidan ≈ sidlan, atip + an ≈ atipan ≈ aptan
Pagkakaltas ng Ponema -- kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala
sa paghuhulapi nito.
hal. Bukas + an ≈ bukasan ≈ buksan, asin + an ≈ asinan ≈ asnan
Paglilipat- diin -- kapag nilalapian ang mga salita, nagbabago ang diin nito.
hal. BAsa + -hin ≈ baSAhin , takBO+ -han ≈ takBUhan, uWI + -an ≈ uWIan
Sintaks
Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala
at mga sugnay.
51
Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan ng
pagbubuo ng mga pangungusap.
Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
Tinatawag ding palaugnayan na may kinalaman sa sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap.
Parirala - lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.
Halimbawa: mag-aral magmaneho; hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap
Sugnay – Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong
magkaroon ng paksa at panaguri at maari ring wala.
Pangungusap
Isang sambitlang may patapos na himig sa dulo na may buong diwa.
Lipon ng mga salita na binubuo ng paksa at panaguri upang maipabatid ang mensahe.
Paksa- pinag-uusapan sa pangungusap; Panaguri-nagbibigay turing sa paksa.
Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang paksa kaysa panaguri at idinaragdag ang
panandang ay.
Halimabawa: Ang Ati-atihan ay taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan.
52
Anyo ng Pangungusap:
Payak na pangungusap – binubuo ng isang paksa at isang panaguri na may iisang diwa. May
payak na paksa at payak na panaguri . Hal. Pinsan ko po siya . May tambalang paksa at payak
na panaguri . hal . Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral .
May payak na paksa at tambalang panaguri hal . Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit .
May tambalang panaguri at tambalang paksa . hal . Namimili ng paninda sa ibang bansa at
nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.
Tambalang Pangungusap - binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap,
dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan . Pandugtong = pangatnig = at, o,
pero , ngunit , subalit o datapwat Hal. Pumunta kami sa Mall of Asia at nakita naming lahat si
Alden Richards.
Hugnayang Pangungusap - Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. Buo ang diwa ng isang
sugnay , habang ang isang sugnay ay hind. Pandugtong =
dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang
kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase.
Langkapang Pangungusap – Dalawa o higit pang punong sugnay at dalawa o higit pang
pantulong na kaisipan. Hal. Nagalit si Sir Hilario at pinagsabihan kami dahil maingay kami at
hindi nakikinig.
53
Pangungusap na Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong
pangungusap.
Hal: Maulan na naman. Napakainit!
Mga Pormulasyong Panlipunan – ito ay mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa Wikang Filipino.
Hal: Mano po. Salamat po.
Modal – Nangangahulugan ng gusto/nais/ ibig.
Hal: Nais kong makapag-aral. Ha’ gusto kong mahiga.
Penomenal – nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasan, walang simuno o panaguri ang mga
sumusunod na pangungusap.
Hal: Babaha na naman sa Maynila. Niyanig ng lindol ang Japan.
Pautos – sinusundan ng panghalip na mo at o pang- abay.
Hal: Dalian mo. Sige pa. Alis.
Pagyaya- nagsasaad ng pagyaya o pagyakag.
Hal: Tayo na. Halika na.
Ka-Pandiwa – nagsasaad ng katatapos na kilos.
Hal: Kaaalis lang niya. Kakakain ko lang.
Panawag – panawag na pangkamag-anak.
Hal: Hoy! Psst!
Hal. ba, na, pa, lamang, muna, kasi, naman, din/rin, lang, sana, kaya, nga, ho, po, man, tuloy, yata ,
daw/raw,
54
Dalawang kategorya na mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring at ang pang-
abay.
Hal.
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.
Ang bata ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.
Umalis agad ang mag-anak.
Patalilis na umalis agad ang mag-anak.
Nang
- Bilang pangatnig: Nagsimula na ang laro nang kami ay dumating
- Pinagtambal na NA at NG: Nagaral nang mabuti ang mga bata.
- Panggitna sa salitang-ugat na inuulit: basa nang basa; magtiyaga nang magtiyaga
- Bilang pang-ugnay: Inihain ni Ella ang pagkain nang buong ingat.
- Bilang kasingkahulugan ng upang: Magpatawad sa kapwa nang tayo ay patawarin rin.
Ng
- Bilang pantukoy na palayon: Namimili siya ng mga pangregalo.
- Bilang pananda sa tagaganap: Nilinaw ng guro ang aralin sa Filipino.
- Nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay: Ang tahanan ng pamilya Mallari ay maayos.
55
- Katumbas ng with ng Ingles: Ako ay tinanggap niya ng masayang puso.
May
- Pag sinusundan ng pangngalan: May kasama siyang umuwi.
- Pag sinusundan ng pandiwa: May gagawin ka ba sa mga susunod na araw?
- Pag sinusundan ng pang-uri: Si Jing ay may magandang kalooban.
- Sinusundan ng pnghalip panao: Bawat isa ay may kani-kaniyang suliranin.
- Sinusundan ng pantukoy na MGA: May mga tao p asa kanila.
- Sinusundan ng pang-ukol na SA: Ang mga manlalaro ay may sa palos ang pagkilos.
Mayroon
- Kapag may napasingit na kataga: Mayroon daw malaking pagpupulong ngayon.
- Ginagamit sa panagot sa tanong: May hinihintay ka ba? Mayroon.
- Tumutukoy sa pagka-maykaya sa buhay: Isa siya sa mayroon sa kanilang lugar.
Din/Daw
- Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig: bawal din; bakit daw?
Rin/Raw
- Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatunug na y o w: tayo rin; sino raw?;
lilitaw rin; sabay-sabay raw
Pinto
- Bahagi ng bahay/gusali na binubuksan: Kumatok ka sa pinto bago ka pumasok. Pintuan - Daanan :
Masikip ang kanilang pintuan. Ipunas
- Tumutukoy sa paglalagay: Ipunas mo iyan sa iyong mukha. Punasan
- Tunmutukoy sa pag-aalis: Punasan mo ang iyong maruming mukha.
56
P – participants, ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso
E – ends, layunin o goal ng diskurso, maaaring upang mang-aliw, manghikayat, pumuna, at iba pa.
A – act sequence, ang pagkakasunod sunod ng pagbuo ng diskurso na minsan kung ito’y pasalita ay
naaantala
K – keys, ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at
pamamaraan sa pagpapahayag
I – instrumentalities, ano ang gamit ng wika pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
dikurso.
N – norms, kaugalian, tradisyon at kulturang kinasangkutan ng diskurso
G – genre, anyo ng diskurso, sa pasulat, maaaring ito ay sanaysay, maikling kwento, awit, tula, at iba
pa; kung ito naman ay diskursong pasalita, maaaring nagbabalita, nasasalaysay, nagpapaliwanag,
nagbababala, at iba pa.
57
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 10
Panimula
Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay
nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang
maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang
mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at
nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase,
mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
(http://www.ppt2txt.com/r/e239b172/)
Sa modyul na ito, mapaghuhusay ang kasanayan sa paghihinuha ng layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng niya ng mga salita at kanyang paraan ng pagsasalita.
Ethnography of Communication
Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa
kahalagahan ng antropolohiya sa linggwistika.
Unang tinawag na “ethnography of speaking”
Ang teoryang ito ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa
kakayang gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso.
Mahalagang salik dito ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga taong
kasangkot sa diskurso.
…that the study of language must concern itself with describing and analyzing the ability of the native
speakers to use language for communication in real situations (communicative competence) rather
than limiting itself to describing the potential ability of the ideal speaker/listener to produce
58
grammatically correct sentences (linguistic competence). Speakers of a language in particular
communities are able to communicate with each other in a manner which is not only correct but also
appropriate to the sociocultural context. This ability involves a shared knowledge of the linguistic code
as well as of the socio-cultural rules, norms and
values which guide the conduct and interpretation of speech and other channels of communication in a
community … The ethnography of communication ... is concerned with the questions of what a person
knows about appropriate patterns of language use in his or her community and how he or she learns
about it. (Farah, 1998: 125)
Variationist Theory
…investigates the actual usage of spoken language. The goal of this theory is to provide patterns of
occurrence of a particular variable and to lay out the hierarchical structure when this variable can
occur. Thus, it does not only indicate the occurrence of variants, but also shows the relative frequency
of occurrence of each possible variant.
Pragmatic Theory
59
Teoryang tutukoy sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso na
mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap.
May iba’t ibang salik pa na dapat isa-alang alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektwal
na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang
interpretasyon.
Nililinaw ang relasyon sa pagitan ng intensyon at kahulugan.
Speech acts are a staple of everyday communicative life, but only became a topic of sustained
investigation, at least in the English-speaking world, in the middle of the Twentieth Century. Since that
time “speech act theory” has been influential not only within philosophy, but also in linguistics,
psychology, legal theory, artificial intelligence, literary theory and many other scholarly disciplines.
60
Recognition of the importance of speech acts has illuminated the ability of language to do other things
than describe reality.
Pragmatiks
Diskurso
Diskorsal
61
Teksto ang inilalarawang wika o ideyang itinatawid samantalang ang kahulugang matatagpuan
ay tinatawag na konteksto.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 11
Panimula
Tingnan ang paligid. Anu-anong mga bagay ang masasabi mong bunga ng malikhaing pag-iisip? Ano
ang gamit ng mga bagay o produktong ito? Paano kaya naisakatuparan ang mga ideya ng mga taong
nasa likod ng mga produkto o gamit na ito?
Sa modyul na ito, maipaliliwanag ang mga batayang konsepto ukol sa pananaliksik.
Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t – ibang
teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at /o
resolusyon nito. (Good, 1963)
62
Katangian ng Mabuting Pananaliksik
Sistematiko. May sinusunod itong proseso o magkakasunud ‐ sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
Kontrolado. Lahat ng mga variable na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
Emperikal. Kailangang maging katanggap tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.
Mapanuri. Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretsayon sa mga datos na kanyang nakalap.
Obhektibo, lohikal at walang pagkiling
Gumagamit ng istatikal na metodo
Orihinal na akda at pinagsisikapan
63
PAGSULAT
isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga
simbolo.
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng
mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa
pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng
isang pangkat ng mga tanda o sagisag
Masining ang pagsulat kung ito ay nagtataglay ng estetika, sa porma at kayarian; sa paggamit
ng mga salita; sa tayog ng kaisipan; sa paggamit ng mga talinghaga at tayutay, at iba pang
elemento ng akda.
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka
at pag-uulit ng manuskrito. Proseso ng pre-writing, actual writing at rewriting.
64
Pamamaraan ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering) Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y
sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang
magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya
ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering ) Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing
pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag
magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping) Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng
hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging
batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising) Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang
mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo
sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay
dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat.
Pagsulat ng Simula
paggamit ng retorikal na tanong
paggamit ng mga sipi
paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan
paggamit ng mga hiram na elemento mula sa pamamahayag
mas mainam na ihayag ang “thesis statement “ sa simula upang mabigyang pokus ang
argumento at mensaheng nais ipahayag.
maari ding gumamit ng tema
Pagsulat ng Katawan
65
Isang ideya isang talata lamang.
Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilibing transisyon. Maari ding tumayo
ang isang pangungusap na talatang transisyon.
Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap. Dapat
lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa ideya ng
sinundang talatang pangungusap.
Pagsulat ng Wakas
Ang kongklusyon ay hindi lamang paglalagom ng kabuuan ng sulatin.
Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sulatin.
Pormal – pili ang mga salitang ginagamit, may himig ng pagkaseryoso at limitado ang mga
salita, may pormal na ayos at wasto ang gramatika.
Di-Pormal- magaan ang mga salitang ginagamit, may mababaw na kahulugan, kadalasang may
kakatwang paksa at minsan ay mababasa ang mga salitang balbal.
Sanaysay –pagsulat ng damdamin, saloobin, pananaw ukol sa isang paksa. Tinatayang isa sa
pinakanaabusong uri ng sulatin ang sanaysay dahil halos walang limitasyon ang istilong
maaring gamitin sa pagsulat nito.
Tula – pagsulat na may himig o indayog, gumagamit ng mga tayutay, minsan may sukat at
tugma.
Maikling Kwento – pagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay. May
payak na tagpuan, tauhan, banghay at paksa.
66
Nobela – salaysay na higit na mahaba sa maikling kwento, nagpapakita rin ng mga pangyayari
sa tunay na buhay. May kawil-kawil na pangyayari, maraming tauhan at tagpuan at kadalasang
di-natatapos agad ang pagbabasa sa isang upuan lamang.
Dula – sulatin na may layuning maitanghal sa tanghalan. Layuning maipakita sa tanghalan ang
karanasan ng tao. Kailangang isaalang-alang ang dayalogo, balangkas at kagamitaqng
pantanghalan.
Sulating Pananaliksik – resulta ng isinagawang pananaliksik o pag-aaral kaugnay ng napiling
paksa. Inihahanda ito upang tasahin o pag-aralan ang isang problemang inilahad.
Sulating Naratibo (nagkukuwento), Expository (naglalahad), Deskriptibo (naglalarawan) –
mga anyo sulatin ayon sa layunin.
Analitikal na Pagsulat
karaniwang kinakailangan sa akademikong pagsulat upang ipakita ang mga relasyon sa pagitan
ng mga piraso ng impormasyon. Ito ay ginagamit upang ihambing at kaibahan, masuri o suriin
Sa pagsulat nito, malinaw ang dahilan at halaga ng nilalaman ng sulatin.
Kakikitaan ng paghahambing, pagsusuri at resulta ng isang pag-aaral.
Kririkal na Pagsulat
67
Pagsulat ng pinal na pananaliksik
1. Pagsulat ng Panimula.
• Gawin itong maikli lamang dahil tiyak na may pagbabagong isasagawa rito habang isinusulat ang
kabuuan ng papel.
2. Pagsulat ng Katawan ng Pananaliksik.
• ipaliwanag sa bahaging ito ng papel ang mga konsepto o teknikal na katawagang maaaring hindi
pamilyar sa target na tagabasa.
3. Pagsulat ng Kongklusyon.
• Ito ay maaaring buod ng pangunahing ideya na nilinang sa katawan ng papel.
68
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MODULE 12
Panimula
Ano ang pinakamainit na isyu sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kalagayang kultural at panlipunan
ng bansa? Ano ang mga ideyang nakapaloob sa mga isyung ito?
Gabay sa Pananaliksik
A. Pagtukoy ng Paksa
Ano ang paksang nais pag-aralan?
C. Tentatibong bibliyograpiya
Tiyakin na mayroong inihandang tala ng mga sanggunian
Isulat ito sa magkakahiwalay na indeks kard- para sa aklat, sa pahayagan, sa websites at iba pa.
Sipiin nang buo ang orihinal na teksto kung sa palagay mo ay higit na magpapalinaw sa
puntong nais bigyang-diin.
69
Ang talasanggunian ay tala ng mga pinaghanguan ng mga impormasyong nabanggit sa kabuuan
ng sulatin, samantalang ang bibliyograpiya ay lista rin ng mga sanggunian na ginamit lamang
na batayan sa nilalaman ng sulatin.
Ang talababa-bibliyograpiya, isang nakalimbag na tandaan na nakalagay sa ibaba ng teksto sa
isang nakalimbag na pahina
Parentetikal-Sanggunian isa pa ring paraan ng pagkilala na kung saan ay parsyal lamang,
nakapaloob sa mga panaklong () ang pagkilala sa awtor na maaaring makita sa loob o hulihan
ng pangungusap
D. Paglalatag ng Iba pang Tanong at Pagbabalangkas ng Paksa
Mula sa tiyak na tanong, maglaan ng maliliit na tanong kaugnay nito.
Isulat ang balangkas ayon sa mga tanong na inilatag.
E. Pangangalap ng Datos at Interpretasyon nito
Tiyakin na angkop ang metodo sa pangangalap ng datos
Masinop na tipunin at suriin ang datos na nakuha
Talakayin ang mga konsepto o ideya na gagabay sa pag-unawa ng datos.
F. Pinal na Balangkas
Ayusin ang balangkas ng iyong paksa sa karagdagang impormasyon at detalyeng nakuha.
Magdagdag ng mga sub-topics kung kinakailangan
Sikaping nakatuon sa orihinal na tanong at nakaayon pa rin sa paksa ang pulidong pagsulat ng
pinal na balangkas.
70
71