You are on page 1of 8

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

004
[MGA URI NG TEKSTO]

TEKSTONG PERSUWEYSIB
LAYUNIN:
1. Nakikilala ang tekstong nasa anyong persuweysib
2. Nakasusulat ng halimbawang pangungusap na nagtataglay ng katangian ng
tekstong persweysib
3. Nagagamit ang cohesive devices sa pagbuo ng tekstong persweysib

Panimula:
Ang aralin ay isang uri ng teksto kung saan ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga
mambabasa o tagapakinig kaugnayan sa isang paksang pinag-uusapan, tuklasin natin sa ralaing ito
ang ilang sa mga mabibisanng pamamaraan sa pagsulat at pagbigkas ng isang tekstong nasa anyong
Persuweysib.

Tekstong Persuweysib
 naglalahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideya na nagsasaad ng panghihikayat sa mga
mambabasa

 naglahahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang paksa p kaisipan ay maging
kapanipaniwala.

 ang tekstong persuweysib ay kinakailangan nagtataglay ng ebidensya at mga patotoo

 persuweysib ang texto ay naglalahad ng opinyong mapanindgan at maipagtanggol sa tulong ng mga


patnubay at totoong datos upang makapanghikayat ng mambabasa.

 Madalas itong makita sa kritikal na sanaysay, kolum, editorial pananaliksik.


Halimbawa:
 plataporma sa Eleksyon
 Patalastas

Course Module
A. PLATAPORMA
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
004
[MGA URI NG TEKSTO]

Course Module
B. PATALASTAS

 Ang Plataporma ng isang kandidato ay karaniwang binibigkas sa mga “meting de avance” ng mga
tumatakbo sa eleksyon, kung saan layon nitong hikayatin ang mga manonood na iboto ang
kandidato.
 Ang patalastas naman ay naglalayong hikayakatin ang mga mamimili na tangkilikin ang kanilang
produkto.

Tatlong Paraan ng Panghihikayat ayon kay Aristotle

Ethos- karakter at kredibilidad ng tagapagsalita. sa ganitong paraan, kinakailangan ang mga


manunulat ay may sapat na kakayahan sa pamamahayag
-hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang
Imahe.
Ang Ethos ang magpapasya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang
Tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
• upang maimpluwensayahan ang mga tagapakinig at mambabasa kinakailangan ang tagapagsalita at
manunulat ay
• Kagalang-galang
• may magandang pag-uugali
• mapagkakatiwalan
• may sapat na kaalaman sa paksa
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
004
[MGA URI NG TEKSTO]

Halimbawa:

Pathos- panghikayat gamit ang Damdamin tagapakinig o mambabasa. madaling nahihikayat ang isang
mambabasa o tagapakinig kung nakuha ng tagapagsalita o manunulat ang damdamin ng mambabasa.
upang mahikayat ang mambabasa o tagapakinig kinakailangan ang manunulat o tagapagsalita
ay…

 gumagamit ng mga salitang naglalahad ng damdamin


 nakikita sa mga mata ng tapagsalita ang damdamin ng kanyang binibigkas

Halimbawa:

Course Module
Logos- paraan ng panghikayat kung saan ang isipan o ang mental na aspeto ng mambabasa o tagapakinig
ang unang hinihikayat ng manunulat o tagapagsalita.
Salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran na nangangahulugang nanghihikayat gamit
ang lohikal na kaalaman o may katwiran ba ang sinasabi upang mahikayat ang mga tagapakinig kung ito
ba ay totoo.
upang maging mabisang tagapaghikayat kinakailangan ang manunulat at tagapagsalita ay…

 ang mensahe ay makatotohan


 ang mensahe ay may mga datos na pinanggalian
 may sapat na ebidensya o mga estadisttikang magapapantaunay sa paksa

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat


a. Kredibilidad ng may akda
 Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto(manunulat o tagapagsalita)
at ano ang pagkakakilala sa kanya
b. Nilalaman ng teksto
 Ano ang hangarin ng may akda sa kanyang pagsulat
Pagtukoy sa elementong Pathos sa panghihikayat
 Anong damdamin ang pumukaw sa pagbasa ng teksto
d. Bisa ng panghihikayat ng teksto
 Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang
makumbinsi ang mga mambabasa?
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
004
[MGA URI NG TEKSTO]

 GRAMATIKA: COHESIVE DEVICE ( KOHESYONG GRAMATIKAL)

 nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hidi gaing paulit-ulit ang paggamit ng
mga salita.
 ginagamit ang mga kohesyong gramatikal

Halimbawa:

1. Sa Antipolo makikita ang Hinulugang tatak, Dito maaring magtampisaw sa malamig na talon.

2. Ang pamilya Gonzalo ang nagmamay-ari ng naglalakihang gusali sa Makati, kanila rin ang ilang
mga naggagandahang resort sa Laguna.

3. Kung nag-aral lamang akong mabuti hawak ko na suot ko sana ang gintong medalya, ito sana ang
magbibigay sa akin ng pagkakataong pumasok sa magandang unibersida.

Dalawang uri ng Kohesyong Gramatikal

 Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihang bahagi ng pangungusap o pahayag bilang pamalit sa


pangngalang binanggit sa unahan upang maiwasan ang pag-uulit ng pangngalan.

Halimbawa:

1. Ipinangako ng ni Aling Maria sa anak ang bagong loptop sa araw ng pasko, ngunit nagkaroon
siya ng biglang pagkakagastusan at nagamit ang perang pambili ng loptop.

2. Sa Ayala alabang nagtatrabaho si Jose, doon sila nagkakilala ng iyong anak.

3. Mahusay ang ginawang pag-awit ni Sarah G. kaya nakuha niya ang parangal.

 Katapora – panghalip na ginagamit sa unahang bahagi nng pangungusap o pahayag bilang pamalit
sa pangngalang binanggit sa hulihan upang maiwasan ang pag-uulit.
Halimbawa:
1. Sila ang natatanging bida sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, masasayang kabataan na
nagkakantahan ng awiting pamasko.

2. Batid niya ang kahihitnan ng kanyang ginawa, handa na si Anna na harapin ang kanyang mga
magulang.

Course Module
3. Tayo ang kinikilala sa buong mundo ang pinakamahusay tumanggap ng panauhin, tatak Pinoy
ang kaugaliang ito.

References and Supplementary Materials


Books and Journals
Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa
Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Online Supplementary Reading Materials


https://www.slideshare.net/maricelpanganiban/tekstong-persweysiv-o-
nanghihikayat Retrived November 23, 2016
https://school.quipper.com/...pananaliksik.../tekstongperauweysib
Retrieved November 20, 2016

You might also like