You are on page 1of 8

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

010
[KAISIPAN NG TEKSTO]

KAISIPAN NG TESKTO
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahulugan at mahahalagang bahagi ng teksto;
2. Nababatid ang Damdamin, tono, Layunin at pananaw ng iba’t ibang teksto
3. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

PANIMULA:

Ang pagbasa ay isinasagawa upang magtamo ng kaalaman hindi lamang maglibang, ang isang
matalinong mambabasa ay nagsusuri ng teksto at masinsing inihahanay ang mga kaisipang nais
ipaunawa ng manunulat. Ang mahahalagang kaisipan ng teksto ay binubuo ng dalawa; ang
pangunahing kaisipan at ang mga pantulong na kaisipan, tuklasin natin sa modyul na ito kung paano
suriin sa loob ng teksto ang mga kaisipan.

TEKSTO
 Ang teksto ay binubuo ng mga Ideya, pangungusap at mga detalye, binubuo rin ito ng
pangunahing ideya at mga pantulong na ideya

 ito ay ang lawak ng wika na binibigyan ng mga kahulugan nga walang konteksto. ( cook,1989)

 ito ay mga ideyang itinatawid sa tulong ng wika sa anyo ng diskurso

 isang uri ng babasahin na puno ng mga ideya ng iba’t ibang tao at impormasyon.

Mga Bahagi ng teksto

1. Panimula: Paksa at tisis

 ito ay mahalagang bahagi ng isang teksto, nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa
upang maengganyong basahin ang teksto.

 ito ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto, sa bahaging ito ipinakikilala ang pag-
uusapang paksa, dito inilalatag ang kaligiran ng tatalakaying paksa

Course Module
Ayon pa kay Bernales,et,al(2001) maihahalintulad ito mga nakasabit na paninda sa isang
tindahan na hindi lamang nang-aakit ng mga mamimili kundi nagbibigay na rin mga ideya
kung ano ang maari mabili dito.

 ito ay dapat maging malinaw, madaling maintindihan, makaapekto at mabisa upang makuha
ang atensyon ng mambabasa.
Mga Paraan sa Pagsulat ng panimula
a. Gumami ng isang katanungan

Halimbawa: Ayon sa Pangulo ang pagsupo sa iligal na droga ang solusyon sa lumalalang
kremin sa Bansa, kung ganoon nga, bakit mas dumami ang napapatay, bakit tumaas ang
kriminalidad sa bansa.

b. Gumamit ng isang malakas na pangungusap.

Halimbawa: Hindi ba ninyo alam na buhay na hindi iniukol sa isang dakilang layunin ay isang
buhay na walang kabuluhan?

c. Gumamit ng paglalarawan

Halimbawa: Mainit, Minsa’y, Masaya at Malungkot ito ang karaniwang pinagdaraanan ng


taong nagmamahal.

d. Gumamit ng tuwirang sipi

Halimbawa: “Filipino is worth dying for”. Benigno Aquino

e. Gumamit ng Analohiya

Halimbawa: Walang matinik na pulis sa masungit na misis.

2. . Katawan: Istruktura, Nilalaman at order

 ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang teksto


 dito tinatalakay ang mahahalagang usapin at mga patunay kaugnay sa pinag-uusapang
paksa.
 sinasabi ito rin ang pinaka-kaluluwa ng anumang uri ng teksto
 ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto
Mga Hakbang sa pagsulat ng katawan ng isang teksto
2.1 Pagpili sa organisasyon ng pardon
Isinusulat dito ang mga nakalap na datos, impormasyong pinili at binalangkas.

Paraan sa pag-oorganisa ng katawan:


 Topikal/lohikal na paraan – isinasaayos sa paraang lohikal ay may pagkakasunod-
sunod ang katawan upang magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
010
[KAISIPAN NG TEKSTO]

 Kronolohikal – kaganapan ng mga pangyayari, pagtalakay ng proseso, panuto at


paaraan upang ipakita kung paano ito isasagawa.
 Klasipikasyon – tamang kategorya o klase ng mga datos tulad ng kasarian,
lebel,ekperyensya at iba pa.
 Problema at solusyon – ang problema ay maaaring talakayin sa lohikal na paraan at
ang solusyon ay sa paraang kalsipikasyon.
 Sanhi at Bunga – nauuna aang sanhi at saka tatalakayin ang bunga nito. Hal. Kung
toxic waste ang tatalakayi, kaianging ilahad ang sanhi at bunga nito sa tao.

2.2 Paggamit ng mga salita at pariralang transisyonal


Ito ang tulay na nagdudugtong sa mga bahagi ng papel. Ito ang mga cues na ginagamit ng
manunulat upang maintindihan ng mambabasa. Iniuugnay ng manunulat ang transisyonal
na salita ng mga pangungusap at talataan upang hindi maputol ang kahulugang sinasabi ng
awtor.

Halimbawa:

Upang magbigay ng halimbawa


Isang/bilang halimbawa/bilang pagpapakita
Upang magbigay ng senyas
Samanatala/sa susunod na araw/sa paglilipat

Upang magpakita ng kontras


Sa kabilang banda/magkagayon man

Upang magpakita ng dahilan o epekto


Samakatuwid

Upang magbigay ng konklusyon


Sa wakas/kung gayon

3. Wakas: Paglalagom at konklusyon

 huling bahagi ng teksto, katulad ng simula ng teksto ang wakas ay kailangan ding maging
kapanapanabik sa mga mambabasa.

 dito ibinibigay ng manunulat ang kakintalan na iniwanan niya sa mga mambabasa.

 narito ang huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na maaring


makapagdulot ng pagbabago sa damdamin ng mambabasa kaugnay sa paksa ng teksto na
maiuugnay ng mambabasa sa kanyang buhay.
Course Module
 Lagom- ang pinakbuod ng kabuuan ng teksto, dito inilalahad ang kabuuang lahad ng teksto
sa pinakamaikling paraan.

 Konklusyon- ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang inisa-isa sa gitnang bahagi.

Iba’t ibang paraan ng pagsulat ng Wakas

1. Paglalagom o pagbubuod
2. Katanungang hahamon sa mambabasa na sumagot
3. Pagpapahiwatig nng aksyon o pagkilos sa bumabasa
4. Paghula sa kalalabasan ng binasang teksto
5. Isang pangungusap o kawikaang susubok sa kakayahan ng mambabasa
6. Maglahad ng isang konklusyon na nagbuhay sa panimula at katawan ng akdang isinulat.

Kaisipan
 mga ideyang nabanggit na may kaugnay o nagpapalinaw sa paksa
 pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng teksto
 ideyang nais ipaunawa o ipahatid ng manunulat sa mambabasa
 pangkabuuang kuro-kuro o pananaw ng may akda sa isang pinag-uusapang paksa o tema.

Mahahalagang kaisipan ng Teksto, binubuo ng dalawa ang pangunahing kaisipan at ang


mga pansuportang nakaisipan

Pangunahaing kaisipan

 pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.


 karaniwang matatagpuan sa pamaksang pangungusap ng teksto
 ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa mambabasa
 May ilang istilo ang manunulat na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kaya ang
pangunahing kaisipan ay nasa hulihan din.

Pansuportang Kaisipan

 Nagbibigay linaw sa pangunahing kaisipan


 Nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon upang pagtibayin ang pangunahing
kaisipan
 gayundin nagtataglay ito ng mga impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusan
ang pangunahing kaisipan ng isnag teksto tulad halimbawa ng pangalan, lugar, paglalarawan,
datos o istadistika at ilan pang mahahalagang impormasyong mag-uugnay sa pangunahing
kaisipan.

Ang pagtamo ng mga kaisipang nakapaloob ng isang akda ay isang kasanayang magandang
taglayin ng mga sinumang indibidwal,nararating ng diwa ang nais marating, nababatid ang
mga kaalamang dati-rati’y mulala ang ating malay. subukin nating kunin ang kaisipan ng
tekstong “Ang tsinelas” – Anekdota ni Jose Rizal.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
010
[KAISIPAN NG TEKSTO]

Ang Tsinelas- Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napaliligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak
kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang ng mmga paruparong puti na naghahabulan.

Ang Bangka ay karaniwang gawa sa kahoy ma inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming
gubat. kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang
ang Bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang bang ay ginagamit
naming sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayong dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng
kalabaw o ng karatela.

Naalala ko pa noong kasalukuyang kaming nakasakay sa Bangka. Humalagpos ang kong tsinelas.
Tsinelas ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa
kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako
dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinela at dali-dali kong itinapon
sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kaprehas na tsenilas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa Bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin
ay walang ring silbi sa akin. kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito
sa kanyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad.

“walang silbi ang tsinelas kung ito ay nag-iisa lamang” ito rin ba ng pangunahing kaisipan ang naisip mo.

Upang makuha mo naman ang pantulong na kaisipan, bummuo ng tanong na mag-uugnay sa naisip
mong pangunahing kaisipan.

Course Module
Teknik sa pagtukoy ng Kaisipan

Upang matukoy ang kaisipang nakapaloob sa isang teksto, ang mambabasa ay kinakailangan
magtanong ng ganito:
 Pagkilatis sa Pamagat ng teksto
 Pagatatanong ukol sa kung ng Ano ang Paksa?
 Pagtatanong ukol sa kung Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?
Ang dayagram sa ibaba ay makatutulong upang maunawaan ang tekstong binasa.

PAKSA/PAMAGAT
( Tungkol saan o kanino ang Teksto?)

PANGUNAHING KAISIPAN
(Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?)

MGA PANSUPORTANG DETALYE


( Sumasagot sa mga tanong na)

Sino? Ano? Saan Kailan? Bakit? Paano?


?
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto
Sa pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin,tono,layunin at pananaw ng manun ulat sa
pagsulat ng teksto o akda. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa teksto.

Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nararamdaman ng mambabasa sa teksto,


maaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o pagkahumaling, pagnanais,
pag-asa at kawalang pag-asa at ibapang mga emosyong maaring maramdaman ng isang
mambabasa.

Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may akda sa paksang kanyang isinulat, ang tono ng
akda ay maaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiro. karaniwan
ang tono ng teskto ay nakadepende sa nais ng manunulat.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
010
[KAISIPAN NG TEKSTO]

Layunin (objective) – binibigyang tuon dito ang nais mangyari ng isang manunulat sa
kanyang mambabasa, maaring nais ng manunulat na hikayatin ang mambabasa,
impluwesyahan, maari din itong mangaral, ito ay maari ding magbahagi ng isang paniniwala
o prinsipyo, maaring isa o higit ang layuning taglay ng teksto depende sa nais ibahagi ng
manunulat.

Pananaw (Point Of View) – sa maluwag na pagtanaw, sinasabing ito ay paraan ng pagtanaw


ng manunulat sa kanyang akda. sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ng
nilikha ng naglalahad at ng pangyayari inilahad.

Ang pananaw ng manunulat ay matitiyak sa tulong ng mga panghalip na ginamit sa teksto.

Unang panuhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami

Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila,kita, kayo, inyo,
ninyo

Ikatlong panauhang pananw – siya, niya, kaniya, sila, nila, kanila

Halimbawang teksto:

Mangosteen: Mahika ng Kalikasan


Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003
May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi
ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain.
Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong lumaki. Brown na papaitim
ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag
natalsikan ng dagta nito ang bunga. May mga daho itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas,
makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula. Kaakit-akit
tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa mga ornamental
na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi naman na mula ito sa
peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropical na bansa
ito madalas na tumutubo.

Gamit ang dayagram sa pagkuha ng kaisipan subukin mong suriin ang teksto. (subukan mo)

Course Module
References and Supplementary Materials

Books and Journals


Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa Pananaliksik,
JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et,.al(2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbasa at Pagsulat, Cacho Hermanos Inc.

Online Supplementary Reading Materials

https://www.thegomom.com/wp-content/uploads/2011/09/damdamin.pdf
Retrieved December 3, 2016
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf
Retrieved December 3, 2016

You might also like