You are on page 1of 63

FILIPINO SA

PILING
LARANG
(Tech.Voc.)
Grade 11 – TVL
Solaire
Panalangin
Pamantayang Pangnilalaman
1.Natutukoy ang kahulugan at
kalikasan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulatin
2.Napag-iiba-iba ang mga
katangian ng iba’t ibang anyo
ng sulatin
Pamantayan sa Pagganap
• Nasusuri ang
kahulugan at kalikasan
ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulatin
Kasanayan sa Pagkatuto
• Nabibigyang-kahulugan ang
teknikal at bokasyunal na
sulatin
CS_FTV11/12PB-0a-c-105
Kahulugan,
Kalikasan, at
Katangian ng
Pagsulat ng Sulating
Teknikal
Balik-Tanaw:
• Bago tuluyang lumusong sa
kasaysayan ng
komunikasyong teknikal,
pagnilayan muna ang ilan sa
mga inihandang katanungan:
Balik-Tanaw:
1. Para sa iyo, ano ang
komunikasyong teknikal?
2. May pagkakaiba kaya ang
komunikasyong teknikal
sa sulating teknikal?
Balik-Tanaw:
3. Ano ang kaibahan ng
komunikasyong teknikal sa iba
pang uri ng sulating akademiko?
4. Gaano kahalaga ang
komunikasyong teknikal bilang
paghahanda mo sa daigdig ng
trabaho?
Balik-Tanaw:
5. May benipisyo ba ito
upang maging mahusay
kang propesyonal
pagdating ng panahon?
Lusong-Kaalaman:
Piliin ang mga sulating
matagumpay mong naisagawa
noong ikaw ay nasa
ikasampung grado pa lamang.
Lusong-Kaalaman:
• Liham pangangalakal
• Liham pangkaibigan
• Suring-aklat
• Pagkritik ng papel
• Sanaysay
• Siyentipikong ulat
• Teknikal na ulat
• Pananaliksik
• Rebyu ng pelikula
• Iba pa (magtala ng wala sa nakalista)
Lusong-Kaalaman:
• Alin sa mga ito ang
pinakamadali, at alin ang
pinakamahirap sa lahat?
• Ano-ano ang katangian ng isang
sulatin upang maikategorya ito
na madali o mahirap isagawa?
GAOD-KAISIPAN:
KASAYSAYAN NG
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Kasintanda ng daigdig ang


pangangailangan ng mga tao
sa mabisang komunikasyon.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Ang mga guro, mga


pilosopo, at iskolar ay
matagal nang tinutugunan
ang mga hadlang tungo sa
mabisang komunikasyon.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Sa pag-aaral ni Aristotle
ng Retorika, mahusay
niyang pinag-iba ang
panghihikayat sa
argumento.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

“Ang panghihikayat ay nakatuon sa


kaparaanan kung papaano maiaangat
ang interes ng mambabasa at
tagapakinig, samantalang argumento
naman ay ang wastong pagsasalansan
ng mga mapanghikayat na ideya.”
- Aristotle
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Sa pananaw na ito mababakas


ang pagsilang ng
komunikasyong teknikal lalo’t
na pinapahalagan dito ang
proseso o pag-eestruktura ng
isang mensahe.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Ang pinakamainam
na maisaalang-alang
ay ang paglikha ng
mabisang mensahe.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

“Ang komunikasyong teknikal


ay nagtataglay ng tiyak na
anyo na nakapokus sa pasulat
at pasalitang diskurso.”
– Martinez et al. (2011)
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

“Ang sulating teknikal ay isa lamang


sa maraming anyo ng
komunikasyong teknikal na higit na
nagtataglay ng mataas na antas ng
kasanayan mula sa isang disiplina.”
– Martinez et al. (2011)
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Sa kasalukuyan, sinasaklaw rin


ng komunikasyong teknikal
ang paggamit ng video, audio,
slides, at iba pang uri ng
multimedia na kagamitan.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Maituturing na susi ng
tagumpay para sa isang tao
kung siya ay nagtataglay ng
kahusayan sa komunikasyon,
ito man ay sa pasalita o pasulat
man.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Ang kasanayang ito ang


makatutulong upang
maipabatid at maipaunawa
niya sa daigdig ang kaniyang
kaisipan at kaalaman ano pa
man ang kanyang propesyon.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Sa pagpasok ng ika-21
siglo, ang pagsasanib ng
information technology at
pagsulat ang siyang higit
na nananaig.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Higit ding kinailangan ang


literasi sa iba’t ibang anyo
ng teknolohiya tungo sa
pagpapabilis ng mga trabaho
sa kasalukuyang panahon.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

• Natukoy sa mga pag-aaral na


ang komunikasyong teknikal ay
nagmula sa mga Sumerian
subalit kinilala si Sextus Julius
Frontinus bilang isa sa mga
awtor nito.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

Sextus Julius Frontinus


• Sumulat ng manwal para
sa mga gusali at paraan ng
pagpapanatili nito noong
A.D. 97.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

Pleny the Elder


• Isang administrador at
sundalong Romano na nagsulat
ng The Natural History, isang
kalipunan ng mga natural at
siyentipikong kaalaman.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

Reginald Scot
• Sa panahon ng Renaissance ng Ingles
ay nakabuo ng mga teknikal na
manwal para sa paghahalaman na
nakatulong sa marami upang
malaman ang proseso ng naturang
gawain.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

Nagpatuloy ang halaga ng


komunikasyong teknikal hanggang sa
ikalawang digmaang pandaigdig dahil
nakatulong ito sa mga sundalo na
matutuhan ang proseso at
pagkakasunod-sunod ng paggamit ng
kanilang sandata.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
• Isang espesyalisadong anyo ng
komunikasyon
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• May tiyak na awdiyens, layunin,
estilo, pormat, sitwasyon,
nilalaman, at gamit na siyang
pangunahing elemento ng
komunikasyong teknikal.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• Kaiba ito sa mga akademikong sulatin na
karaniwang isinasagawa sa klase gaya ng
sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at
iba pa.
• Iba rin ito sa malikhaing pagsulat dahil ang
huli ay may dulog na personal at maaaring
hindi gaanong nagtataglay na katotohan o facts.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• Maituturing na applied na uri ng
komunikasyon na ang mensahe ay
nakalaan lamang para sa inaasahang
tagatanggap nito na nangangailangan
ng agarang pagtugon o paglunas sa
isang suliranin.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• Ang label, manwal, at mga gabay sa
paggamit ay mga konkretong halimbawa
nito.
• Tiyak ang nais patunguhan ng mensahe
nito na ang layunin ay matutuhan ang
proseso ng paggamit o pagkumpuni
(troubleshooting) ng isang bagay.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• Ang kalikasan ng mensaheng inilalahad ay
nasa anyong espesyalisado.
• Higit na kailangang maging payak ang
mensahe nito upang madaling maunawaan
ng mambabasa dahil ito ay isang proseso ng
mahusay na pamamahala ng mensahe upang
makapagbigay tugon o solusyon sa suliranin.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
• Pangunahing binibigyang-diin
nito ang pagiging malinaw,
tiyak, maikli, at madaling
basahin at unawain.
Ilang Halimbawa ng
Komunikasyong Teknikal

blogs grant at proposal siyentipikong sarbey


papel katalog polyeto website
handbook materyal para sa procedure manwal
presentasyon
dokumentong user manual ebalwasyon
pampagsasanay
ginagabayang ulat
reperensiya
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

1. Awdiyens – nagsisilbing
tagatanggap ng mensahe at
maaaring siya ay isang
tagapakinig, manonood o
mambabasa.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

2. Layunin – ito ang dahilan


kung bakit kinakailangang
maganap ang pagpapadala ng
mensahe.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

3. Estilo – kinapapalooban
ito ng tono, boses, pananaw, at
iba pang paraan kung papaanong
mahusay na maipadadala ang
mensahe.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

4. Pormat – tumutukoy ito


sa ginagabayang estruktura ng
mensaheng ipadadala.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

5. Sitwasyon – pagtukoy
ito sa estado kaugnay sa layuning
nais iparating ng mensahe.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

6. Nilalaman – dito
nakasaad ang daloy ng ideya ng
kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

7. Gamit – ito ang


pagpapakita ng halaga kung
bakit kailangan na maipadala
ang mensahe.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

1. Oryentasyong nakabatay sa
awdiyens – ang pangunahing prinsipyo sa
pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang
pagsulat para sa awdiyens. Sa katangiang ito, ang
mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng
awdiyens at hindi sa manunulat. Ito ang malaking
kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na
nakasentro ang himig at damdamin sa sumusulat.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

2. Nakapokus sa subject– sa
pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na
binibigyang-pansin ang pangunahing paksa ng
usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng
impormasyong sangkot sa pagtatalakay.
Layunin nitong puspusang matalakay at maisa-
isa ang inaasahang proseso na tutulong sa
awdiyens na maisagawa ang inaasahan sa
kaniya.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

3. Kumakatawan sa Manunulat
– ang katangiang ito ang nagpapakilala kung
ano at sino ang sumulat o ang kultura ng
organisasyong kanyang kinabibilangan.
Tumutukoy rin ito sa kung ano ang imahe ang
nais ipakita ng manunulat na sumasailalim sa
samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong
branding na nagsisilbing pagkakakilanlan o
identipikasyon.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

4. Kolaborasyon – maituturing
itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo
ng anumang uri ng komunikasyong
teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t
ibang indibidwal na may magkakaibang
kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong
inaasahan.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong Gawain


Komunikasyon
g Teknikal Biswal

Etikal, Legal, at Politikal na


Katanggap-tanggap

Pandaigdigan at Tawid-Kultural
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

• Mahalaga na ang impormasyon


ay nakasentro sa mga
mambabasa nito upang maging
episyente, madaling maunawaan,
marating, at makatugon sa
kinakailangan nila.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

• Bunsod ng modernong
teknolohiya ang mga usaping
etikal, legal, at politikal
kaugnay sa komunikasyong
teknikal.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

• Mahalaga ang pagiging maingat


lalo’t higit sa pagkuha ng mga
impormasyon sa malawak na batis
ng kaalaman upang ang mga
komunikasyong teknikal ay maging
katanggap-tanggap at etikal.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

• Ang wastong pagsipi sa


pinaghanguan ng impormasyon
ay isang paraan upang maging
tiyak ang mensahe.
Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa
Modernong Panahon

• Ang pagiging sensitibo sa gamit


ng salita at mga ilustrasyon ay
nararapat ding may panlahat
na pagtanggap bilang anyo ng
tawid-kulturang pagdulog.
Layag-Diwa:

Ilarawan ang Mga naging ambag ng


mga iskolar kaugnay sap ag-unlad ng
komunikasyong teknikal.
a. Sextus Julius Frontinus
b. Pliny the Elder
c. Reginald Scot
Ano ang benepisyong dulot
ng kasanayan sa
komunikasyong teknikal sa
panahon ng information
technology?
Ipaliwanag ang ibig sabihin
ng ideyang “magsulat para sa
awdiyens”.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng
mataas na kasanayan sa komunikasyong
teknikal?
2. Paano naging applied na uri ng
komunikasyon ang komunikasyong
teknikal?
3. Isa-isahin ang komunikasyong teknikal sa
akademiko at malikhaing sulatin.
Takdang Aralin:

• Manood ng halimbawa ng blog.

• Alamin kung paano ito


ginagawa.
Sanggunian:
Filipino sa Piling Larang (Tech-
Voc), Francisco, Christian
George C. et al., (2017), pp. 1 – 6

You might also like