You are on page 1of 96

SDO MALABON CITY

FILIPINO
Napapanahong Alternatibong Tulay sa
Pagkatuto
Unang Markahan
NAT BAITANG 12

\
Alamin Natin!

Isinaalang-alang ang mag-aaral bago nilikha at ginawa ang modyul na ito. Naririto ito
upang aralin ang lahat ng tungkol sa Filipino sa Piling Larang Techvoc. Ang sakop ng
modyul na ito ay maaring gamitin sa kahit anong pagkakataon sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang mga salita ay isinalin sa wikang maiintindihan ng mambabasa. Ang
mga aralin ay may pagkakasunod-sunod base sa kinakailangan ng asignatura.

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
• Layunin
• Gamit
• Katangian
• Anyo

Bago tuluyang lumusong sa kasaysayan ng komunikasyong teknikal, pagnilayan


muna ang ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.

Balikan Natin!

I. Unang Pagbabalik Tanaw


1. Para sa iyo, ano ang komunikasyong teknikal?
2. May pagkakaiba kaya ang komunikasyong teknikal sa sulating teknikal?
3. Ano ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa iba pang uri ng sulating
akademiko?
4. Gaano kahalaga ang komunikasyong teknikal bilang paghahanda mo sa
daigdig ng trabaho?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

5. May benepisyo ba ito upang maging mahusay kang propesyonal


pagdating ng panahon?

II. Pangalawang Pagbabalik Tanaw


Lagyan ng Tsek (√) ang mga sulating matagumpay mong naisagawa noong ikaw
ay nasa ikasampung grado pa lamang.

Liham pangangalakal ________ Siyentipikong ulat ________


Liham pangkaibigan ________ Teknikal na ulat ________
Suring – aklat ________ Pananaliksik ________
Pangkritik ng papel ________ Rebyu ng pelikula ________
Sanaysay _________

Mga Tala para sa Guro


Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya,
hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang
lahat ng gawain sa isang kuwaderno.

Ano ang Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal?


Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang
komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal
nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

lamang sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang


panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan
kung papaano maiaangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang
ang argumento naman ay ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na
ideya. Sa pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo
na't pinahahalagahan dito ang proseso o pag e-estruktura ng isang mensahe. Sa huli,
ang pinakamainam na maisaalang-alang ay ang paglikha ng mabisang mensahe.

Bago pa man tayo tuluyang lumayag, alam mo ba ang kaibahan ng


komunikasyong teknikal sa sulating teknikal? Sa paliwanag nina Martinez et al.
(2011), ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus
sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa
maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na
antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. Ang mahusay na komunikasyong teknikal
ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli. Mahalaga ring maisaalang-alang ang
awdiyens, layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon. Sa kasalukuyan,
sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides, at iba
pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay para sa isang
tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita
o pasulat na anyo. Ang kasanayang ito ang makatutulong upang maipabatid at
maipaunawa niya sa daigdig ang kaniyang kaisipan at kaalaman ano pa man ang
kaniyang propesyon.

Sa katunayan, isa ito sa mga hinahanap na katangian ng mga kompanya sa


pagkuha ng empleyado. Kung kaya, ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro,
inhenyero, politiko, pulis, siyentista, negosyante, o eksperto sa information
technology, ang kasanayan sa komunikasyong teknikal ay isang mahigpit na
pangangailangan. Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, kundi lalo't
higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng liham, memorandum, iba't ibang uri ng
ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon, at marami pang iba.

Sa pagpasok ng ikadalawampu't isang siglo, ang pagsasanib ng information


technology at pagsulat ang siyang higit na nananaig. Iba't ibang porma at estilo ang
iniluluwal batay sa pangangailangan ng mga kompanya mula sa kanilang mga

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

empleyado. Sa madaling salita, higit ding kinakailangan ang literasi sa iba't ibang anyo
ng teknolohiya tungo sa pagpapabilis ng mga trabaho sa kasalukuyang panahon.

Alam mo bang dalawang libong taon na ang nakalilipas nang pormal na


pinasimulan ang propesyonalisasyon ng pagsulat? Ito ay tinugunan at nilunasan
ng mga naunang guro at pilosopo gaya nina Plato, Aristotle, at iba pa.

Natukoy naman sa mga pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula


sa mga Sumerian subalit kinilala si Sextus Julius Frontinus bilang isa sa mga awtor
nito. Ito ay dahil sumulat siya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatili
nito noong A.D. 97. Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrador at
sundalong Romano ay naisulat ang The Natural History, isang kalipunan ng mga
natural at siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa maraming dokumentong naisulat
niya noong mga panahong pinamamahalaan niya ang iba't ibang tanggapan sa mga
bansang Gaul, Aprika, at Espanya. Si Reginald Scot sa panahon ng Renaissance ng
Ingles ay nakabuo ng mga teknikal na manwal para sa paghahalaman na nakatulong
sa marami upang malaman ang proseso ng naturang gawain. Lakip din nito ang mga
ilustrasyon na mabisang nakatulong sa mga taong gumamit nito. Nagpatuloy ang
halaga ng komunikasyong teknikal hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig
dahil nakatulong ito sa mga sundalo na matutuhan ang proseso at pagkakasunod-
sunod ng paggamit ng kanilang mga sandata.

Suriin Natin!

Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal


Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng
komunikasyon. Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin
bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman,
at gamit na siyang pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal. Laging isaisip
na kaiba ito sa mga akademikong sulatin na karaniwang isinasagawa sa klase gaya
ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at iba pa. Iba rin ang komunikasyong

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

teknikal sa malikhaing pagsulat dahil ang huli ay may dulog na personal at maaaring
hindi gaanong nagtataglay ng katotohanan o facts.

Ang komunikasyong teknikal ay maituturing ding applied na uri ng


komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang
tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa isang
suliranin.

May bagong mobile phone ka ba? Binasa mo ba ang user's manual nito? Ikaw
ba ay conscious sa iyong pigura? Siguradong binabasa mo ang label ng mga pagkain
o multivitamins na binibili mo kung ang mga ito ba ay may malaking benepisyo sa
iyong kalusugan. O baka naman ay may bago kayong pinakaiingatang appliances sa
bahay? Masusi mo bang pinag-aralan ang mga manwal nito? Ang lahat ng ito, gaya
ng label, manwal, at mga gabay sa paggamit ay mga kongkretong halimbawa ng
komunikasyong teknikal. Tiyak kasi ang nais patunguhan ng mensahe nito na ang
layunin ay matutuhan ang proseso ng paggamit o pagkumpuni (troubleshooting) ng
isang bagay.

Tinatawag itong komunikasyong teknikal dahil ang kalikasan ng mensaheng


inilalahad ay nasa anyong espesyalisado. Gayunpaman, higit na kinakailangang
maging payak ang mensahe nito upang madaling maunawaan ng mambabasa dahil
ang komunikasyong teknikal ay isang proseso ng mahusay na pamamahala ng
mensahe upang makapagbigay tugon o solusyon sa suliranin. Pangunahing
binibigyang-diin nito ang pagiging malinaw, tiyak, maikli, at madaling basahin at
unawain.

Makikita sa talahanayan ang ilang halimbawa ang komunikasyong teknikal.


Blogs Grant at proposal Siyentipikong sarbey
Papel katalog Polyeto Website
Handbook Materyal para sa Procedure manual
presentasyon
Dokumentong User manual Ebalwasyon
pampagsasanay
Ginabayang reperensiya ulat

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mula sa mga halimbawang naitala, may nakikita ka bang tiyak na katangian ng


mga ito? Kung ang iyong obserbasyon ay hinggil sa pormat, paraan ng pagsulat, o sa
pinatutunguhan ng mensahe, ang lahat ng ito ay nakapaloob sa komunikasyong
teknikal. Upang lalo pang mapalalim ang talakayan, narito ang ilang elemento ng
komunikasyong teknikal:

Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal


1. Awdiyens - nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang
tagapakinig, manonood, o mambabasa.

2. Layunin - ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng
mensahe.

3. Estilo - kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung
papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe.

4. Pormat - tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.

5. Sitwasyon - pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng


mensahe.

6. Nilalaman - dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng


komunikasyon.

7. Gamit - ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang
mensahe.

Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal


1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens - ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo
ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens. Sa katangiang ito,
ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa
manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na nakasentro
ang himig at damdamin sa sumulat.

2. Nakapokus sa subject - sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na


binibigyang pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang
lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin nitong puspusang

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa awdiyens na


maisagawa ang inaasahan sa kaniya.

3. Kumakatawan sa manunulat - ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano


at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan.
Tumutukoy rin ito sa kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat na
sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong branding na
nagsisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon.

4. Kolaborasyon - maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng


anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang
indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong
inaasahan. Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng mobile phone manual,
nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto tulad ng system analyst,
layout artist, graphics specialist, technical communicator, at iba pa. Bawat isa sa
kanila ay nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang makabuo ng
mabisang manwal.

Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa Modernong Panahon


Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa
Komunikasyong
Teknikal Nakabatay sa Kolektibong Gawain

Biswal

Etika, Legal, at Politikal na


Katanggap- tanggap

Pandaigdigan at Tawid-Kultural

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito ang komunikasyong teknikal bilang


espesyalisadong disiplina. Kailangang may lubos na kasanayan ang mga taong
sumusulat ng komunikasyong teknikal upang maintindihan ng babasa at maisagawa
ang pagkilos na inaasahan. Sa modernong panahon ng komunikasyon, hatid ng
kompyuter ang mabilis at episyenteng daloy ng impormasyon bunsod ng Internet. Sa
pamamagitan nito, napadadali ang access ng mga tao sa lahat ng uri ng kaalamang
nais niyang matamo. Gamit ang mga website, iba't ibang search engines,
elektronikong liham, at iba pa, nagiging mabilis ang proseso ng impormasyon.
Mahalaga rin na ang impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa nito upang
maging episyente, madaling maunawaan, marating, at makatugon sa kinakailangan
nila. Upang maisakatuparan ito, ang mga ilalahad na impormasyon ay nararapat na
nagtataglay ng wastong mga tala, dayagram, at iba pang anyo ng ilustrasyon bilang
mga biswal na pantulong.

Sa kabilang dako, bunsod ng modernong teknolohiya ang mga usaping etikal,


legal, at politikal kaugnay sa komunikasyong teknikal. Mahalaga ang pagiging maingat
lalo't higit sa pagkuha ng mga impormasyon sa malawak na batis ng kaalaman upang
ang mga komunikasyong teknikal ay maging katanggap-tanggap at etikal. Ang
wastong pagsipi sa pinaghanguan ng impormasyon ay isang paraan upang maging
tiyak ang mensahe. Ang pagiging sensitibo sa gamit ng mga salita at mga ilustrasyon
ay nararapat ding may panlahat na pagtanggap bilang anyo ng tawid-kulturang
pagdulog.

Gawain 1

1. Ilarawan ang mga naging ambag ng mga Iskolar kaugnay sa pag-unlad ng


komunikasyong teknikal.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

a. Sextus Julius Frontinus


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
b. Pliny the Elder
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
c. Reginald Scot
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng matataas na kasanayan sa komunikasyong


teknikal?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ano-ano ang benepisyong dulot ng may kasanayan sa komunikasyong teknikal sa
panahon ng information technology?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Paano naging applied na uri ng komunikasyon ang komunikasyong teknikal?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Isa-isahin ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa akademiko at mga


malikhaing sulatin.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ideyang, “magsulat para sa awdiyens.”?


_____________________________________________________________

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

1. Ito ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon.


2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
a. Blogs
b. Papel katalog
c. Handbook
d. Dokumentong pampagsasanay
e. Ginabayang reperensiya
3. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• Awdiyens
• Layunin
• Estilo
• Pormat
• Sitwasyon
• Nilalaman
• Gamit
4. Ang mga katangian nito ay ang mga sumusunod:
• Oryentasyong nakabatay sa awdiyens
• Nakapokus sa subject
• Kumakatawan sa manunulat
• Kolaborasyon

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Isagawa Natin!

Panuto. Gumawa ng isang blog gamit ang isa sa mga paksa sa ibaba.

1. Inaasahang katangian ng pangulo ng Pilipinas


2. Usapin hinggil sa operasyon ng MRT/LRT
3. Pagpapalawig ng mga pambansang proyekto sa mga lalawigan ng Pilipinas
4. Karapatan ng mga hayop
5. Pagpapalago ng turismo ng Pilipinas
6. Banta ng COVID-19 sa bansa

Sa pagbuo ng blog, isaalang-alang ang sumusunod:

1. Hindi bababa sa tatlong daang salita ang haba ng blog.


2. Nagtataglay ng mapanghikayat na pamagat
3. Natutukoy ang mga elemento ng komunikasyong teknikal na nakatala sa
ibaba:

PAKSA: __________________________________________________________
Elemento ng Komunikasyong Pagtalakay
Teknikal
Awdiyens
Layunin
Estilo
Pormat
Sitwasyon

Nilalaman
Gamit

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Tayahin Natin!

Pagtapat-tapatin. Matatagpuan sa Hanay A ang mga konsepto ng komunikasyong


teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang mga susing salita na naglalarawan
sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang gamit ang titik
lamang.
Hanay A Hanay B

____1. pormat a. pagsama-sama ng mga indibidwal

____2. gamit b. daloy ng ideya, kabuuang mensahe

____3. layunin c. tagatanggap ng mensahe

____4. nakapokus sa subject d. imaheng nais ipakita ng manunulat

____5. kolaborasyon e. kaganapan ng pagpapadala ng mensahe

____6. awdiyens f. espesyalisadong uri ng komunikasyon

____7. sitwasyon g. estado ng layunin

____8. komunikasyong teknikal h. ginabayang estruktura

____9. nilalaman i. pangunahing paksa ng usapan

____10. estilo j. tono, boses, pananaw

k. halaga ng pagpapahatid ng mensahe

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Karagdagang
Gawain

Maghanap ng mga dokumento gaya ng liham, user manual ng cellphone o anumang


electronic gadget, o maaari ding label ng mga produkto. Ito ay magsisilbing halimbawa
ng Iba’t ibang uri ng sulating teknikal upang higit na mapatatag ang iyong kaalaman.
Matapos nito, tukuyin ang sumusunod:

1. Para kanino ito?


2. Ano ang mga layunin kung bakit ito nilikha?
3. Ano-ano ang maitutulong nito para sa inaasahang mambabasa nito?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Ang Awdiyens bilang Mambabasa at ang


Kahalagahan ng Kolaboratibong Pagsulat
2 Bilang ng araw: 4

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) layunin
(b) gamit
(c) katangian
(d) anyo
Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang
kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa
nakaraang aralin.

Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng
kabuuang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal, napakahalaga ng ginagampanang papel ng


awdiyens bilang mga mambabasa o tagatanggap ng mensahe. Sila ang pangunahin
nating isinasaalang-alang higit ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong
larangan. Ilan sa mga gabay na nararapat nating ikonsidera ay ang sumusunod: (1)
Sino ang mambabasa? (2) Ano ang kinakailangan nilang ________________? (3)
Saan nila ito babasahin? (4) Kailan nila ito babasahin? (5) Bakit kailangan nilang
basahin ang impormasyon? At (6) Paano nila ito babasahin at ________________?
Mayroon ding mga uri ang mambabasa. Ang ________________ ay ang siyang
tuwirang pinatutunguhan ng iyong mensahe. Samantala, ang sekondaryang

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

mambabasa ang sinasabi nating eksperto sa larangan na may espesyal na kaalaman


gaya ng: ________________, ________________, ________________,
________________, at marami pang iba. Ang ________________ naman ay ang
mga taong maaaring may interes na matatagpuan sa dokumento. Kung minsan, sila
rin ay gumaganap bilang ebalweytor.

Balikan Natin!

I. Para sa iyo, gaano kahalagang matukoy kung sino ang target na mambabasa o
awdiyens ng iyong sulatin? Mainam bang maisaalang-alang sila? Ano kaya ang
benepisyo nito sa iyo bilang manunulat? Maari mong isulat sa mga linya ang iyong
repleksiyon ukol dito.
Repleksiyon:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
II. Magsagawa ng klastering sa loob ng klase kaugnay sa iba’t ibang genre o
kategorya ng mga kinahihiligang babasahin ninyo gaya ng nobela, tula, mga
magasin, at iba pa. Sa pagkaklaster, tatalakayin ang sumusunod na mga katanungan
sa ibaba:
1. Bakit ito ang kinahihiligan mong basahin?
2. Ano ang naidudulot nitong kasiyahan sa tuwing binabasa mo ang genre na
ito?
3. Paano nagsimula ang hilig mong magbasa ng ganitong uri ng genre?
Mula sa gawaing ito, tutuklasin at tutukuyin ng bawat grupo ang mga tiyak na
katangiang taglay ng iba pang grupo na siyang pangangasiwaan ng grupo.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mga Tala para sa Guro


Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya,
hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang
lahat ng gawain sa isang kuwaderno.

Ang Awdiyens bilang Mambabasa


Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay isang
napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng anumang uri
ng sulatin. Sa panahon ng modernong teknolohiya na lantad ang karamihan sa iba't
ibang uri ng babasahin, ang mga mambabasa ay nagiging mapili sa mga
impormasyong may interes lamang sila. Karaniwan, mas binibigyang-tuon nila ang
mga materyal na kailangan nila at kung ano lamang ang makatutulong sa kanila.
Dagdag pa, ang lalong umuunlad na mga anyong pakikipag-ugnayan sa
daigdig ay nagsisilbi ring haligi ng mga makabagong paraan ng
pakikipagkomunikasyon gaya ng electronic mail o e-mail at iba't ibang social
networking sites. Ang anyong ito ang tatawagin nating pandaigdigang komunikasyon
na bumasag sa tradisyonal na mga kaparaanan ng pakikipag-ugnayan. Sa unang
pagsipat, tila maituturing itong dulog-micro, subalit kung susuriin, tinutunton nito ang
kompleks na anyo ng ugnayang pangkomunikasyon. Bunsod nito ang pagsasaalang-
alang sa kultura, paniniwala, tradisyon, relihiyon, wika, anyo ng pagsulat, at iba pang
pagkakaiba-iba na maaaring makakaapekto sa ugnayan ng manunulat sa kaniyang
awdiyens bilang mambabasa.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Suriin Natin!

Tatlong Gabay sa Pagtatasa sa mga Mambabasa ng Komunikasyong Teknikal


1. Karamihan sa mambabasa ng mga komunikasyong teknikal ay nakatuon lamang
sa mahahalagang impormasyong iyong ibinabahagi.
2. Ang mga mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon ng tekstong iyong isinulat.
3. Tandaan, kung mas maikli ang teksto, mas binabasa nila ito. Sa kasalukuyan, isa
sa preperensiya ng mga mambabasa ang infographics sa halip na puro teksto lang
ang kanilang nakikita.
Apat na Uri ng Mambabasa
1. Primaryang mambabasa - sila ang mga tuwirang pinatutunguhan ng iyong
mensahe na umaaksiyon o nagbibigay-pasya.
2. Sekondaryang mambabasa - sila ang mga nagbibigay-payo sa primaryang
mambabasa. Karaniwan, ang mga sekondaryang mambabasa ay mga ekspertong
may espesyal na kaalaman upang matulungan sa pagpapasya ang primaryang
mambabasa.
3. Tersiyaryang mambabasa - sila ang mga maaaring may interes sa
impormasyong matatagpuan sa dokumento. Nagsisilbi rin silang ebalweytor o
interpreter gamit ang iba't ibang perspektiba.
4. Gatekeepers - sila ang namamahala sa nilalaman ng dokumento gayundin sa
estilo nito bago pa man ito ipahatid sa primaryang mambabasa.
Pagtukoy sa Pangangailangan, Pagpapahalaga, at Saloobin ng mga Mambabasa
Mahalaga para sa isang manunulat na kilalanin ang pangangailangan,
pagpapahalaga, at saloobin ng kaniyang mga mambabasa. Ang mga ito ang
tatawagin nating mga salik-sikolohikal na nakaaapekto sa paraan ng pagkilala, pag-
unawa, at pagtugon ng mga mambabasa sa iyong isinulat na dokumento. Sa
pamamagitan din nito magkakaroon ka ng kabatiran hinggil sa antas ng kanilang
kaalaman, kasanayan, at higit sa lahat, sa kani-kanilang mga karanasan. Sa pag-
alam nito, maitatawid mo bilang manunulat ang mga posibleng hadlang tungo sa
pagkamit ng mabisang komunikasyon. Higit sa lahat, matutulungan mo ang iyong
mambabasa na makapagpasya.
1. Pangangailangan - tumutukoy ito sa mga impormasyong kinakailangang
matugunan o maaksiyunan ng iyong mambabasa.
2. Pagpapahalaga - kinapapalooban ito ng mga usapin o adyenda, tunguhin, o mga
paniniwala na mahalaga sa mga mambabasa.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

3. Saloobin - ito ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong isinulat na


makaaapekto sa kanila.
Ang Kolaborasyon
Susi sa isang matagumpay na proyekto ang pagkakaroon ng kolektibo at
kolaboratibong pagkilos. Pangunahing prinsipyo nito na maipamalas ang kalakasan
at konsentrasyon ng bawat indibidwal na maibabahagi niya sa grupo. Ilan sa mga
bentahe ng kolaboratibong gawain ay ang sumusunod:
1. Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro. Napaghahati-hati nito ang
kompleks na gawain sa pamamagitan ng wastong distribusyon.
2. Napalulutang ang pagkamalikhain. Nagagawa nitong mabigyang-diin ang
magkakaibang perspektiba ng bawat miyembro na nagpapalakas sa kaalamang
panggrupo.
3. Napalalakas ang paniniwalang pansamahan. Sa kasalukuyan, malakas ang
impact ng pananaw na shared responsibilities sa alinmang larangan. Sa
pamamagitan nito, nagiging kaaya-aya ang daloy ng proyekto.
Apat na Yugto ng Kolaborasyon
Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay ang pagtatakda ng tunguhin at layunin
na nais matamo ng isang organisasyon o grupo. Kung kaya, narito ang pundamental
na yugto sa mahusay na kolaborasyon.
1. Forming - ang pagbibigay-buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy
sa mga responsibilidad, at pagmamapa ng iskedyul.
2. Storming - tumutukoy sa wastong pamamahala ng mga tunggalian, tensiyon sa
pamumuno at pamamahala, at pagkadismaya.
3. Norming - pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa napagkasunduan, pagpapakinis ng
mga itinakdang layunin, pagpapatibay ng samahan, at pagpopokus sa papel na
ginagampanan ng bawat miyembro.
4. Performing - ang pagbabahagi ng tunguhin, paghahati-hating gawain, pagtugon
sa mga tunggalian, at pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat miyembro.

Anim na Hakbang sa Forming bilang Maestratehiyang Paraan ng Pagpaplano


1. Pagtukoy sa Misyon at Layunin ng Proyekto. Pinakamahalagang sangkap
tungo sa ikatatagumpay ng proyekto ay ang pag-alam sa layunin kung bakit ito
kailangang buoin, ang benepisyaryo nito, at iba pang mga salik na posibleng
makaapekto rito.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

2. Pagtukoy sa Kalalabasan ng Proyekto. Ang hakbang na ito ay ang pagtukoy


sa inaasahang resulta o kalalabasan ng inyong proyekto. Maaaring ito ay isang
ideya, produkto, o serbisyo. Mainam na sa una pa lamang ay malinaw na sa
lahat ng miyembro ang inaasahang malilikha nila.
3. Pagtukoy sa Responsibilidad ng mga Miyembro. Bawat miyembro ay may
angking lakas at kahinaan. Layunin ng kolaboratibong dulog na maipamalas
ang kalakasan ng bawat kasapi.
4. Paglikha ng iskedyul ng Proyekto. Ito ang pag-iisa-isa at pagkakalendaryo
ng mga nakatakdang gawain ng buong grupo. Nagsisilbi rin itong gabay upang
maebalweyt ang pag-usad ng proyekto. Maraming paraan ng pagsasagawa
nito gaya ng pagmamapa, tsart, metodong kalendaryo, at iba pa.
5. Pagbuo ng Plano. Ang pagbuo ng plano ay ang pagbibigay-mukha at
deskripsiyon sa proyektong ginagawa ng grupo. Maaari itong isang simpleng
deskripsiyon lamang ng produkto, ideya, o serbisyo.
6. Pagsang-ayon sa Pagresolba ng Tunggalian. Normal na larawan sa isang
grupo ang pagkakaroon ng hindi pagsang-ayon o tunggalian ng ideya at
paniniwala. Masasaksihan sa yugtong ito ang sumusunod na mga sitwasyon:
1. Variation ng mungkahi tungo sa ikagaganda ng proyekto
2. Bahagyang pagdududa kung magiging matagumpay ang proyekto
3. Kompetensiya sa isa't isa
4. Hindi pagkilala sa ideya ng ibang miyembro
5. Pagbabago ng nauna nang itinakdang layunin
6. Mga isyung may kaugnayan sa etika
7. Hindi pantay na paghahati-hati ng gawain
Gabay sa Pagsasagawa ng Mabisang Pulong
1. Pumili ng wastong tagapamuno ng pulong
2. Magtakda ng tiyak na adyenda na sasang-ayunan ng lahat
3. Magsimula at magwakas ng pulong sa takdang oras
4. Tumugon sa bawat adyenda
5. Makilahok sa usapan
6. Kilalanin ang mga nag-uumpugang pananaw
7. Magkaroon ng kaisahan
8. Magtala ng mga napagpasyahan
9. Ulitin ang mga napag-usapan at napagpasyahan
10. Talakayin ang iba pang usapin

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Ang Norming bilang Pagtukoy sa Gampanin ng mga Miyembro


Sa yugtong ito, inaasahan ang pagkakaroon ng kaisahan sa lahat ng
miyembro. Bawat isa ay may pagtanggap sa inaasahang responsibilidad na iniatang
sa kanila. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Pagrerebisa ng mga layunin at kalalabasan ng proyekto
2. Pagtukoy sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro

Gampaning Pantao
a. koordineytor
b. tagapagsiyasat
c. tagapag-ayos
Gampaning may Kahingian ng kilos
a. tagahubog
b. tagapagpatupad
c. tagapagtapos
Gampaning Pangkaisipan
a. tagamonitor
b. tagapag-isip
c. espesyalista
d. tagabuo ng iskedyul
e. tagapagtala
f. tagadokumento

Gawain 1

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong, Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
papel:
1. Bakit mahalagang matukoy ang profile ng awdiyens bilang mambabasa?
2. Ano ang benepisyong maidudulot nito sa iyo bilang manunulat?
3. Ano-ano ang hakbang sa pagkilala sa iyong mambabasa?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

4. Ano-ano ang uri ng mambabasa at ang kanilang ginagampanang papel?


5. Bakit dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan, pagpapahalaga at
saloobin ng mambabasa?
B. Basahin ang memorandum at sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.

Petsa: Ika- 15 ng Hulyo 2015

Para sa: Lahat ng Opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino


(SMF)

Mula kay: Bb. Kristina de Guzman


Pangulo, SMF

Kaugnay: Pulong para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto 2015

Isang Maalab na Pagbati!

Ang lahat ay malugod na inaanyayahang dumalo sa pulong hinggil sa gagawing


pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2015. Ito ay gaganapin sa ika-20 ng Enero sa ganap
na ika- 1 ng hapon sa Gusali ng Wika. Tatalakayin sa pulong ang inaasahang mga
gawain para sa buong buwan ng Agosto na lalahukan ng mga administrador, mga guro,
mga mag-aaral, at mga panauhing pandangal.

Umaasa ako sa inyong positibong pagtugon sa bagay na ito.

Maraming Salamat.

1. Sino ang primaryong awdiyens ng memorandum na ito?


2. Bakit sila ipinatawag ng pangulo ng SMF upang makibahagi sa gagawing
pulong?
3. Ano-ano ang maitutulong nila sa nasabing pulong?
4. Sa iyong palagay, sino ang maaaring maging sekondarya at tersiyaryang
mambabasa ng memorandum na ito?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

1. Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay isang


napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng
anumang uri ng sulatin.
2. Apat na Uri ng Mambabasa:
a. primaryang mambabasa
b. sekondaryang mambabasa
c. tersiyaryang mambabasa
d. gatekeepers.
3. Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong gawain ay ang sumusunod:
1. nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro
2. napalulutang ang pagkamalikhain at
3. napalalakas ang paniniwalang pansamahan.
4. Apat na Yugto ng Kolaborasyon:
• forming
• storming
• norming
• performing
5. Anim na hakbang sa Forming bilang Maestratehiyang Paraan ng Pagpaplano.
• pagtukoy sa misyon at layunin ng proyekto
• pagtukoy sa kalalabasan ng proyekto
• pagtukoy sa responsibilidad ng mga miyembro
• paglikha ng iskedyul ng proyekto
• pagbuo ng plano
• pagsang-ayon sa pagresolba ng tunggalian

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Isagawa Natin!

Panuto. Gumawa ng isang sarbey gamit ang iyong messenger app o di naman kaya
ang numero ng mga kaklase. Maaaring ito ay may kaugnayan sa kanilang
paboritong kasuotan, musika, palabas, laro, at iba pa.

1. Magsagawa ng impormal na sarbey o panayam sa buong klase upang matukoy


ang panlahat na interes.
2. Pagsama-samahin ang mga nakuhang datos.
3. Magpasya ang grupo kung alin sa mga ito ang gagawan ng sanaysay.
4. Balangkasin ang magiging daloy ng sanaysay.
5. Simulan ang pagsulat ng sanaysay. Gawin itong mapanghikayat.

Ilahad ito sa klasrum sa susunod na pagkikita


Tatayain ang ginawang sanaysay gamit ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos Iskor


1. Mayaman ang datos o batis ng impormasyon. 10
2. Malinaw ang mensahe ng sanaysay. 10
3. Mahusay ang paglalahad ng sanaysay sa harap ng klase 10
Kabuoan 30

Tayahin Natin!

Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng
kabuuang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal, napakahalaga ng ginagampanang


papel ng awdiyens bilang mga mambabasa o tagatanggap ng mensahe. Sila ang

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

pangunahin nating isinasaalang-alang lalo’t higit ang komunikasyong teknikal ay isang


espesyalisadong larangan. Ilan sa mga gabay na nararapat nating ikonsidera ay ang
mga sumusunod: (1) Sino ang mambabasa? (2) Ano ang kinakailangan nilang
___________? (3) Saan nila ito babasahin? (4) Kailan nila ito babasahin? (5) Bakit
kailangan nilang basahin ang impormasyon? At (6) Paano nila ito babasahin at
___________?
Mayroon ding mga uri ang mambabasa. Ang ______________________ ay
ang siyang tuwirang pinatutunguhan ng iyong mensahe. Samantala, ang
sekondaryang mambabasa ang sinasabi nating eksperto sa larangan na may
espesyal na kaalaman gaya ng: ______________________,
______________________, ______________________,
______________________, at marami pang iba. Ang ______________________
naman ay ang mga taong maaaring may interes na matatagpuan sa dokumento. Kung
minsan, sila rin ay gumaganap bilang ebalweytor.

Karagdagang
Gawain

Basahin ang artikulong “Ang Pinuno” ni Ahmad Abaya kaugnay sa mahusay na


katangian ng isang pinuno gamit ang link na ito:

Ang Pinuno by Ahmad Abaya

Ang pinuno ay isang lingkod. Upang magpasimuno, kailangan nating


malaman kung paano sumunod. Ang pinuno ay isang katulong, isang
tagapagbalita, isang boses para sa marami. Ang mga ito ay mga halimbawa ng
mga serbisyong binigay natin para sa ating koponan kapag humantong tayo sa
kanila. Inaalis natin ang mga sagabal upang magawa nila ang kanilang mga trabaho
at magluningning para sa buong grupo.
Kung makilala natin ang ating mga tungkulin bilang tagapaglingkod at
tagasunod ng ating grupo at nagsisikap upang gawin itong malinaw sa kanila na
tayo ay nasa isang katayuan lamang ng isang mayroong kapasidad na mamuno
upang gawing mas madali para sa kanila ang kanilang mga tungkulin, hindi sila

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

kailanman makaramdam ng pagbabanta sa ganoong pamumuno. Walang


kumpetisyon o pang-aapi. Sa ganitong istilo ng pamumuno ay hindi ka darating sa
harap ng linya, nagniningning at mayroong pagmamataas habang kinukuha ng
lahat ng kaluwalhatian. Bagkos ang iyong buong koponan ang tatanghalin doon ng
sama-sama at dahil dito magkaroon ka ng higit pa sa paggalang mula sa iyong mga
tagasunod. Kung ikaw ay may pagnanais, maaari kang maging isang epektibong
lider kung gusto mo. Ang isang mabuting lider ay nahuhubog sa pamamagitan ng
walang kataposang pag-aaral, edukasyon, maraming pagsasanay, at mga
karanasan. Ang pagiging isang lider ay isang proseso kung saan ang isang tao ay
may kakayahang mang-impluwensya ng iba na gawin ang isang layunin at
kakayahang dalhin ang isang organisasyon sa paraang mas nagkakaisa.Kapag ang
isang tao ay magpasiya kung siya ay rerespeto sa iyo bilang isang lider, hindi siya
nag-iisip tungkol sa iyong mga katangian, sa halip, tinitingnan niya kung ano ang
mga ginagawa mo at dito niya maaaring malaman kung ikaw ba ay dapat bigyan
ng kanyang respeto. Ginagamit niya ang obserbasyong ito upang malaman niya
kung ikaw ba ay isang kagalang-galang at mapagkakatiwalaang pinuno o isang
taong makasarili na ginagamit lamang ang kapangyarihan upang magmukhang
mabuti at makakuha ng promosyon. Ang mga lider na makasarili ay hindi mabisa
dahil ang kanilang mga empleyado ay susunod lamang sa utos nila, ng walang
pagtatalima. Maaaring magtagumpay sila sa maraming mga lugar dahil naipakita
nila ang isang magandang imahe sa mga mas nakatataas sa kanila ngunit kapalit
ng pagkalugi o kapinsalaan ng kanilang mga manggagawa. Ang isang batayan ng
mabuting mamumuno ay ang kanyang marangal na karakter at walang pag-iimbot
na serbisyo sa inyong organisasyon. Sa mata ng mga tagasunod, ang iyong
pamumuno ay ang lahat ng mga bagay na ginawa mo na nagdudulot ng epekto sa
mga layunin at ikabubuti ng organisasyon. May tatlong pangunahing mga bagay na
humuhubog sa isang mabuting lider. Una ay dapat na ginagawa ng isang lider kung
ano ang kanyang itinuturo. Ang pangalawa at dapat niyang tingnan at pangalagaan
ang mga nakapaligid sa kanya. Ang pangatlo ay dapat may kakayahan siya upang
bumuo ng iba pang mahusay na mga lider. (UAYA)

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Itala ang mga katangiang ito na sa iyong palagay ay taglay mo rin. Gayundin,
maglahad ng isang sitwasyon o personal na karanasan na nagpapakita sa katangiang
ito. Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Mga Elemento ng Sulating Teknikal sa Tawid-


Kulturang Pakikipagkomunikasyon
3 Bilang ng araw: 4

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) layunin (c) katangian
(b) gamit (d) anyo
Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang
kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa
nakaraang aralin.

Isulat sa mga bilog ang mga kahulugang maiiugnay sa salitang “etika”.

Balikan Natin!

Etika

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mga Tala para sa Guro


Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya,
hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang
lahat ng gawain sa isang kuwaderno.

Kung babalikan ang mga sitwasyon sa unang bahagi ng aralin, masasabi natin
na ang mga ito ay sumasalamin sa realidad ng buhay. Ang ilan sa inyo ay maaaring
nakaranas ng naturang pangyayari, subalit paano ka nagpasya hinggil sa dapat
gawin? Nagdalawang-isip ka ba kaugnay sa hakbang na gagawin mo? Anuman ang
naging desisyon mo, siguradong hindi ito naging madali para sa iyo. May mga
pagkakataon na nagtatalo ang ating isip at damdamin sa kung ano ang dapat nating
gawing hakbang upang makabuo ng desisyon. Sa tuwing ikaw ay makararanas ng
ganitong kalituhan maging ito man ay usaping personal, sa paaralan, o sa trabaho,
sa kapaligiran o kung saan pa man, laging isaisip ang salitang etika. Maraming
kahulugang ikinakabit sa salitang etika, subalit ano nga ba ang pangunahing kaisipan
na hindi dapat makaligtaan? Sa nakararami, ang etika ay katumbas ng moralidad.
Ibig sabihin, etikal ang isang gawi kung ito ay tanggap ng lipunan o ng nakararami.
Para naman sa iba, ang etika ay may kaugnayan sa batas. Anuman ang tinatanggap
at nakasulat sa batas ay maituturing na etikal. Sa tradisyonal na pananaw, anumang
bagay o gawi na mabuti ay maituturing na etikal.

Suriin Natin!

Ang etika ay isang sistemang kinapalolooban ng pagpapahalagang moral,


sosyal, at kultura ng isang lipunan. Bawat desisyong ating ginagawa ay may
nakapaloob sa etikal na dimensyon. Samakatuwid, bawat tao, bago pa man siya

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

magpasiya, ay maraming isinasaalang-alang gaya ng epekto ng desisyon,


damdamin, panlipunang pananaw, relihiyon, paniniwala, at marami pang iba.

Kung ganito ang kaligiran ng etika, hindi mo ba naitatanong sa sarili kung bakit
may mga taong hindi sumusunod sa kanilang pagpapahalagang moral, sosyal at
kultural? Ano ang nagtutulak sa kanila upang hindi sumunod? May pansariling
pamantayan ba sila ng etika? Hindi ba nila isinasaalang-alang ang mga nakapaligid
sa kanila? Ilan lamang ito sa mga tanong na inaasahan nating matutugunan sa
paglalim ng ating pagtalakay sa etika.

ELEMENTO NG ETIKA NG KOMUNIKASYON

Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang mayroon ang isang tao. Ang mga
pagpapahalagang ito ay maikakategorya sa tatlo.

Etikang Pang
Personal na Etika Panlipunang Etika
konserbasyon

Ito ang tumutulong sa tao Ito ang pagpapahalagang Ito ay nagmumula sa


para mapahalagahan matatamo ng tao mula sa batas at sa mga
niya ang kanyang paligid pamilya, kultura at pagpapahalagang
na ginagalawan pananampalatayang panlipunan na kinalakhan
mayroon siya. ng isang tao. Ito ay
karaniwang makikita sa
pakikihalubilo natin sa
ating pamayanan.

Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal

1 Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng


impormasyong dapat nilang mabatid.

2 Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

3 Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga


mambabasa.

4 Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa


angkop na payo.

5 Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto


ito sa impormasyong tatanggapin ng mambabasa.

Information Glut -Ayon kay Sheenan (2011), ang information glut ay tumutukoy
sa dami ng impormasyong maaaring makolekta, mainterpreta, at mapagsama-
sama na nagdudulot ng information overload sa mga tao.
Dati, talamak ang iba't ibang estilo ng komunikasyon ngunit sa ngayo'y maaaring
kakaunti na lamang ang kaibahan dahil sa epekto ng information glut.

• kaibahan sa Nilalaman
• kaibahan sa Organisasyon ng Ideya
• kaibahan sa Estilo
• kaibahan ng Disenyo at Dokumento

Mga Pandaigdigang Pagkakaiba sa Tawid-Kulturang Elemento ng


Komunikasyon
Kaibahan sa Nilalaman Tsino - mahalaga sa kanila na nakabatay
sa katotohanan ang nilalaman ng
dokumento.
Arabo - ang nilalaman ng dokumento ay
patungkol sa negosasyon.
Mexicano, Timog-Amerikano, at mga
Aprikano - lubos ang pagpapahalaga
sa ugnayang pampamilya.
Indian - mahalaga ang gamit ng wikang
Ingles

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Kaibahan sa Organisasyon ng Ideya Arabo - pag-uulit ng puntong nais nilang


ipahatid. Nasa kultura ng mga Arabo ang
pagkakaroon ng mahusay na samahan
at pagpapakita ng pagpapahalaga sa
kausap.

Taga-Hilagang Amerika - pagiging


maligoy
Asyano - paggamit ng mga
impormasyong kontekstuwal.
Indian - ang pagpapasalamat ay
itinuturing na kabayaran sa isang pabor.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Kaibahan sa Estilo Tsino - ang mga dokumentong


nagsasaad ng masidhing panghihikayat
ay nagpapakita ng kawalang-galang.

Europa - ang paggamit ng tuwirang wika


ay hindi katanggap-tanggap.

Amerikano - pinahahalagahan nila ang


paggamit ng payak na wika.

Aprika - ang paggamit ng tono ay higit na


kinikilala upang maging matiwasay ang
daloy ng transaksyon.

Kaibahan ng Disenyo at Dokumento Arabo at Tsino - nagbabasa simula


kanan tungong kaliwa
Asyano - ang puting damit at bulaklak ay
simbolo ng kamatayan.
Amerikano - ang presentasyong hitik
sa grap ay nagdudulot lamang ng
kalituhan.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1) Ano ang pangunahing prinsipyo ng etika?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2) Paano mo maiuugnay ang etika sa larangan ng komunikasyong teknikal?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3) Sa iyong mga personal na karanasan, may masasabi ka bang minsan sa buhay


mo ikaw ay naging di-etikal? Paano mo ito prinoseso at tinugunan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4) Paano ipinaliwanag sa aralin ang ideya ng information glut?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5) Paano nakakaapekto ang etika sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon


ng mga tao?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6) Ano ang pinakamahalagang layunin kung bakit mahalagang magkaroon ng


kabatiran hinggil sa kultura na pakikipagkomunikasyon ng mga taga-ibang
bansa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

ETIKA

1) Bago pa man magpasya ang tao ay maraming isinaalang-alang gaya ng epekto


ng damdamin, desisyon, panlipunang pananaw, relihiyon, paniniwala, at
marami pang iba.
2) Sa nakararami, ang etika ay katumbas ng moralidad. Etikal ang isang gawain
kung ito ay tanggap ng lipunan o ng nakararami.
3) Sa iba naman, ang etika ay may kaugnayan sa batas. Anuman ang nakasulat
sa batas ay maituturing na etikal.
4) Sa tradisyunal na pananaw, anumang bagay o gawi na mabuti ay maituturing
na etikal.
5) Ang pinakamainam na estratehiyang magagamit ay ang pagkamahinahon at
angkop na paggamit ng mga salita.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Isagawa Natin!

Gawain 1
Ipaliwanag ang tatlong kategorya ng etika batay sa pinagmulan nito.

Personal na Panlipunang Etikang


Etika Pangkonserbasyon
Etika

Tayahin Natin!

Itala ang mga tiyak na katangian ng bawat bansa sa larangan ng pakikipag


komunikasyon gamit ang apat na elemento nito. Ilahad ito sa talahayanan sa ibaba.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

a. Nilalaman

b) Organisasyon ng Ideya

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

c) Estilo

d) Disenyo ng Dokumento

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Karagdagang
Gawain

Gawain 1

a) Basahin ang artikulo ng Pilipino Star Ngayon na nasa ibaba:

Pag-asa Island sa Spratlys Ide-develop na ng Pinas


Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Plano na ring i-develop ng pamahalaan ang Pag-asa Island na


bahagi ng pinag-aagawang Kalayaan Island Group o Spratly Islands sa West
Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa isang
pulong balitaan kasunod ng pagkukumahog ng China na angkinin ang mga isla na
nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos na magtayo ang
China ng Sansha City sa Hainan Province sa WPS o South China Sea.

Ayon kay del Rosario, may plano rin ang pamahalaan na ayusin at paunlarin ang Pag-
asa Island kung saan may libong sibilyan at militar na ang nakatira at nagbabantay.
Tinitingnan na lamang aniya ang budget o pondo para sa development sa nasabing
rehiyon.

Iginiit ng DFA na may karapatan ang Pilipinas sa rehabilitasyon sa mga bahagi ng


pinag-aawayang mga isla sa Spratlys na nasa EEZ. Ito ay matapos na umangal ang
China sa plano ng Pilipinas.

Ang Pag-asa Island na bahagi ng KIG ay may 285 nautical miles mula Palawan.

Nanindigan ang Chinese Foreign Ministry kamakalawa na ang China ang may
undisputable soverignty sa Spratlys na tinatawag nilang Nansha.

Nanawagan pa ang China sa Pilipinas na sundin ang parameters of conduct na siya


ring unang reklamo ng Pilipinas laban sa China dahil sa paulit-ulit na panghihimasok
sa teritoryo ng Pilipinas.

May 15 diplomatic protest na ang naihain ng DFA laban sa China.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

B. Sumulat ng maikling komento na naglalaman ng iyong obserbasyon kung ito


ba ay nakapasa sa sampung pamantayan ng komunikasyon etikal na nilahad sa
aralin. Gamit ang grapikong nasa ibaba itala ang iyong obserbasyon.

• •

• •

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Liham Pangnegosyo at


4 Memorandum
Bilang ng araw: 4

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) layunin (c) katangian
(b) gamit (d) anyo
Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang
kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa
nakaraang aralin.

Balikan Natin!

1. Isulat ang sumusunod na mga liham:

A. liham ng pasasalamat
B. liham ng paghingi ng paumanhin

2. Basahin ang liham na iyong ginawa at lagyan ng pangalan ang mga bahagi ng
liham na iyong makikita.

3. Pumili ng anumang akdang pampanitikan na iyong napag-aralan o pelikula na


iyong napanood. Pumili ng karakter mula sa kuwento o pelikula at sumulat ng
liham para sa iba pang mga tauhan sa kuwento ayon sa mga takbo ng
pangyayari sa binasa o pinanood.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Hal. Sa nobelang Noli Me Tangere, gumawa ng isang liham na galing kay Ibarra para
sa ibang tauhan sa nobela. Kailangang malinaw na mabanggit ang tamang daloy ng
kuwento. Lagyan ng letterhead na kaugnay sa napiling kuwento bilang disenyo ng
papel.

Mga Tala para sa Guro


Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong
makakaya, hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa
internet. Sagutin ang lahat ng gawain sa isang kwaderno.

Ano ang Liham Pangnegosyo at Memorandum?


Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas
ng organisasyon o kompanya samantalang ang memo ay karaniwang isinusulat para
sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon o kompanya.

Alam mo ba?
May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham
pangnegosyo. Ito ay ang paghahanap ng trabaho, paghingi
ng impormasyon, pagtugon sa mga tanong o paglilinaw at
promosyon ng mga ibinebenta at/o serbiyo.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Suriin Natin!

Liham Pangnegosyo
Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng
organisasyon o kompanya. May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham
pangnegosyo:

1. paghahanap ng trabaho
2. paghingi ng impormasyon
3. pagtugon sa mga tanong o paglilinaw
4. promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo
5. pagkalap ng pondo
6. pagrerehistro ng mga reklamo
7. pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon
8. koleksyon ng mga bayad
9. pagbibigay instruksyon
10. pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod
11. pag-uulat tungkol sa mga aktibidad
12. pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe
13. pag-aanunsiyo
14. talaan o record
15. Follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono at
16. pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal.

Memorandum o Memo
Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang
organisasyon o kompanya. Gayunman, may mga memo rin na ipinapadala sa labas
ng kompanya o organisasyon gamit ang e-mail o kaya ay telefax. Narito ang mga
gamit ng memo:

1. paghingi ng impormasyon
2. pagkompirma sa kumbersasyon
3. pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

4. pagbati sa kasamahan sa trabaho


5. pagbubuod ng mga pulong
6. pagpapadala ng mga dokumento at
7. pag-uulat sa pang-araw-araw na gawain.

Bagaman halos katulad din ng sa liham pangnegosyo ang mga paksang


tinatalakay sa memo, maraming panloob na ulat ang isinusulat sa anyong memo
tulad ng ulat sa paglalakbay (trip report), progress report, at maiikling proposal.

Elektronikong Liham o E-mail

Sa pamamagitan ng Elektronikong Liham nakakapagpadala ng mga liham,


memo at iba pang dokumento mula sa iyong kompyuter papunta sa isa pang
kompyuter, gamit ang serye ng mga network ng kompyuter. Milyon-milyon ang
gumagamit ng e-mail ngayon dahil sa bilis ng pagpapadala at kombinyente ito lalo na
ang pagpapalitan ng maiikling mensahe ng mga tao na may takdang usapan o paksa
o nakikipag-ugnayan sa isa’t isa tungkol sa pang-araw-araw na gawain.

Maaaring lumikha ang bawat kumpanya ng istandardisadong pormat ng mga


korespondensiya, ngunit dapat ingatan ng sumusulat na maging labis na impersonal
ang mga ipinapadalang sulatin. Bukod sa pagiging maikli, tiyak, malinaw tumpak at
mapanghikayat, lahat ng uri ng korespondensiya ay dapat may perspektibang “iyo” o
“ikaw”.

Pagsulat ng Liham Pangnegosyo

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang
personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang
karaniwang pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay
karaniwang isinusulat sa “8 1/2 x 11” na bond paper. May anim na bahagi ang isang
liham na pangnegosyo.

1. Pamuhatan

Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na “buhat”, ibig sabihin, pinagmumulan o


pinanggagalingan. Nagtataglay ito ng adres ng nagpapadala ng liham na kadalasang
nasa dalawa hanggang tatlong linya lamang. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay
ang petsa. Maaari ding magdagdag ng isa pang linya matapos ang adres o bago ang

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

petsa, para sa bilang ng telepono, numero ng fax, adres ng e-mail, o iba pang
kahalintulad ng mga ito.

Hindi na kailangang ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay ang
tinatawag na stationery na may nakalimbag nang pamuhatan at/o pangalan ng
kompanya. Ngunit laging nilalagyan ng petsa ang liham pangnegosyo.

2. Patunguhan

Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o ang


pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham. Samakatuwid, ito ang adres ng
pinadadalhan ng liham. Kompletuhin ang adres na ito at isama ang mga titulo at
pangalan ng padadalhan ng liham. Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang
patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng liham kung sakaling magkaroon ng
sira ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang adres. Mag-iwan ng isang linyang
espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan. Maglagay rin ng isang linyang
espasyo bago ang pagbati.

3. Bating Pambungad

Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pangnegosyo. Karaniwang


nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na sinusundan naman ng apelyido ng taong
sinusulatan. Karaniwan ding may titulo ng taong pinadadalhan ng liham. Ang titulo ay
maaaring simpleng G. (Ginoo), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo sa
propesyon o katungkulang hawak ng taong pinadadalhan, halimbawa, Prop. (para sa
Propesor) o Dr. (para sa Doktor). Ang bating pambungad sa liham pangnegosyo ay
laging nagtatapos sa tutuldok (:), hindi sa kuwit (,).

4. Katawan

Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na


hindi ito isinusulat-kamay, palagi itong typewritten o computerized. Depende sa estilo
ng liham na iyong gagamitin, maaaring may indensiyon ang mga unang linya ng mga
talata. Ano pa man ang pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng
bawat talata, sa pagitan ng pagbati at ng katawan, at sa pagitan ng katawan at ng
pangwakas.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham pangnegosyo:


• sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw na ipahayag ang
punong diwa at ang buod ng nais sabihin
• maging magalang
• iwasan ang mga sumusunod:
• ang paggamit ng nananakot na pananalita at pagbibigay ng mga
negatibong mungkahi
• ang paggamit ng walang kaugnayan at di-mahalagang pananalita
• ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang
pangungusap o talata ng katawan ng liham
• Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at/o
magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o usapin
• Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa
mapitagang pamamaraan.

5. Pamitagang Pangwakas

Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam.


Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham,
depende sa pormat na iyong pinili. Madalas na ginagamit ang block style na pormat
dahil hindi na nito kinakailangan ang anumang indensiyon sa buong liham.

6. Lagda

Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda.
Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman
laging kinakailangan.

Dalawang Pangunahing Pormat ng Liham

May dalawang karaniwang pormat ang pagsulat ng liham-pangnegosyo: ang anyong


block at ang anyong may indensyon. Suriin ang kaibahan ng dalawa.

1. Anyong Block (Block Form) - lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa


katawan.

2. Anyong may Indensiyon (Indented Form) - nakapasok ang unang salita sa


bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang
pamuhatan at pamitagang pangwakas.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Halimbawa ng Liham Pangnegosyo

589 Atis Road


Potrero, Malabon 1470
Oktubre 31, 2019

Loan Processing Office


Customer Service Center
United National Bank
P.O. Box 55
Tondo, Manila, Philippines

Para sa Customer Service:

Para sa inyong kabatiran, nabayaran namin ang aming unang mortgage installment
nang magkahiwalay na beses o halaga dahil sa pagkakamali ng inyong empleyado.

Nakapagbayad kami nang dalawang ulit bago pa namin matanggap ang aming
mortgage payment book, na dumating matapos na ang due date. Dahil naghintay
kami ng matagal bago dumating ang payment book, at ayaw naming masira ang
aming pangalan sa inyo, pumunta kami sa isang sangay ng inyong bangko noong
Oktubre 28, 2019. Ang sabi sa amin ng teller ay bayaran lamang ang halagang
nasa itaas ng form. Kinabukasan, tinawagan kami ng teller para sabihing hindi pa
kasama sa halagang aming binayaran ang real estate taxes. Kaya bumalik kami sa
bangko at binayaran ang mga ito. Ang parehong transaksiyon ay makikita sa
account number na 7WVQ80600, sa mga sumusunod: Oktubre 28, 2014, sa tseke
na may numerong #380, 31,756.00; Oktubre 29,2019, sa tseke #381, 5,674.50.

Upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap, direkta naming ipadadala ang
pangalawang bayad sa inyong opisina sa Sta. Cruz. Kung may tanong kayo tungkol
sa transaksiyong ito, maaari ninyo kaming tawagan sa (043) 467-8976 o sa aming
branch sa Pasay.

Lubos na gumagalang,

Jane Reyes Joe Reyes


Jane at Joe Reyes

Pigura.1 Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong Block

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

74 Celia St. Acacia


Malabon,Metro Manila 1470
Oktubre 31, 2020

Ms. Petra Gonzales


Pangulo Johanson Properties Inc.
5467 Brookfield Subdivision
Mandaluyong, Metro Manila
Philippines 4115

Mahal na Gng. Gonzales:

Magandang araw!

Ipinahahatid ng liham na ito ang tungkol sa mga reklamo ng mga naninirahan sa


Phase 4 ng subdibisyon na ito. Nais nilang malaman kung bakit hanggang ngayon
ay hindi natutugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa pagbabayad ng fees
para sa asosasyon.

Naipaliwanag na ng aming departamento sa mga nagrereklamo ang mga tuntunin


sa buwanang bayarin sa asosasyon, ngunit nais nilang marinig ang inyong panig
at paglilinaw tungkol dito.

Ikagagalak namin kung gagawan ninyo agad ng aksiyon ang aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Elena Reyes
(Bb.) Elena Reyes
Tagapamahala
Brookfield Subdivision

Pigura 2 Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong Indented

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Mabisang Liham Pangnegosyo

1. Malinaw ngunit magalang. Kailangang malinaw ang layunin at maingat ang


pananalita sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan ang
maging personal ang pakikipag-usap sa liham. Kahit malapit ang pagtuturing o
kaugnayan sa taong pinadadalhan ng liham, hindi ito nararapat na mabakas sa Isang
liham pangnegosyo.

2. Maikli ngunit buong-buo. Hindi dapat maging mahaba ang liham


pangnegosyo dahil may mahahalagang tungkulin at transaksiyong nakapaloob dito
na kinakailangan ng agarang aksiyon. Maging tiyak sa gamit ng mga salita.

3. Tiyak. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham


pangnegosyo, Beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin. Huwag
nang isama ang hindi mahahalagang detalye o mga bagay na walang kaugnayan sa
kasalukuyang inihahain sa liham.

4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa. Palaging isaalang-alang ang


etika. Etika ang pamantayan ng lipunan sa kung ano ang tama at mali. lwasang may
mapahamak na tao o may pangalang masira. Maging maingat sa mga pahayag.

5. Wasto ang gramatika. Napakahalaga ng tamang gramatika sa pagsulat ng


liham pangnegosyo. Nararapat na tama ang gamit ng mga salita, sapagkat ang
maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng ibang pakahulugan, at kalaunan ay
hindi pagkakaunawaan sa nilalaman at mensahe ng liham. Tiyakin ding tama ang
pagkakabuo at pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap para sa tamang pag-
unawa ng magbabasa.

6. Maganda sa paningin. Sa unang tingin pa lamang ng magbabasa, nararapat


na maganda na ang liham. Nararapat din na malinis ito, walang mga bura o
alterasyon sa anumang bahagi, at wala rin dapat itong anumang dumi. Maayos dapat
ang pormat nito, blocked man o indented.

Pagsulat ng Memorandum

Ang memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas


nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Ang mga
layunin ng Isang memorandum ay upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil
sa dati na, kasalukuyan, bagong usapin o tuntunin sa trabaho. Layunin din nitong
magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang mabatid

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

ng lahat. Kung minsan, ang memo ay nagbibigay ng babala sa isang partikular na


sektor o departamento, o kaya ay sa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa
silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.

Karaniwang binubuo ng ulo at ng katawan ang isang memo. Sa ulo matatagpuan


ang eksaktong petsa kung kailan isinulat at ipinaskil ito. Sa katawan naman
matatagpuan ang panimula at ang buod.

Sa pagtukoy sa padadalhan o tagatanggap ng memo, dapat laging ilagay ang kanyang


buong pangalan, hindi dapat gumagamit ng mga palayaw lamang.

Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga magbabasa ng memo. Mahalagang


iakma ang tono, haba, at antas ng pormalidad nito sa magbabasa upang
maengganyo ang mga tao na basahin ito. Upang magawa ito, kailangang malinaw
kung para kanino ang ibinababang memo.

Sa pagsusuri ng awdiyens ng isang memo, nararapat na pag-isipang mabuti ang


sumusunod na mga pahayag:

1. Pag-isipan kung ano ang mga prayoridad at ang mga pinahahalagahan ng mga
taong magbabasa. Isipin kung bakit at paano magiging mahalaga para sa kanila ang
isusulat na memo.

2. Paghandaan ang mga posibleng katanungan ng mga mambabasa. Suriing


mabuti ang nilalaman ng memo at ihanda ang mga halimbawa, ebidensiya, o
anumang impormasyong makatutulong para mahikayat sila.

3. Maging sensitibo sa anumang impormasyon at sentimyento na hindi angkop


para sa mambabasa.

Tandaan na pormal ang memorandum, kaya ang gamit ng wika dito ay magalang at
gumagamit ng pangatlong panauhan at hindi ng unang panauhan. lwasan ang
paggamit ng mga panghalip na “ako” o “ikaw” at sa halip ay gumamit ng mas pormal
at magalang na panghalip na “kayo, sila, o tayo.” Maaaring gamitin ng tagapagpadala
ng memo ang panghalip na “akin” lalo kung tinutukoy nito ang kaniyang opisina, o may
nais ipagawang aksiyon mula sa pinapadalhan. Sa kabuuan, impersonal ang tono ng
isang memo kaya hindi ito dapat lagyan ng mga personal na damdamin o palagay.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Katawan ng Memorandum

Pagsulat ng Panimula

1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng


pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod ng aksiyong nais ipagawa sa kanila. Ito
ang thesis statement ng memo, na siyang nagtataglay ng paksa at naglalahad kung
bakit ito mahalaga.

2. llagay lamang ang impormasyong kailangan. Hindi ito dapat maging mahaba.
Maging mapanghikayat tungkol sa ipinaliliwanag na problema upang maniwala at
makumbinsi ang mambabasa.

3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa 4 na kabuuang haba ng memorandum.

Pagsulat ng Buod

Ang ibinubuod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong nais ipagawa


ng nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensiya bilang
pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala. Sa isang
napakaikling memo, hindi na kinakailangan ang buod, isinasama na ito sa
pagtalakay na nasa gitnang bahagi nito.
MEMORANDUM
Para sa/kay: G. Daniel Potter
Mula sa/kay: Gng. Hermione Sotto
Petsa: Oktubre 26, 2018
Paksa: Pagliban sa trabaho nang walang paalam

Ipinababatid ng aking opisina na kayo ay may apat na pagliban ngayong linggong


ito. Ang naturang pagliban ay walang pasabi o hindi naipaalam sa nakalagda.
Makikita mula sa inyong mga rekord na hindi ito ang unang beses na naganap ang
ganito ngayong buwan.

Ang naturang pagliban ay labag sa patakaran ng ating opisina. Ipinapaalala lamang


na kayo ay mababawasan ang sahod sa darating na buwan. Nararapat na mag-ulat
kayo sa aking opisina upang matalakay natin ang naging dahilan ng inyong
pagliban. Ang muling pagliban nang walang paalam ay hindi na pahihintulutan at
maaring magbigay ng mas mataas na parusa kung uulitin pa.
Pigura.2 Padron ng Memorandum

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Halimbawa ng Memorandum

Para sa/kay: (Pangalan at titulo ng tatanggap ng memo o pangalan ng opisina o


departamentong padadalhan)

Petsa: (Kompletong petsa kung kailan isinulat ang memo)


Paksa: (Tungkol saan ang memo, binibigyan ito ng diin)

Ang unang talata ng memo ay nagsisimula sa dalawang espasyo matapos ang ulo
o linya ng paksa. Nakasagad sa kaliwang gilid o margin ng papel ang mga talata
at may isang espasyo. Naglalaman ito ng mensahe at dapat na tiyak at maikli.

Ang pangalawang talata ay nagsisimula matapos ang isang blangkong espasyo


matapos ang unang talata. Maglagay ng mga detalye sa bahaging ito. Ito ang
naglalaman ng mga suportang detalye.

Ang pangwakas na pangungusap ay karaniwang nanghihingi ng tugon.

Kalakip (Kung may mga kalakip na dokumento, banggitin ito matapos ang huling
pangungusap)

PANUTO: Basahin kung ano ang hinihingi sa sumusunod na mga gawain. Isulat sa
mga kahon ang tamang sagot kasama ang maikling paglalarawan sa mga ito.

1.

2.
Mga bahagi ng Liham
Pangnegosyo 3.

4.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

5.

6.

Mga bahagi ng Memorandum 1.

2.

1. Ano ang pinagkaiba ng Liham Pangnegosyo at Memorandum?


2. Isa-isahin ang mga bahagi ng Liham Pangnegosyo.
3. Ano ang dalawang bahagi ng Memorandum?
4. Anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabisang Liham
Pangnegosyo?
5. Ano ang dalawang pormat ng liham?

Isagawa Natin!

Sumulat ng isang Liham Pangnegosyo para sa iyong kamag-aral tungkol sa ilang


pagbabago sa inyong paaralan. Dapat taglayin ng liham ang sumusunod na
impormasyon:

1. Maraming gusali sa loob ng paaralan ang kasalukuyang ginagawa.


2. Sa pagsisimula ng bagong termino, itatayo ang bagong recreation center at
student service center. Mahalaga ang mga gusaling ito.
3. Habang itinatayo ang mga gusaling ito sa loob ng siyam na buwan,
magkakaroon ng restriksyon o pagbabawal sa pagpasok sa ilang
mahahalagang gusali.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

4. Pumili ng mga gusali na bawal pasukin at magdagdag ng iba pang detalyeng


kaugnay ng sitwasyon.
5. Sundin ang pormat at mga gabay sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo.

Tayahin Natin!

PANUTO: Tukuyin ang hinihingi sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang tamang
sagot sa patlang.
__________1. pakikipag-usap sa pasulat na paraan na binubuo ng Liham
Pangnegosyo, memo, at elektronikong liham
__________2. isang uri ng pormal na sulatin na kadalasang ipinapadala sa mga taong
nasa labas ng kompanya o organisasyon
__________3. maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam sa
liham.
__________4. anyo ng liham kung saan nakapasok ang unang salita sa bawat talata
__________5. pormat ng liham kung saan ang lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban
sa katawan.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Karagdagang
Gawain

Magsaliksik sa iba pang larangan (field) na ginagamitan ng liham pangnegosyo at/o


memorandum. Pumili lamang kung alin sa dalawa ang gustong isulat. Hindi dapat
maulit ang mga halimbawang ginamit sa diskusyon ng aralin.

Pamantayan sa paggagrado:
Pamantayan Puntos Iskor

1. May maayos na nilalaman at pagbanggit sa sitwasyon 10

2. Malinaw ang mga punto 10

3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10

4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10

5. Malinis at presentable ang papel 10

KABUOAN 50

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Katitikan ng Pulong


Bilang ng araw: 4
5

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungo sa pagpapayabong ng


kaalaman sa paksang tatalakayin.

1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng katitikan ng pulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Isa-isahin ang mahahalagang gampanin ng katitikan ng pulong.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nagiging valid o katanggap-tanggap ang katitikan ng


pulong?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4.Saan pangkaraniwang makikita o ginagamit ang mga katitikan ng


pulong?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) layunin (c) katangian
(b) gamit (d) anyo
Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang
kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa
nakaraang aralin.

Balikan Natin!

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng Liham Pang Negosyo?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano naman ang kahalagahan ng Memorandum?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Kung ikaw ay magkakaroon ng sariling Negosyo sa hinaharap, uugaliin mo ba
ang paggamit ng mga nasabing sulatin? Bakiit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Ang Katitikan ng Pulong ay ang dokumentong nagtala ng mahahalagang diskusyon


at desisyon.
Makikita sa ibaba ang tinatawag na katitikan ng pulong o minutes of the
meeting. Alam mo ba ang gamit at kahalagahan nito? Saan kaya ito
karaniwang ginagamit? Tingnang mabuti ang halimbawa at bigyang-pansin
ang bawat bahagi nito.

Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas


Kolehiyo ng Edukasyong Pang Industriya
Tanggapan ng Dekano

Regular na Pulong ng mga Administrador ng CIE


Agosto 26, 2020
CIE Conference Room /08:30 - 4:20
Katitikan ng Pulong

Mga Dumalo:

Dr. Diana Jane Candelaria - Dekano/Namuno


Mr. Leo Reyes ~ Kawaksing Dekano

Katitikan ng Pulong

Dr. Nigel V. Jimenez ~ Direktor, Paaralang Gradwado ng Dalubhasaan ng


Malalayang Sining at Komunikasyon
Ms. Rochelle B. Geronimo ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Sining
at Pamamahayag
Ms. Dyna L. Mejia - Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Dr. Almedia P. Caguioan ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Wika at Literatura
Ms. Joy L. Perez ~ Tagapangulo, Kagawaran ng mga Agham at Panlipunan
Ms. Heidy P. Gervacio ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Sikolohiya

Nagsimula ang pulong sa ganap na ika-8:30 ng umaga sa panalanging

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

pinamunuan ni Ms. May Mejia.

Inihanda ni: Nabatid:


Ms. Maelyn E. De Jesus Dr. Ronaldo C. Santiago.
Kalihim, CIE Dekano, CIE

Usapin Talakayan Napagpasiyahan

1. Pagwawasto at Iminumungkahi ni Ms. Pinagtitibay ng katitikan


pagpapatibay sa Dyna L. Mejia ng pulong na may
nakaraang katitikan ng Pagtibayin ang katitikan petsang
pulong ng pulong noong ika-29 Hulyo 29, 2020 na may
ng Hulyo, 2020 matapos pagtatama at pagsusuog.
ang ilang karagdagang
karagdagang
pagsususog.
Ito ay pinangalawahan ng
mga miyembro

*Ito ang tinatawag na Katitikan ng Pulong o Minutes of the Meeting.

Suriin Natin!

Saysay at Gamit ng Katitikan ng Pulong

Ang Katitikan ng Pulong o Minutes of the Meeting kung tawagin sa wikang


Ingles ay isang uring dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon
at institusyon. Itinuturing din ito na isa sa mga anyo ng komunikasyong
teknikal na kinakailangang pag-aralan upang higit na mapagbuti ang
kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyonal.

Pangunahing gampanin ng Katitikan ng Pulong ang sumusunod:

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.


2. Naitatala nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng
pulong.
3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang
gawain na nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang
matapos ang gawain.
4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong nakadadalo sa
pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.

Ang isang organisasyon o institusyon na mahusay itong naisasagawa ay maituturing


na dinamikong samahan. Sa pamamagitan nito, makikita ang kanilang pag-unlad at
mababatid na sila ay seryoso sa kanilang trabaho o anumang gawain. Masusukat din
ang kredibilidad ng isang samahan batay sa yaman ng kasaysayan ng kanilang
katitikan ng pulong bilang indikasyon ng pagkakaroon nila ng mayayamang talakayan
at mga kapasyahan.

Sa pagsasagawa ng katitikan ng pulong, may limang pangunahing hakbang na dapat


isaalang-alang. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Paunang pagpaplano. Ang isang planadong pulong ay nagdudulot ng


mainam na resulta sa samahan at sa buong miyembro nito. Higit sa lahat,
napadadali nito ang paraan ng pagtatala ng kalihim lalo na kung detalyadong
naisasaayos ng tagapamuno ng pagpaplano, kinakailangang ang hanay ng
mga usapin. Upang matamo ang paunang pagpaplano tukuyin ang mga usapin
o agenda, haba ng pulong, oras, iskedyul, at lugar kung saan gagawin ang
pagpupulong. Mga usapin na bibigyan ng higit na prayoridad at mga
inaasahang mosyon o pagpapasya.
2. Pagrerekord ng mga napag-usapan. Bago simulan ang rekording, alamin
muna kung ano-anong impormasyon o datos ang kinakailangang maitala.
Tandaan, hindi lahat ng napag-usapan ay kailangang maging bahagi ng
katitikan ng pulong, lalo na kung ang mga ito ay maliliit at hindi gaanong
mahalagang mga ideya. Gayunman, sa pangkalahatan, ang katitikan ng pulong
ay kakikitaan ng sumusunod na mga bahagi:
a. iskedyul at oras ng pulong
b. tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli, at naunang
umalis
c. pagwawastong ginawa sa mga nakaraang katitikan ng
pulong

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

d. resulta ng mga kapasyahang isinagawa


e. mga hakbang na isasagawa
f. mga usapin mula sa nakaraang pulong at mga bagong usapin
at
g. iskedyul ng susunod na pulong.

3. Pagsulat ng napag-usapan o transkripsiyon. Ang kalihim ang may tungkuling


magtala ng katitikan. Sa sandaling matapos ang pulong, mainam na maisulat niya
agad ang impormasyon batay sa isinagawang rekording upang sariwa pa sa
alaala niya ang lahat ng impormasyon kailangang tiyaking naitala niya ang lahat
ng mahahalagang kapasiyahan, mosyon at mga dapat na maisagawa.
Makabubuti ring isaalang-alang ang pagiging obhektibo at pagtatala gamit ang
tiyak na panahunan o tenses. Gayundin, iwasan ang paggamit ng pangalan ng
tao maliban kung ang kaniyang sinabi ay isang mosyon at iwasan ang personal
na obserbasyon. Makatutulong din ang paglalagay ng mga apendiks kung
kinakailangan at paggamit ng detalyadong paglalagom.

4. Pamamahagi ng isip ng katitikan ng pulong. Bilang opisyal na tagapagtala,


bahagi ng responsibilidad ng kalihim ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng
samahan. Bago ito isagawa, inaasahan na ito ay nalagdaan na niya at nabatid ng
tagapamuno para sa pagpapatibay ng kapulungan. Ang pamamahagi ng sipi ay
pamamaraan gaya ng hard copy, e-copy, o shared copy, gamit ang cloud based
tool.
5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring responsibilidad ng
tagapagtala—ang makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap.
Makabubuti ito sa isang samahan upang mabalikan nila ang kasaysayan ng mga
kapasyahan at pag-unlad ng kanilang organisasyon.

Mga Gabay para sa Mabisang Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1. lhain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskedyul na pulong
2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong
3. llatag ang mga usapin o agenda
4. Piliin ang pinakamainam na metodo (laptop, notebook, recording, at iba
pa)
5. Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan
6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye
7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong
8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang kanilang
pangangailangan
9. Bukod sa pangangailangan, mainam na gawing pamilyar ang

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

sarili sa mga tanggapan na kanilang kinakatawan


10. Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis ang
proseso ng pagtatala
11. Makinig nang may pag-iingat upang walang makaligtaang detalye
12. Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa mga opinyong walang
tiyak na batayan
13. Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat
14. Maging tiyak
15. Itala ang mga mahahalagang mosyon
16. Itala rin ang mga hindi natapos na usapin, gayundin ang mga nabinbing talakayan
17. Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong
18. Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye
19. Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang katitikan upang walang
makaligtaang datos
20. Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi. Mainam na tiyak at
tumpak ang lahat ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo,
pagpapasya, at mga mosyon.
21. Hingin ang aprubal ng tagapamuno ng pulong bago ito ipamahagi.

Karagdagang
Gawain

Gawain
Pumili sa isa sa miyembro ng inyong pamilya na pumapasok din sa
paaralan (kung wala, maaaring nagtatrabaho na) at tanungin at itala ang
mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang iyong interes?
2. May kinabibilangan ka bang organisasyon sa paaralan/trabaho? Kung
wala, ano ang iyong nais salihan?
3. Ano ang ginagampanan mong posisyon sa organisasyong
kinabibilangan mo?
4. Gaano ka na katagal naglilingkod sa organisasyon?
5. Ano ang mabuting naidulot sa iyo ng pagsali sa organisasyon?
6. Sa iyong palagay, anong posisyon sa iyong organisasyon ang may
pinakamabigat na tungkulin? Bakit?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

1. Ano ang obserbasyon mo sa pormat ng Katitikan ng Pulong?


2. Paano isinulat ang pagpapasiya?
3. Bakit kailangan sa isang organisasyon ang pulong at katitikan nito?
4. Ano ang iyong maimumungkahi upang mas mapaunlad ang
pagsusulat nito?

Isagawa Natin!

Gawain:
Tipunin ang tatlong miyembro ng iyong pamilya at magsagawa ng isang
pulong, maaaring pumili sa ano mang paksa sa ibaba:

1. Iskedyul ng gawaing bahay


2. Oras ng paglalaro
3. Oras ng pag-aaral

Proseso ng pagsasagawa:
1. Magtakda ng tagapamuno ng pulong na siyang mamamahala sa daloy
ng mga usapin.
2. Magtakda ng miyembro na siyang magsusulat ng Katitikan ng
Pulong.
3. Sundin ang sumusunod na pormat:
• pangalan ng organisasyon (maaaring apelyido ng pamilya)
 • mga dumalo sa pulong
• iskedyul ng pulong (oras, petsa, lugar)
• adyenda, diskusyon at kapasiyahan
• pagwawakas ng pulong

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungo sa pagpapayabong ng


kaalaman sa paksang tinalakay.

1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng Katitikan ng Pulong?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Isa-isahin ang mahahalagang gampanin ng Katitikan ng Pulong.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nagiging valid o katanggap-tanggap ang Katitikan ng


Pulong?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4.Saan pangkaraniwang makikita o ginagamit ang mga Katitikan ng


pulong?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Karagdagang
Gawain

Gumawa ng liham sa isang organisasyon ninyo sa paaralan at humingi


ng pahintulot kung maaari kang maging tagapagmasid sa isa sa kanilang
isasagawang pagpupulong. Ilahad sa iyong liham na bahagi ito ng inyong pag-
aaral hinggil sa pagbuo ng katitikan ng pulong. Kung maaari, makipag-ugnayan
sa kalihim ng organisasyon at ipaalam din sa kaniya na nais mong makibahagi
sa pamamagitan ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Mahigpit na isaalang-
alang ang lahat ng gabay at pamantayan na ating tinalakay sa araling ito.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Deskripsiyon ng Produkto


6 Bilang ng araw: 4

Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag. Kung mali ito, salungguhitan ang
bahaging nagpapamali at isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit ito sa mga


mamimili.
2. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsiyon ng produkto.
3. Gumamit ng bullets sa paglilista ng mga produkto upang madali itong basahin.
4. Kung gumamit ng mga salitang superlatibo o nagpapakita ng pagiging
pinakamahusay, hindi na kailangang magbigay ng mga patunay sa deskripsiyon.
5. Hindi dapat gumagamit ng mga salitang para sa pandama sa pagsulat ng
deskripsiyon.
6. Malakas ang kompetisyon ng mga negosyo sa ngayon sapagkat nagkaroon na rin
ng mga bentahan sa pamamagitan ng mga medium na online.
7. Kailangang nakatuon ang isip ng nagsusulat ng deskripsiyon sa kung sino ang
target na mamimili.
8. Binibigyang-diin sa deskripsiyon ng produkto ang mga benepisyong makukuha ng
mamimili mula rito.
9. Kung kilala na ang kalidad ng produkto, gumamit ng mga pahayag na karaniwan
nang ginagamit.
10. Huwag na huwag magkukuwento ng tungkol sa pinagmulan ng produkto at iwasan
ang mga testimonyal o patunay ng ibang taong gumagamit nito.

Ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa


pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang
paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na
awdiyens o mamimili.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) layunin (c) katangian
(b) gamit (d) anyo
Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang
kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa
nakaraang aralin.

Balikan Natin!

Ilista ang mga katangian ng isang produkto o gamit na gustong-gusto


mo. Ano-ano ang katangian nito na naging dahilan kaya mo binili o nais
bilhin ang bagay na ito? Punan ang talaan sa ibaba.

Produkto o gamit na gustong-gusto ko: __________________


Mga Katangian ng bagay na paborito ko o bagay na nais kong bilhin

1.

2.

3.

4.

5.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Mga Tala para sa Guro


Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya,
hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang
lahat ng gawain sa isang kuwaderno.

Pumili ng isang kagamitan sa bahay o paaralan. llarawan ang bagay na ito


gamit ang teknikal o pormal na wika.

Halimbawa:

Headphones – bahaging pisikal o aksesorya ng kompyuter na


ginagamit upang makapakinig ng musika at video sa mga website sa
internet. Ginagamit din ito kasama ang camera ng kompyuter upang
makipag-chat o video call.

Mga mungkahing bagay na ilalarawan:

Cellphone o gadget
Oven toaster
Abrelata
mouse ng kompyuter
gunting

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Suriin Natin!

Deskripsiyon ng Produkto
Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang mabigyang impormasyon ang
mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pang
produktong nais ibenta. Sa gayong paraan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga
mamimili na magdesisyon kung bibilhin o tatangkilin ang produkto o hindi. Mahalaga
rin ang deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay
akma sa kanilang mga pangangailangan.
Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil napakalakas ng
kompetisyon ng iba‘t ibang kompanya. Sa modernong panahon, hindi na lamang mga
boutique o mga pisikal na estruktura ng mga tindahan ang gumagawa ng mga
deskripsiyon ng produkto, na dati ay inilalagay lamang sa mga magasin. Laganap na
rin ang mga online store na totoong may mas mahigpit na kompetisyon dahil mas
malawak ang maaaring marating ng produkto at mas maraming potensiyal na kliyente.
Kaya mahalaga na sa dinami-dami ng produktong nakalagay sa iba‘t ibang online
shop ay maging natatangi ang produkto ng isang negosyante para ito ay mas
mapansin at maibenta.
Karaniwan, ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.
Maaaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat ng deskripsiyon sa produkto lalo na
kung sa online stores.
Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

1. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto. Sa larangan ng negosyo,


ipinapalagay palagi ang mga mambabasa o mamimili ay walang panahon para
magbasa ng mahahabang teksto. Kailangang masabi sa maikling talata ang mga
kinakailangang ilarawan tungkol sa produkto.

2. Magtuon ng Pansin sa ideyal na mamimili. May iba't ibang buyer persona


ang bawat produkto. Ito ay kung para kanino ibinebenta ang isang produkto.
Mahalagang malaman ang katangian ng target na mamimili sapagkat sa
pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, sila ang nararapat na direktang
kausapin. Ang target mo ba na mamimili ay may pormal na personalidad?
Nagtatrabaho sa opisina? O sila ba ay mula sa masa? Kung isasaisip mo ang
mga katanungang ito, maiaakma ng negosyante ang gamit ng wika sa
kaniyang ideyal na mamimili.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo. Bigyan ng diin ang mga


benepisyong makukuha ng mamimili mula sa produkto.

4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag. Gumamit ng mga paglalarawan na


magbibigay ng impresyon ng kalidad.
Halimbawa:
Ditas Doll
Shoes
• Tingnan din ang video para sa deskripsiyon ng produktong ito.
• Ang klasikong tibay ng Ditas ngayon ay may pambabaeng
disenyo na rin.
• Tinahing kamay ng pinakamahuhusay na sapatero ng Liliw, kilalang
shoe exporter ng bansa.
• Hindi nababasa ang de-kalidad na balat (leather) na kinulayan para sa
inyong personalidad.
• Malambot ang panloob na talampakan para sa buong araw na
komportableng paglalakad.
• Hindi masakit sa paa.
• Hindi nakakagasgas sa sakong.
5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo. Kung gagamit ng mga salitang
magpapakita ng pagiging pinakamahusay o pinakamabisa, magbigay ng
espesipikong patunay kung bakit. Sa halimbawa sa ibaba, gumamit ng salitang
pinakamoderno at pinakamura, at maglagay ng pruweba para dito.

Stratz phone - ang pinakamoderno at pinakamurang android phone sa bansa


may mataas na resolution, mas mataas na contrast ng touch screen, at 8-week
battery life.

• Patented built-in light na nagbibigay ng liwanag sa screen


para mas madaling mabasa.
• 72% mas maraming pixels kaya malinaw ang
resolution user-friendly menu at magaan ang
touchscreen.
• Hindi madaling ma-lowbatt
• Sa halagang 3,000PHP may android phone ka na.

6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa. Maging malikhain sa


paglalarawan. Mag-isip ng mga senaryong pamilyar at malapit sa kanila.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto. Mahusay na estratehiya ng mga


kilalang produkto ang paglalarawan ng mga kompanya nito sa pamamagitan ng
pagkukuwento sa pinagmulan nito. Sa ganitong paraan, malalaman kung gaano na
katagal ang produkto sa merkado, ano ang mga proseso sa pagbuo ng produkto, sino
o saan ginagawa ang produkto, at paano sinusuri ang kalidad ng produkto. Lahat ng
ito ay makatutulong para maibenta ang produkto.

8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama. Gumamit ng mga pang-uring


pandama. Nagbibigay ang mga ito ng kapangyarihan sa mga pangungusap.
Halimbawa:
nuot sa sarap ang ginamit ng Chicken Heaven sa paglalarawan sa kanilang
mga manok.
9. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media.
Nagiging personal at mas kaakit-akit kapag may ibang mga taong
nagkukuwento tungkol sa iyong produkto. Maaaring gamitin sa online
shops ang mga positibong rebyu mula sa mga kostumer bilang
testimonya.
10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan. Tinatawag na scannable
format kapag madaling basahin ang isang pahina. Narito ang mga
payo:
• Maglagay ng kaakit-akit na ulo o headline.
• Gumamit ng subheadings.
• Lakihan ang font size para madaling basahin ng sinuman.
• Gumamit ng video o mga litrato para mapataas ang pagkagusto ng mamimili
na bilhin ang produkto.
• Gumamit ng maraming puting espasyo upang maging kaaya-ayang basahin.
11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto. Sa larawan pa lamang,
kailangang mapukaw na ang atensiyon ng target na mamimili, kaya
kinakailangang maganda ang kulay, anggulo, at kuha ng modelo (kung
mayroon) ng litrato ng produkto.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Gumupit ng limang produkto mula sa mga diyaryo o magasin at idikit ang mga
ito sa maikling bond paper. Sa kanan na bahagi ng produkto, sumulat ng
sariling deskripsiyon nito. Iwasang gayahin ang nasa orihinal na patalastas
sa diyaryo o magasin.

Sagutin ang mga sumusunod. Iwasang kopyahin kung ano ang nasa
aralin, bagkus gumamit ng sariling mga salita sa mga sagot.

1. Ano ang kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto?


2. Bakit kinakailangang maging maikli lamang ang Deskripsyon ng mga Produkto?
3. Bakit kailangang isaalang-alang ang katangian ng target na mamimili sa gamit ng
wika sa isang Deskripsyon ng Produkto?
4. Ano ang tinatawag na scannable format? Ilarawan kung paano ito maisasagawa.

Isagawa Natin!

Gawain: Sa isang illustration board, lumikha ng poster ng isang patalastas


para sa isang produktong batay sa iyong interes o hilig. Maaaring tunay o
piksyonal ang produkto. Gawing malikhain at makulay ang disenyo. Tiyaking
malinaw ang larawan o guhit ng produkto. Sumulat ng maiksing deskripsiyon
bilang pagganyak o pang-engganyo sa mga posibleng mamimili ng iyong
produkto.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Tayahin Natin!

Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag, kung mali, Isulat ang salita o
pariralang nagpamali sa iyong sagutang papel.

1. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit ito sa mga


mamimili.
2. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsiyon ng produkto.
3. Gumamit ng bullets sa paglilista ng mga produkto upang madali itong basahin.
4. Kung gumamit ng mga salitang superlatibo o nagpapakita ng pagiging
pinakamahusay, hindi na kailangang magbigay ng mga patunay sa deskripsiyon.
5. Hindi dapat gumagamit ng mga salitang para sa pandama sa pagsulat ng
deskripsiyon.
6. Malakas ang kompetisyon ng mga negosyo sa ngayon sapagkat nagkaroon na rin
ng mga bentahan sa pamamagitan ng mga medium na online.
7. Kailangang nakatuon ang isip ng nagsusulat ng deskripsiyon sa kung sino ang
target na mamimili.
8. Binibigyang-diin sa deskripsiyon ng produkto ang mga benepisyong makukuha ng
mamimili mula rito.
9. Kung kilala na ang kalidad ng produkto, gumamit ng mga pahayag na karaniwan
nang ginagamit.
10. Huwag na huwag magkukwento ng tungkol sa pinagmulan ng produkto at iwasan
ang mga testimonyal o patunay ng ibang taong gumagamit nito.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Karagdagang
Gawain

A. Ikaw ay binigyan ng pagkakataon upang makapagbuo ng isang


produkto. I-drawing ang orihinal na produktong nais mong ibenta.
Gumawa ng patalastas pampahayagan, maging malikhain sa
pagbuo ng isang orihinal na produkto, lagyan ng deskripsiyon at
tagline ang mga ito kung saan mas maeengganyo ang iyong mga
posibleng mamimili. Ilagay ito sa sagutang papel.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Pagbuo ng Elementong Biswal


7 Bilang ng araw: 4

Basahin ang mga pahiwatig na salita sa bawat bilang. Isulat ang titik nang
tamang sagot batay sa inilalarawan ng mga pahiwatig at dayagram.
a. dayagram
b. linyang grap
c. bar o kolum grap
d. pie tsart
1. bilog na representasyon, pagkakahati, magkakaugnay
2. sukat, halaga, panahon, pataas, pababa
3. pagbabago, pag-unlad
4. mekanismo, proseso, sistema
a. iskematiks
b. talahanayan
c. litrato
5. kolum, hanay
6. proseso, circuit
7. biswal, film
8. datos, listahan
9. sistematiko, simple, malinaw
10. interes, di-berbal, kulay, detalye

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang


sulating teknikal- bokasyunal.
b. naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.

Bago tuluyang lumusong sa kasaysayan ng komunikasyong teknikal, pagnilayan


muna ang ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.

Balikan Natin!

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano nakatutulong ang mga larawan sa presentasyong ito?


2. Ano ang mapapansin mo sa ginamit na larawa? Malinaw ba nitong naparating
ag mensahe?

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Pagbuo ng mga Elementong Biswal


Ang mga biswal na elemento ay mga paraan ng presentasyon ng mga ideya
na ginagamit upang maiparating ang mensahe tungkol sa mas malawak na datos sa
paraang mabilis at mabisa. Mahalagang kagamitan sa sulating teknikal ang mga
biswal na elemento na kinabibilangan ng mga pigura, dayagram, drawing, ilustrasyon,
grap, tsart, iskematik, mapa, litrato, at talahanayan.

Pangkalahatang Patnubay sa Paggamit ng mga Biswal na Elemento


1. Maglagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung
may dahilan kung bakit kailangan ang mga ito. Kung hindi tiyak kung
bakit kailangan ito sa isang papel, huwag na itong isama.
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal.
Kailangan ding isama ang interpretasyon ng datos na inilahad.
3. Tiyaking may numero at pamagat ang lahat ng biswal.
4. Tiyakin ding lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa
diskusyon sa teksto. Kailangang iugnay ang paliwanag sa mga ito sa
diskusyon, hindi basta lamang inilalagay ang mga ito. Ang mga pamagat
ng mga elementong biswal ay nararapat na akma sa tinatalakay sa
diskusyon.
5. Gawan nang tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na
may copyright o iyong mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram. Ilagay
ang source line sa tabi ng numero at pamagat ng biswal.
Mga Uri ng Elementong Biswal

1. Dayagram
Ang mga dayagram ay mga drawing o dibuho na nagpapakita ng mga komponent
ng isang mekanismo, mga hakbang ng isang proseso, o ng kaugnayan sa pagitan
ng mga bahagi ng isang sistema. Ang mga dayagram ay maaaring maglarawan ng
normal, cutaway, o exploded views ng isang mekanismo.

2. Grap
Ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o ng dami
at proporsiyon ng matematikal na halaga. Grap ang tawag sa sistematikong
paglalarawan ng mga estatistikal na impormasyon.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

May tatlong uri ng grap: ang linyang grap, bar grap, at pie tsart.
a. Linyang Grap — ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad,
ang pag-angat, o pagbaba ng mga datos. Sa pababang axis inilalagay ang mga
baryabol na nakapag-iisa at sa pahalang na axis naman ang mga baryabol na hindi
nakapag-iisa. Ang bawat linyang inilalagay sa linyang graph.
Bilang ng Populasyon sa Pilipinas
8

0
2018 2019 2020 2021

Babae Lalaki

Pigura 1. Halimbawa ng Line Grap

b. Bar o Kolum Grap - mahusay na kagamitan para sa paghahambing ng mga


baryabol tulad ng sukat, halaga ng aytem, at iba pa. Gumagamit ng bar at kolum sa
halip na linya dahil ang bawat baryabol ay magkakahíwalay na aytem.
Ginagamit ang bar at kolum grap bilang representasyon ng sumusunod:
• paghahambing sa mga aytem sa isang partikular na panahon
• paghahambing ng mga aytem sa loob ng mahaba o sa iba't ibang
panahon
• pagbabago sa isang aytem sa loob ng mahabang panahon at
• paghahambing ng mga bahagi ng partikular na aytem.

May dalawang aksis ang bar grap, ang x-axis o ang pahalang na axis at y-axis o ang
pataas o pababang axis na nagrerepresenta sa dalawang elemento na binibigyan ng

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

ilustrasyon, tulad ng panahon at dami. Pag-aralan sa ibaba ang isang tipikal na bar o
kolum grap na nagpapakita ng bilang ng tao.

Bilang ng mga estudyanteng kumukuha ng Education


Course sa mga pamantasan sa Maynila taong 2018-2019

PUP

RTU

TUP

PNU

0 100 200 300 400 500 600

PNU TUP RTU PUP

Pigura 2. Halimbawa ng Bar Grap

c. Pie Tsart - ginagamit ang pie tsart para ipakita ang magkakaugnay na
pagkakahati-hati ng mga bahagi ng isang buo na tumutukoy sa partikular na datos.
Hindi kasintiyak ng linyang grap at bar grap ang paglalahad sa píe tsart.
Ang pie tsart o tinatawag ding pie grap ay isang bilog na nagrerepresenta ng isang
buong yunit kung saan ang mga segment ng bilog o pie ay tumutukoy sa mga bahagi
ng isang buo. Mabisa ang pie tsart kung ang pie ay may tatlo hanggang sampung
segment o bahagi. Gumagamit ng iba't ibang kulay para bigyang-diin ang bawat
segment o para bigyan ng importansiya ang mga ito. Mahalagang maihiwalay ang
bawat segment sa isa't isa para sa empasis at tamang pagtaya ng dami o bahagdang
sinusukat o ipinapakita. Maaaring lagyan ng leyenda/ legend ang bawat segment para
mas malinaw.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Sarbey sa naganap na Halalan sa SSG SY. 2018-2019

Reyes Lopez De Guzman Santiago

3. Iskematiks — ito ay ang biswal na representasyon ng estruktura ng


isang sistema ng mga pamamaraang kaugnay sa isang proseso.
Halimbawa nito ang paggawa ng iskematiks sa proseso ng pagsulat at sa
pagbuo ng circuit diagrams.
4. Talahanayan — ang talahanayan o table ay sistematikong
pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at hanay. Talahanayan ang
pinakamalinaw na paraan ng paglalahad ng hanay ng datos. Maraming
gamit ang talahanayan, mula sa simpleng mga paglilista hanggang sa
mga komplikadong tsart. Suriin ang halimbawang talahanayan sa ibaba:

Pamagat Paglalarawan sa mga Ilustrasyon


Eksena

1. Pinagagalitan ng
kanyang nanay si
Kathy, dahil ayaw
nitong maligo

Si Kathy ang batang


lagging nangangati by
Charmaine Kristel Cruz

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

2. Paano kasi ay wala


siyang ibang ginawa
kundi magkamot ng
magkamot ng ulo

3. Dahil dito ay
tinutukso siya ng
kanyang mga kalaro.

4. Isang araw habang


natutulog si Kathy sa
kanyang kwarto

5. Sa kanyang
panaginip ay may
isang malaking kuto na
pumasok sa kanyang
kwarto.

6. binitbit sya at
hinawakan sa buhok
ng mga kuto papunta
sa langit

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

7. Natakot si Kathy at
nagsisisigaw, nagising
siyang umiiyak

8. Kumaripas ng takbo
ang kanyang nanay sa
kanyang kwarto, at
siya ay pinatahan.

9. Nangako na siya sa
kanyang nanay na siya
ay maliligo na

10. Magmula noon ay


araw-araw ng
naliligo si Kathy.

5. Mga Litrato- ang mga litrato ay mga biswal na reproduksiyon na


nakarekord sa film o naka-encode bilang datos na digital na eksaktong nakokopya
ang itsura ng mga bagay o pangyayari. Ginagamit ang mga ito sa mga sulating

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

teknikal upang mapataas ang interes, kredibilidad, at biswal na detalye ng anumang


ulat-teknikal. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa binabasa sa pamamagitan ng di-berbal
na impormasyon.

Pinagmulan: "Play in the Irrigation Ditch" by FotoGrazio is licensed under CC BY-NC-ND 2.0

Gawain 1
Suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Permanenteng Tirahan ng mga Estudyante sa Malabon

Lugar Bilang
Acacia 27
Baritan 24
Bayan-Bayanan 20

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Catmon 34
Concepcion 45
Dampalit 19
Flores 34
Hulong Duhat 56
Ibaba 33
Longos 22
Maysilo 38
Muzon 25
Niugan 35
Panghulo 41
Potrero 32
San Agustin 40
Santulan 21
Tañong 27
Tinajeros 36
Tonsuya 45
Tugatog 38
Kabuoan 686
1. Alin sa mga Iugar na nasa talahanayan ang may pinakamataas na
populasyon ng nakatirang estudyante?
2. Ilan ang kabuuang bilang ng estudyante?
3. Alin-alin ang lugar na mayroon lamang kaonting estudyanteng nakatira?
4. Saang bahagi ng Malabon nagmula ang karamihan sa mga lugar na
kabilang sa talahanayan?

Pumili ng isa sa sumusunod na mga gawain:

A. Bumuo ng tig-iisang halimbawa ng mga biswal na elemento. Sumulat


ng maikling teksto kaugnay ng bawat biswal na elemento at ilagay
ito sa itaas ng bawat isa. Ilagay sa sagutang papel.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos Iskor

1. Makabuluhan at tiyak ang nilalaman o teksto.


10

2. Mahusay ang gamit ng wika.


10

3. Gumamit nang malikhain at mapangganyak na biswal 10


na elemento.

4. Malinis at presentable ang pagkakagawa. 10

Kabuoan 40

B. Maghanap ng isang pananaliksik na gumamit ng mga biswal na elemento.


Suriin kung paano nakatulong sa kabuoan ng pananaliksik ang mga ginamít
na biswal na elemento. Ilagay ang komento sa paraang pasanaysay sa
isang bondpaper.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos Iskor

1. Makabuluhan at tiyak ang 10


komento.
2. Malinaw ang paliwanag sa 10
halaga ng biswal na
elemento sa pananaliksik
na sinuri.

3. Mahusay ang gamit ng 10


wika.
4. Malinis at presentable ang 10
papel.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Kabuoan 40

C. Gumuhit o gumupit ng tatlong larawan tungkol sa kapaligiran o kalikasan.


Magsaliksik tungkol sa kalagayan ng kalikasan sa bansa sa ngayon,
pagsamahin ang mga piniling larawan at datos na nakuha at gawan ito ng
layout. Hayaang magsilbing awareness campaign sa kalikasan ang iyong
gagawing layout. Ilagay ito sa sagutang papel.

Pamantayan Puntos Iskor


1. Makabuluhan at may 10
kaugnayan sa
kapaligiran ang mga
larawan
2. Mahusay at tiyak ang 10
ipinapahayag ng
awareness campaign
3. Tama ang gamit ng wika 10
4. Malinis at makatawag 10
pansin ang layout
Kabuoan 40

Tayahin Natin!

Basahin ang mga pahiwatig na salita sa bawat bilang. Isulat ang titik nang tamang
sagot batay sa inilalarawan ng mga pahiwatig at dayagram.
a. dayagram
b. linyang grap
c. bar o kolum grap
d. pie tsart
1. bilog na representasyon, pagkakahati, magkakaugnay
2. sukat, halaga, panahon, pataas, pababa
3. pagbabago, pag-unlad
4. mekanismo, proseso, sistema

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

a. iskematiks
b. talahanayan
c. litrato
5. kolum, hanay
6. proseso, circuit
7. biswal, film
8. datos, listahan
9. sistematiko, simple, malinaw
10. interes, di-berbal, kulay, detalye

Karagdagang
Gawain

Iplano ang iyong pang-araw-araw na gawain sa bahay at sa paaralan. Maaaring


gamiting pormat ang isang kalendaryo. Isama rito ang mga plano mong gawin sa
susunod na buwan, mga lugar na nais puntahan, at mga bagong hilig na nais subukan.
Gamitan ang mga ito ng mga biswal na elementong napag -aralan.
Gumuhit ng mga nagawang plano sa buhay. Isulat ang malinaw na paliwanag
ng iyong mga plano at paano nakatulong sa iyo ang paggamit ng biswal na
elemento sa pagbuo ng organisadong plano.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Modyul Menu ng Pagkain


8 Bilang ng araw: 4

A. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B.

A B
1. lasa a. batayang prinsipyo
2. menu b. listahan ng pagkain
3. artipisyal na sahog c. kakambal ng mga kainan o
4. tekstura restawran
5. salita d. binabalik-balikan
6. tagatangkilik e. paghahabi ng pagkain
7. hitsura f. makapangyarihan
8. tematik g. kakaiba
9. panlahat na konsepto h. prinsipyong dapat iwasan
10. turismo i. mga mamimili o kliyente
j. disenyo ng restoran
k. tipograpikal na pagkakamali

\
Alamin Natin!

Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

a. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang


sulating teknikal- bokasyunal
b. naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Bago tuluyang lumusong sa kasaysayan ng komunikasyong teknikal, pagnilayan


muna ang ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.

A. Ilarawan ang sumusunod na mga putahe gamit ang pinakaangkop na mga


salita.

Pinagmulan: "Pandesal" by simply anne is licensed under CC BY-NC-ND 2.0

Pinagmulan: "Chicken Katsu - Uchiwa Japanese Cuisine" by avlxyz is licensed under CC BY-SA 2.0

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Pinagmulan: "ramen" by tamaki is licensed under CC BY-NC-ND 2.0

Gabay na Tanong:
1. Madali bang magbigay ng pinakaangkop na salita o deskripsiyon
sa mga pagkain na makikita sa naunang pahina? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
2. Magsaliksik sa internet ng mga karinderya o restawran. Alamin sa
pamamagitan ng pagtatala at pakikipanayam sa nanay, tatay o kasama
sa tahanan ang lahat ng putahe na kanilang inihahanda sa araw-araw.
Kung maaari, humingi ng 'tala ng kanilang menu. Isagawa ito sa loob
ng labinlimang minuto. Matapos ang gawaing ito, sagutin ang
sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang pagkaing inihahanda


sa tahanan?
2. Masasabi mo bang mahusay ang
presentasyon ng kanilang pagkain?
3. May kakaiba ba silang pamamaraan
sa pagpapangalan ng kanilang mga
inihahandang putahe?
4. Nakahahalina ba ang deskripsiyon at
ang larawan na matatagpuan sa kanilang
Pinagmulan: "Filipino Food Truck, menu?
Phoenix" by saipanrick is licensed
under CC BY-NC 2.0

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

5. Sa pangkalahatan, ano ang masasabi mong kalakasan at kahinaan kaugnay sa


mga inihahandang pagkain ng inyong nanay, tatay o iba pang kasama sa bahay?

Pagsulat ng Menu
Ang pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay itinuturing na isa rin sa
mga anyo ng komunikasyong teknikal. Higit na kasanayan sa pagsulat ang
inaasahan dito lalo na at sinusukat hindi lamang ang kahusayang teknikal, bagkus
ay ang pagiging malikhain din.
Wika nga ng kasabihan, ang salita ay makapangyarihan. Ang kaangkupan ng
salita ay kayang bumago sa gawi o paniniwala ng isang tao. Kadalasan, binibili natin
ang isang produkto batay sa kung ano ang sinasabi sa patalastas o promosyon nito.
Higit sa lahat, kung paano tayo napaniniwala na ang isang produkto o serbisyo ay
epektibo at nakapanghihikayat.

Sa mabilis na pag-unlad ng turismo, hindi maikakaila na kakambal nito ang mga


masasarap na kainan lalo na't ang mga Pilipino ay mahilig talagang kumain. Sa
katunayan, para sa mga Pilipino, ang oras ng pagkain ay sagradong oras na
nangangahulugan lamang na panahon ito upang magkasama-sama ang
magkakapamilya o magkakaibigan.
Sa kasalukuyan ay ‘di pa maaaring lumabas ng bahay kung di naman kailangan,
pero bago nangyari ito, napakaraming kainan ang matatagpuan sa mga mall, parke,
at iba pang lugar kung saan may mga potensiyal na tagatangkilik. Nag-iba na rin ang
anyo ng mga ito na hindi lamang limitado sa mga ordinaryong tapsihan o kapehan,
bagkus marami na ring mamahaling kainan mula sa mga lokal at global na food chains.
Bawat isa sa kanila ay lumilikha ng identidad upang makahikayat ng mga konsyumer
at isa na nga rito ay ang iba't ibang kaparaanan kung paano nila ibinebenta ang
kanilang mga produkto.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Suriin
Natin!

Kapansin-pansin ba ang pangalan ng kainan sa kasalukuyan? Ang mga


disenyo kaya ng bawat restawran ay nagbabago na rin? o di kaya ang pangalan ng
mga pagkaing inihahain na matatagpuan sa listahan ng menu ay inobatibo at
malikhain bang maituturing? Ilan lamang ito sa mga estratehiya o mga
pagbabagong ating napapansin upang mas dumami ang tagatangkilik ng isang
restawran.
Upang magabayan sa pagbuo ng malikhaing pagpapangalan sa menu,
gayundin sa paglalarawan ng mga ito, tatlong salita ang dapat na isaalang-alang:
hitsura, tekstura, at lasa. Ito ang pangunahing tinitingnan ng mga tagatangkilik bago
sila umorder ng kanilang kakainin. Kung hindi sila makukumbinsi sa listahan pa
lamang ng menu, maaaring hindi na sila bumalik sa isang restawran at hindi na
muling kumain.

1. Hitsura. Layunin nitong takamin ang tumitingin sa litrato upang masigurong


pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita. Inaasahan dito ang pagiging
kakaiba ng kulay o presentasyon ng pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan
ito. Halimbawa, upang mas maging kapani-paniwala na masarap ang isang pritong
manok, maaari itong lagyan ng paglalarawan sa hitsura nito na golden brown. Kung
green mango shake naman ang nais inumin, inaasahang maipakikita sa larawan ang
tunay na pagkaberde ng isang sariwang mangga.

2. Tekstura. Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita sa menu at


kung gaano ka-artistiko ang pagkakahain upang mas maging kapana-panabik ito sa
mga tagatangkilik. Inilalarawan dito kung ang manok ba ay malutong, makatas,
malasa, at iba pa. O di naman kaya kung ang cheesecake ba ay makrema, malambot,
pino, matamis, o may iba pang paglalarawan.

3. Lasa. Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga
tagatangkilik ang produkto. Sa menu, inaasahang mailalarawan kung ano ang lasa ng
pagkaing nakikita nila bago pa man bumili ang mga tao. Halimbawa, matamis, maalat,
maasim-asim, maanghang, at iba pang uri ng paglalarawan.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Nakikilala mo ba ang
mga tinalakay natin
hinggil sa hitsura,
tekstura at lasa?

Pinagmulan: "Lechon Kawale and Pancit -


Karihan Filipino Food" by mmmyoso is
licensed under CC BY-NC-ND 2.0

Tandaan, sa pagbibigay ng deskripsiyon ng pagkain lalo't kung ikaw ay


maaatasang lumikha ng menu, siguraduhing mahusay at detalyado mong mailalarawan
kung ano ang hitsura, tekstura, at lasa nito. Ang tanging batayang prinsipyo ukol dito ay
magpokus sa panlahat na konsepto ng iyong inihahain sa pamamagitan ng pagtalakay
sa lasa at amoy nito upang maakit ang kakain.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Menu


1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal sahog
2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay
4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng
restwaran at
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

A. Malayang sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang anyo ng


komunikasyong teknikal?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Maituturing bang isang prayoridad ang pagsulat ng menu sa
kasalukuyang panahon? Panindigan ang iyong sagot.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Masasabi mo bang inobatibo na ang mga restawran sa kasalukuyan
lalo na sa pagdedebelop nila ng kanilang menu?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Ano-ano ang tatlong salita na dapat isaalang-alang tungo sa
mahusay na pagdedebelop ng menu ng pagkain?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Ilarawan ang batayang prinsipyo upang makalikha ng epektibo at
kaakit-akit na menu ng pagkain?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
B. Suriin ang menu na makikita sa ibaba gamit ang tatlong pangunahing
pamantayang tinalakay sa aralin. Isulat ang iyong mga
makabuluhang puna ukol dito.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

1. Hitsura
________________
2. Tesktura
________________
3. Lasa
________________

Pinagmulan: "Menu" by Iana Peralta is


licensed under CC BY-ND 2.0

Panuto: A. Bumuo ng isang menu mula sa sumusunod na mga pagkain:

1. tapsilog
2. longsilog
3. chicksilog
4. tosilog
5. silog

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

Tandaan: Siguraduhing mailalapat ang mga pangunahing prinsipyo, gayundin ang


mga teknik sa pagbuo ng kaakit-akit na menu. Bigyang-pansin ang paggamit ng
angkop na salita upang mailarawan ang pagkain. llahad at ipaliwanag ito sa isang
buong talata.
B. Gumawa ng isang kakaibang menu mula sa sumusunod na mga pagkain:

1. adobo
2. carbonara
3. pizza
4. halo halo
5. salad
Tandaan: Tiyaking may gagamiting kakaibang sangkap sa iyong menu. Gumamit ng
mga salitang naglalarawan sa hitsura, tekstura, at lasa. Gawin itong katakam-takam
at kapanapanabik.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Kinakikitaan ng awtensidad ang nilikhang 10
materyal.

10
2. Artistiko ang pagkakasalansan ng menu na
ginamitan ng malarawang salita
10
3. Malinaw at angkop ang mga salitang ginamit
sa paglalarawan ng pagkain.

4. Mapanghikayat ang mga salita at may sinunod


na tema ang konspeto. 10

40
Kabuoan

Tayahin
Natin!
A. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject


NAT BAITANG 12

A B
1. lasa l. batayang prinsipyo
2. menu m. listahan ng pagkain
3. artipisyal na sahog n. kakambal ng mga kainan o
4. tekstura restawran
5. salita o. binabalik-balikan
6. tagatangkilik p. paghahabi ng pagkain
7. hitsura q. makapangyarihan
8. tematik r. kakaiba
9. panlahat na konsepto s. prinsipyong dapat iwasan
10. turismo t. mga mamimili o kliyente
u. disenyo ng restoran
v. tipograpikal na pagkakamali

Panuto: Upang higit pang mapagtibay ang kasanayan sa pagbuo ng menu, nakatala
sa ibaba ang ilang salitang Ingles na maaari mong magamit. Isalin ang mga ito sa
wikang Filipino.
1. Juicy 6. Delectable
2. Fresh 7. Irresistible
3. Paired with 8. Tasty
4. Spicy 9. Melted
5. Yummy

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject

You might also like