You are on page 1of 3

REVIEWER

Ano nga ba ang teknikal at bokasyonal?


Pagbati! Ikaw ay nasa track na Technical-Vocational-Livelihood at ikaw ngayon ay
kasalukuyang kumukuha ng ikatlo at huli mong asignaturang Filipino, ang Filipino sa
Piling Larang ( Teknikal-Bokasyonal ).

Sinasabing ang salitang teknikal ay nagmula sa salitang Griyego na tekhnikos na


nangangahulugang sining ng pagiging sistematiko o tekhnē na nangangahulugang
kakayanan.

Habang ang salitang bokasyonal ay nagmula naman sa salitang ugat na bokasyon


mula sa wika ng Lumang Pranses na vocacion na nangangahulugang propesyon o
karir.

Samantalang ang livelihood naman ay nagmula sa Makalumang Ingles na līflād na


nangangahulugang paraan ng pamumuhay.

Ano nga ba ang teknikal-bokasyonal na larangan o Tech-Voc?


Ang Teknikal-Bokasyunal na larangan ay tumutukoy sa mga kurso o karir na may
espesyalisadong kasanayan o skills ang teknikal-bokasyonal na larangan o Tech-Voc.

Ang Layunin ay nangangahulugan ng intensiyon, adhikain o ang mga bagay na nais


gawin o isakatuparan ng isang tao
ang layunin ay maaaring tinatawag na mithiin at ito ay halos inihahalintulad sa mga
salitang dahilan kung bakit mo ginagawa o gagawin ang isang bagay o ng tunguhin.

Ano nga ba ang Layunin ng Komunikasyong Teknikal?


Ayon kay Francisco at Gonzales (2017), upang mas malinaw maipahatid ang mensahe
sa larangan ng komunikasyong teknikal narito ang mga sumusunod na layunin mula sa;
1. MAGBIGAY NG IMPORMASYON – isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng
impormasyon ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto.

2. MAGSURI – ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang implikasyon


ng mga pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

3. MANGHIKAYAT – upang kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan nito.


Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay ng impormasyon.

Ano-ano ang mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal?


Ayon kay Francisco at Gonzales (2017) narito ang pitong elemento ng komunikasyong
teknikal;
Una, ang awdiyens ang nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaring maging
tagapakinig, manonood o mambabasa.
Pangalawa, ang layunin ay ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang
pagpapadala ng mensahe. Dito makikita ang mga adhikain na
nais gawin o isakatuparan.
Pangatlo, ang estilo ay kinapapalooban ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan
kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe.
Pang-apat, ang pormat ay tumutukoy sa ginabayang estruktura ng mensaheng
ipadadala.
Panlima, ang sitwasyon ay pagtukoy sa estado kaugnay sa layunin na nais iparating
ng mensahe.
Pang-anim, ang nilalaman ay ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
Pampito, ang gamit ay pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala
ang mensahe.

Mga Uri ng Pagsulat


Ang AKADEMIKONG pagsulat ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report,
eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon. Itinuturing din itong
isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan

TEKNIKAL. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga


kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng
manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.

DYORNALISTIK. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang


ginagawa ng mga mamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita,
editoryal, kolum,lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o
magasin.

Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at


tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o
endnotes para sa sinomang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na
tinukoy.

PROPESYONAL. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na


propesyon. Bagama’t propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang
paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral.

MALIKHAIN. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon
ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.

You might also like